Chapter 1: The Tunnel
~Winter's pov
"Inari, pwede magpaliwanag ka muna?" Reklamo ko sa matalik kong kaibigan. "Hindi basta-basta ka na lang nanghihila, maya-maya lang magsisimula na ang festival."
Hindi ko alam kung ano ang problema niya dahil daig pa niya ang detective na nasa kalagitnaan ng paglutas sa kaso kung makahila. Huminto siya sa pagkaladkad sa akin kaya huminto rin ako, nagkatinginan kami.
"Inari Bonifacio, bakit ang seryuso mo ata ngayon. Bakit mo ako dinala rito sa likod ng faculty building?"
Pinag-krus ko ang mga braso habang tumitingin sa paligid. Hindi siya sumagot at walang pinagbago sa kaniyang ekspresyon. Seryuso at nababalot pa rin ng misteryo.
Nasa isang direksyon lang ang kanyang tingin at imbis na sumagot tinuro niya ang forbidden garden na puno ng naggagandahang bulaklak.
Magkahalong rosas, santan, sunflower at iba pang magagandang bulaklak ang nasa garden na napapalibutan ng mga puting bato.
"Inari, alam kong nalulungkot ka pa rin dahil halos tatlong buwan na nang mawala si Ate Alizza at hindi pa rin siya nahahanap. Pwede tayong magliwaliw para makalimot ka pero alam mong pinagbabawal nila ang tumapak kahit sa paanan ng garden na 'yan," sabi ko at tinapik ang kaibigan sa balikat.
Nawawala ang kapatid niya at hanggang ngayon hindi pa nahahanap. Pero iniimbistigahan na 'yon ng mga police.
"Hindi talaga natin siya mahahanap...dahil nasa kabilang pader siya," sabi niya.
Napataas ako ng kilay dahil sa seryuso niyang mukha pero mukhang tinubuan na yata siya ng agiw sa utak. Ano na namang pinagsasabi nito? Anong nasa kabilang pader? At saang pader? Alam ba niya? Minsan talaga naiisip kong baka nababaliw na siya sa stress.
"What do you mean,l? Teka, alam mo na ba kung nasaan si ate Alizza?"
Bigla akong nabuhayan ng loob, tiim bagang niya naman akong hinarap at sinagot sa malamig na boses.
"Naghalungkat ako sa kwarto ni Ate at may nabasa akong sulat niya sa isang post-it-note. Nakatago sa ilalim ng kaniyang drawer," seryuso pa rin niyang sabi. "Winter, you won't believe me if I tell you that the rumour is true. It's true and she found it out, kaya nila siya kinuha."
Matigas ang pagkakabigkas niya sa bawat salita na parang nanggigigil. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. Anong rumour? Anong totoo? Tungkol ba 'to sa sekreto ng school na 'to? At paano 'yon nalaman ni Alizza?
Ngumiwi ako sa kanya. Paniniwalaan ko sana e kaso bakit parang tunog-hoax? Baka naman pinaglululuko niya lang ako.
"Pwede mong ipaliwanag ng mas maayos. Hindi ko kasi maintindihan at ano ba ang nabasa mo sa post-it-note?" Tanong ko.
Bumakas ang depresyon sa mukha niya at tila nagdadalawang isip siyang sabihin sa akin.
"Inari, sabihin mo na," panigurado ko at pinakatitigan siya. Tumango muna siya bago nagsalita.
"Alam mo naman ang tungkol sa rumour na may malalim na sekreto ang lugar na 'to diba? Pero walang nakakaalam kung anong sekreto 'yon," she started.
"Uh-huh?"
"Pero si ate, nalaman niya at alam niyang kukunin siya nila kaya nag-iwan siya ng sulat, at ang sabi niya 'Nasa likod ng pader ang sagot sa lahat ng tanong. Hawakan mo, damahin mo at ito'y magbubukas. Mahahanap niyo ako. Mahahanap niyo sila'," saad niya sa seryusong boses talaga.
Mas ngumiwi ako dahil para naman siyang sira eh. Para namang nonsense lang 'yong sinabi niya. On second thought, the message might really mean something. Ano ba ang nasa likod ng Supreme Academy? Ang alam ko ay masukal na gubat at mapanganib. Nagulat ako nang naglakad si Ina patungo sa Forbidden garden.
"Ina, sandali!"
Pigil ko at tinignan ang paligid kung may ibang tao. Mabuti at wala kaya sumunod ako sa kanya.
Alam kong bawal pumunta rito pero wala naman akong pakialam do'n. Ang ganda ng lugar na pero tinatago at pinagbabawalan nilang puntahan, 'di ba kataka-taka 'yon?
Tumigil kami nang nasa harapan na kami ng pader. Tumingala ako paitaas at muntik pa akong magka-stiff neck.
"This place is forbidden. Why? Maybe because they are hide something here."
"I agree," I seconded.
Nilapat niya ang dalawa niyang palad sa pader at pinaglandas ito sa bawat bahagi ng pader na maabot niya.
Ano ba ang ginagawa niya, bakit parang may hinahanap siya?
"Anong ginagawa mo?"
Hindi siya tumingin sa akin nang sumagot.
"Gayahin mo ang ginagawa ko. I'm sure tama ang kalkula ko."
Heto na naman siya. Anong kalkula, kaibigan? Nakangiwi man at nagtataka ay sumunod ako sa sinabi niya. Ginaya ko rin siya kahit medyo ayaw ko.
Kung may makakita sa amin dito tiyak lagot kami. But as if I care, I run fast.
"Alam mo, para tayong mga baliw dito. Ano ba kasing purpose nito?" Reklamo ko habang ginagaya siya.
"Naghahanap ng daan. Sigurado akong nasa kabilang pader si Ate," sagot niya.
"How sure are you? May sinabi ba si Ate Alizza bago siya nawala?"
"Wala. Wala rin doon sa sulat pero nang na-realize ko ang ibig sabihin ng sulat na 'yon, naisip kong baka rito sa lugar na 'to. This place is so nice but then it's forbidden for everyone. That's weird."
Patuloy pa rin kami sa pagkapa sa pader hanggang sa pinagpapawisan na kami. Kinakabahan nga lang dahil baka mahuli kami. Pwede naman sigurong sumuko pero sa tuwing nakikita ko si Ina na pursigido ay napapailing ako.
Sabi niya rito namin sila matatagpuan. And speaking of 'sila', ibig sabihin marami. Sila ba ang nakatuklas sa sinasabing sekreto ng Supreme Academy? But why do they have to hide Alizza and those who found out their secret? That's illegal.
"Here it is," inig kong saad ni Ina at mabilis na lumayo sa pader.
Lalayo na rin sana ako nang bigla itong gumalaw at sa gulat ay napatalon ako.
What the hell? What's happening with this wall? Bakit gumagalaw? The heck?
Nanlaki ang mata ko nang makitang ang pader ay gumagawa ng pinto. It's freaking creepy! Gumawa ito ng pinto na kasing laki sa bahay namin at sa kabila no'n ay hindi ko makita kung ano dahil madilim.
Napanganga ako at natulala, ramdam ko rin ang bahagyang pagyanig ng lupa dahil sa pwersa ng pabubukas ng pintong pader. What the fuck!
"T-Tama nga ako. Ate, hintay lang," naluluhang sambit ng kasama ko at buong tapang na naglakad papasok sa gewang nang pigilan ko siya.
Hindi namin alam kung ano ang nasa kabila ng pader na'to. Baka mapahamak kami at kami naman ang hanapin. Walang may alam na papasok kami sa pinto na 'yan.
"Inari, hindi tayo pwedeng pumasok diyan. Hindi natin alam kung anong mayron diyan. Dilikado!"
"Pero nandiyan si Ate, Winter hindi ako natatakot pumasok kung diyan ko mahahanap si Ate. It's okay, you can stay here—"
"What? No way, Inari. Gusto ko rin pero magtawag tayo ng pulis at ipaalam natin 'to sa awtoridad—"
"I know that's the right thing to do pero hindi pwede. Winter, maya-maya lang darating na sila at walang magagawa ang mga awtoridad, wala ring magagawa ang mga kaibigan natin. Malakas sila," she muttered in rush.
I don't like her idea but if that's the case wala rin palang mangyayari kung hindi kami kikilos. She's right. But I know this isn't the best thing to do.
Nevertheless, I nodded at her and was about to walk in when someone spoke from behind us.
"You can't go in, mapapahamak kayo!"
Sabay kaming napalingon kay Sir Naythan na hinihingal pa. Nasa labas pa siya ng garden at tinitiyak na walang ibang tao sa paligid.
"Winter, tara na. Sir, sorry."
"Sorry raw," pabiro kong sabi.
Umiling si Sir at tumakbo palapit sa 'min pero agad na akong hinila ni Ina papasok.
At bago pa man kami maabot ni Sir Naythan ay biglang sumarado ang makapal na pader.
Sabay kaming napalunok ni Ina nang biglang binalot kami ng nakakabulag na kadiliman. Subrang dilim at wala kaming ibang makita kundi itim. Bigla, nakaramdam kami ng takot at kaba pero pilit naming tinatago 'yon. Napakapit na lang kami sa isa't isa.
"Ina, ang dilim may flashlight ka ba?"
"Hmm."
Biglang may liwanag na nagmula sa kamay niya at dun lang ako nakakita ulit. Para akong nabulag ng panandalian sa subrang dilim.
Pero hindi sapat ang liwanag, maliit lang ang naiilawan nito kaya kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko. We can call our families and we can communicate-wait! Shit!
Napapikit ako at parang natuyo bigla ang aking lalamunan nang wala akong makapa. Hindi pwede, bakit wala ang cellphone ko?! Anong katangahan 'to?
"Winter, I think nasa tunnel tay--"
"May cellphone ka bang dala?"
Hysterical na tanong ko sa kanya. Sana naman mayron dahil kung wala--
"Oh no. Dala ko yun kanina eh!"
Mas dumubli ang bilis ng tibok ng puso ko nang marinig siya. Wala rin ba siyang dala? Obviously! Hindi pwede paano kami lalabas? May iba bang daan? This can't be.
"Winter, wala...."
"This can't be..." The hell?
Nag katingina kaming dalawa kahit na madilim at ilang beses akong napapadyak sa pagkataranta nang biglang may naapakan ako na parang nabali. Napahinto ako at nanigas, puta parang butong nabali ang tunog.
"Winter, a-ano yun? Ang creepy," bulong ng kasama ko.
"E-Ewan. Ilawan mo nga," nauutal kong sabi at inilawan nga niya.
Nang makita namin kung ano ang naapakan ko ay parang nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Sabay kaming napasigaw at napaatras nang makita namin ang bali-baling buto ng tao. Human ribs. Really? Tangina nasaan ba kami.
Napaatras kami at dahil dun ay may naapakan ulit kaming sigurado ay buto rin ng tao dahil sa mga tunog. Sunod-sunod akong napamura at sumigaw. Kingina, matapang ako pero iba 'to!
"U-Umalis na tayo rito. Shit! Ina, ang daming bangkay!"
May mga bungo pa akong naapakan at muntik pa akong matumba habang tumatakbo kami papunta sa kung saan. Halos kasing bilis kami ng kidlat na kumaripas ng takbo habang nagmumura.
"W-Winter, narinig mo ba yun? I heard a laugh!"
Kabado niyang asik. Tawa? Bingi na yata ako kasi wala akong narinig. Sunod-sunod lang akong lumunok dahil pakiramdam ko namamalat ang kalamnan ko.
Ilang beses akong napailing at napapakuyom na. Pakiramdam ko may nanunuod sa'min. Nagsisimula na akong mag-panic lalo na nang yumakap sa'kin si Ina. Umiiyak na siya at nanginginig.
"Winter...sorry...sorry.... kasalanan ko...."
Naiiyak na saad niya.
"Winter....may hindi ako sinabi sa'yo.....pero sa ngayon...tumakbo na muna tayo."
"Ano pa ba sa tingin mo 'tong ginagawa natin!?!"
Pasigaw kong sabat habang tumatakbo ng mabilis pero pakiramdam ko ay namamanhid at kumikirot ang mga isa kong binti. Ang kirot ay humahapdi at para akong nahihirapan tumakbo.
"I'm sorry...really sorry Winter.Gusto ko lang talaga mahanap si Ate."
Rinig kong sabi pa niya at parang nahihirapan rin siyang tumakbo.
Isang maliit na flashlight lang ang umiilaw sa dinadaanan namin at habang tumatakbo ay mas kumikirot lalo ang binti ko. Hindi ko na nga maramdaman eh, bigat na bigat din ako.
Akala ko ay wala ng hangganan ang dilim pero nang may maliit na liwanag kaming nakita ay nabuhayan kami ng loob.
Pakiramdam ko ay may nanunuod pa rin sa'min at nang tuluyan na kaming nakalabas sa madilim na lugar na yun ay sinalubong kami ng liwanag.
Unti-unti ang aming paghinto at isang malawak na gubat ang sumalubong sa'min. Matataas at malalaki ang mga puno, marami ring mga tuyong dahon sa lupa.
Where are we? Tama nga si Ina, may ibang lugar sa likod ng pader na yun.
"We're safe. Ina, mahahanap na natin ang ate mo," hinihingal kong saad at hindi na kinaya ang kirot ng aking binti.
Napadaing ako nang bumagsak ako sa lupa. Pakiramdam ko napaparalisa ang isa kong binti. Namanhid na lang ako bigla at sa tuwing nagagalaw yun ay kumikirot.
Agad akong inalalayan ni Ina atpansin kong parang nahihirapan rin siyang tumayo. Mas sumakit pa ang binti ko nang makatayo na pero pakiramdam ko talaga ay may nanunuod sa'min. Nananayo ang balahibo ko sa katawan, nanlalamig din ako.
"We can't stay, Winter. Hindi pa tayo ligtas dito," balisang sabi niya at palinga-linga. Bakas ang takot sa kanyang mukha.
"I can't understand it. Pakiramdam ko talaga may nanunuod sa'tin."
Mas dumubli ang takot sa mukha niya at bigla na lang niya akong hinila. Napatakbo na rin ako dahil nararamdaman ko pa rin na parang pinapanuod kami. Marami sila, nararamdaman ko talaga ang mga mata nila sa'min.
Habang tumatakbo sa masukal na gubat ay unti-unting nagdilim ang langit. Parang uulan at mas naiinis ako dahil hindi ko na halos maihakbang ang binti ko tapos sumasakit pa. Shit! Ano bang nangyayari sa'kin.
"Winter look!"
Habang tumatakbo kami ay may tinuro si Ina. Muli akong nabuhayan ng loob, I can see a building nearby! We can survive this. May mahihingan kami ng tulong, may building, siguradong may mga tao ro'n.
"Malapit na tayong makalabas ng gubat. We can ask for help-what the-Inari!"
Napahinto ako sa pagtakbo nang bumagsak siya sa lupa at sumisigaw na parang may masakit sa kanya. Mahigpit siyang nakapikit at nakakuyom ang mga kamao. Halos gumapang na nga siya sa lupa habang may iniinda. Agad bumaha ang luha sa mata niya.
"I-Ina, anong problema, may masakit ba? Ina!"
Bumagsak na rin ako sa tabi niya dahil sa binti kong hindi na makaramdam. Now she's sweating bullets as she cried hard while gripping the dried leaves on the ground. While I'm just watching her. She has no wound but why is she whining? It's like something's hurting inside her body.
"Aaah! Hmm-aah, it fucking hurts like hell!"
She screamed and her voice was full of pain, it was devastating.
Kahit hindi ko alam kung bakit siya nasasaktan, alam kong masakit na masakit yun base sa nakikita ko. Biglang kumulog ng malakas kaya napayakap ako sa kanya.
"Winter...this is my fault, I didn't tell you that Alizza left a warning," she said while groaning in pain. "S-She said...there are gangsters who kill every newbie who gets here....we must never enter this place but...I just want my sister back. Please forgive me..."
Kahit namimilipit sa sakit na nararamdaman ay pilit niya pa rin yung sinabi. Halos hindi ko maintindihan dahil sa pinaghalong kaba at takot tapos pamamanhid.
"Aaah! Di ko na kaya! I can't move without hurting, you should go! Run!"
Umiling ako ng ilang beses niya akong itulak. Umiling lang ako. Hindi ko siya iiwan dito. Malapit na kaming makalabas sa gubat na'to at iiwan ko pa siya? No way!
"I will never do that, we will find Alizza... together. Kayanin mo yan ah, kunti na lang."
Halos magmakaawa na ako sa kanya pero mahigpit siyang kumapit sa damit ko at kahit nasasaktan ay pilit siyang nagsalita.
"They are coming near.... please... please... Ikaw na lang ang maghanap sa ate ko. Run, run, run!"
Buong lakas niya akong tinulak patayo pero agad siyang napasigaw nang makaramdam na naman ng sakit sa loob ng kanyang katawan. I don't know what's happening inside her body but I'm sure that it really hurts.
"There's no way I will leave this misty forest without you," I growled, readying my feet. " So I'm sorry if it hurts."
Walang pasabi ko siyang hinila patayo, napapikit ako nang marinig ang sigaw niyang puno ng sakit. Hindi na makaramdam ang isa kong binti at halos hilahin ko na siya habang ika-ika akong naglalakad. Panay naman ang sigaw niya na masakit ang kaniyang katawan.
Hindi man dapat pero wala akong choice kung'di ang kaladkarin siya.
Hanggang sa malapit na kami sa bukana ng gubat, pero para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig at napahinto nang may kakaiba akong naramdaman sa paligid namin.
Nilukob ako ng matinding takot at kaba, ni hindi ko magawang humakbang at nangatal na lang. Someone...is watching us. No, there are plenty of them I can feel their eyes.
"I-Inari..."
"W-Winter....they're here. I'm scared...but please just leave me here and run. Ikaw na lang ang makakahanap kay ate. Sige na..." She begged in her hopeless tone.
Muli siyang bumagsak sa lupa at naghabol ng hininga habang gumagapang.
"Please. Just run!" Takbo? Shiz.
How when they are already here? I can feel their dark presence. I was then completely lost to the fear in my head.
Dito na yata kami mamamatay.
But I can't die, I have to go back, I have to find Alizza. I need to save us. But how? Freaking how?!
"Go, just go--"
"No, 'wag kang ganyan, Inari."
Pailing-iling kong wika at akmang luluhod sa harap niya nang may maramdaman akong tumama sa batok ko. Parang may in-inject sa'kin na mula sa ere.
Napahawak ako sa aking batok pero wala naman akong nakapa. Ito ba ang nangyari kay Ina kanina kaya bigla na lang siyang bumagsak? Bakas sa mata niya ang takot at sakit nang magkatinginan kami. Nanlalaki ang pareho naming mga mata at sabay na napalunok. Literal na nangatog ang mga tuhod ko, hindi ko alam na posible palang mangyari yun.
"N-No...you can't die. Go, run and live! Ano ba, Winter?! Hahanapin mo pa ang Ate ko!"
Now she's fuming mad. She wants to save me so she wants me to run and leave her. But this feels strange, I don't feel something hurting inside my body, it's just nothing. No effect. Ibang drug o kung ano man yun ay hindi yun gaya ng sa kanya.
She's right, I don't feel pain at all and I can survive, mahahanap ko ang pinunta namin dito at makakaligtas ako pero siya, hindi. Pero kapag naiwan kami rito at namatay, walang makakaalam at hindi ko mahahanap si Alizza, everything would be in vain.
Nanginginig na ako hindi sa kung ano man kundi dahil sa nararamdaman kong parang may tao na sa paligid at hindi nga ako nagkamali.
Nangatal kami sa takot nang makita na napapalibutan na kami ng kalalakihang nakabalabal na itim at maskarang itim din. They wear only black, they look like a tribe in a colt.
I can feel the sweats on my forehead pooling and also the trembling of my knees.
Nadagdagan pa ang takot namin nang lumapit ang isa sa kanila. May mahahaba at matalim itong metal fingernails. Pakiramdam ko kinapos ako ng hininga sa presensya niya. Masyado siyang intimidating na napapaatras ako.
It feels like my breathing started to get difficult and my knees want to give in. His presence is demonic.
"Look what do we have here brother, newbies with beautiful faces. This is so unusual, this day is also a nice day."
Even his voice was so chilling, he could inflict fear and chills in my bones just by mere words. The hairs on my body just stood up. His dark eyes are emotionless and cold, j couldn't keep up.
"But one of them is dying. What a waste, Olivia is really a devil to order us this. They're so unfortunate," sagot ng isa pang nakamaskara na lumapit rin sa amin.
Like the first one, he also has this dark, scary aura. But the first one's more. More dangerous, more authoritative, darker.
Hindi na ako makagalaw at sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa takot. Maging ang palingon sa kaibigan ko ay mahirap gawin. Her eyes are already half-open and she's breathing ragged. I can feel her pain within me even without feeling it physically. And it's a torture.
Muli akong napabaling nang magsalita ang unang lalaking lumapit kanina.
"It's going to rain," anito habang nakatingala sa langit at nakalahad ang palad. "Looks like, even the heaven is against their destinies. Might as well kill them both, Jacob," he ordered.
Now the last thread of my hope just got cut. We both cried, even when I don't feel like it. Maybe these tears aren't for me but for our souls and for our ill fate. Just a drop of sorrowful tear.
Napaatras na ako at napahawak kay Inari nang humakbang ang lalaking nagngangalang Jacob palapit sa'min. Kahit naka maskara ay rinig na rinig ang nakakakilabot niyang halakhak. Hindi kapani-paniwalang ganito ang nangyayari sa'min, hindi ko 'to in-expect.
"Please don't, wala naman kaming kasalanan, e. Hayaan niyo na lang kaming makaalis pakiusap. Don't kill us," Inari begged as she chased her breath, kahit nahihirapan.
Pero isang tawa lang ang iginanti ng lalaking kaharap namin at ng mga kasama nito. Tawang walang laman kundi pagkamuhi.
"You're in our territory, so no. Whoever lay a foot here, dies. I honestly envy you, malaya kayo sa labas samantalang kami rito nakakulong kaya papatayin na lang namin kayo. Fair enough, right?"
"No, you can't. Winter run!"
Bigla na lang akong tinulak patayo ni Ina, parang may sariling isip ang mga paa kong nakakaramdam na ulit, hindi ko namalayang tumatakbo na ako ng mabilis palabas sa gubat. Adrenaline ba yun? Pero nang tinulak niya ako ay nagsimula akong tumakbo ng mabilis.
Malapit na malapit na ako sa bukana ng gubat pero bago pa man ako makalabas ng tuluyan ay may tumamang matulis na bagay sa braso ko.
I screamed in pain. It was so painful that I fell into my knees.
Malakas akong napadaing at bumagsak sa lupa habang namimilipit sa sakit. Napasigaw ako nang sunod-sunod nang makita ang dugo mula sa braso kong nadamplisan.
Daplis lang but pero sobrang hapdi. Mabilis na namaga ang braso ko at muli akong nabalot ng takot nang may humila sa'kin pabalik sa pinanggalingan ko kanina.
Sinubukan kong manlaban at mag pumiglas. Pero para akong binuhusan ng yelo nang muntik na akong tamaan ng matalim at tatulis na gunting. Muntik na kung hindi ko nailihis ang ulo ko.
Agad akong nangatal at hindi makapaniwalang napanganga, nanlalaki ang mata at hindi makapagsalita.
"Tumahimik ka kung ayaw mong mapadali ang pagkamatay mo." Isang malamig at nakakapangilabot na tinig ng babae ang narinig ko.
Naka maskara rin siya ng itim pero ang mga mata niya ay nakakapanghina. Wala akong ibang makita kundi inis at galit.
"Tatakbo ka pa?!"
Bigla niya akong hinampas sa lupa, napadaing ako ng malakas nang tumama ang mukha ko sa lupa. Pero hindi ko yun pinansin at tinignan si Inari na umiiyak at nagsisisigaw sa sakit.
Parang akong namawis ng malamig at hindi malaman ang gagawin nang makitang hawak siya ng unang lalaki kanina. Nasa leeg niya ang metal na kuko nito at sinasakal siya.
"H'wag-Inari!"
screamed as I eagerly stood up and was about to run near her when someone grabbed my hair, making me made a step back. Sa lakas nun tumilapon ako paupo sa lupa.
"Fuck. Bitawan mo ako! Ako na lang 'wag na siya!"
"Shut up! I'm so full of hearing your voice, I don't wanna hear it! Kaya manahimik ka!"
Matigas na wika ng babaeng nakahawak sa akin pero mabilis ko siyang siniko at sinikimuraan. Inagaw ko ang hawak niyang gunting at sinugod ang may hawak kay Inari.
Inundayan ko ito ng saksak kahit na nagdadalawang isip ako pero parang wala lang siyang ginawa, nakailag siya ng hindi umaalis sa kinatatayuan niya.
"Stupid."
Isang malakas na hampas sa batok ang biglang nagpabagsak sa'kin. Agad nandilim ang paningin ko sa lakas nun pero pilit ko pa ring inaninag si Inari.
"Winter!"
"Ina...don't!"
Bago pa ako tuluyang bumagsak ay nakuha na sa akin ni Ina ang gunting. Akmang sasaksakin niya ang lalaking may hawak sa kanya nang bumaon ang metal na kuko nito sa kanyang tagiliran.
It happened like a slow motioned video. The way the metal fingernails dug in her skin looked so painful. Her lips parted, her eyes blinked and slowly, she dropped on her stomach together with the scissor.
While I was immobilized by that, heart beating fast and eyes growing wider.
"I-Inaaaa!"
Kitang-kita ko ang pagtalsik ng dugo niya at dahan-dahang pagbagsak sa lupa. Nakabukas pa ang mga mata niya at sinusubukang magsalita kahit na walang tunog na lumalabas sa kanyang bibig. Para akong masisiraan ng bait nang makita siyang nilalamon ng sakit. Sumigaw ako nang sumigaw at pumiglas, nagwawala na ako pero hindi ko pa rin magawang makawala.
Her eyes watered and painfully, she cried helplessly. I did my best to escape and when I did, I ran fast towards her. I dropped my knees near her body as I hugged her as gentle as I can.
Mas lumakas ang iyak at sigaw ko nang makitang may saksak din siya sa likuran. Mabilis kumalat ang kaniyang dugo sa lupa na ngayon ay kumapit na sa aking damit.
Humahagulgol ako ng iyak na yumakap sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin. May saksak siya. May sugat. Anong gagawin ko. Hindi ko matanggap at hindi ako makapaniwala.
"I-Inaaa! No, no...Inari!" Nagpa-panic ko siyang inangat at niyakap ng mahigpit.
Saglit kong kinalimutan na napapalibutan kami at binuhos ko lahat ng galit sa pag-iyak. Habang nagsusumigaw at umiiling. Bakit naman ganito? Ano bang kasalanan namin? Bakit kailangan nila siyang saksakin?
I don't know what to do. We're in the middle of this forest together with murderers. Inari groaned painfully as she tried to hold my hand. Umiling ako nang sinubukan niyang magsalita pero nauuwi ito sa pagngiwi.
"I-Ina, no..you can't die-Inari! Inari!"
Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang dumudugo niyang tagiliran kaya napadaing siya sa sakit. Pareho kaming umiiyak nang magsalita ang lalaking sumaksak sa kanya.
Nakatayo lamang ito habang pinapanuod kami, walang emosyon ang mga mata nitong mas lalong dumilim.
"You're a demon! Why do you have to do this?!" I yelled. But he's like an invincible statue, standing mightily with menace.
"This will end soon, I really can't resist a smile whenever there's about die," nasisiyahang saad nito at mahinang humalakhak. "Bloodlust it is, but death gives me peace. Death isn't the best punishment for those who aren't deserving of pure pain, you're still lucky you won't experience hell first. Kill her as well, Jacob, she's getting sick. Let's go first, Julie."
And he turned around then left without saying another phrase, the girl who almost killed me earlier followed.
My hopes collapsed like a house of cards and together with that, the rain fell heavily. We got soaked, my visions blurred and my hearing turned unclear. I made a loud thud when my body fell beside Inari.
"F-Find my sister.....Winte--"
She struggled for her unfinished phrase and I saw how life left her eyes. How light faded away in it. She's gone. I can't believe she's gone.
It was a dead end for us, I know it was. However, the shadows of people coming our way lifted my hopes up a little. They are a combination of both male and female.
"Shit. Save her!"
Dahil sa ulan mas lumabo pa ang paningin ko, wala akong makita ng malinaw pero alam kong may lumapit sa'min. Naramdaman ko ang mga bisig na umangat sa'kin at ang marahang pagkabig nito sa katawan ko.
Muli kong tinignan si Inari na ngayo'y pinalilibutan ng tatlong babae, isa sa kanila ang sinusubukan siyang i-revive. Kahit nanlalabo ang paningin at nanghihina ay sinubukan ko siyang abutin, kahit alam kong hindi ko na siya maabot.
Tears streamed down my face and I fell limp. I leaned to the person hugging me as I tried to peek at his half covered face but his mask is just so tight. I just saw his Adam's apple, up to his jawline, to his thin red lips and the tip of his nose. And the rest is covered by a black mask.
Once again, the surroundings seemed dark and lifeless. I can see nothing but a paradise. It's true, I can really see a paradise.
The hell, mamamatay na nga yata ako.
***
√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top