Tale 1
Blurry
"Magandang umaga sa aking pangalawang pamilya!"
Pumasok ako sa loob ng napaka laking kusina ng mga Scott. Mabilis akong lumapit kay Tita Ryle at hinalikan siya pisngi at nag-mano naman ako sa aking napaka gwapong Tito Luke. Nag kakape siya at nagluluto naman si Tita Ryle.
"Ang aga mo naman ngayon Bea? Wala ang mommy mo?" tanong sa akin ni Tita. Umiling ako at linibot ang mata ko sa bahay nila. Sinusubukan kong masulyapan ang kapatid ng matalik kong kaibigan.
"Lumabas po sila ni daddy. Nag date" saad ko at humagikgik. Narinig kong napahalakhak si Tito.
"Ganon ba? Sige puntahan mo na muna si Alina sa garden. Nag didilig siya dahil namili siya ng mga bulaklak kahapon." Mabilis akong tumango at tinahak ang daan papunta sa garden.
Nakita ko ang kaibigan ko na nagdidilig. Mabilis at dahan-dahan akong lumapit sakanya at tinakpan ang mga mata niya. Pinigilan kong matawa.
"B, rinig na rinig ko ang boses mo mula sa loob kaya alam kong ikaw yan."
Napasimangot ako sa sinabi niya at tinanggal ang kamay ko. Linagay ko ito sa aking likuran at naglakad lakad para tignan ang mga bulaklak na binili niya.
"Ikaw naman.. KJ" saad ko sakanya habang nilalapit ang mukha ko sa mga bulaklak. Inamoy ko iyon at napangiti ako.
"Don't mind my biz, B" saad niya sa akin.
Tumalikod ako at umupo sa upuan nila sa garden. Napalingon ako sa loob dahil kitang kita ito mula sa glass door. Napangiti ako nang makita si Tito Luke na yinakap si Tita Ryle mula sa likod. How sweet.. nakaka-inspire tuloy.
"Ang aga mo ngayon?"
"Boring sa bahay.." natigilan ako nang makitang pababa ng hagdan ang kapatid ng kaibigan ko.
Bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko. Napalunok ako at napahawak sa lamesa. Dala-dala niya ang laptop niya at umupo siya sa sofa nila. Linagay niya sa lamesa ang laptop at nagsimulang mag type. Ano kayang ginagawa niya?
"Boring o may gusto ka makita sa loob ng bahay na to?" Napalingon ako kay Alina na nakaupo na sa tabi ko.
"Hindi ah!" mabilis kong depensa at napalingon muli sa sala nila.
Hindi ko alam paano nagsimula ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko siya nagustuhan. Kung tutuusin ay sabay sabay kaming lumaki kaya dapat immune na ako sakanya pero iba talaga si kupido. Basta isang araw ay nagising nalang ako at bigla nalang tumitibok ang puso ko ng mabilis dahil sakanya. He was beyond my reach, isa siyang tagapag mana ng malaking kompanya ng nanay at tatay niya. He is my bestfriend's brother. He was my almost.. family.
Pero hindi yun ang problema. The problem is he can't even see me at all. Para sakanya ay nakakabatang kapatid niya ako, kaibigan ng kapatid niya at anak ng kaibigan ng mama niya.
"Stop liking my brother dahil pag hindi.. baka masaktan ko na siya dahil ayaw mo magising sa kahibangan mo." Ouch. Aray ko.
"Touch ako.. siya pa ang sasaktan mo at hindi ako?" Pinilit kong tumawa para maibsan ang lungkot ko. It's the truth.. saksi silang lahat sa pagtanggi niya sa akin. I can't help it.. halos awayin ko lahat ng lumalapit sakanya, kahit wala naman akong karapatan.
Kung hindi siya sa akin.. hindi ko ata kayang may iba para sakanya. It's a little bit selfish pero masakit talaga. Kaya sana pag nakakita siya ng magugustuhan ay pag hindi na kami sa iisang school nag-aaral. Though I doubt na mangyayari 'yon dahil ang university na pinapasukan namin ay sa tatay niya.
"Of course! Mas importante ka. Teka kuha ako ng makakain natin." Tumango nalamang ako sa sinabi niya. Pumasok siya, sandali pa siyang natigil dahil tinawag siya ni Chand. Halos maubos ang hangin sa katawan ko nang mag-usap sila at sandali napatingin si Chand dito.
Ano kayang napagusapan nila? Nagtama ang mga mata namin at kita kong napailing siya. Muli niyang binaling ang tingin sa laptop niya. Unang gasgas sa puso ko ngayong araw.. medyo masakit.
Sa isang araw ay halos gasgasin niya ng pauli-ulit ang puso ko. Sa ngayon.. ito ang unang gasgas.
Sinubukan ko naman na 'wag siyang magustuhan lalo na't alam kong hindi pwede. Besides.. I know na masasaktan lang ako pero iba talaga. Kahit na magka-crush pa ako sa iba ay sa huli.. sakanya pa rin ang balik ko.
"Here" napa-angat ako nang tingin kay Alina.
Linapag niya ang homemade sandwich na mukhang gawa ni Tita. Kumuha ako ng isa at kumagat. Umupo naman siya sa tabi ko at sumandal sa upuan niya.
"Anong pinagusapan niyo? Anong sinabi niya?"
Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Hindi ko talaga mapigilan matanong to. Kita ko ang pagkainis ng kaibigan ko kaya ngumiti nalang ako.
Bumuntong hininga siya.
"He asked me why you keep on going here.." Shit. Pangalawang gasgas.
Tumango ako at malungkot na kumagat sa sandwich.
"Wala ka na daw bang magawa sa buhay mo at dito ka nanggugulo?" Wow. Meron pa pala. Pangatlong gasgas. Dumudugo na ang puso ko.
"Anong sabi mo?" Uminom ako nang juice at malalim na huminga.
"Sabi ko wala siyang pakielam at 'wag siyang assuming." napangiti naman ako sa sinabi niya. Atleast I have Alina with me.
"What did you even like about my brother, B?" Natigilan ako sa tanong ni Alina.
"I don't know" saad ko at nagkibit balikat.
"He's very masungit, magaspang ang ugali, bilang ang beses ng pang ngiti, galit sa mundo, pinipili ang kausap, hindi mapag-appreaciate, mabait na kapatid, very charming, masunuring anak, mapagmahal na anak at kapatid at very responsible.. hindi ko talaga alam, Ina" saad ko sabay lingon sakanya. Kita ko ang ekspresyong hindi makapaniwala.
What? Totoo naman ang sinasabi ko..
"You're unbelievable.." I know, Ina. I know.
Hindi rin ako makapaniwala sa sarili ko na nagpapakatanga ako ng ganito sa kapatid mo.
Napatingin ako sa phone ko nang may mag message sa akin.
Mommy:
Where are you, anak? Umuwi na kami ng dad mo. Uwi ka na, may magandang balita ang daddy mo.
"I need to go home, Ina. May importanteng sasabihin daw sila dad. Thank you for the sandwiches." saad ko at tumayo na. Tumango naman si Alina.
Tinulungan ko siyang kunin ang trays at pumasok kami sa loob.
Kinuha ko lahat ng lakas ko at pinigilan ang sarili kong tumingin sakanya.
Bea, bawal! Napabuntong hininga ako nang marating namin ang kusina. I did it.
"Tita, Tito.. I need to go home na daw po. Nakauwi na sila daddy. Thank you for the sandwiches and thank you for accepting me here again." natatawa kong saad at natawa naman sila.
"Wala 'yon! We already told you that this can be your second home. 24/7 kang tanggap dito." Ngumiti ako at tumango.
"Hatid ko lang po siya sa labas." saad ni Alina at tumango naman ako.
"Take care" saad ni tita
Tinungo nanamin ang labasan. Simpleng nahagip ko si Chand sa sala. Kumunot ang noo ko nang makitang nakatingin siya sa amin pero pinilig ko ang ulo ko. Baka masaya siya kasi aalis na ako.
"Hindi mo tatawagan ang driver niyo?" umiling ako at binuksan ang gate.
"Paano ka uuwi?" Marahan akong napahalakhak sa tanong ni Alina.
"Taxi! Ano ka ba ang laki ko na-"
"Mag ta-taxi ka?" natigilan ako sa nagsalita. Sabay kaming napalingon ni Alina doon at nakita naming palapit sa amin si Chand. Napakagat ako sa labi ko dahil sa bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Lagi nalang ba niya gagawin sa akin to?
"Paki mo?" sagot ni Alina at sinamaan naman siya ng tingin ni Chand.
"Oo" matipid kong sagot. Napaawang ang labi ko nang patunugin niya ang kotse niyang nakaparada sa labas.
Wag assuming, Bea! Baka lalabas lang siya! Alam mo naman 'yan may sakit.. Paasa syndrome!
"Sige una na ako.."
"Hatid na kita" napanganga ako sa sinabi niya. What the heck? Ito na nga ba ang sinasabi ko. Paano ko siya hindi magugustuhan kung mananatili siyang ganito?
"Sus! Paasa ka talaga!" naiinis na saad ni Alina at nagmartsa papasok ng bahay nila.
"Hindi na.. kaya ko" tumalikod na ako pero namilog ang mata ko nang hatakin niya ako at pinasok sa loob ng kotse niya.
Pakiramdam ko liliparin ako dahil sa ginagawa niya. Nakakainis na talaga siya!
"Sakit ka talaga sa ulo."
Mula sa paglipad ko ay mabilis din akong bumagsak.
Pumikit ako nang mariin at tumingin nalang sa labas.
Hindi ko talaga siya maintindihan. Hinding hindi ko maiintindihan ang mga malalabo niyang galaw.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top