Chapter 3: Hunting game
Winter's POV
Matapos ng kaguluhan kanina hindi na ako nakapag-fucos. Lutang na ako hanggang tanghalian at sunod lang ako nang sunod kina Kiana.
I am with Kiana and Isabelle, the latter is really a nice girl. Every guy we passed by would say hi or hello to her. While Kiana is silently walking and in my case, some are saying nice things about me that I don't really care.
Ngayon na lang siguro sila nakakita ng bagong mukha sa loob ng maraming taon.
Pagkapasok pa lang namin sa malaki at malapad na canteen sinalubong agad kami ng mga tinginan ng mga studyante. Tila ba ay nakakita sila ng buhay na dyosa.
And I'm amazed. Ang dami kasing studyante na kumakain ng tanghalian. Halos wala ng bakanteng mesa, ngayon saan kaya kami uupo?
Nasa pinakagitna na kami ng canteen nang tumigil kaming tatlo.
Nakatingin ang mga kasama ko sa mga studyanteng nakaupo sa pinaka-unang mesa.
And I think I know what will happen next, I've read and watched it on TV. At hindi nga ako nagkamali, without words being said, the mere student body before us stood and left like good cats.
"Nice, they understood easily. I thought we had to use force," Isabelle said as we three sat.
Grabe, gangster na gangster siya 'don ah. Kawawa naman 'yong umalis.
"Pwede ba talaga natin silang paalisin? Nauna sila satin," tanong ko pa pero naupo rin ako. Naupo rin si Isabelle.
"Of course, we're VIPs. As long as our gang remains at the top of the food chain, we can do whatever we want, unless Leader wouldn't agree to it," kumpyansang sabi niya.
That's great. Malaki na nga ang dorm, VIP pa sa lahat ng bagay. Swerte na ba ako kasi nakikitira ako sa kanila? Mukhang sila lang ang maasahan ko rito.
"Teka, bakit naupo tayong lahat? Sino ang mago-order?"
Nagtatakang tanong ni Kiana. Oo nga. Naupo kaming tatlo at handa ng kumain ang kaso walang pagkain.
"Ewan ko."
Nagkibit-balikat lang si Isabelle at tinuro ako. Oh?
Tinignan rin ako ni Kiana at sabay silang ngumisi. Teka, wag nilang sabihin na ako ang—
"Newbie ka 'di ba, dapat i-try mo rin ang lunch counter namin."
Nakangisi pa ring saad niya at ako naman tumayo na lang. Okay. Ako na ang mag-oorder mukhang wala naman akong magagawa eh.
"Anong order niyo?"
"They memorized it. Just say it's ours."
Ayos din ah. Memorize na ng mga canteen staffs ang palagi nilang kinakain.
Wala ng pila kaya mabilis akong nakalapit sa lunch counter at um-order. Habang nag-aantay sa order ko ay nahuli kong nakatingin ang isang canteen staff sa'kin.
Naka-braid ang buhok niyang nasa magkabilaang gilid ng kaniyang mukha at nakasalamin ng makapal. I can say that she's cute even if she's a nerd. But she's too young para maging canteen staff, malamang studyante rin siya.
"May kailangan ka? Bakit mo ako tinitignan ng ganiyan?"
Tanong ko. I didn't mean to scare her but she panicked. Gano'n ba ka-siga ang pag tanong ko? Grabe naman 'to. Nagtatanong lang eh.
"Aah-ahh..kasi...ahm, kasi...ang..ang ganda mo," she stuttered, blushing.
Ako naman hindi naiwasang ngumiti. Hindi naman sa nagyayabang ako ah, pero palagi ko 'yang naririnig sa kahit sino.
Ngumiti ako sa kanya na siyang mas ikinapula niya.
"I'm Winter Montreal. I'm the newbie—"
"Ciexarder! You can't do this to me! You can't just remove me from my position!"
Hindi ko na natuloy ang dapat kong sasabihin nang umalingawngaw ang galit na tinig ng isang babae. Lahat ng tao napalingon sa lalaking kapapasok lang.
The guy, he looks bored and yeah, bad trip. His facial expression is unreadable and he walked as if he owns the way. He's looking straight, at nang sandaling nagtama ang paningin niya sa'kin ay biglang kumabog ang dibdib ko. Paano ba naman kasi, sobrang sakit niya tumingin na akala mo naman ang laki ng atraso ko sa kanya.
Ilang minuto pa ang itinagal ng malalalim at mabibigat niyang tingin habang palapit siya sa counter.
His eyes were locked on mine while he's approaching me. The stares are still the same; deep, dark and heavy. Damn, in his serious and cold stare my heart is beating fast and strong. I laughed in my mind when I find my reaction cheesy. Until he rolled his eyes on me and stopped exactly in front of the counter.
Wait, what again? Did he just roll his eyes? What the?
"Give me my strawberry cake. Faster," he ordered coldly and bored at pairap na lumingon sa'kin.
Kumunot ang kaniyang noo at tumaas ang kilay nang mahuling nakatingin ako sa kanya. Nakatingin ako sa kanya hindi dahil sa kung anong dahilan kung'di dahil parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko lang maipaliwanag.
"What the hell are you looking at? Quit staring, you idiot," mataray na asik niya at pinaikutan ako ng mata.
Seriously? Pinaikutan niya ako ng mata?! At bakit ba ang sama niya makatanong? Tinitignan ko lang naman siya ah. An idiot?
Humarap na lang ako sa counter para sana kunin ang in-order ko pero wala pa rin. Ang tagal naman.
Napangiw ako kasi inuna pa nila 'yong masungit na lalaki na huli lang dumating.
Nakuha na niya 'yong cake niya at aalis na sana nang may humarang sa kaniyang daraanan. To my surprise, it's the girl na kakaiba kung tignan ako. She looks furious and annoyed.
Nagpupuyos siya sa galit na lumapit pa sa lalaking mukhang bored na bored, yung katabi ko ba. Ilang beses na nga siyang umirap eh.
"You can't remove me from the council without acceptable reason, Rosevelm. Hindi pwedeng basta-basta na lang—"
"I want to remove you, that's all," putol sa kanya ng lalaking sumusubo ng cake at nilagpasan siya.
Siya naman parang iiyak na sa galit. Ni-hindi niya ako napansin na nanunuod lang sa kanila.
Hinabol niya ang lalaki at muling hinarangan ito. Lahat na yata ng studyante nanunuod at nakikinig sa kanila ng tahimik. Even my companions.
"Because you want to!? That's it? Shit.That's a goddamn shit reason you ever had, Rosevelm! Even the president doesn't have the authority to do that just because he wants to. He needs reason and such, but you!? This is ballshit!"
Pag-aalsa pa ng babae pero ni-hindi siya tinignan ng kausap. Bagkus walang gana itong nagsalita ng pabanta.
"I really hate it when someone is yelling at me. That annoys me so much, sometimes I kill them with my bear hands, so watch out. And it's you who said it, the president doesn't have power and authority but I have. I have all, you know. So just leave your ass behind and enjoy living as if we never once met," malamig na banta nito at walang pasabing umalis dala ang cake niya.
Seriously. He's irritating. He's so rude and disrespectful. I even hate his words. Sino ba siya? Parang ano lang.
Nang nakuha ko na ang order ko ay dinala ko na ang tatlong tray kina Kiana sakto namang dumating sina Loki, Blaise, Zetro at Adira.
"Hi guys, so how's your meal?"
Bungad na tanong ni Zetro na agad nagpataas sa kilay ko. Aware man lang ba siya na hindi pa kami nakakakain o sadiyang ganiyan lang siya bumati.
"Gago, hindi pa nga kami kumakain eh. Kunting common sense naman kung mayron ka!" Singhal sa kanya ni Isabelle.
Yeah, I agree. Ngumiwi lang siya at hinila si Blaise sa lunch counter para siguro omorder.
Akmang susubo na ako nang nagsalita si Loki na nasa tabi ko pala. He seemed bad trip din.
"I saw Ciexarder came out from here, I heard rumours outside and I found out that the Student Council is again searching for a new secretary. "
"Exactly, they're hunting for a new one," dagdag ni Zetro.
They're back, gano'n lang kadali samantalang ako kanina naghintay pa. Kulang na lang abutin ako ng dekada 'don kanina, e.
"Pangatlong hanap na nila 'to ng student council secretary, ah. Buwan-buwan talaga nagpapalit sila ng secretary, walang nagtatagal," si Isabelle ay nakisawsaw na rin.
Talaga? Bakit naman kaya? Apaka sipag naman nila maghanap kung gano'n.
"That's Ciexarder's doing again. I'm sure he used his damn power again to remove Julie."
The name rang a bell. Julie? Julie is a random name, I know but by the mention of it reminds me of that girl back there.
Nakikinig lang ako sa usapan nila. Pero halatang may galit si Loki sa Ciexarder na 'yon, halata kung paano siya magkwento.
"Pero hindi naman siya ang SCP diba?"
Nakitanong na rin ako. Obvious ba, Winter? Kakasabi nga lang noong former secretary.
"Yes, he's not. He's just a fucking useless Vice President but he's the one controlling the whole Student Council. Sunod-sunuran lang ang Student Council President sa gusto niya. He's a manipulator, useless and an irritating guy," galit na sagot ni Loki.
Halatang malaki ang galit niya sa Ciexarder na 'yon dahil kanina pa talaga nagsasampukan ang mga kilay niya. Is he even aware of it? Damn this man.
"Siya ba 'yong lalaking may cake kanina, Kiana?"
"Yeah and si Julie Alvarez naman iyong babae. Student Council Secretary na pinatalsik na naman. At ngayon bakante na ulit ang posisyon. You can apply pero baka hindi mo makasundo ang Vice President," natatawang suhesyu niya lang at kumain.
Naah. No way in hell. Kaysa sayangin ang oras sa council na 'yan hahanapin ko na lang si Ate Alizza. Iyon ang pangako ko kay Inare. I will keep that promise. And also, ano ba'ng mapapala ko riyan sa council na 'yan? Suliranin. Sakit sa ulo.
After P.E. class pumunta ako sa girl's locker room at shower.
This school isn't that boring. It has big buildings for students. A large soccer field, a small gymnasium and a big library. Big buildings for dorms and more.
I opened my locker and put my things inside and locked it after. I was about to turn around when I felt someone watching me.
Biglang umakyat ang kaba sa dibdib ko, it's like the feeling when I was in the forest and was surrounded by the Devillion League gang.
No way it's one of them. I need to be ready. Papatayin yata talaga nila ako.
I can feel that someone's approaching kaya agad akong lumingon at napaatras nang bumungad sa'kin ang isang matangkad at makisig na lalaki.
Napalunok ako nang tignan niya ako ng diritso sa mata. Shit, his eyes are so cold and his stares are making my knees tremble.
"A-Anong kailangan mo sa'kin?"
Nauutal na tanong ko at napakuyom. Hindi naman siguro niya ako papatayin 'diba?
He just stared at me for seconds before he talked coldly.
"Don't be so scared, I will neither touch nor kill you. I'm just checking you out. You're really beautiful, I must say...but you remind me of someone," saad nito at humakbang palapit kaya napahakbang ako paatras.
I can't trust him, hindi ko siya kilala. He must be Nazi or one of those punks. Baka kapag 'di ako nag-ingat ay 'di na ako sikatan ng araw.
"I don't care about that. Whatever. And I hate your presence. You look dangerous," seryuso kong sabi at pilit tinago ang kaba.
Kakaiba rin siya tumingin eh. Iyong tipong tagos sa buto. Marami pa bang katulad niya rito? Una ang babaeng Julie ang pangalan, second ang lalaking panay umirap. Then him. Who's next?
"I'm really a dangerous man, so watch your tongue. I wonder why Olivia is still hanging and not touching you. What's her plan, huh? "
Sabi pa niya at tila malalim ang iniisip. Ako naman dahan-dahan na kinakapa ang ballpen sa bulsa ko. It might be just a pen but I can make him blind with it.
'Kala niya?
"I'm excited on how would you survive. Malamang may dahilan ka kung bakit ka pumasok dito. It's either naligaw ka o sinadya,"
Dagdag pa niya at humakbang palapit, sa sobrang lapit niya agad ko ng nilabas ang ballpen at itinutok mismo sa harap ng mata niya. Bubulagin ko siya kung may masama siyang gagawin. Hindi ako nagbibiro. I need to survive so that I could find Alizza and get outta here. I can't be reckless. Goodness.
Mukha naman siyang nagulat sa approach ko at tumaas ang kilay. Unti-unti siyang natawa ng mahina sa akin.
"Oh? A pen, huh? But I have a gun here," nakangiting wika niya at may hinugot mula sa kanyang likuran.
Parang tinakasan ako ng dugo nang itutok niya mismo sa ulo ko ang baril na kaniyang hawak sabay sumeryuso ang kaniyang mukha.
Now he's turning into something scary. Seriously, who's this guy?! Palagi na lang talaga ako nalalagay sa piligro.
Para akong napipilan sa kinatatayuan ko at dahan-dahan na lumuwag ang hawak sa ballpen. Hindi ko namalayan na nahulog na pala ito sa sahig.
"Tsk. I'll spare you this time though."
Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang ibaba niya ang baril at binalik iyon sa kaniyang likuran.
Now he's standing forty-five degrees with his head held high.
"Sino ka ba? You have a gun, 'di ba pinag babawal 'yan?"
Wala sa sariling tanong ko at pinakalma ang sarili. Mukhang hindi na niya ako papatayin.
He chuckled as he answered.
"It depends upon the person. Like me, I'm free to hold guns since I'm Rayven Loststone. Ask your friends about me, anyway, nice meeting you newbie. Mukha kang palaban, pero mukha lang," sabi niya at iniwan na ako.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag. This place is terrible. Ang daming pa-misteryos na tao.
Hindi ko alam kung paano ako makakatagal dito lalo pa at wala na si Inare ngayon, tapos hahanapin ko pa si Ate Alizza. I need help but I don't know where to ask to. Pwede naman kina Kiana diba, kinupkop nila ako.
Napatingala ako sa isang sulok ng locker room nang may boses na nagsalita. May nakasabit palang speaker.
"Addressing all the students and teachers of our beloved Hidden University to please go to the covered court for a brief special announcement. This order is from the head director, Mrs Olivia Avelarde."
Olivia? Ilang beses ko ng narinig ang pangalan na 'yan. Mula kina Loki...and I heard that name that time. When we're at the hands of the Devillion League.
Pagdating ko sa covered coura may mga studyante ng nakaupo sa monobloc chairs. Halos puno na pero natuon ang atensyon ko sa pinaka-unang set ng upuan na walang mga tao. Ano 'yon? Reserved?
"Nandito ka na pala, kaibigan. Nauna ka na pala."
Biglang may umakbay sa'kin at pagtingin ko nakita ko si Isabelle. Malaki ang ngiti and as usual, nakaka halina ang ganda.
"Tingin ko tayo na lang ang hinihintay nila. Halos nandito na lahat eh."
That was Zetro again. Baby face is present.
Nauna na sila ni Loki at Blaise. Hinila naman ako ni Isabelle. Pinagtitinginan kami ng mga studyante na parang mga artistang dumaan. Tss, can't they just look away?
Pinagitnaan ako nina Kiana at Isabelle kaya wala na akong kawala. Hanep. Bakit ba kasama nila ako rito sa unahan e hindi naman ako kasama sa gang nila. VIP sila kaya sa unahan sila pero ako? Sampid lang ata ako rito eh.
"I guess, dapat sa likod lang ako. Nakakahiya na kasama niyo ako dito sa harap——"
"No, it's okay. Everyone knows that you're our guest. Blaise announced that," si Kiana.
Ah, so ina-nounce talaga yun ni Blaise. Papaym eh?
Ilang sandali pa may umakyat sa stage, it's the Student Council President. If my memory serves me right, his name is Blake Keythone.
Sa unang tingin masasabi mong gwapo talaga siya at may dating lalo pa at mahilig siyang ngumiti.
"I'm greeting you all a good day. First things first, we gathered everyone for the announcement of the strongest gang for this month and for the top-ten most high ranking students. And also, our very own head director has an announcement afterwards."
Magaling na umpisa ng president. Lahata nakikinig maliban na lang sa mga nasa unahan rin maliban sa amin. Special mention sina Blaise at Zetro na nakikipag bangayan sa ibang nasa unahan rin. Hindi ko sila kilala pero nasa VIP seats rin sila.
"Sino sila?"
Mahinang tanong ko kay kiana. Buti pa siya tahimik lang.
"Members din, Armies sila ng second general sa gang. Their general is Dilan Ludwig, the one on the corner," si Kiana.
Pasimpli niyang tinuro ang lalaking nakaupo sa dulo. But honestly speaking, he looks bored as well as Loki.
"And I guess I will be the one to announce. First, for the strongest gang, let's start at the bottom,"
Muling wika ng president at tinignan lahat ng studyante isa-isa. Even his eyes laid on me.
"Let's begin with the Rival Monarchy."
Sandaling nag-ingay ang paligid hanggang sa may umakyat sa Stage na lalaki. Matangkad, moreno at may munting ngiti sa labi.
"He's Raisen Alonzo. The Rival Monarchy gang leader. Sanay na sila sa Fourth place kaya nakangiti pa rin siya," U usal ni Isabelle.
Oh? Kaya pala mukhang okay lang sa kaniya na huli sila.
"Next is the Spider."
Sunod na umakyat ay—wait, I know him. Naningkit ang mata ko nang makita ang lalaki kanina sa locker. Siya ba ang leader ng Spider? Kaya pala nakakasindak. Pero sa totoo lang, nayayabangan ako sa kanya.
"Next, the Devillion League."
Hinintay ko talaga na umakyat sa stage ang leader ng DL. I don't know who he is, hindi ko siya kilala kaya kailangan kong makita ang mukha niya.
Pero isang lalaking nakasalamin ang umakyat. Pero hindi katulad ng ibang nerd na mahiyain. Siya halatang-halata sa ngisi na demonyo.
He's smirking and his eyes shout for blood. Parang nagising ang natutulog kong galit nang tumingin siya sa akin at ngumisi.
"He is Jacob Blackhood; the psychopath, kapatid 'yan ng pumatay sa kaibigan mo."
Napatingin ako kay Blaise nang magsalita siya. Hindi ko na kayang tignan iyong Jacob kaya wala sa oras na naligaw ang tingin ko sa baba ng stage kung nasaan nakatambay ang ibang member ng student council.
Napako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa mono bloc chair at naka-crossed legs at crossed arms. Nakapikit ng matiim ang mata at sa unang pagkakataon hindi masungit ang itsura niya. Payapa siyang natutulog at mala-anghel naman talaga ang itsura. How can that man sleep while sitting and while in a public place? The Vice.
"And remains at the top, the strongest gang for almost five years, the Black Elite Society."
Nabalik ang atensyon ko sa stage, nag-iingay na naman ang ibang studyante na naghihintay sa leader ng BES, pero laking gulat ko nang isang seryuso at matapang na si Adira ang umakyat.
I thought I will have the chance to finally see their leader. He saved me, dumating sila kaya buhay pa ako ngayon.
Marami akong naririnig na bulong-bulungan. I heard some saying that it always happens. That the man behind the mask is still unknown.
Sabay-sabay bumaba ng stage ang apat.
"Now it's our head director's turn, Mrs Olivia Avelarde."
Bumaba na ang president sa stage at binigay ang mic sa babaeng may katandaan na. Nasa late 40s na siguro siya, pero hindi halata dahil sobra siyang makangiti idagdag mo pa na naka-make up rin siya.
Sa isang tikhim lang, tumahimik ang lahat at tinuon sa kanya ang atensyon.
"Good day students, may I lend your ears for a moment. Congratulations for the four gangs, and now I will announce the top-ten most high ranking students."
Buong oras ay nakangiti lang siya at isa-isang tinitignan ang lahat at nang sa akin na ang mata niya. Para niya akong sinusuri at sa laki ng kaniyang ngiti ay iba ang naramdaman ko. Hindi ako komportable sa titig niya. This isn't the first time though, I've feel it too when I had an eye contact with Nazi, in the forest, when I first met Rayven and Ceixarder.
"The tenth place; Jacob Blackhood, ninth;Loki Llezzur, eighth;Zen Arsenal, seventh;Adira Escarial, sixth; Raisen Alonzo, fifth; Rayven Loststone, fourth;Blake Keythone, third; Nazi Blackhood, second; Ceixarder Rosevelm, and the highest; known as Leader."
Sunod-sunod na nag siakyatan sa stage ang top-ten most highest students, pero may isang hindi nakaakyat.
Nagsibabaan na ang top-ten most highest students at bumalik sa kani-kanilang upuan. And as expected, walang umakyat sa pwesto ni Leader at ni Ceixarder Rosevelm.
"Congratulation students, you're really standing out. And now, here we come for the special announcement..." Olivia trailed as she eyed everyone. "We will be having a game and it is called a 'Hunting Numbers' game!"
Masayang anunsyo niya sa lahat at hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti sa labi. May nagbulong-bulungan na naman at maraming nagtataka.
"What game, Olivia? I bet it's a game of life na naman. Demonyo ka talaga."
Napalingon ako kay Isabelle na nagsalita. Seryuso ang mukha niya at masama ang tingin kay Olivia. Hindi rin maganda ang pakiramdam ko rito lalo pa at ilang beses niya akong tinignan.
"This game is fun, believe me, students. Look under your chairs and you will find a circular thing with number's engraved."
Agad namang tumayo ang mga studyante at tinignan ang ilalim ng upuan nila. Agad na umingay ang paligid nang may makita silang maliit at pabilog na bagay.
"Let's see, anong number kaya ang akin?"
Tumayo na rin kami at tinignan ang ilalim ng upuan namin. Kinapa ko lang ang ilalim ng upuan ko at may nakapa akong bagay. Kinuha ko ito at tinignan.
"See? Lahat kayo mayroon. At ngayon tignan niyo ang number niyo at makinig sa limang numerong sasabihin ko: 68, 12, 36, 01, and 06."
Napatingin ulit ako sa numero ko, I've got the number six. What will happen now?
"Mine is 16, how about you guys?"
Si Zetro ang nagtanong.
"09"
"28"
"18"
"98"
Sunod-sunod na sagot nina Kiana, Isabelle, Blaise, at Loki. Nang hindi ako sumagot sabay-sabay silang napatingin sa akin.
Should I tell them? Na nasa akin ang isang numero na ina-nounce ni Mrs Olivia?
"06, I have it,"
Sagot ko rin at pinakita ang numero ko. Nagkibit balikat lang ang iba habang ang iba ay walang nasabi. All we have to do now is to listen.
Marami rin ang nagtatanungan sa mga kasama nila. Mas umingay pa ang paligid pero natahimik din ng magsalita ulit si Olivia.
"Now. Listen, paramihan kayo ng makokolektang numero. Kunin niyo, nakawin niyo o ano man basta makakuha kayo ng maraming numero. I permit everyone to kill their prey, their victim but don't get caught or else you will be disqualified. At ang may pinakakunting makolekta na numero ay may gagawin na task at kapag hindi nila nagawa ang task ay paparusahan sila. A death penalty maybe? And you're required to bring that thing anywhere you go, you may put that on your chest or hide that in your pockets to depend that."
Muli na namang umingay ang lahat at may mga nabigla sa anunsyo. Even me, what kind of game is this? We're risking life for this game.
I heard Loki and others cussed. Mukhang gusto ko ring magmura dahil dito.
"And for those five person who have the numbers I've mentioned, look at the inside, nasa loob ng pabilog na bagay na 'yan ang task para sa inyo. And don't forget, that's a private task. Huwag niyong ipapakita sa iba. At syempre kapag hindi niyo nagawa ang task ay may parusa rin kayo."
Humigpit ang hawak ko sa aking numero. Parang ayukong tignan kung ano ang task para sa akin. Ayuko pang makita to be exact. At paano ba 'yan, nakita na nina Kiana.
"Hindi na kami magtatanong kung ano ang task sa'yo, private task 'yan sa'yo. Pero kung kailangan mo ng tulong 'wag kang mahiya na lumapit sa'min. "
Kiana tapped my shoulder Tumango at ngumiti rin sa'kin ang iba.
I smiled and nodded. Whatever task it will be, I will do my best to do it. Ayokong maparusahan.
"This is fun, I guess. Akala ko mabo-bored na lang ako araw-araw,"
May ngisi sa labing wika ni Loki. Hindi na niya poproblemahin pa ang pagkuha ng numero ng iba, kinatatakutan na siya. Hay. Buhay nga naman.
"And again, get as much numbers as you can, you are free to kill anybody, just don't get caught. This game will end three days from now, and it starts now. Good luck everyone, have fun killing."
Sa huli ay humahalakhak na bumaba ng stage si Olivia at agad na pinalibutan ng apat na lalaki na puro nakaitim.
She sucks. How can she laugh like that when she just announced an evil game?
Unti-unti kong binuksan ang bilog na bagay na hawak ko at pigil hininga bago ko nasilayan ang task para sa akin.
Muntik ko ng mabitawan ang aking numero nang mabasa ko ang nakalagay sa loob.
Nanginginig ang kamay kong pinasok sa bulsa iyon at napasinghap.
Of all people, napaka-swerte mo naman, Winter.
Walang gana akong naupo ulit, nangangatog ang tuhod ko. I need to survive but if it means killing someone...I think it's hard for me.
"What's your task? Tell me, is it that bad?"
Napa-angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa harap ko ngayon. He's smirking and yes, he's handsome, as hell, I must say.
"Loki..."
"Give it to me. I will see it myself—"
"It isn't that bad. Medyo may kabigatan nga lang saka hindi pwede," tanggi ko.
He can do it if it's him. Pero matagal pa ang tatlong araw, makakapag-isip pa ako ng paraan.
"Kyaaaa!"
Isang malakas na sigaw ang biglang nakapagpatayo sa akin.
Agad na nagkagulo ang lahat at may nagtakbuhan. Anong nangyari? Bakit mukhang takot iyong iba?
"Sinong may gawa niyan? Ang brutal naman."
"No way, nagsimula na agad sila? Ayoko na sa larong 'to. Nakakatakot!"
"Hindi na lang ako lalabas ng dorm. Ligtas 'don kaysa sa labas."
Marami ang nagpa-panic at ang iba napapaiyak na.
Ano bang nangyari? I can't see it.
Naki-gulo rin sina Zetro at Blaise sa mga nagkukumpulang studyante at nang makabalik sila naka ngiwi na.
"Anong mayron?"
Si Loki sa dalawa. Pero nagkibit balikat lang sila.
"Students, don't panic. Tumabi muna kayo. Sino ang nakakita ng pangyayari? Any witnesses?"
Usisa ng president sa mga studyante pero walang sumagot. Walang nakakita?
Hindi na nagtanong pa ang president at pinagtulungan buhatin ang bangkay.
At nang dumaan sa gilid namin ang bangkay ng isang babae ay parang bumaligtad na naman ang sikmura ko.
May saksak siya sa tagiliran. Sino naman kayang halang ang bituka ang may gawa nito?
"May patay na agad? Ang bilis naman, mukhang masaya 'to ah."
Sinamaan ko ng tingin si Blaise sa sinabi niya.
"Walang masaya sa nangyayari Blaise. May namatay na, kailangan ba talagang may mamatay?"
"To survive, you need to fight. You need to kill or you will get killed. That's how this place works, Winter. Kalimutan mong tao ka kahit minsan," malungkot pero naka ngiting sagot niya.
Kalimutang tao? Paano? Kung sana kasing dali lang 'yan ng pagbibihis.
Unti-unti ng nagsialisan ang ibang studyante at kami na lang ang naiwan.
Another problem. I need to find Alizza first, but this game called Hunting Numbers is messing my head. Lalo na ang task sa'kin: Kill Ceixarder Rosevelm.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top