Chapter 23: The Secret of the Invisible Tower
Thank you sa pagbasa😍😍😊 May you have a lucky day!
***
~Winter's Pov
UMAGA na naman, panibagong araw na naman. Halos seven na ako nagising pero pakiramdam ko gusto pa ring pumikit ng mga mata ko. Wala na rin akong kasama so I assume na umalis na silang lahat dahil wala rin naman akong ingay na naririnig.
Napangiti ako bigla nang maalalang di na pala ako single. Hahaha. Until now I still can't believe it, that this place's very own Ceixarder Rosevelm is in love with me. Naka ngiting humiga ulit ako tapos bumangon at nahiga na naman ulit.
Ako na ang sira, di ko kasi maiwasang kiligin eh. Hihiga pa sana ulit ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Loki, na walang pang-itaas na damit!
Agad na naglakbay ang mata ko sa six pack abs niya pababa sa V-line, hmmm. Hot, I wonder if Ceixarder also have six pack abs and V-line. Hihi.
"Hm!" Napaangat ako ng tingin kay Loki nang tumikhim siya.
At di ko maiwasang mapangiti nang makita siyang nakasandal sa hamba ng pinto at nakatingin sa'kin ng matiim.
And the f?! He looks cute and hot!
I wonder if who's hotter while leaning on the edge of the door, could it be Ceixarder or him?
"Did I satisfied your eyes?" May ngisi sa labing sabi niya. Well, Oo, pero parang may kulang. Pwede pakibaba pa ng pants? Hahaha.
"Hindi. Bakit naman masa-satisfy ang mata ko? Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Painosenteng tanong ko. "At bakit ka nandito? At saka bakit ka ba nakahubad? Nasaan sila Kiana?" Sunod-sunod na tanong ko at kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo na konektado sa kwarto namin.
"Pumasok na sila" yun lang ang narinig kong sagot niya.
Mabilis akong naligo at bumihis. Paglabas ko ng banyo naabutan kong nakahiga sa kama ko si Loki at nakatingin sa kesame.
He's unmoving and like a lost little boy in the middle of nowhere.
"Di ka ba papasok? Bakit ka pala nandito?" I asked combing my hair.
"I feel so lost."
"Kita ko nga."
"I feel hopeless."
"Mukha nga."
"I feel sad."
"Halata nga."
"I'm in love."
"Ramdam ko nga—wait what? Pakiulit nga." Gulat na saad ko at lumapit pa ako sa kanya. Aba, magandang panimula ng araw to. Jiji, sino kaya ang maswerteng babae na nagustuhan niya?
"I said I fell in love...to y—to someone."
"Sino yang someone na yan? Bakit mukha kang malungkot? Dapat masaya ka pa nga eh." Kasi diba, pag in love ka dapat palagi kang masaya dahil may tao kang pinapahalagahan. Just like me, I feel happy though I'm trapped here. Because I have someone.
"Yun na nga eh, she's taken already. Kahapon ko lang nalaman kasi nakita ko siya kasama ng taong yun. I guess I'm too late." Sagot niya habang nakatingin sa'kin ng matiim.
"Naah. Dapat kung mahal mo, ipaglaban mo. Kung mahal mo, dapat handa kang sumugal kahit na masasaktan ka. Kasi hindi yan pagmamahal kung hindi ka masasaktan."
"Is that it? Dapat ba makipag-kompetensiya talaga ako?"
"Oo naman. Teka, first time mo ba?"
Parang nahihiya siyang tumango kaya muntik na akong humalakhak buti napigilan ko pa. Nakngtokwa?! Ilan pa kaya sa mga natrapped dito ang hindi pa nakakaranas magkaroon ng love life?
"Please don't laugh at me, it's not my fault that I didn't feel this strange feeling before. Remember that we're trapped."
"Yeah, yeah, I don't forgot but as what I've seen, this place is full of gorgeous people. Though you're all trapped here for five years, marami pa ring pa lang pang diyos at diyosa ang itsura."
"Like who?" Napatingin ako sa kanya at pinasingkit ang mata.
"Like Ceixarder——" he immediately frown.
"I know you would say that——"
"And you, and Blaise, Zetro, Alastair, Zen and Blake! At marami pang iba."
"Yeah, thanks for the compliment but that doesn't change the fact that I'm still NGSB." Napatawa na talaga ako sa kanya. Alam pala niya yun? But imagine the 'No Girlfriend Since Birth' Loki Llezur? It's so cuteeeee!
Di na ako kumain at magkasabay kami ni Loki na pumasok. Siya sa building nila, ako sa Council office. Malayo pa lang ay nakita ko na ang malamig at walang emosyon na mukha ni Ceixarder habang nakatingin sa'min ni Loki.
Pero iba ang napansin ko, hindi siya sa'kin nakatingin gamit ang matatalim niyang mata kundi kay Loki na hinatid pa ako dito.
"H-Hi, g'morning." Naka ngiti kong bati sa 'boyfriend' kong maaga pa nakasimangot.
"Hello, Good morning." Sandali niya akong tinapunan ng tingin at nginitian pero agad ding naglaho ang ngiti niya nang nagsalita si Loki.
"Ako, hindi mo ba ako babatiin?" Rinig kong wika ni Loki. And I wish they won't talk back at each other again because I'm sure as hell that it will prone to fight.
"Why would I? E sa tuwing nakikita kita nasisira lang ang araw ko. Si Winter lang ang gusto kong batiin, siya lang. At huwag mo na siyang ihatid pa ulit dito, because I will bet my life that she can reach here unharmed. Saulado niya ang daan." Napa simangot ako nang nagsimula na naman silang magsagutan.
"As expected, you will always my half in everything. At nasisira rin ang araw ko sa tuwing nakikita kita. Also, kailan ka pa natutong batiin ang mga taong nakakasalubong mo?"
"Since the day that I met my girlfriend. Hear that? My girlfriend, and her name is Winter Valkairie Montreal, so back off." Ceixarder sounds very proud and I can't help myself but to smile sweetly.
May tinatago rin pa lang kasweetan 'tong lalaki na 'to. Saan kaya niya tinatago?
"This is fun, don't you think? Ang bilis mo naman masyado, kailan mo siya niligawan?"
Natahimik bigla si Ceixarder kasi di naman siya nanligaw.
"I see. So you didn't?"
"Loki naman eh, tama na nga ya——"
"You deserve the sweetest courtship you may have, and if this man can't give it to you...I'll gladly give it." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Loki at literal na napaawang ang bibig ko.
Ano daw? I thought he's in love with someone else?
"Back off Loki! She's mine already, and who told you that I didn't?"
"Well, did you?"
"I will...I will start today." Parang batang asik ni Xarder at hinawakan ako sa kamay saka ako iginaya pa pasok sa Council office at hindi man lang ako nakapag-paalam kay Loki.
I tried to look back but I froze when I felt Ceixarder's lips on my temple. Then he said;
"I hate it when you look into other man except me. " Then he dragged me inside the department.
Pagkapasok namin, saka lang ako nakabawi sa pagkagulat nang pinaupo niya ako sa mismong swivel chair niya. Napaangat ako ng tingin sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Napansin ko rin na kami pa lang dalawa.
"Hi, g'morning ulit. " Wika ko kasi di siya nagsasalita. Napahinga siya ng malalim at gumuhit ang ngiting ni minsan ay di ko pa nakita na pinakita niya sa iba.
"Good morning as well, how was your sleep. Did you have a good sleep? A full rest?"
"Yes, I did. Gabi na nga ako naka tulog eh. My mind was clouded with something." He immediately grinned and I know he's thinking something unusual again.
"Was it me whose you were thinking? Kaya ba hindi rin agad ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa'yo kasi iniisip mo ako? " he said while grinning.
Naiiling na yumuko ako dahil di ko na mapigilan ang ngiti ko. Pero siya na mismo ang nag-angat ng mukha ko at mas lumapad pa lalo ang ngiti niya nang makita ang mukha ko.
"Stop it."
"Pff, you're blushing!" He really pointed out, So dapat talagang sabihin? Di ba pwedeng tumahimik na lang? Dapat talaga ipagkalat Ceix?
"Tss." Naiinis na tinabig ko ang kamay niya at napangiti nang kinuha niya ang monobloc ko at itinabi sa'kin saka dun umupo. Then he smiled sweetly again making my heart bounce in too much euphoria.
"Did you eat breakfast?" Tanong niya kapagkuwan at agad na umasim ang mukha niya nang umiling ako.
"Bakit—never mind. Kukuha na lang ako ng agahan natin sa canteen."
"Natin? Di ka rin kumain?"
"Kumain pero kakain ulit ako para may kasalo ka." Anas niya at kinindatan ako. Napatawa naman ako dahil sa ginawa niya. Ang cute niya kasing tignan dun eh.
"Aw! My boyfriend is so sweet."
"Say that again."
"I said my boyfriend is so thoughtful. Kailan kaya ako makakahanap ng kasing sweet mo sa mundo?"
"Wala ka ng mahahanap na tulad ko kasi nag-iisa lang ako. So just a piece of advice, don't let me go, never ever." Sabi niya ulit at kumindat na naman kaya mas tumawa ako.
Nakangiti naman siyang umalis para kumuha ng breakfast namin pero di pa nga nakakaisang minuto bumalik na siya.
"O, bakit ka bumalik?"
"I forgot something." He said then he leaned down, captured my lips and gave me a sweet good morning kiss.
"There. Much better." Sabi niya lang at tuluyan ng umalis.
Wala sa sarili kong hinawakan ang labi kong hinalikan niya at napapikit saka impit na sumigaw dahil sa sobrang kilig.
Gosh! Heck?! That man! Ang dami talaga niyang alam sa buhay. Ki-agaaga naka halik na agad! Ang galing.
HALOS 30 minutos na akong naghihintay kay Ceixarder dahil hindi pa siya dumarating. Maging ang iba ay wala pa rin. Saan na kaya sila? Si Martina lang naman ang nagbabantay kay Alas ah bakit pati si Zen at Blake wala pa rin? Hayss. At yang si Ceixarder na yan, bakit hanggang ngayon wala pa siya?!
Kanina pa ako nakasimangot kakahintay kaya pumasok na muna ako sa Locker room para magbihis nang napatingin ako sa locker ni Ceix. It has a crest engraved to its door. The Council's crest.
Wala sa sarili kong hinaplos ang crest na yun sabay iling. Hindi lang ako humahanga sa kanya dahil sa kabayanihan at katalinuhan niya o dahil sa katapangan niya kundi dahil alam kong mayron pang mas interesante sa kanya kaysa sa nakikita ng lahat.
Lumabas na lang ako pero agad ding napatigil nang may nakita akong isang bouquet ng blue roses sa mesa ko at may isang maliit na box pang kasama at may maliit na sulat.
what the f? Saan naman galing 'to?
Dinampot ko ang bulaklak saka inamoy yun, at napangiti ako nang nanuot ang mabangong amoy ng bulaklak sa ilong ko. Then I looked into the letter written in a card.
'Hey, have a sweet day, baby. I'm sorry if I'm too cheesy today. I just want to court you, I want you to experience it in my hands. Love yah'
Napatawa ako sa nabasa ko. Pero yung tawa na kinikilig. Sinilip ko naman ang laman ng box at napaawang ang bibig ko nang makitang chocolate yun. Teka, paanong nagka-chocolate dito? Saan niya to nakuha—oh? Maybe in the factory? Wow, this is amazing.
'Nakakatakam siya, matikaman nga'
Akmang kakainin ko na ang chocolate nang biglang bumukas ang pinto at narinig ko ang boses ni Ceixarder.
"Don't! Eat that." Naka ngiwi ko siyang binalingan ng tingin.
"At bakit? Binigay mo'to sa'kin tapos di ko pwedeng kainin?"
"Cause you haven't eaten anything yet. That's for desert, baby, don't be too excited."
Aniya at nilapag sa mesa niya ang dalawang tray na puno ng pagkain. Then he reached for my hand and pulled me close to him. Napaupo na lang ako sa swivel chair niya at nilapag sa gilid ng mesa ang bulaklak at chocolate na bigay din niya.
"Ba't ang tagal mo? "
"Hmmm. I went to the factory and asked Night to make you a chocolate. He's good at it so I told him to make one. But it took half an hour before he got it done because he's complaining from time to time. And believe me, I did everything I can to stop myself from hitting him." Kwento niya na nagpahagalpak sa'kin ng tawa.
"Sana di ka na nag-abala pa. "
"Naah. I have to, ayukong malamangan ni Loki. He said he will court you and as your boyfriend, I want you to experience it in my arms. Gusto ko kasi ako lang, wag mo na siyang pansinin marami naman siyang babae eh." Parang nagmamakaawang sabi niya.
"He said he's NGSB——"
"But he's no longer a virgin." Saktong sumubo ako nang sabibin niya yun kaya muntik na akong mabilaukan.
What the fuck?! May ganun? NGSB pero di na virgin? And seriously? Si Loki, di halata ah. He looks so innocent!
"You okay?"
"Yeah, I was just shocked knowing that he is not a virgin anymore. I mean he looks so innocent?"
"He's always at the Secret Club, having sex to any woman who will approach him and willing to spend the night with him." Literal na napa awang ang labi ko.
May Club rin dito? As in? How come? Saan naman? Wala naman akong nakikita ah.
"W-Where is this club?"
"Hmm..." Napa ngisi pa siya"... Somewhere only legend knows. "
Pinaningkitan ko siya ng mata para magsalita na siya.
Pa hard pa eh.
"In the middle of the forest. There's a mansion used for secret parties. If the students want to enjoy or celebrate something, they will go there and drink then enjoy. That place is the Party Club's project last three years. But that place is also dangerous."
Bigla akong na-curious kung ano ang nasa lugar na'yon. Bakit parang ang ganda dun?
"Bring me there——"
"No way. That place is full of shit. " malamig na sabi niya.
"What shit?"
"Basta."
"Ano nga?"
"Basta nga."
"Ayaw mo sabihin? Hmm, magpapasama na lang ako kay Loki——"
"That place is made for sexual intercourse purposes. Their drinks has a drug that if you'll have a sip on it, you'll lost your sanity and you will ended up making out to a random people and you will not be able to fight back if you'll get harassed. "
Bigla akong natakot. Ang curiosity ko kanina ay bigla na lang natunaw at ayuko na pala pumunta dun. Nagbago na ang isip ko.
"Sorry, mapilit ako. Ayuko na pala dun."
"Yeah. Good girl, huwag ka ng magbalak pumunta dun ha, that place is full of curse. Kaya wag kang magkakamaling tumapak ni sa labas ng mansion na yon." Agad akong tumango sa kanya. Ayaw na talaga, promise saka di ko naman alam kung nasaan 'yon eh.
"Good. Now let's eat. Pumayat ka na oh." Agad akong napangiwi, di lang ako nag-agahan pumayat na agad? Ilang calories ba ang malalagas sa'kin kung di ako kakain ng agahan? Kung ganun palagi na lang akong di kakain.
Saktong natapos kami kumain nang biglang dumating sina Blake at Zen.
"Hello everyone! G'morning!" Masiglang bati ni Blake.
"You're 50 minutes late, and as your punishment, you will return the trays to the canteen." Utos ni Ceixarder. And Blake's happy face fell.
Kawawang bata.
"Oh no! "
"Ayaw mo?"
"Oh yes! Isusuli ko na po utak." Pang-aasar ni Blake kay Ceixarder at agad tumalima nang tumalim ang titig ni Ceixarder. Haysss. Saan ba kasi nanggaling yang palayaw niyang 'Brain' binubully tuloy siya.
"Kumain na kayo?" Si Zen naman ngayon ang nag tanong.
"Naah, we didn't, we just talk and sleep Zen, ginawa naming unan ang tray at mga pinggan." Pamimilusupo na naman niya, ni Ceixarder kay Zen na napangiwi lang.
Haysss. Inaatake na naman siya ng kasungitan niya. Kanina lang ang sweet-sweet niya pa eh.
~Zen's Pov
Nanunuod lang kami ni Blake kina Ceixarder at Winter mula pa kanina.
They are teasing and bullying each other, may pagkakataon pang pasimpling niyayakap nila ang isa't-isa at hindi na sila nakakapagtuon ng pansin sa ginagawa nila.
But we don't mind, as long as they are both happy, ngayon ko lang nakitang ngumiti ulit si Ceix pagkatapos mamatay si Tito Alton at Dr. Zacharias. Ngayon ko lang ulit siya nakitang gan'to kasaya, ngayon ko lang ulit nakitang nag-alala siya at natakot.
After his father's death, he became like a stone. Always cold, solid and emotionless. But when he met Winter, nagawa na niya ulit ngumiti at tumawa na madalas lang mangyari dati.
"Zen, it's time. " tawag sa'kin ni Blake kaya napabalik ako sa ulirat.
"Oo. Sige mauna ka na, susunod ako. Tatawagin ko lang si Ceix."
"Okay. " tumango siya at nagpaalam na saka umalis. Tumayo na rin ako at lumapit kina Ceixarder at Winter na may pinag-aagawang papel. Natigil lang sila nang maramdaman nila ang presensiya ko.
"Ceix, it's time for the raid. Blake already went out first to ready the Armies." Sabi ko.
Tumingin siya kay Winter na nagtatanong ang mga mata.
"Anong raid yan?"
"Something serious, you know, I already told you that we captured Olivia right? Now we have to raid the laboratory before they get away and took the important information and documentation."
"Ahh."
"Yeah. Sumama ka na lang samin, ihahatid kita sa Hospital para dun ka na lang kina Martina. Ayaw kong iwan ka dito baka may bigla na naman dumating at manakit sa'yo."
"Akala ko ba nahuli niyo na si Olivia? E bakit ka pa nag-alala?"
"Well, Olivia wouldn't be the head mistress for nothing. She always has a back up in anything she does. "
Nag-usap pa sila hanggang sa pumayag din si Winter at naihatid na namin siya sa Hospital kung saan naka confined si Alas.
We reached the field where the Council's Armies live, they're all ready when we arrived and in Ceixarder's command, we all headed to the secret way to the invisible tower of Olivia.
Bawal kami tumapak sa loob ng tower niya pero dahil may nilabag siyang batas namin ay may karapatan kami para pasukin ang pinakamamahal niyang tower kung saan niya ginagawa ang kanyang experiments. Kung saan nila tinatapos ang undone cure ni Dr. Zacharias Wright.
Dumaan kami sa basement ng dorm ni Olivia at sumakay sa elevator na sa tingin ko pinakamabilis na na elevator sa buong mundo. At pag-apak namin sa unang palapag ng tower, hindi lang pagkamangha ang nagpatigil sa'min lahat kundi ang kaalamang nakalutang pala ang sinasabi nilang invisible tower.
And it's freaking cool and stunning! Right from where we stand, we can see what's happening outside because the wall is pure glass, a crystal clear glass wall. And we're slowly floating up!
Olivia is indeed a genius. Sino ba naman ang makakaisip ng ganito? Siya lang. Ang totoo niyan, lahat kami ay first time na makaapak dito. Maliban lang kay Ceixarder na alam na alam ang gagawin. Because once again, we are strictly forbidden to step inside this tower.
"Attention. " boses yun ni Ceixarder na nag pabalik sa'min lahat sa kasalukuyan. Malamig at walang mababakas na emosyon na naman sa mukha niya. Pero bakas ang awtoridad sa boses niya na nagsasabing ' isang kapalpakan lang, ako mismo ang tatapos sa putanginang buhay mo'
This is the reason why we all respect him, his power and position, because he's the only one who possessed the real authority and intelligence that can saved many lives.
"Just a minute ahead and we will face Olivia's soldiers. Just like you, they are all trained, wise, smart and resourceful. They are all deadly and fearless, so show no mercy against them. Because just like them, you were all trained, not to kill for nonsense reason but for freedom. So be ready, you bear the power of being the Student Council Armies. In my command, you'll all attack."
Biglang huminto ang paglutang ng tower pataas at nang tumingin ako sa ilalim, napamaang ako nang makitang halos ang liliit na ng mga building pero sa paligid ng buong Hidden University ay mga malalaking punong kahoy lang, di mo maiisip na nakatago lang kami sa likod ng pinakamataas na pader ng Supreme Academy. The main Academy's invisible mighty wall that separates us from the outside world.
Biglang bumukas ang isang pinto na hindi namin alam na nag-eexist pala. Me, Ceixarder, Rox, and Clay entered the hallway and find our way to the laboratory; where Olivia and her colleagues work to finish the cure while the other Armies scattered somewhere else. Pero hindi pa namin nahahanap ang parting 'yun ng tower nang may mga humarang sa'min.
"This is a violation to the Head Mistress's rule, and that is; to never step inside this tower." Sabi ng isa na halatang pinakapinuno nila.
"And we always obey the rule until such time that your very own head mistress herself violated our rule first, and that is to; never hurt a Council members. Remember the rule I've made five years ago?; 'No harm shall befell to the Council' but she dared to disobey it! And as a punishment to your master's unfavorable action, this place shall be raided."
Bwelta ni Ceix at nang nagtangka kaming dumaan ay hinarangan ulit kami ng mga kalaban namin. Ceixarder was indeed right, they all look fearless and uncaring. Nakakagago lang kasi ang mga mata nila parang walang buhay. Parang di sila ang kumukontrol sa mga sarili nila.
Their eyes, it seems like they are unconscious and empty. What the heck happened to them? Bakit sila ganito? Bakit parang may mali? Kung titignan mo sila para silang papatay kapag may maling hakbang kaming ginawa. Para silang mga human robotic kung gumalaw.
"You are not allowed to enter this place. And if you still insist, we will kill you all."
Halos sabay-sabay nilang lahat na sabi na parang mga makina talaga. Then they pointed a gun to us, ang mga baril nila ay galing sa kanilang likuran kaya hindi namin nakita. Pero mayron din kami nun at nagkatutukan na nga.
I will really pull the trigger of my riffle if they will insist to block our way. I swear I won't mind killing such a robot in human body.
Pero bago pa mangyari yun ay narinig namin ang boses ni Ceix.
"No one will fire, they are all under the Head Mistress's control. " napaawang ang bibig ko sa narinig.
Kung ganun, tama ako, kuntrulado sila at wala sa sarili. How come? Is this an effect of a mislead cure again? Ilang ulit ba nila sinubukan na tapusin ang cure na sinimulan ni Dr. Zacharias Wright na nauwi na naman sa isang pag kakamali? And now, may mga biktima na naman ng maling experiment.
This is bullshit.
"What should we do?" Tanong ko.
"Take them down, but don't kill anybody. Zen, you will come with me."
Utos ni Ceixarder at nang sinubukan naming humakbang pasulong ay agad kaming pinaputukan ng mga kalaban namin.
Good thing we were trained to ricochet. Mabilis kaming nakailag at naki-agaw ng baril at pinatumba ang iba. They're good at fighting, I must say. But if they are controlled, that means that their movements are also controlled. And controlling such great number of mind is difficult. Kaya madali lang kaming nakadaan at hinayaan sina Rox at ang iba pa na makipag-away dun.
"Hurry up, the tower is moving west, they are must be planning something!" Sigaw ni Ceix habang mabilis kaming tumatakbo patungo sa isang makitid na espasyo at pakitid ng pakitid iyon habang palapit kami ng palapit at nang hindi na kami kasya ay huminto kami.
"Paano na nga——" nabitin ang sasabihin ko nang parang may ginagawang pattern ang paa ni Ceix sa sahig at sa puting steel na kesame, Tapos biglang bumuka ang makipot na daanan at dumaan kami. Muli na naman akong humanga dahil mukhang mas high tech pa yata ang tower na to kaysa sa labas ng Hidden University.
Napahinto kami sa harap ng isang Vault na alam kong mas mahirap buksan.
"Paano natin bubuksan yan? "
"Easy, we just need Olivia's eyes..." Bahagya niya akong nilingon at may sinusuot siyang contact lens sa kanang mata niya."...but we need just a copy of her eyes, so we can enter the passage." He said in a cool tone. Now I'm even more amazed of him. He knows what to do and everything before he attack. Always the ready Ceixarder Rosevelm that I know.
Tumingin siya dun sa eyepiece na biglang lumabas mula sa Vault at may pulang ilaw na dumaan sa mata niya at may narinig kaming nagsalita. It's the system.
'Eye identified, you may now enter after you punch in the code'
At bumukas nga ang Vault pero may isa pang Vault na kailangan pa ng code. But I know Ceixarder came ready. At tama nga ako, mas mabilis pa sa kidlat ang mga daliri niya sa pag type ng code at nang bumukas ito ay bumungad sa'min
ang napakalaki at napakalawak na laboratory.
Kung saan puro puti lang ang makikita mo at mga kagamitan sa pag experimento at iba pang di ko kayang pangalanan. What the fuck?! Nag-eexist pala talaga ang lugar na'to? At nandito lang 'to sa loob ng Hidden University, nakalutang sa ere na ni minsan hindi ko inakalang totoo pala ang invisible tower na'to.
Olivia is really a genius!
"Finally, Dad, I came back. I promise to reign your tower again."
Napaawang, nalaglag, at napatanga ako kay Ceixarder na nasa harapan ko. Rinig na rinig ko ang sinabi niya. Dad? Your tower again? What the fuck? What does he mean?
PS. Maybe until chapter 40 or less lang 'to. So please support me until the end of my story.
—Aeris
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top