Chapter 14: Seen her
Please do vote and comment. Para matuwa naman ako.
Thanks for reading!
***
~Winter's POV
I CAN'T believe a guy like Nazi would accept the punishment for his goons. I thought he wouldn't care for his underlings but he actually does.
"He deserve more than 50 lashes Brain. For all he did to us, he deserve execution. And that's in favor to us."
Galit na saad ni Alas. Nandito na rin silang apat sa kwarto ni Martina at nag-uusap usap. Si Alas halatang galit na galit. Well, who wouldn't be? May something sa kanila ni Martina kaya dapat lang siyang magalit lalo pa't pinagtangkaan kami kanina ni Nazi.
"Alas, we need him for now. Tinutulungan nila si Olivia para mahanap ang tatlong bagay na ko-kompleto sa cure. Para maka labas na tayo dito, hintayin na lang natin na mahanap nila ang tatlong bagay na ko-kompleto sa formula, then we'll interfere and do the plan. We can't trust them to free us, they'll just use the cure in their selfish goal ."
Si Zen ang sumagot sa kapatid niya dahil kanina pa tahimik si Ceixarder. Samantalang si Blake, my binabasa sa isang maliit na papel.
Napalabi na lang ako at nang makaramdam ng uhaw ay akmang kukuha sana ako ng tubig sa side table pero nakita ko ang pagalaw ni Martina.
Agad ko siyang tinignan at nanlaki ang mata ko nang bukas na ang mata niya.
"M-Matina..."
"H-H..ey...kamusta?"
Mahina at putol-putol niyang wika na may munting ngiti pa sa labi.
Agad na nagsilapitan sina Alas, Zen, Blake at ang pinakahuli na lumapit sa tabi ko ay si Ceixarder (Sai-sar-der). Agad na hinawakan ni Alas ang kamay ni Martina and I was stunned when he kissed the back of her hand. Namumula na pinaningkitan ni Martina si Alas ng mata. Pero tanging ngiti lang ang ginanti nito.
"At last, you're awake. You scared me, alam mo bang sobra akong nag-alala?"
"Yeah, I agree. Halos di yan natutulog."
Dugtong ni Zen sa sinabi ng kapatid niya.
"How are you feeling Martina? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? May masakit ba sa'yo?"
Umiling si Martina kay Blake. Isa-isa niya kaming tinignan at naiiyak na ngumiti siya.
"A-Akala ko di na ako magigising. Nakakatakot pala..."
Agad na tinuyo ni Alas ang mga luha niya. Buti naman at gising na siya. Akala ko nagbakasyon muna kung saan ang kaluluwa niya eh.
"Don't be afraid. Nandito lang kami, di ka namin pababayaan."
Saad ni Alas para pagaanin ang pakiramdam niya. At mukhang gumana kasi ngumiti na siya at binalingan ako.
"Hi Winter. Nauna ka palang nagising sakin? Buti naman mukhang okay ka na."
"O-Oo."
Maikli kong sagot at tumungo. Nahihiya ako kasi nagising ako kaagad pero siya, mag-aapat na araw na siyang tulog pero buti nagising na siya ngayon.
"Pagaling ka Martina. Tambak na gawain mo eh. Ayuko ng saluhin ang trabaho niyo ni Winter."
Biro pa ni Zen na minsan lang naman magpatawa muntik pang mag-effect fail. Buti mabait si Blake at agad na tumawa kaya nagtawanan na rin kami. Kahit si Ceix(sex) narinig ko ang munting tawa niya na masarap sa pandinig. Bahagya ko siyang tinignan at aaminin kong nabitin ako dun sa tawa niya.
Minsan lang kasi siya tumawa. Nang napansin niya na nakasilip ako sa kanya agad na naman siyang sumimangot at tinaasan ako ng kilay.
Hayss, this guy.
"What?" He mouthed, magkaharap lang kami kaya napakatitigan ko ang makinis niyang mukha.
He's damn attractive! Ang kinis ng balat, wala man lang dark spots.
"Wala. Bakit? Ano ba?" Maang-maangan kong tanong.
" You're starin'..."
"And so? Ano naman ngayon?"
"Don't look at me." May diin niyang sabi. Mahina lang ang boses namin dahil nag-uusap rin sina Blake at ang iba.
"That's not your decision to make."
"Yeah it is. I'm Ceixarder Rosevelm, this Hidden University's Student Council V-President. And I can command whoever is beneath me. And when I say 'don't look at me' you will obey."
Puno ng awtoridad na wika niya. Yung awtoridad sa boses niya nang kausap niya kaninang tanghali si Nazi, naririnig ko yun ngayon.
Damn him! Kung hindi niya lang ako niligtas at kung wala lang akong utang na loob kanina ko pa siguro siya dinakdakan.
"Paano ba yan, gustong-gusto ko pa namang tumingin sa'yo."
Nanghihinayang kong wika at umaktong nalulungkot. Agad na kumunot ang nuo niya.
"And why?"
"Because I adore you."
"Pardon."
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Eh maski ako rin eh! Nasabi ko na pala yun? Tsk, sa isip ko lang dapat yun eh. Nahihiyang ngumiwi lang ako at di na nagsalita pa. Yiiiii.
"Winter Valkairie Montreal, I said pardon."
At inulit pa niya talaga sabay banggit ng full name ko. And I can't help but to raise my eyebrows. What's the big deal? Diba pwedeng joke lang yun?
"Sabi ko, ang sungit mo. Bakit mo ba pinipigilang ngumiti at tumawa?"
"Who said I'm resisting it?"
'I just feel it'. Yun dapat sagot ko pero iba ang lumabas sa bibig ko.
"I can see it through your eyes..." Oh! Cheesy! " I mean, nahahalata ko yun..."kako ka!
He just smirked and leaned closer. Sa gulat ko muntik pa akong mapatili dahil muntik na niya akong mahalikan kung di lang awtomatik na umatras ang ulo ko.
At ang gago, ngingisi-ngisi lang!
"No one can see through these eyes...but the one meant for me. Nobody could read the hidden desire behind these eyes. Get it?"
May makahulugang ngisi sa labi na wika niya. Pero di pa rin siya lumalayo sa'kin. Wala ata siyang balak na magbigay distansiya at ako na lang sana ang gagawa bago kami mapansin ng mga kasama namin pero huli na, I heard Zen and Blake hummed and then I felt four pairs of eyes darted towards me.
"Lovebirds?"
"Something is up to them. Bakit ba ngayon ko lang napansin?"
"I can smell something fishy."
"Baka nagkwekwentuhan lang sila."
"Nagkwekwentuhan my ass. Walang nagkwekwentuhan na ganyan kalapit. Maghahalikan siguro pwede pa."
And they are freaking talking as if wala kami dito!
Namumula ang pisngi na hinarap ko sila at umaktong inosente. Goodness. These chismuso!
"May sinasabi kayo? " malamig na tanong ko.
Sabay-sabay naman silang umiling pero may kakaibang kislap sa mata at ngisi sa labi. Yung tipong sinasabi nilang, 'what we see is what we get'. Fuck!
"I'll call a doctor." Sabi ko na lang at walang-lingon likod na umalis palabas sa kwarto ni Martina. Rinig na rinig ko ang paghagalpak nila ng tawa at akmang tatalikod na ako sa nakasaradong kwarto nang may humawak sa kamay ko.
And it's Ceixarder freaking Rosevelm!
HANGGANG sa nakarating kami sa canteen ng maliit na Hospital na'to ay hawak pa rin ni Ceixarder ang kamay ko. Kanina pinagtinginan kami ng ibang pasyente na nagpapagaling pero di natinag ang lolo niyo.
Naupo na siya sa upuan kaharap ko at may nilapag na maliit na tray sa harapan ko na puno ng pagkain.
"Eat now. After this we'll attend our night class. Although we're busy, we should still prioritize our study."
Saad niya at tahimik na kumain. Gabi na kasi at maya-maya lang may klase na kami.
"Eh sino ang magbabantay kay Martina?"
"Ikaw. Gusto mo?" Walang emosyon na tanong niya sakin.
Napairap na lang ako sa ere. Here he goes again, being a jerk and a damn asshole. Can't he just answer me right so we won't argue again? Kaya wala na kaming matinong pag-uusap eh.
"Maayos akong nagtatanong kaya sagutin mo rin ako ng maayos." Sermon ko pa.
Parang naiirita pa siyang nag-angat ng tingin sa'kin at frustrated na tinignan ako.
Aba!
"Zen will. The Armies will. Alangan namang pabayaan natin siya dito diba? Tsk. Kumain ka na nga lang, andami mo pang sinasabi."
Mas napataas ang kilay ko sa kasungitan niya. Aba! Baka nakalimutan niya na siya ang humila sa'kin papunta rito. Tatawag lang naman dapat ako ng doctor kanina pero bigla niya na lang akong hinila't dinala dito.
Di na lang ako sumagot at kumain na rin ng hapunan. Tahimik lang kami habang kumakain nang may pumasok sa isip ko. At di ko napigilan ang sariling magtanong.
"Ceixarder..."
"What?"
"May nabanggit kanina si Zen na cure. Ano yun? At sabi pa niya, makakalabas pa tayo dito. Paano yun mangyayari?"
May munting pag-asa akong naramdaman sa isiping may paraan pa pala para maka labas kami rito. I thought we'll be trapped here forever.
Pero hibdi umimik si Ceix at kinailangan ko pang magtanong muli. And what he answered just irritated the hell out of me.
"That's false hope. That's just nothing and a waste of time."
"What false hope? How can you say that?! "
"What you heard from Zen is just a tale. Naniwala ka naman agad?"
Pinaningkitan ko siya ng mata. Ang nega-nega talaga ng lalaking 'to. Kaya gustong-gusto ko siyang inuntog fifty times sa pader ng Hidden University eh!
"I believe what I've heard is true. And if it's just a tale, I know there's something behind it. "
"C'mon Winter. That's just a canard." Hilaw lang akong natawa at napailing-iling.
I can feel it, he doesn't want to tell me. Pero pasasaan ba't malalaman ko rin ang tungkol dun. Maghintay lang siya at aalamin ko rin ang tungkol dun.
"You're no fun." Pang-iinsulto ko sa kanya.
"Yes I know, and yeah, I am. Well, what do you expect, Winter? I'm not a clown or a joker."
Bwelta rin niya at malamig akong tinignan. Naiinis na inirapan ko siya. Tsk, lalaking 'to talaga. Ang ingot!
"Ayaw mong sabihin? Di wag, di na kita pipilitin..." I sipped a coffee" but I'll find it out soon. Marami naman akong mapagtatanungan. "
Tumaas lang ang kilay niya na para bang hinahamon pa niya ako.
"If I we're you, I'd rather stay quite. I'll keep my mouth shut and won't try to know the deeper history of this place. Because we have a motto here..."
Pahayag niya at tinapos na ang pagkain niya na di ko man lang napansin na ubos na pala.
"What motto?"
He didn't answer, instead he crossed his arms and his eyes traveled behind me. Nagtataka naman akong tumingin sa likuran ko. At laking gulat ko nang makita si Olivia na malawak ang ngiti.
Shit! Di ko man lang siya napansin.
"Hello our dearest newbie! How's life?! It's been a long time since we met. Ganun na ba ako ka-busy?."
Bungad nito na para bang close lang kami kung makipagkamusta. May matandang lalaki siyang kasama at isang body guard na dati yatang sumo-wrestler sa laki ng katawan.
"What brought you here Madame? It's already dark and you still visited us here. Did you come for something? Mind telling me so that I could help you."
Ceixarder said in a calm and friendly voice. But I can feel the hostility and disgust in his voice that he hides in his evil smirk.
"Actually, I've came here for you. I just want to clarify some things, Brain."
"Sure. Ask me then Madame." Kalmado pa rin ito at pa-cool na ngumisi. Yung tipo ng ngisi na pangingilabutan ka. Yung parang nakabangga mo sa kalye ang isang member ng frat na siga sa kanto niyo.
"It's about something private..." Pasimpli akong tinignan ni Olivia. At alam ko naman ang nais niyang sabihin.
"Excuse me" sabi ko na lang at tumayo. Di ko na tinignan si Ceix at aktong lalampasan ko na siya nang bigla rin siyang tumayo na ikinagulat ko at ni Olivia.
"If it's private. Then talk to me to the lab tomorrow. G'evening again Lady Mistress." Magalang na wika niya. " Peter, samahan mo palabas ng hospital si Madame Olivia. " utos niya sa isang Council army na nakatayo di kalayuan samin na agad namang tumalima.
Napakurap-kurap nalang ako dahil mukhang nagulat dun si Olivia. May galit sa mukha itong nagpaalam.
"I'll go ahead then. "
Maikli pero may diing wika ni Olivia.
Ceixarder speaks so respectful but acts so rude. What a nice combination!
"Bakit di mo nalang siya kinausap kanina? Pinatagal mo pa eh mag-uusap rin naman kayo."
Saad ko, naglalakad na kami ngayon pabalik sa kwarto ni Martina at may dalang mga pag-kain.
"I know what it's all about and she knew my answer is still the same. Kaya ano pa ang saysay na mag-usap kami? That's just a waste of time. Big time."
Sagot niya na naka tingin sa harapan at di man lang ako tinatapunan ng tingin.
"Ganun?"
"........"
"Tungkol ba'yun saan?"
"Nothing."
Napairap ako sa ere. Lahat na lang ng itatanong ko sa kanya, 'nothing ' ang sagot niya. Edi siya na secretive. Saksak niya sa baga niya yang sekreto ng Hidden University. Baka sakaling yumaman siya diyan.
Huminto kami sa harap ng pinto ng kwarto ni Martina at ako na ang pumihit nun dahil wala naman akong dala, ang galing ko kasi, natalo ko siya sa riddle kaya siya nagdala ng mga pagkain.
Agad na bumungad sa'min sina Alas, Zen, Blake at Martina na tahimik at may tinututukang maliit na papel. Ano kaya yun?
"Hi guys. We're back!"
Anunsyo ko pero tumango lang sila ng hindii man lang nag-aangat ng tingin. Nagsalubong ang kilay ko dahil dun. Agad akong lumapit sa kanila at nakititig rin dun sa papel.
"Ano yan? Bakit kayo nakatitig diyan?"
Tanong ko pa nang makitang wala namang nakasulat dun sa papel. It's empty! Naramdaman ko rin na lumapit si Ceixarder at tumabi sa tabi ko sabay uklo para kunin ang papel.
Agad na umingos ang iba at umangat ang tingin sa kanya.
Di ba niya alam ang salitang' excuse ' nanghahablot na lang bigla eh.
"What's this?"
Kunot nuong tanong niya.
"Papel malamang. Ano ba yan?" Di ko maiwasang mambara.
Pinukol niya naman ako ng masamang tingin.
"Nakita ko lang yan kaninang umaga sa mesa ko. And in the envelop says, 'for you'. Pero wala namang nakasulat eh. Itatapon ko na lang sana pero naisip ko baka may hidden message diyan."
Paliwanag ni Blake na bahagyang nakaluhod sa paanan ng kama ni Martina. Ganun rin sina Zen at Alas. Samantalang sa Martina naka upo.
"Did you decrypted it already?"
Tumango silang apat at nagkatinginan.
Wayt?! Ba't parang ang weird nila. They're glancing at each other as if they're holding something. May mali.
"What's the message then?"
"Ahm, nanalo ka raw sa lotto Brain."
May pag-aalangan pang sagot ni Blake na mas nagpasama sa mukha ni Ceix, magkasampok na ang medyo may kakapalan niyang kilay at panay ang kunot ng nuo.
"Pinaglululuko mo ba ako Blake?" May babala sa boses niya na malamig pa sa yelo.
"Hindi Brain. Talagang yan ang--"
"Paano ako mananalo sa lotto e wala ngang lotto dito?"
"Pero Brain, yun talaga yun eh. Baka na-forgot mo lang--"
"Pinagti-tripan mo ba'ko Blake? Magsabi kalang dahil sisipain kita paalis sa posisyun mo."
Natatawa na si Alas at Martina na kanina pa ata nagpipigil ng tawa. Namumutla na si Blake dahil halos patayin na siya ng titig ni Brain daw!
"I'll rip all your heads off. And you two, stop laughing."
Damn! Mas sumama pa ang itsura niya at halatang naiirita na. Agad namang tumigil sina Alas sa pagtawa.
"Blake. What's the message? And don't you dare answer me of the same answer. Otherwise you want to--"
"Believe me Brain. Nanalo ka talaga--"
"Damn it. Ano nga?! Don't make fun of me or I will choke you to death."
Hayss. Di na umimik si Blake na mas nagpasampok ng kilay ni Ceix. Then Zen just burst out of laughter. Napangiwi pa ako sa lakas ng tawa niya.
Then they all followed. And we're left dumbfounded. Natatawang kinuha ni Blake ang papel kay Ceix.
"Hayss. Damn Brain. We're just playing here, masyado ka namang seryuso I'm just joking."
Tawang-tawa nitong saad at tinignan ang papel.
"Saan na ba ako? Ahhh, ang liit naman ng tuldok na ginawa mo Zen hindi ko tuloy mahanap."
Tatawa-tawa pa siya nang biglang may tumamang isang rolyo ng papel sa mukha niya. Napangiwi siya sa sakit at lahat kami ay napatingin kay Ceix na naka hawak sa sentido nito na para bang nagpipigil na magwala. Hawak niya ang rolyo ng bondpaper na hinampas niya kanina kay Blake.
Bahagya pa siyang lumunok at nagtagis ang panga, pero kahit ganun, he looks hotttt. Kyaaaa!
"As your punishment you punk, you will clean the whole Hospital for three days."
Agad na umingos si Blake at napatayo. Maybe he forgot that he's kneeling down on the bed kaya muntik na siyang mahulog.
Di na ako nakapagpigil at humagalpak na ako ng tawa. Masarap bang mapaglaruan? Oo, pero mas masarap maparusahan. Diba?
"Aish. Brain naman eh. Joke lang naman."
"I'm enjoying Blake. Wag kang kill joy." Naka ngisi namang sambit ni Ceix.
"Ayan! Ang ganda kasi ng trip niyo. Oh diba? Nagka-award ka ng di oras. Maglilinis ka tuloy ng wala sa oras." Tudyo ko pa.
"Napakabait mo naman Blake, talagang pinu-fullfill mo ang duty mo bilang Student Council President. You deserve a glass of water." Tawang-tawa na usal ni Martina at may inabot na isang basong tubig kay Blake.
"Yes I am. Nakaka-proud nga eh."
Sarkastikong wika ni Blake.
Napailing na lang ako habang pinagmamasdan silang nagkakasiyahan.
And then I feel this strange yet happy feeling. You know why? It's because despite of everything, this place' misery and the hardships they've experienced, they can still smile and laugh. Despite of everything, they're still solid.
Ewan pero nakikita ko sina Loki, Blaise at Zetro at sina Kiana sa kanila. I remember, gan'to rin kasi sila ka-close at kasaya.
"Winter, hoy! Bakit ka tulala diyan?"
Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Martina. Kumakain na pala sila at ako na lang ang hindi pa. Nang-aakusa akong binalingan ni Alas. Balik na siya ulit sa makulit at palangiti na lalaki.
"Kain na."
"O-Oo-este sige, tapos na kasi kami eh."
Tumaas lang ang kilay niya at nagpabalik-balik ang mata sa'min ni Ceixarder na kanina pa nakasandal sa pader at tinitignan lang kami habang walang emosyon ang mukha.
"Oh? Nauna na pala kayo? Ang sweet niyo naman ngayong mga nakaraang araw? Nagda-date ba kayo?"
Agad ko siyang binato ng saging na mabilis niyang nasalo sa ere palang gamit ang kaliwang kamay. D'waw! Siya na magaling.
"Kung ano-ano iniisip mo. Kain ka na nga, tadyakan kita diyan eh."
Sabi ko na lang sabay irap pero nahagip ng mata ko sina Blake at Zen na nagsusubuan. Kitang-kita ang inis sa mukha ni Zen na umiiwas sa kutsara dahil sinusubukan siyang subuan ni Blake. Kinginang mga lalaki 'to!
IT'S PAST 9 PM pero on going pa rin ang klase namin. According to our professor, tambak raw kasi ang mga lessons namin at baka mahuli na kami. Pero huli naman talaga kami eh.
Ramdam ko na ang antok at mabigat na ang talukap ko. Ilang beses na rin akong muntik ng maka tulog pero sa tuwing pinapagpag ni Prof. Dy ang mesa niya napapabalikwas na lang ako.
"I feel sleepy. Damn."
Dinig kong bulong ni Zen na nasa tapat ko lang. Halata naman dahil kanina pa siya hikab ng hikab. Mukhang lahat naman ata kami, worst, pati si Sir. WTF?!
Pinalibot ko ang tingin sa buong kwarto at tumigil ito sa isang lalaki na walang emosyon ang mukha, naka-face palm, mapungay ang mga mata, at isang tulak lang siguro masusubsob na sa mesa niya. Natawa ako bigla sa naisip ko, pero at least nawala ang antok ko. Then I feel like, maiihi ako. Agad kong itinaas ang kamay ko.
"Yes Miss Montreal, would you like to solve the problem?"
Napa-ngiwi ako kay Sir. Iihi po ako, hindi magso-solve. Kingina.
"No Sir. But I'd like to go out, I want to go to the rest room."
Agad namang pumayag si Sir kaya walang ingay nalang akong lumabas, bumaba sa second floor kung saan naruon ang C.R.
'Di ako natatakot kasi nakasindi naman ang mga ilaw sa bawat floor. Maybe it's weird, but we have light her, may kuryente sa lugar na'to kahit walang meralco. Oh diba? Ang creepy lang.
Matapos kong magbanyo, naghugas muna ako ng kamay at akmang lalabas na nang makitang naka patay ang mga ilaw. At sobrang dilim! Napalunok nalang ako at kinabahan ng nagpatay-sindi ang ilaw sa CR. Yung tipong tulad sa mga movie na horror na sa tuwing may multo o masamang spirito ang magpapakita ay namamatay ang mga ilaw.
Shit.
"N-Nice. Pang horror ang peg."
Sambit ko para iwaksi ang takot na nararamdaman. But I can't help but to hug myself when the lights finally turned off. And the cold wind embraced me. Whew! Nasa horror film ata ako, nasaan ang camera?
Binaybay ko na lang ang hallway pabalik sa hagdan paakyat ng third floor. Kahit madilim alam ko naman ang daan.
Ngunit sa bawat hakbang na gawin ko, napapalunok na lang ako dahil gumagawa ng tunog ang sapin ko sa paa. And the sound is freaking scary. Parang kumakatok ito sa isang saradong lugar.
"Ahh--"
Agad kong tinakpan ang bibig ko nang nagulat ako dahil parang may narinig akong yabag. Pero ng lingunin ko, kunwari may makikita ako sa sobrang dilim, pero wala namang tao.
Namamawis na binilisan ko ang lakad pabalik pero muli akong napalingon ng pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Hindi ko na halos mabilang kung Ilang beses akong napalunok. At nang maramdaman ang pananayo ng balahibo ko sa batok parang gusto ko na lang sumigaw at humingi ng tulong pero kabobohan lang yun.
And I feel like, someone is watching me. I can freaking feel it!
Agad akong tumakbo na papuntang hagdan paakyat sa second floor pero panay naman ang ingay ng takong ng heels ko.
Fuck. Ba't kasi ako nag sandal?
Paakyat na ako nang biglang may narinig akong mga yabag, kaya napahinto ako at natulos sa kinatatayuan, they are like running and I can hear screams. Mahihinang daing at ungol na parang nasasaktan. Agad akong nilukob ng takot at aakyat na sana nang may humila sa'kin at may tumakip sa bibig ko dahilan para hindi ako makagawa ng ingay.
At habang hila-hila ako ay naalis sa paa ko ang akong heels dahilan para wala na akong nagawang ingay.
Mabilis kaming nakapagtago sa isang madilim na sulok, isang stock room at sinubukan kong tanggalin ang mga kamay na nakahawak sa'kin pero mahigpit itong naka hawak sa'kin.
I was about to kick him in the balls, but my eyes widen when I heard a thud. Yung tipong parang may bumagsak mismo sa harapan ko.
"Ahh-h-h-help..."
"What are you sayin'?"
Parang literal na napahinto ako sa paghinga nang marinig ko ang boses na'yun. Napuno ako ng takot, kaba at kung ano-ano lalo na ng ma-realize ko kung sino ang may-ari ng boses na'yun.
Ang huli kong narinig ay ang mahabang daing ng isang lalaki na parang nasasaktan.
That voice! I hope it's not her...but that's really her! Winter, siya yun!
Marami pa akong naririnig na parang nag-aaway-away. At isang ilaw na gawa malamang ng flashlight ang dumaan sa'kin pero hindi naman ako tinamaan ngunit parang masusuka ako at hinahalukay ang tiyan ko sa hinintuan ng maliit na liwanag.
My knees trembled as my sweats doubled and my breathing got ragged. Ang sikip-sikip sa dibdib makakita ng mga bangkay na naliligo sa sariling dugo.
At isang anino ang naaninag ko, unti-unting tumama sa kanya ang maliit na liwanag na nagmumula sa kung saan at nakumperma ko ang aking hinala.
That's her, and I'm happy because she's really alive after of every negative statements I've heard about her, but at the same time, I want to cry. Kasi ibang-iba na ang Aliza na nakikita ko ngayon.
She's soaking in blood, her clothes is all red, her hands is bloody and she has this scary and deadly eyes that I've never thought I will see.
At kitang-kita ko kung paano niya saksakin ang ka harap niya na nagpalaki sa mga mata ko. Kung siguro wala lang nakatakip sa bibig ko ay napasigaw na ako kanina pa.
No way in hell. This is not her, because the Aliza I knew is godfearing.
"Close your eyes Winter. The scenery is too brute for your innocent eyes." Narinig ko ang boses ni Ceixarder sa tenga ko at wala sa sarili kong sinunod ang sinabi niya.
Sana, sana sa pagpikit ng mga mata ko. Magigising ako sa bangungot na'to.
***
Edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top