Chapter 15: Ranking


~Winter's POV

YES I HAVE FOUND HER, yes I have seen her, but in the most unexpected moment and in an unexpected event. I want to celebrate because after all I've been through these past few days, I have keep my promise to my dead friend.

Pero bakit ganun? 'Di ko makuha maging masaya, parang gusto ko na lang hilingin na sana di ko na muna siya nakita. At sana hindi naman sa ganung sitwasyon.

Pero alam kong may sapat na dahilan si Ate Aliza, she's smart and wise, I know she have valid reasons. But though how much valid her reason is, killing a living soul is never reasonable. It's all wrong.

At ano ang nangyari sa dati'y mabait at maka-diyos na Aliza? Na dati ni pagpatay ng lamok di magawa-gawa?

"Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik. Di ka pa ba inaantok?" Tanong sa'kin ni Kiana.

Nasa sala kami at parehong nakaupo sa mahabang sofa.

I shook my head. Marami akong katanungan, pero di ko yun masasagot ng mag-isa.

"Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo ikuha kita ng gamot? O baka pagod ka?"

Tanong na naman niya. Pero muli lang akong umiling. Wala ako sa mood magsalita, di ko kasi kayang tanggapin ang nakita ko kanina. Akala ko nga nakatulog lang ako sa sobrang antok at binangungot, pero hindi pala. Dahil totoo pala lahat ng nakita ko.

"Kung ganun, bakit wala kang imik? Anong problema?"

"I-I found her."

Tatlong salita pero sandali kaming natahimik. Ilang segundo bago siya nakapagsalita ulit.

"Who's her? Yung friend na hinahanap niyo ng namatay mong kaibigan?"

Mahina akong tumango.

"Oh e nahanap mo na pala eh. E bakit malungkot ka pa? Diba dapat maging masaya ka?"

"Paano kaya yun? Paano kaya ako magiging masaya kung ang nakita kong Aliza ay ibang-iba na." Napabaling ako sa kanya. At di ko maiwasang manlumo." I-I think she's a part of a gang..." Dahil yun ang sinabi sa'kin ni Ceixarder. He said there's a war between the BES and DL. So I concluded that she's a part of any gangs here because she's also in the battle field.

"Well, people do change Winter. Minsan dahil sa mga nararanasan nila, o sa nakaraan nila, o sa sitwasyon nila. At kung totoo man na nakita mo na siya, sino naman ang nagtago sa kanya?"

Napaisip rin ako. Pero isa lang naman ang pumapasok na sagot sa utak.

Kasi kung dun din siya sa tunnel dumaan, malamang na dumaan din siya sa gumabat, at iisang grupo lang naman ang palaging nandun sa gubat.

"Devillion League..." Mahina kong sagot. Napakuyom ako sa isiping baka kasapi nila si Ate Aliza.

"I doubt that. Lahat ng newbie, pinapatay nila, kaya paanong itatago pa nila ang kaibigan mo?"

Napaisip rin ako sa sinabi ni Kiana. Sa bagay, kami nga muntik na nilang patayin eh, ako lang pala ang muntik na.

I wonder what would be Ate Aliza's reaction if she find outs that her sister was killed by a DL?

"Hindi ko na alam ang iisipin ko, Kiana. Ang daming nangyayari at nahihirapan na ako. "

"I agree. And I suggest you leave the Council."

Seryuso niyang sabi. Napakunot naman ang nuo ko. Isa pa'to, bigla-bigla eh.

"Bakit naman? Ano bang masama dun?" Di nawala ang kaseryusuhan sa mukha niya at para bang nahihirapan siyang sabihin sa'kin ang dahilan.

Bakit ba pakiramdam ko ang dami kong hindi alam. Bakit parang lahat nalang ng tao na nakapaligid sa'kin maraming tinatago?

"Well, ang purpose lang naman ng pagsali mo sa SC ay para matignan ang laman ng Black Notes. Pero di mo na kailangan yun ngayon Winter. Kaya okay lang kahit umalis ka."

"Kiana, hindi ako pwedeng umalis lang sa Council ng walang kongkretong dahilan. Tsaka okay naman ako dun eh. Nakakatulong ako sa kanila."

At marami akong gustong malaman. At wala naman talaga akong balak na umalis na sa Council. Wala naman kasi akong dahilan.

"Pero mas okay ka kung kami lang palagi ang kasama mo. At pinag-iinitan ngayon ang Council nina Olivia lalo na ng pinaparusahan pala ni Brain si Nazi. Baka kasi madamay ka."

If she's talking about the punishment of Ceixarder to Nazi, well that punk deserves it. He nearly killed me. At mukhang di alam yun ni Kiana kaya iiin-form ko muna siya.

"He deserves it. He tried to kill me twice Kiana. "

"Pero madadamay ka lang Winter. Kasi in the first place, dapat walang Grand ball na magaganap, pero ginanap yun para patayin si Brain, si Zen at si Blake. At nadamay ka."

Sambit niya at bakas ang pag-aalala sa mukha.

But I doubt that, because in the first place, I was the reason of that ball, they failed to kill me for the first time so they tried it again in the second time around, unfortunately, they failed again.

At ayukong umalis sa Council. That's final. Pero di na lang ako sumagot kay Kiana para di na humaba ang usapan namin na alam kong hindi matatapos sa pagpayag ko na umalis na sa Council.

If there's one thing I learned in this hell, it's about being firm of your decision. Paano? At bakit? Kasi kapag pala nagkamali ka dito, walang 'subukan mo lang ulit'. Bagkus, maraming masisira.

"Matulog na lang tayo. Inaantok na ako."

Sabi ko na lang at akmang tatayo na pero may sinabi siyang nagpatigil sa'kin.

"May balak gawin sina Olivia..."

Napatingin ako sa kanya at ewan kung totoo ang nakikita ko pero bakas ko sa mukha niya ang takot, at pag-aalala.

Totoo ba'to? Pero hindi natatakot ang Kiana'ng kilala ko.

"A-Anong balak."

"Hindi ko alam. Pero sigurado ako...it'll weaken the Council. Winter, nagsisimula na ang pinaka-kinatatakutan naming lahat na kahit si Ceixarder ay hindi 'to kayang pigilan. "

I can feel it, she's trembling in fear at parang nanghina ako sa narinig ko. Totoo ba yan? But what's that freaking thing they fear!

"DEARLY STUDENTS OF OUR  beloved University, good morning. As we expected, a war between two well-known gangs has arisen. And we're all affected of it's intact effect. In behalf of all Student Council officers, I'm saying sorry for the fear you're feeling at this state, please bear a little longer as we tried to settle things out. "

Panimula ni Blake habang nakatayo sa platform at naka harap sa podium. Ngayong araw na ang announcement ng mga ranking. Kaming tatlo lang ang nandito nina Zen at Blake dahil si Alas sinamahan si Martina sa Dorm nila. Samantalang wala si Ceix. According to his beloved Zen, he is cleaning the dead bodies of gangsters killed last night.

May nakikita pa akong mga Council Armies na naglilinis sa second floor ng 4-A building dahil maraming dugo na nagkalat dun.

"Today, I will announce the top ten highest ranking students. And for everybody's information, these results were based on the random survey. The names I will mention is in proper order from the buttom to top, as what we usually do..."

Napa balik ang tingin ko sa mga studyante at guro na nakaupo sa mono bloc chairs na inihanda para sa kanila.

Tahimik ang lahat na para bang may inaabangan sila.

"The students who got the tenth place is: Rollyn Joyce Calambro..."

Literal na nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pangalan na yun. If my memory serves me right, siya yung nerd sa canteen. And how come she got the tenth place? Ganun ba siya ka-famous? The place could goes to Kiana or Blaise or anyone. But her, my expectation didn't get through her.

Marami rin akong narinig na nabulong-bulungan mula sa mga studyante pero agad silang natahimik nang makita si—wait, my eyes widened when I saw her walking upstairs towards the center platform.

Parang di siya ang nerd na minsan ko ng nakausap  at nahihiya pa noon.

Wala na siyang suot na makapal na glasses pero mahahaba pa rin ang mga suot niyang damit. Kulot-kulot na ang buhok niya pero ang tapang niyang tignan.

What the heck?! Anong nangyayari?

"...ninth is: Zen Mendez, eighth; Loki Llezur, seventh; Adira Escarial, sixth; Raisen Alonzo, fifth; Rayven Loststone, forth; Blake Keythone, third; Nazi Blackhood, second: Ceixarder Rosevelm, and remains at the top; Leader."

Anunsiyo ni Blake. Isa-isa namang nag-siakyatan ang mga tinawag niya. My eyes settled to Nazi, last time, ang kapatid niya pang baliw ang umakyat, pero ngayon siya na, at paika-ika pa siya. Malamang na may sugat siya sa katawan dahil sa parusa sa kanya ni Ceix na 50 lashes everyday.

"That's all. The rest will be announced by Mrs. Olivia Avelarde herself."

Ibinigay ni Blake kay Olivia ang buong stage at naglakad na siya pabalik sa upuan niya sa tapat ko. Tahimik lang kaming tatlo ni Zen habang nakikinig kay Olivia na nagsasalita at may malawak na ngisi.

"Students, good morning. Bago ang lahat may gusto lang akong ibalita sa inyo..."

Bahagya pa siyang lumingon sa'min na para bang iniisip niya na may sasabihin kami. At nang wala ay nag patuloy na siya.

"Nahanap na namin ang isa sa tatlo pang sangkap ng undone cure, at dalawa na lang...matatapos na namin ang cure, sa wakas ay makakalaya na tayo!"

Agad na nag-ingay ang mga studyante sa sinabi ni Olivia. May mga studyante na napatayo, may napa ngiti, may napaiyak at may tahimik lang. Tila ba ayaw nila maniwala sa narinig nila.

Pero Ano ba talaga yang undone cure na yan? At Anong mga sangkap ang hinahanap nila? Ang malaki kong tanong, makakalabas ba talaga kami dito pag natapos na ang cure na yan?

"Kaya naman, magtulungan tayo para mahanap ang natitira pang mga sangkap para agad naming matapos ang pag-gawa sa gamot at maka labas na tayo dito." Dugtong pa ni Olivia na may malaking ngiti.

Naririnig ko ang usapan ng mga studyante na di kalayuan sa'min.

"Makakalabas na ba talaga tayo?"

"Sana matapos na agad ang cure para makauwi na tayo."

"Sana mahanap nila ang natitira pang sangkap. Gusto ko nang makauwi."

Maski ako man, parang gusto kong magdiwang dahil sa balitang narinig ko pero nang maalala ko kung sino ang nag-anunsyo nun di ko maiwasang mapangiti ng hilaw.

This is so much for a pity, but I feel hopeless toward the students that really think Olivia is telling the truth. That's foolish, damn! Olivia is untrustworthy!

"I want to laugh hard, damn! Students are so foolish, did they even know that Olivia will just use them? Darn! Ang dami na nga naging problema nakikisabay pa yang si Olivia na yan."

I can sense a strong force of anger in Zen's voice.

"We can't do anything Zen, natatakot na sila sa mga nangyayari at desperado na sila. Kaya kahit walang kasiguraduhan, tataya parin sila——"

"What if ikaw ang nasa posisyon nila Blake.." I can't help but to interfere, may pumasok lang kasi sa isip ko"...if this situation arises among us, would you do what these students will do in order to live? Would you risk...us? Would you risk...Ceixarder and the students just to survive?" Hindi ko alam kung saan nanggaling yun dahil ako mismo ay nagulat din.

Napatingin silang dalawa sa'kin.

"Well, actually, I can't decide as well. You caught me off guard Winter but I guess...."

"You guess what?" Parang na-curious bigla si Zen sa pagbitin ni Blake sa sagot niya at nang itutuloy na ni Blake ang sasabihin ay napatigil kami pareho nang marinig ang anunsyo ni Olivia.

"The gangs on rank, in proper order: the gang on the forth rank is....Devillion League."

The crowd went silent as they hear the news. Even me, if my memory serves me right, ikalawa sila nun. But now, ang saklap naman ng pagbagsak nila.

"The third rank; Rival Monarchy, followed by the; Spider and the strongest gang that remains on top; Black Elite Society."

Agad na nag-ingay ang mga studyante na halatang suportado ang Black Elite Society. Yung para bang gustong-gusto nila na palaging nasa taas ang BES.

May mga representatives ang bawat gang na umakyat sa stage at sa BES hindi ko kilala pero malamang na may mataas siyang ranggo. He's intimidating in all angle.

Hindi ko namalayan na nag-closing remark na pala si Blake at unti-unti ng nagsialisan ang mga studyante at guro na umattend sa announcement.

"Winter, tara na. " napagawi ako kay Zen na nakatayo na. Tumango na lang ako at sinabihan siyang mauna na.

Nang nawala na silang lahat sa paningin ko, marahas na lang akong bumuntong hininga. Know why? Because it feels weird, para bang nasa taas kami ngayon pero natatakot ako imbis na maging masaya. Pakiramdam ko nabitag kami, pakiramdam ko may mali at may masamang mangyayari.

Siguro na pa-praning lang ako, pero sa lahat ng rebelasyon na nalaman ko at natuklasan, parang unti-unti akong nilalamon ng kawalan ng pag-asa.

But no way! Winter, di ka pinalaki ng mama mong talunan, yeah! I'm Winter Valkairie Montreal and I'm more than unique, at least yun ang paniniwala ko.

Napailing na lang ako at sana ay tatayo na nang may humarang sa'kin at sa gulat ay awtomatik na lumipad ang kamay ko para itulak palayo sa'kin ang kung sino man yun.

Then I realized who it was. Shit! Siya lang pala. Napangiwi ako sa taong nakangiwi rin sa harapan ko.

"Anong kailangan mo? Bakit mo'ko nilapitan?"

Matapang na tanong ko sa kanya at sinubukang tumingin ng diritso sa mga mata niyang  may bahid ng sama. He chuckled making me a bit impatient.

Ano bang kailangan ng lalaking 'to?

"I just saw you alone, you look down and dumbfounded so I approached you to accompany you."

"Thanks for your concern."

"Yeah, welcom——"

"But no thank you. I don't need it, I don't need anyone."

Putol ko sa sasabihin pa sana ni Raisen Alonzo. Yes! Si Raisen ang lumapit sa'kin at mukhang nagulat siya sa pambabara ko.

Well, he just got burned.

At Ano ang akala niya? Di ko siya kailangan kahit na mag-isa ako. Di kami close and will never be. I'd rather choose to be alone kung siya lang rin ang maka kasama ko.

"Pff." Naningkit ang mata ko nang tumawa pa siya.

"Anong nakakatawa? Nag joke ba'ko? O baka tinatawanan mo ang sarili mo?" Matapang pa rin na wika ko sa kanya.

Bahagya naman siyang natahimik pero nandun pa rin ang kakaibang pakiramdam ko sa kanya, yun bang parang ang hirap na maging kampante ako habang kaharap siya.

"Okay, okay. By the way, I'm just kidding when I said I will accompany you. I know you wouldn't accept it and I also don't want to be with you for a long time either."

"Then why are you talking to me? I presume you need something or you want to tell me something?"

Amazement danced in his eyes as if he's enjoying this convo with me. And I feel irritated again.

"The rumours are true, the new SC secretary is brave but will never be enough. If time comes and you'll be a burden to us, expect me to kill you. Because I won't let you ruin our plan. Once and for all, I will be the antagonist on your part."

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Wala akong maintindihan sa pinag-sasabi niya at sana lang alam niya yun.

He sounds like, he's threatening me and giving me a warning not to mess up something. But I don't understand him.

He's like Rayven, gan'to rin ang sinabi nun eh, hindi man pareho ang mga salita nila pero iisa lang ang ibig sabihin. And damn! Ni wala nga akong alam diyan sa pinagsasabi nila.

What I hate the most is when people blame me of something I didn't do.

And what this guy saying right now is like blaming me in advance.

"Excuse me? Raisen right?" He nodded.

Nakangisi akong lumapit sa kanya at walang sabi-sabing sinapak siya. He didn't fell but he retrograde. I saw a small amount of blood dripped down from the side of his lips.

"Don't threaten me because it'll not work. Wala akong ginagawang masama at wala akong alam sa sinasabi mo kaya naman, wag mo'kong pagbabantaan——"

"You said you didn't do anything? Yes of course, you'll think you didn't, but try to dig deeper Winter, try to find out what is with this place and try to cope up with the  information you'll know. Because I'm telling you, you will clearly understand what I mean."

Mahabang sabi niya at pinahid ang dugo sa kanyang labi. Napangisi ako ng ngumiwi siya. Isang banta pa, hindi lang yan ang aabutin mo sa'kin.

"You punch hard. Sana pag dating ng tamang oras at sitwasyon, maging gan'to ka rin katigas para manindigan."

Iniumang ko ang kamao ko sa pagmumukha niya.

"Isa pang salita na hindi ko gusto, makakatikim ka ulit sa'kin."

"Okay but not now, see you around." Anas niya na para bang close lang kami. Then he went off the grid.

Muli na naman akong naguluhan nang naisip ko ang pinagsasabi niya. If Rayven is annoying, he is more than annoying.

Wala naman akong nakikitang mali na ginawa ko pero bakit ang daming pumupuna sa'kin?

"Too bad, but I wasn't threatened you asshole. But I will take your advice, I will dig deeper as you said."

Inayos ko na ang sarili ko akmang aalis na sana nang may tumawag sa'kin. I know her voice so I didn't hesitate to look behind me.

"Hi, congratulations. You're in top ten. Who would have thought you're a fighter ? "

Paanas kong sabi kay Rollyn, she's now wearing her glasses again. What change of outfit? O baka naman tinanggal niya lang kanina an salamin niya para di siya masyadong magmukhang nerd, pero bakit pa? Everyone knows that she is.

"Okay lang ako. Ikaw, kamusta? Narinig ko ang nangyari sa'yo, buti naman mukhang okay ka na." And she didn't stammer, she looks innocent yet I know that behind those innocent look is a mystery.

"Uh, Oo pero okay na ako. Bakit mo pala ako nilapitan? May kailangan ka?" Ewan ko pero isang casual na ngiti lang talaga ang kaya kong ibigay habang kausap ko ang isang taong akala ko, isa lamang ordinaryo pero hindi pala.

Bakit kaya siya biglang nagkarank?

"Uhm, wala naman. "

"O-Okay. Wala kang klase?" She just shrugged.

"May tanong ako, pwede mo ba akong sagutin?" Nakatutok lang ako sa kanya habang nagsasalita.

Masama na ba ako kung balak ko siyang takutin sa pamamagitan ng tingin lang, well, not really to scare her but to make her feel uneasy para kung may itatanong man ako, at di niya sagutin ng tapat, ay malalaman ko base sa emosyon at reaksyon niya.

"Oo. Ano yun?"

"Tell me something about this hidden place. How it started and about that undone cure I've heard."

Diritsahan kong sabi na napakurap-kurap sa kanya. Mukhang nagulat siya, I caught her off guard. Whew! Should I be proud of myself? I'm being cunning.

"Ahm, t-this place? Ano ba ang gusto mong malaman.?"

"Everything. Everything that matters, Rollyn Joyce."

Napatango naman siya pero may pag-aalinlangan sa mata niya. I tried to smile to make her feel better. I'm just testing her anyway, di ko gugustuhing manakot para lang makakuha ng impormasyon, hindi ako ganun.

"Before I will tell you about this place, may tanong rin ako."

"Ask away."

"Bakit sa'kin mo ito tinatanong? Bakit hindi sa mga kaibigan mo?"

Well, bakit nga ba? Oh? Dahil malamang sa alam kong hindi nila sasabihin sa'kin ang lahat ng gusto kong malamang at marinig.

"Because it's easier to ask to those people you didn't know that much. "

Sagot ko na lang. Tumango naman siya at nagsimula ng magsalita.

"Okay, I'll tell you then but I'm warning you, digging deeper to a hidden secret means you agreed to stay here forever..." Napasinghap ako dun, alam ko na'yun, sinabi na rin sa'kin yun nina Loki nun.

"Okay lang. Magkwento ka nalang."

Naupo muna kami sa mono bloc na nasa tabi bago siya nagsalita ulit.

"Five years ago, there are three scientists who experimented in this place... Dr. Harry Watson is one of them..." I gasp for an air again. That doctor, akala ko isa lang siya sa mga nakulong dito, yun pala may malaki rin siyang papel sa nakaraan.

"Second is Olivia Avelarde, and doctor Zacharias Wright...they we're best of friends and were all genius as if they were given a chance to be a step behind Einstein. But they fought over a cure. And one of them has died because of it."

Napahinto siya sa pag kwento at tumingin sa'kin.

One has died? I guess I know who.

"That scientist who died...is it Dr. Wright? Bakit naman siya namatay at paano?"

"He was killed by Olivia, and Dr. Watson tried to escaped but too late, the experiment exploded as the finished sample of cure the that Dr. Zacharias made and the whole place was covered by explosion. And then Olivia tried many times to finished the cure using the formula she thought Dr. Zacharias used but she failed many times, she was obsess of her dream to make the cure and she doesn't want to be left alone here, that's when she thought of trapping us all here and tried to control everyone."

After hearing her story, pakiramdam ko mas nadagdagan ang galit ko kay Olivia. She's a cunning woman. At dinamay pa niya ang mga walang kinalamang studyante at guro dito. Ngayon, hindi lang niya binago ang iilan, kundi ginawa pa niyang halimaw.

She's way too far from  being sane now, I must say. Dahil walang matinong tao ang gagawin ang mga masasamang bagay na si Olivia lang ang makakagawa.

"Ano pa?"

"Olivia has a child that has an incurable disease and until now she's still suffering because of that disease. Kaya gustong-gusto ni Olivia na matapos ang gamot na yun. Dahil sa anak niyang mula pagkabata ay naghirap na."

I pity Olivia all of the sudden. Let's say that she's doing this for her child but didn't she think that Dr. Wright also have a child? Didn't she think that the students and teachers she trapped her also has a family?

Kaya kahit na ano pa ang idadahilan niya, the fact still remain that she herself is the protagonist in this story.

"Winter, kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin kong pumanig kay Olivia.... Dahil gusto kong gumaling ang kapatid ko."

Gulat akong napaangat ng tingin kay Rollyn.

Wait, what?! Nababaliw na ba siya?!

***

-The end-

Charot!

[Edited]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top