Chapter 13: The power of the Law

~Winter's POV

IT'S ALMOST A month since day one, meaning, I've been into this wild cage for four weeks now. With all my strength left, I pushed the door of Martina's hospital room. She's still sleeping but the doctor said she'll be awake soon.

I sighed as I sat on the chair beside her bed. I was the one left because Blake and Ceixarder have to settle things out there. While Alastair needs rest and Zen managed the students in distress.

Nanginginig pa rin ang kamay ko sa isiping muntik na kaming atakihin ng mga Devellion League gangsters kanina. Galit na galit sila sa pagkamatay ni Jacob, they're uncontrollable and if it wasn't because of Ceixarder himself, baka nilapa na kami ng mga DL kanina.

"C'mon Winter, pull yourself together. You need to be strong enough to fight this place's unlawful desire of blood. Remember your main goal."

Pagkausap ko pa sa sarili ko. Ayaw pa rin tumigil ng panginginig ng mga kamay at tuhod ko. I can feel my nerves rocking.

Napa titig ako kay Martina nang parang gumalaw siya. Pero tulog na tulog pa naman siya. Siguro imahenasyon ko lang yun. Habang nagbabantay kay Martina biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi kanina ni Blake.

Maglilibing daw sila ng mga katawan ng namatay sa Grand Ball.

And I can't imagine seeing countless of lifeless students.

Napabalikwas ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Martina. Iniluwa nun si Dr. Harry Watson at may kasama siyang babae na nag pataas ng kilay ko.

Ano kaya ang  ginagawa nilang dalawa dito?

"Doctor. Napadalaw ka? Bakit, anong problema?"

Bungad ko kay Dr. Watson at napatingin sa babaeng maarte rin akong tinitignan.

"I'm just checking your patient. Hindi pa ba siya nagigising?"

"Gising na'po siya. Actually nagtutulog-tulugan lang siya ngayon." Sarkastiko kong sagot. Obviously, Martina is not awake yet. Bakit ba napakahilig nating mga tao na magtanong ng obvious? I don't get it.

"What do you mean?" Nagugulahang tumingin sa'kin ang matandang doctor. I want to roll my eyes like Ceixarder always do but that's too rude. Maybe I'm such a bad girl but I'm not that disrespectful.

"Dad?! Gosh! She's being sarcastic! Duhh?" Sawsaw ni Talina na puno ng kaartehan sa katawan. Oh? So mag-ama pala sila? Kaya pala parang di ko sila pareho kayang pagkatiwalaan.

Natawa naman ang doctor at parang di man lang siya nainis o nairita sakin.

"May nag-check up na ba ng kalagayan ng kaibigan mo na doctor." I just nodded.

"Kailan daw siya magigising? It's been three days that she's asleep. Sa bagay, the poison in her body is strong."

Napamulagat ako. Poison? Eh sa'kin? May poison din ba sa katawan ko nang nasaksak ako ng lalaking akala ko ay kakampi dahil niligtas niya ako sa unang beses, pero hindi pala.

Pero bakit gising na ako kung ganun nga?

"Doctor...ang katawan ko ba...may lason rin?" Medyo nagtataka kong tanong.

"Duuh? Malamang bitch. Lahat ng namatay ng gabing iyon lason ang dahilan. Duuh?"

And I'm getting so annoyed of Talina na kanina pa nakikisawsaw sa usapan namin ng ama niya. And calling me bitch is a one wrong move.

"Talina. Hindi ikaw ang kausap ko kaya wag kang sumabat. And I'm not a bitch here...otherwise, you're referring to yourself?"

Balik ko sa kanya at agad na nagtagis ang panga niya sa galit.

"I am obviously referring to you. Nagtataka ako kung bakit ba nabuhay ka pa e mukha ka naman patay!"

"You mean I'm whiter than you. Ganun lang talaga ako, maputi at gindi gaya mo. Ilang glutataion ba ang nilunok mo?'

Mas nanlisik ang mga mata niya sa sinabi ko. And suddenly, she turns to a wild freaking ugly beast.

"You freaking bitch——"

"Talina. Ang ingay mo na. Lumabas ka na lang muna." Suway ng ama niya sa kanya.

"Wala akong paki! Kakalbuhin ko ang babaeng yan!"

"Out sweetie. "

"But dad—"

"Out." Wala na siyang nagawa dahil mukhang seryuso talaga ang ama niya na paalisin siya nito.

Nagmamartsa namang umalis si Talina at para akong mabibingi sa lakas ng pagsarado niya ng pinto.

Napapikit na lang ako.

"I'm sorry for my daughter's rude attitude towards you. Spoil kasi, but I'm amazed of you." Wala namang dapat hangaan sa ginawa ko kaya napataas ako ng kilay.

"How can you be so amazed of me Doctor? I'm such a rude girl as well for talking back to your daughter before your eyes."

Tumawa lang siya na para bang nasisiyahan pa siya. He's getting weird. Swear!

"Ikaw lang kasi ang nakakasagot ng ganun sa kanya at mukhang may katapat na ang unika hija ko." Natatawa pa ring wika niya.

Compliment ba'yun?

"Back to my question, is my body also poisoned that night?"

Umakto siyang nag-iisip bago ako tinignan na parang sinusuri.

Kapagkuwan ay mahina siyang tumango. Gulat na naningkit ang mata ko.

But how come at agad akong nagising? And my wound, it's healing so darn fast.

"How could that be possible? Pero bakit nagising agad ako?"

"Don't think too much Winter. Kompara kasi sa iba at sa kaibigan mo, may kunting lason lang ang nasa katawan mo at agad itong naagapan. Kaya nagising ka kaagad."

Paliwanag niya. And he's right. Di ko lang naisip na posibling ganun nga, pero kasi, ni kunti man o marami, lason pa rin yun. It'll spread through my blood and affect me.

Pero di na lang ako nagtanong pa ulit.

"Salamat po. "

And for the first time since we have a talk, I became a bit polite. Tumango naman siya at ngumiti saka nagpaalam na. Pero muling bumukas ang pinto ng halos walang ingay at may naramdaman akong presensiya.

Agad akong tumingin dun at napasinghap ako nang ibang tao pala ang pumasok. Isinarado niya ang pinto at nakunot ang nuo ko ng inilock niya pa yun.

His presence, it's not ordinary. It's spine-chilling and the way he moves without any sound injects fear in me. And when his eyes met mine, I feel like my world was filled by fear.

His eyes are full of anger, hatred, desire to kill, and it screams for revenge and blood.

"S-Sino ka..."

Para akong kinapos ng hangin. Alam ko ang presensiyang 'to, dahil naramdaman ko na'to noon palang ng una naming tumapak ni Inari dito. At kahit hindi ko siya kilala sa itsura ay kilala ko pa rin siya sa pangalan.

He's Nazi Blackhood!

At kung di lang siguro ako naka-upo ngayon malamang na kanina pa bumigay ang mga tuhod ko.

"P-Pa'no ka nakapasok dito? Maraming bantay sa labas..." Hell! Maraming Council Armies na nagroronda sa labas! Pero naka pasok pa rin siya.

"It's so foolish of you to think that I'll be stopped by your Armies. You're all too confident huh? And depending to those weak Armies is a foolish move. You think you're already safe because you're a Council Member now?"

Puno ng lungkot at galit ang malamig niyang boses at gusto kong umatras nang naglakad na siya palapit sa'kin.

Ramdam ko na ang pagtakas ng butil ng mga pawis ko sa katawan. Nanginginig na lalo ang mga tuhod ko at alam kong kahit may pagkakataon, di ko kakayaning tumakbo palayo sa demonyong papalapit sa'kin.

And for a moment, isang pangalan lang ang pumapasok sa isipan ko. Ceixarder Rosevelm!
I need help, no, I need him right at this moment.

"Natatakot ka na ba? " tanong niya habang mabagal na lumalapit sa'kin at napatingin kay Martina. His eyes glow at mas kinilabutan ako. No way! Not her!

"Still asleep? Patulugin ko kaya siya ng permanente?"

"You can't do that! You can't touch her, she's a Council Member."

I pointed out. Pero sa mga oras na'to alam kong walang kapangyarihan ang bagay na yun. He is Nazi Blackhood, Devillion League gang leader. At alam ko kung gaano siya kasama.

Hilaw na tumawa siya na mas nagpakaba sa'kin.

"Now you're using that shit reason to survive. Do you think I care about rank?"

"Pero bakit ako, bakit siya? Wala kaming ginagawang masama sa inyo. Kung ang ikinamatay ng kapatid mo ang pinagpuputok ng butsi mo, wag kami ang sisihin mo kundi ang pumatay sa kanya."

Mas nanlisik lang ang mata niya nang binanggit ko ang kanyang kapatid. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napalunok pero ngayon-ngayon lang ay lumunok na naman ako.

"That's the case. Leader declared war openly but you, Student Council ordered a new law. And do you know what that law is?"

'Di ko alam. Honesty speaking. Pero Ilang dangkal na lang ang layo niya sa'kin at nakita kong may kinapa siya sa kanyang likuran. O hell!

Shit! Baka gunting! Lagot na ako nito.

"W-What law?"

Gusto ko siyang madistrak para magkaoras pa ako. At sa puntong 'to, isa lang ang panalangin ko. Please Ceixarder, save me!

"No matter what war will rise, no innocent shall be harmed. See? Your so-called Brain is protective."

Humento na siya sa harapan ko at gahibla na lang ang layo sa'kin. Naka upo ako at nakatayo siya sa harapan ko. Nasa likuran ang isang  kamay niya at sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa takot.

"But, you're the Black Elite Society's guest, and that what makes you one of them. And your life worth my time!"

Saad niya at nanlaki ang mata ko nang itinaas na niya ang kamay niyang may hawak na matulis at mahabang gunting sa ere na alam kong sa'kin tatama.

Napapikit ako kasabay ng munting hiyaw na kumawala sa bibig ko.

Pero agad rin akong napamulat nang may narinig aking nabasag at pagbagsak.

At mas nanlaki ang mata ko, napaawang ang labi sa nakita. Napatakip na rin ako ng bibig sa sobrang gulat, kaba at takot.

"And the punishment if you break unto my law? Do you know what that is, Nazi?"

Malamig at puno ng galit na sambit ni Ceixarder na nakatayo mismo sa harapan ko. May basag na vase sa sahig at duguan ang mukha ni Nazi habang nakatihaya sa sahig ng kwarto.

Napasinghap ako sa gulat sa mga nakita ko. What the? What the hell happened?

Pero si Nazi, parang wala lang sa kanya ang sinabi ni Ceixarder at tumayo ito paharap na seryuso ang mukha pero matatakot ka sa mga mata nitong walang sinasanto.

"Don't interfere with our business Brain. We want war——"

"And I let you."

"And that woman is one of them——"

"One of us, the Council. She's untouchable, you broke that law. She's  innocent, and shall not be harmed, but you just broke that law. You just attempted to kill her and that's what made you broke the law. Now, with those two mistakes, what punishment you think I'll do to action?"

Puno ng awtoridad na saad ni Ceixarder habang maiinit silang nagkakatitigan ni Nazi.

"Like I said, she's one of the BES. And shouldn't be in Council. Do you think she also broke a law?"

"Proof? Do you have any? But of course you have none. Know what Nazi? You just disappointed me. "

Parang nang-iinsulto na asik ni Ceixarder na nagpakuyom sa kamao ni Nazi na handang-handa ng manuntok anytime. At nakamasid lang ako!

"Why?"

"Because as a Leader. Dapat lahat ng kilos mo planado at pinag-iisipan. Pero hindi, you just proved me that I'm wrong. Because you let your emotion affect you. You let the emotion of sorrow of your brother's death to drive you to the wrong way. And hurting my secretary means breaking my rule, my law. At dahil dun, paparusahan kita. You choose: execution or massacre?"

Napa tigagal ako sa narinig. No way! Both choices are prone to death!

At kitang-kita ko ang pagtutol sa mga mata ni Nazi. Na ayaw niyang mamili. Na hindi niya papayagan na mangyari ni isa sa dalawang yung.

Pero iba ang nakikita ko kay Ceixarder. His eyes are screaming for blood and killing a DL will satisfied those eyes.

"No fucking way. No one of my men will die——"

"Then should I kill you instead?"

I can sense authority and finality in Ceixarder's as cold as ice voice.

"Brain. Don't push me too much. I won't hesitate to declare a war to all organization in this hell——"

"And you do know what kind of Armies I have Nazi. I have..almost three times of your men. Now, I'll be kind to you, I'll give you another option."

Mas pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko lalo na nang lumapit si Ceixarder kay Nazi. I'm afraid Nazi might stab him unexpectedly. But no, di yun ang nangyari.

Bagkus ay ikinagulat ko ang ginawa ni Ceixarder. Sa isang iglap lang naagaw na niya kay Nazi ang hawak nitong gunting at malakas na isinaksak sa balikat ni Nazi 'yun.

And his blood scattered upon the floor! But Nazi stood firm and strong. Parang wala lang sa kanya ang ginawa ni Ceixarder. Nakatayo pa rin siya at malamig ang mukha na may nanlilisik na mata.

"50 lashes for one week. Everyday."

Malamig na wika ni Ceixarder at pinahid sa damit mismo ni Nazi ang mga dugong tumalsik sa kamay niya. Sobrang gulat ako dun at sa nasaksihan ko, parang wala na akong lakas ng loob na sumagot-sagot pa kay Ceix.

He's also a devil!

"I accept it. But I'll return the favor one day from now."

"Don't be in a hurry Nazi. I'm just starting."

Walang emosyon ang mukha ni Nazi na binalingan ako tapos ay walang ingay na naglakad palabas.

At parang dun lang ako nakahinga ng maayos. Parang hinigal ako dahil sa pagpigil ng hininga kanina. The scenes I've witnessed, they're too hard to absorve!

"Are you okay, Winter?"

Muli kong narinig ang malamig na boses ni Ceix. Napatingin ako sa kanya at nagpapasalamat ako kasi di na siya ganun ka nakakatakot tignan.

Parang ordinaryong studyante na lang siya kung tignan ngayon.

"O-Oo. Buti dumating ka agad..."

Bumalik sa ala-ala ko ang muntik ng pagsaksak sa'kin ni Nazi kanina. Parang nilalamon ako ng takot at di ko napigilan ang isang butil ng luha na kumawala sa mata ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko at nilalamig ako. Ngayon ko lang ata to naramdaman at para akong masisiraan ng bait.

Pero may mainit na bagay akong naramdaman sa aking likod. Pag tingin ko, ang jacket yun ni Ceix na nilagay pala niya sa likod ko at gahibla na lang ang agwat niya sa'kin.

He caressed my back and just watch me kaya di ko mapigilang ilabas lahat ng emosyon na nararamdaman ko.

I'm so scared damn it!

"T-Takot na t-takot ako kanina..."

Napatakip na ako ng bibig para pigilan ang humikbi.

"A-Akala ko mamamatay na ako, sobrang takot na takot ako kanina Ceix..."

At wala na akong pakialam kung parang nagsusumbong na bata na ako. Kung parang iyakin na ako. Basta mailabas  ko lang lahat ng takot na kanina ko pa pinipigilan. Saka na ako mahihiya at magsisisi.

"I came on time."

"Alam ko. Pero para akong dinala sa impyerno sa mga oras na'yun. Pakiramdam ko ay nililibing ako sa ilalim ng lupa dahil hindi ako makahinga."

And to my surprise, he hugged me. Di ko inaasahan 'yon kaya nagulat ako. Nasa matigas na tiyan niya ang aking mukha.Yumakap na rin ako sa baywang niya at pakiramdam ko, kahit sa impyerno ay ligtas ako kung siya ang aking kasama. Saka na lang talaga ako mahihiya dahil sa kadramahan ko ngayon.

***

This is the shortest chapter which was composed of 2572 words.

Thanks for reading.

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top