Chapter 27: found, rescued, and lost
My head is spinning while writing this! Gosh! Parang pinipiga ang ulo ko, ang utak ko, ang puso-charot!😂😂😍
Enjoy!
†★
~Winter's Pov
Para akong hinihele. Pakiramdam ko ay kakagising ko lang mula sa isang matagal na pagtulog na wala akong maalala kung ano ang nangyari nakaraan.
I opened my eyes and the not so soft mattress filled it.
Teka, Ano nga ulit ang nangyari? Diba kasama ko si Martina at si Blake? Then we went to the forest, we encountered Nazi and the mafias and then-fuxk! No way!
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Agad kong pinalibot ang tingin ko sa buong kwarto. Madilim, malamig, walang ni isang bintana ang buong kwarto.
"Ceixarder..." Yun agad ang pumasok sa isipan ko.
I know he'll come. Sana. But how about Martina and Blake? Nasaan sila?
Tatayo sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Tanging daan para makalabas ako dito.
Napasinghap ako sa galit ng makita si Nazi. His face is unreadable, dim and emotionless.
His cold stares traveled to my whole body figure and it sent extreme anger in me.
I felt disgusting looking at him.
"Where's Blake? Anong ginawa niyo sa kanila ni Martina? You can't touch them! Remember?!" I pointed out but my blood boil when he remained silent.
Di ko napigilang matawa. Kanina pa ako, kanina ko pa sinusubukang matakot pero hindi ko yun maramdaman. Actually I felt nothing, parang gusto ko pa ngang sagarin ang pasensiya niya.
"Uh, never mind. I'll just go out then. I'll check them." Hamon ko at naglakad palapit sa kanya, naka harang siya sa pinto.
Gago 'to eh. In-injectionan ba naman niya ako ng pampatulog kanina.
Gaganti ako sa lalaking 'to. Wait lang.
"Don't push my patience too much. I'm afraid I'll lost my temper and leash you
up. " sa wakas ay malamig na sagot niya.
Nginisian ko siya sa sobrang inis at galit. I remember what he did earlier. At kapag malaman ko lang kung ano ang ginawa niya kina Martina, humanda talaga siya sakin.
Mukhang siya lang ang matino sa pamilya niya kaya baka mabalian ko pa siya ng buto. Sayang lang.
"This is against the rule of Student Council! You can't touch us--"
"And do you think I care? Damn woman, I don't care anymore. Especially now, you're my ace against Ceixarder." Ngisi niya at akmang hahawakan ako ng agad kong tinabig ang kamay niya.
He laughed, again, making me more annoyed.
"Fuck you--"
"You want me to? Oh, good idea. I feel like fucking tonight,"
Aniya. At kung tama ang pagkakarinig ko, tonight ang sabi niya. So, gabi na?
O fuck it! Ilang oras ba akong tulog? Nasaan ako? At nasaan ang mga kasama ko?
Napaatras ako ng humakbang siya palapit sakin habang nakangisi.
Napakuyom ako sa galit lalo na ng napaupo na ako sa kama.
"I'll play with you first since Ceixarder hadn't decided yet. Do you know that I played with him like what I did to Blake?"
Aniya. He took a step forward and I stood up suddenly. With gritting teeth and burning eyes, I tried to punch him but he caught my fists.
"He won't fall in your trap!"
"Uhuh? But it's you? I know he will willingly fall for it just to save you. And even he can rescue you from here, he's still in my trap. You know why? Because...."
He trailed it, then he laugh. Mas lalo akong nagalit at hindi ko na kayang magpigil pa.
Just one push Nazi, just one push.
"Ahh, also, do you wanna know what I did to your colleague? That girl named Martina Velasquez? Damn, she's a great fighter. She fought back earlier but unfortunately, she died--"
"Fuck you to the infinity and beyond! Nazi."
I retorted and without second thought, I punch him in the face, full force and followed by another one that he didn't dodge.
Napamulagat siya sa gulat dahil sa ginawa ko pero kalaunan ay ngumisi rin.
Mas lalo lang akong nainis sa ngisi niya.
"Hmm. Strong, brave and beautiful. Palaban, Ceixarder has a nice taste."
Saad niya. Nakita ko ang dugong tumulo mula sa labi niya dahil sa suntok ko.
Now it's my turn to laugh. I grinned as I watch him clenched in pain.
"Nice taste Nazi? E ikaw? Ano ka? Ah, wala palang nagmamahal sa'yo. Demonyo ka kasi."
"That line is used up too much. Think of something new."
"But that's the only title that suits you very well."
"A demon then." Pagpakumbaba niya at naiiling na umatras.
"I'll pay you a visit again. I'll just play with your boyfriend. Or maybe, I'll bring him here? As well?, what do you think?"
Nakangising sabi niya bago tuluyang nawala sa paningin ko.
Agad napawi ang ngisi ko at napalitan ng pag-aaalala. Nasaan na kaya si Martina? Si Blake? Is he okay? And Ceixarder, is he..fine? Hinahanap kaya niya ako?
Ilang oras na rin akong naka upo sa head board ng kama at nakayakap sa mga tuhod ko.
Ni wala man lang kumot, at ang lamig pa!
Though I can't see what's happening outside, I know it's deep night already. Maybe almost twilight? I not sure.
I look at my uniform and took off my jacket above my white polo shirt. Ginamit ko ang jacket ko bilang kumot sa aking binti.
Ilang oras pa akong ganun lang ang posisyon nang biglang may narinig akong putok sa labas.
Shit! Ano na naman ba ang nangyayari?
I stood up, walk towards the door when suddenly, kumalabog ang pinto. At nasundan ng isa pa.
Hinanda ko na ang sarili ko sa kung sino man na bubungad sakin at pumusisyon ako gilid ng pintuan.
I heard another slam on the door again and again and again.
Until I saw the door knob slowly moving making me step backward.
Then the door slowly...split apart.
Parang tinatambol ang puso ko sa bilis ng tibok nun. A sigh of relieve and joy escape my mouth the moment I saw Ceixarder.
Dahan-dahan akong napaupo sa kama habang nakatingin sa kanya na naglalakad palapit sakin.
"Adept--"
I gasp when he hug me tightly. I can feel his frustration slowly fading, his desperation leaving his soul for he found me now.
"I'm afraid....I..I..thought you..."
He can't even finish his phrases. Niyakap ko rin siya pabalik, unti-unti siyang napaluhod sa harapan ko habang magkayakap parin kami.
His hug tightened even more when we heard noises, grunts and thuds outside.
I wanna ask what's happening outside but I choose not to.
"I thought I'd lost you..." He whispered over my ear.
Kumalma na siya ngayon at ng kumalas siya, bumungad sakin ang puno ng emosyon niyang mata.
The emotions I can't name, is buried in his eyes.
"What did they do to you? Tell me."
"Nothing. I just sleep here, waiting for the next thing that will happen."
I tried to crack a smile but he remained serious.
"Anong nangyayari sa labas? Si Martina? Si Blake?"
Sunod-sunod kong tanong.
"I'll explain everything later. We need to go now, before they fully equip. We just attack immediately the moment I heard Blake's failed plan."
Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya. Failed plan? May plano pala siya? Don't get me wrong, I don't feel any hatred towards Blake though he put us in this dire situation. But I didn't know he has plan, he got beaten up earlier!
Nagpatianod nalang ako kay Ceixarder ng hinawakan niya ang kamay ko at iginaya ako palabas.
Paglabas namin, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga lalaking nakahandusay sa cement.
Unmoving and almost not breathing.
Heck? Sila ba may gawa nito?!
"Ah, sorry. My bad. I did that earlier, they blocked my way." Nakangusong sabi ng lalaking ang lakas ng loob na hapitin ang bewang ko.
At mas oras pa akong mamula!
Di niya yun napansin pero nakangiti ako habang naglalakad na kami palayo mula sa silid na pinag kulungan sakin.
"Teka. Nasaan pala tayo?"
Tanong ko nang mapansin na mukhang ang dilim masyado. Palabas na kami ngunit madilim pa rin at may mga ingay kaming naririnig.
"We are at the underground. It's the Devillion League's main hideout but there were mafias scattered around. Good thing our Armies were perfectly healed now. Naniningil sila ng utang ngayon." A small smile crept in his sexy reddened lips.
And for Pete's sake, were in the middle of a dire situation yet I find him hot while holding a shiny knife in his left hand while his right sneak upon my waist.
And he damn looks so serious, nakadagdag sa pagiging attractive niya!
"I'll just get this over then we will go home-in my villa." Wika niya at nagawa pa akong kindatan.
Tangay-tangay niya ako habang palabas kami at sinalubong ng dalawang lalaki na nakaitim. Maraming tattoos at may dalang baril.
"Isuko mo--" bago pa maka-angal ang dalawa ay parang kidlat sa bilis na inatake sila ni Ceixarder.
Ni hindi ko naramdaman ang pagkalas niya sakin at ni hindi ko masundan ang mga galaw niya. Kahit noong para siyang lumilipad sa ere.
Basta nakita ko na lang na natumba ang dalawang lalaki. I swallowed hard. Trying to absorb what I've witnessed.
"I'm sorry. Please next time around, just close your eyes."
"Bakit naman?" Naglalakad na ulit kami ngayon at nasa labas na kami. Walang duda, nasa kagubatan nga kami at bukang liwayway na.
"Because I don't want you to witnessed how evil I am. As you can see, I'm too young yet I'd got to kill human like it's nothing. I'm disgusting, Winter. And no one can change that thing about me, no one can ever change my past."
May mapait na ngiti sa labi na sabi niya. Tama naman siya, at dapat matakot o kamuhian ko siya. Pero di ko magawa, ni hindi ko yun maramdaman hindi dahil manhid ako kundi dahil sa alam kong may malubha siyang dahilan.
"I feel proud not disgusted. You, at an early age have done so many appreciatable things while I did nothing great."
Sagot ko at huminto para lang yakapin siya.
He is my savior, di man siya ang unang taga pagligtas ko sa lugar na'to. Siya naman ang naging taga-pagligatas ko nitong nakaraan.
"Thanks for coming."
"Thanks for waiting."
We both said, almost together.
"Ahem! I suggest you two should just continue that later. Let me remind you that we are in the middle of a fight? Oh Come on! " we heard Rox's irritating voice behind us.
Agad kaming nagkalayo ni Ceix at tinapunan siya ng masamang tingin. Napangiwi naman siya.
"Remind me to squeeze his damn neck later, baby. " bulong ni Ceixarder na nagpangisi sakin.
"Oo ba--"
"Ceixarder! Shit! I have a bad news!"
Biglang umalingawngaw ang sigaw ni Zen na puno ng prustrasyon. Agad akong kinabahan lalo na ng makita si Martina at si Blake sa likuran niya. May dalawa pa silang babae na kasama. Mas nga galos ito at gulo-gulo ang itsura.
"Ano yun Zen?"
"Nazi has come back...with his father, mother and the whole mafia organization. Ceixarder Oersted Rosevelm, we were surrounded by the mafias and...we are trapped."
Napasinghap ako sa sinabi ni Zen at nakita ko ang pag-awang ng labi ni Ceix.
We we're trapped...
Is this the end? Kahit saang anggulo tignan ay wala na kaming laban ngayon, napapalibutan na kami ng mga mafia at lahat ng kanilang dekalibreng armas ay nakatutok sa'min.
Ang tanging inaasahan ko, naming lahat ay tanging si Ceixarder lang.
But seeing him like this, like he was lost in all of this is breaking me. His face is dark, his jaw is clenching, his eyes are empty like he wanna give up.
Sa bagay, nakakapagod mag-isip ng taktika para labanan ang ganito ka raming kalaban. Tao lang din siya, nahihirapan, napapagod at di imposibli na sumuko.
"C-Ceix..." My heart is clenching in pain, para itong pinipiga kahit na wala na ngang katas na mailalabas.
Nakikita ko kung paano umawang ang labi ng lahat at kung paano niya sinusubukang huminga ng malalim at huminahon.
God knows how I wanted to cry, how my eyes wanted to bath in the lake of tears, but in the corner of my heart, I'm wishing, more like praying that a miracle will happen.
Na sana may sulosyon pa kami. Pero alam kong wala!
Kahit si Ceixarder walang magawa, we're trapped!
"Adept...." Gustong-gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mata ko.
Siguro ay ayaw niya lang mabasa?
"Nice try Ceixarder. Nice try, but sadly, you can't escape this time."
Nakita ko si Nazi na nangunguna sa mga mafia. Nasa tabi niya si Olivia, si Rollyn, at ang isang lalaking may katandaan na pero halatang malakas pa rin.
The old man is intimidating, his presence shouts for authority and alliance. And we are the enemies.
"Nakita mo na Ceixarder? Sinabi ko sa'yo bata ka pa lang noon, na kailan man ay ako parin ang nasa itaas. Ako parin ang masusunod. Kung hindi ka lang sana kumontra sakin, sana ay matagal na tayong naka labas dito!" Olivia shouted!
We were surrounded by mafias and just one wrong move and we'll all die.
"Don't fool me, Olivia. We all know that it's only you and your family who will be freed. And we will be left here forever. Until you'll use us again and dispose us like a trash. "
I can heard Ceixarder, his voice is calm, collected and firm. It's like, his voice put barrier to protect us.
Kahit sa boses niya lang, pakiramdam ko ligtas kami. How I wish we really are.
Naririnig ko na ang mga mura ng kasamahan namin, kahit ang mga Council Armies ay napapalibutan na rin at wala na talaga kaming magagawa.
"Ceix. This is worst, tagilid tayo. We will all die here." Zen's voice is clearly hopeless.
This is an open war between the students and Olivia's wicked ambitions, between gangs and the Mafia. And the end will really justify the means.
Umalingawngaw lang ang tawa ni Nazi, maging ang matanda na pakiwari ko'y ama niya ay humalaklak rin.
Syempre, di papahuli ang matanda at baliw niyang ina. Si Rollyn Joyce ay tahimik lang pero walang emosyon ang kanyang malamig na mukha.
Parang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa isiping wala na kaming takas pa. Tagilid na kami at pataub pa.
"This is the end game Ceixarder, game over ka na. " Nazi again said ordering his men to get ready to shot.
Shit! I can't believe we're really dying!
"Don't be too confident Nazi, I won't just die not fighting. Actually, I can feel that today isn't my end, yet. "
Carelessly hopeful, Ceixarder said. Parang wala lang sa kanya ang situation namin at nagawa pang ngumiti sakin ng tinignan ko siya.
"Back off kid. You're monarchy is done. " sabad ng matanda na ama ni Nazi.
"Uhuh? Hey old man, now I remember you... Guzmani Avelarde. You're wanted, if I am not mistaken."
Sagot ni Ceix na iniiba ang usapan. Gusto kong sabihin na wag na niyang galitin pa ang matanda dahil baka bigla nalang kaming paputukan, pero dun din naman ang tungo namin eh.
"I don't care if I am, kid. That thing won't change your fate. "
"Uhuh? But I said I can feel that we won't die today. Maybe it's otherwise."
Ceixarder insisted. His personality started to creep me out, he's really so scary.
Imagine, we're about to die and he can manage to smile widely as if this situation is just a joke?!
"Naiinip na ako Nazi. Kill them now!" Utos ni Olivia bigla-bigla.
Nanlaki ang mata ko ng sumunod nga si Nazi sa Ina niya at inutos niyang patayin na kami.
We all gasped, scared to our coming death. Lalo na ng iniumang na nila samin ang mga baril nila.
What the-just what the fucking hell?!
I thought this is really our end, the last time we will witnessed the sunrise.
Pero isang boses ang nagpatigil sa lahat, sa kanila ni Nazi at ng mga mafia.
"Olivia, kill yourself."
Napamulagat ako at napalingon kay Olivia kasabay ng pag sigaw bi Rollyn.
"Mom! Don't ! Kuya stop!"
Umawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata ng makita ko na nilaslas ni Olivia ang pulsuhan niya.
Her blood dripped down from her pulse.
What the heck?! Bakit niya ginawa yun?!
Pareho kaming lahat na natulala at di makapaniwala sa nangyari.
Kahit si Nazi ay napakurap-kurap sa ginawa ng nanay niya.
Fuck?! Olivia obeyed Ceixarder! How did that happen? Really?
"Mom!"
"Oliv, What are you doing--"
The old man's words was cut when Olivia walk towards us, then she face her confused family.
Itinaas niya ang kanyang kamay na may kutsilyo sa ere at iniumang sa kanyang leeg.
Para akong nanginig at parang bumaliktad ang sikmura ko ng makita ang kakarampot na dugo na dumaloy mula sa leeg niya dahil sa maliit na sugat ng kutsilyo.
She's actually killing herself. Is she even aware of what she is doing?
"Mom no, please don't. Kuya pigilan mo siya! Daddy!" Sa aking lahat, si Rollyn lang ata ang agad nakabawi sa pagkabigla.
Umiiyak siya at gusto niyang lapitan ang Ina niyang dahan-dahan pinapatay ang sarili pero pinipigilan siya ni Nazi.
"Fuck you Ceixarder!"
Nazi hissed in so much anger. I can see the pain in his eyes, well, after all, seeing your own mother killing herself in front of you is painful.
Even me, I can feel my nerves trembling in confusion, hindi ko maatim na makita ang ganito. Hindi ko parin kaya kahit na sobrang sama ni Olivia.
"Mom, please don't. Kuya, daddy, stop mom!" Iyak ni Rollyn at halos magmakaawa na.
The old man which is I guess the name is Guzmani gritted his teeth. Nagngingit-ngit siya sa galit at agad na nagsalita.
"Ceixarder, stop her!" The old man commanded Ceix, but as if this stubborn man beside me will listen huh?
"Why would I? She also killed my Father, Dr. Wright and she ruined countless of lives. She deserves death more than anyone else."
"Ceixarder please, stop my mom. Please, we will let you go! Just spare my mom!"
Si Rollyn na mismo ang nagmakaawa dahil ni hindi gumagalaw si Nazi.
Tulala lang siya at di maka pagsalita.
Para akong nabuhayan ng loob ng mismong si Guzmani ang nag-utos sa mga mafia na ibaba ang mga baril nila at umurong.
"Let them be mafias! Give them way!" The old man commanded with high authority.
Tulala parin kami at hindi na nasundan ang pangyayari. I don't know why Olivia is like a robot, why she's taking order from Ceixarder and how did that happen.
"Let's go. This day is over." Utas ni Ceixarder at naramdaman ko na lang ang pag-alalay niya sakin kahit na kaya ko namang maglakad.
Kinakabahan parin ako na baka bigla nalang kaming atakihin at paputukan ng mga mafia. Pero parang hindi nila magawa dahil mababaril rin nila si Olivia.
Umiiyak parin ang anak niyang babae at puno naman ang hinanakit at galit si Nazi.
It's like...
His eyes were made of pure sorrow, hatred, anger and pain.
The eyes that I once saw in Ceixarder's eyes. That once reflected mine.
"What..d-d-id you... d...o to my mother Ce...ixarder? What did you...." If a man's heart is full of anger, obviously, it's hard for the person to complete his/her sentence. Just like how Nazi stammered.
Para kaming pinoprotektahan ni Olivia, nasubukan lang nilang magpaputok at pati siya madadamay at alam niyang hindi yun kakayahin ng pinuno nila.
Palayo na kami sa mga mafia na hindi nakagalaw sa kanilang mga pwesto dahil sa utos ng pinuno nila at dahil may mga nakaumang na ngayong mga baril sa kanila, Council Armies are everywhere!
I heard Ceixarder gulp, perhaps trying to stay calm. Kanina lang akala ko mamamatay na talaga kami. I was trying to accept our fate kanina! Damn!
"I never thought... that you will care for your mother like this, Nazi. But how dare you asked me that question? It's your mom's failed experiment, now she tasted her own medicine."
"You w-what?" Hindi makapaniwala si Nazi sa narinig niya.
Napaawang ang labi niya at ang labi ng tatay samantalang mas lalo namang lumakas ang iyak ng kapatid niya.
"Kuya... It's the th-theriac..supposed to be a theriac, but something went wrong!..mom did it, and she used it to some missing students that s-she kidnapped..t-they were used by her experiments. I remember Ceixarder injected it to mom, but I thought it was just nothing like to make her asleep."
Para akong nabingi sa pinagtapat ni Rollyn, nasa gitna kami ng gubat at nasa bingit ng kamatayan, ang katotohanan palang na yun ay di ko na makaya tapos nadagdagan pa dahil sa pinagtapat niya.
My anger that I thought I lost contact with suddenly lit up. Again, she used innocent students for her craziness!
Those missing students, they we're used! Fucking used! And I can't take it! Damn!
"Now you know. And now, before your psychotic mother lost all her blood, we'll go and no one will make a move. If anybody does, Olivia's life will end tonight."
Malamig na utos ni Ceix at nagpatuloy na kami.
Unti-unti ng nagliliwanag pero alam kong napakalayo pa namin sa school. Akala ko ay maglalakad lang kami ng may mga SUV na palang naka handa para samin.
Napamaang ako sa pagkamangha. Nakakulong nga kami rito pero mukhang kompleto naman sa lahat ng kailangan, maging sasakyan nga eh.
I wonder kung saan kaya to galing.
"The whole Council will be on the first SUV. Gentlemen, guard the whole compound, the school premises. Don't let any mafia entered without my permission. Clever, you know what to do with the Head Mistress. "
Ceixarder ordered with his authoritative voice, chilling authoritative aura and an emotionless face he used to wear all the time.
And everyone men with blue V-neck t-shirts obeyed like they were ordered by their master. Just like that!
Isa-isang sumakay sina Alas, Zen, Martina, Blake at ang dalawang babae na inaalalayan niya sa loob ng SUV, tahimik lang sila at gusto ko mang kausapin si Blake ay wala akong magawa.
Ayaw umalis ng mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon at para bang sandaling nagkaroon ng summarization sa utak ko sa lahat ng mga nangyari.
Parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod, antok at gutom dahil sa pagkakakulong dito.
"I'm so-sorry...I came late." Dinig kong saad ni Ceixarder sa namamaos na boses.
Alam kong pagod rin siya, at kanina kala ko talaga...kala ko talaga katapusan na pero heto siya, nagawan na naman siya ng paraan. He saved the day again.
He is really my hero. This fragile place's hero.
"O-Okay lang naman eh. You're just right....on time." Tanging usal ko at napakagat labi.
I can feel in his heavy sighs that he is tired. I know. Sino ba ang hindi?
But then again, he never failed to flutter me. Palagi parin niya akong sinusuyo at nilalambing kahit na pagod na pagod siya.
"Okay ka lang ba? Anong ginawa nila sa'yo? Sinong kasama mo dun? Pinagbuhatan ka ba nila ng kamay? May ginawa ba silang masama sa'yo?"
Sunod-sunod na tanong niya at halos di na huminga. Nang tignan ko siya, parang biglang nagwala ang puso ko ng makita kung gaano katense ang titig niya sakin.
Panay ang pagtagis ng bagang niya at ang bibigat ng mga titig. Maging ang paghinga niya halatang mabibigat.
Oh! Poor Adept. Hihi. Pero bakit ganun, ang gwapo mo parin kahit ganyan ka?
"Adept, wala. Wala silang ginawa. Nakatulog lang ako dahil may in-inject sakin si Nazi para makatulog ako. And you came. That's all." Malambing kong sabi at nginitian siya.
Kahit matataas ang mga punong madahon ay nakasipat parin ang sikat ng araw na unti-unting nagpapakita.
Maraming nga tuyong dahon sa paligid at saka ko lang napansin na wala namang nakatayo na kahit isang gusali dito pero sigurado akong nandirito parin kami.
An underground huh?
"Buti naman. Kasi baka magwala ako kung may nangyaring masama sa'yo." He said, he caress my cheek while his intense stares linger on me.
Panay rin ang lunok niya.
"Yeah. Please don't lost your sanity just because of me."
"Of course I'll be lost. It's you whom we're talking about."
"Naah. Don't tie your life and decision to me, Ceixarder. Don't let them use me against you again. Kagaya nalang ngayon."
Nagtagis na naman ang bagang niya at di makatingin sakin. Para bang hirap na hirap siyang lumunok, huminga at magsalita.
Hindi ko na napigilang yakapin siya bigla dahilan ng pagkagulat niya.
He stiffened and froze like a steel stone. Cold and hard to break.
Niyakap ko siya sa bewang ng sobrang higpit para maramdaman niyang seryuso ako.
Seryuso talaga ako dahil kung patuloy siyang ganito, yung tipong lahat gagawin niya para sakin, Hindi na yun maganda.
I will be his strength, yes. But I will be his weakness too. He'll be hurt because of me. People will get advantage of the idea that he can be destroyed by me.
I'm afraid.
"Adept, don't take me seriously--"
"Are you fucking kidding?"
"--I will be your weakness, Adept. Loving me is enough, you don't have to make me your Queen. Don't even treat me as one ." pag patuloy ko pa at kumalas na sa kanya bago pa niya ako mayakap pabalik.
Agad ko siyang nginitian na parang wala lang. Na parang nadala lang ako sa mga pangyayari.
Because just right at this very moment, I realized a thing that I can't ruin. That I need to protect to.
And that is, him. His life. Because without him, this place won't work, won't live, won't rise even. This place will sink down if ever the brain, heart and soul would be destroyed.
That's how important his life is. At dahil sakin, masisira ang pustura niya. Masisira ang pukos niya at alam kong hindi siya magdadalawang isip na isakripisyo ang sarili niya para sakin. I knew it.
"Nasaan na pala si Olivia? Di ba tayo susundan nina Nazi? Baka bigla nila tayong banatan?" Pag-iiba ko sa topic.
He just stared at me with his one lined eyebrows. Obviously confused, irritated and a bit angry. Di yata nagustuhan ang mga pinagsasabi ko kanina.
"We'll talk later. Don't mind the other thing and let me handle them."
"Okay. Let's go back? I'm tired."
"Get in then."
Sumunod ako agad at pumasok na sa loob ng SUV. Naabutan ko silang lahat na tahimik.
As in, tahimik at di nag-iimikan. Para bang wala lang ang isat-isa at parang may malalim silang iniisip lahat.
Nanibago ako bigla, they used to care at each other yet right now they're acting like a total strangers with one another. And I freaking don't like it!
Something is up. I can sense it. Something bad will happen, I can feel it. And I'm starting to feel afraid of that thought.
It's like, they all knew what will happen next after this. Like they all don't wanna talk about it for it will only cause pain.
And the moment Ceixarder hopped in the SUV and glance to Blake, my mind literally stop for I know what will happen next. We'll lost it.
Akala ko okay na. I was found, rescued but something will be lost.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top