PROLOGUE
Prologue
Kahit malayo ako sa entablado ay naririnig ko parin ang nakakabinging hiyawan at sigawan ng mga tao. Sanay na ako sa ganitong eksena gabi-gabi.
"Phaux Organization! Phaux Organization! Phaux Organization! Phaux Organization! Phaux Organization! Phaux Organization! Phaux Organization!"
Lahat ay pokus at aliw na aliw sa panonood. Kapag bakbakan talaga ay aktibo ang lahat.
I lean on the cold wall behind me at pinagkrus ang mga braso ko habang nanonood sa malayo. Ito ang pangalawang beses na mapapanood ko ang Phaux Organization na makipagbakbakan. They're the new fish in town and I wouldn't want to miss all the fun.
Noong nakaraan naman ay mga bata ni Albano ang nakalaban nila. Masyadong nakakagulat ang mga pangyayari lalo na't natalo nila ang mga ito ng walang kahirap-hirap. Magagaling din kasi ang mga bata ni Albano kung tutuusin.
Buong akala ko ay isa ang Phaux Organization sa mga taong pasikat lang na sumasali dito but it turns out they were good. Quiet good actually.
Ngayon naman sina Albano na mismo ang nakakalaban nila. Halatang gustong ipaghiganti ni Albano ang mga bata niyang natalo noong nakaraan. I hope that the Phaux Organization will still see the sun tomorrow.
My brow raise instantly when the leader of Phaux Organization Presto Kaizer Menezo got hit in the jaw.
"Off- that must hurt." mahinang ani ko.
Ngisi-ngisi akong nagpatuloy sa panonood dahil ginaganahan ako. I guess they're not good enough huh.
Biglang napawi ang ngisi ko ng gumanti ng suntok si Menezo at agad na tumama yun sa panga ni Albano. Pagkatapos ay sunod-sunod na pinagsusuntok niya ito sa tiyan. Hindi ko man naririnig pero alam kong malutong na nagmumura na si Albano ngayon. Knowing him, ayaw nun pag nasusuntok ang mukha. Bigla akong napatayo ng maayos at seryoso ng nanonood.
Mas lalong lumalakas ang sigawan at hiyawan ng mga tao sa loob at mas nagiging mainit na ang labanan.
Nagpalitan ng suntok at sipa sina Albano at Menezo at ganun din ang ginawa ng mga kasama nila. Para silang sinapian ng demonyo.
"Parang gusto kong sumali sa grupo ng Phaux Organization. Ang aastig nila grabe." ani ng isang babae.
Yumuko ako at agad na inayos ang pagkakasuot ng sumbrero ko ng marinig ang pagsasalita ng dalawang babae. I didn't even put anything para matabunan ang mukha ko dahil nagmamadali ako. Damn it. Mahirap na baka may makakilala pa sakin dito. And why the heck did they allow dimwits to enter in this arena anyway? Baka biglang sumali nalang ang mga hunghang dito at mamatay pa. Bobo.
"Oo nga! Jusko gusto ko ngang mag apply kahit tig punas lang ng mga pawis nila. Kalerky beh!" natatawang ani nung isa.
Bat kailangang dito pa talaga sa harapan ko mag usap? Damn idiots umalis na kayo sa harapan ko ng makapanood na ako.
"Sinong type mo sa kanila beh?"
Napa face palm ako sa narinig. Seriously? Will y'all just leave?
Damn it! Ito ang ayoko sa lahat eh. Kaya nga medyo malayo ako sa entablado dahil ayoko ng dinidisturbo ako pag nanonood ng bakbakan. Hindi ko aakalaing pati dito may disturbo din pala. They're eventually ruining the fun.
"Ewan ko beh. Pwedeng all of the above?" hagikhik nung isa.
I clenched my teeth in annoyance. F-ckers just leave already!
"Oh Lira tapos kanang umihi? Ang tagal mo jusko."
"Oo be. Lika na balik na tayo dun." dinig kong sabi nung Lira kuno.
"Uyy taraaaaa!"
Nang masigurado ko na wala na sila ay agad akong nag-angat ng mukha at diretso ang tingin sa entablado ngunit kumunot ang noo ko ng makitang hinihingal na nagtaas ng kamay si Menezo.
Bigla akong napangisi at napasipol ng tama nga ang hinala kong natalo nila si Albano dahil nakita ko itong nakahandusay na sa sahig pati ang mga kasama niya. Now, we have a winner.
"And the winner is— Phaux Organizatiooooon!"
Umugong ang malakas na hiwayan sa buong arena.
"Phaux Organization! Phaux Organization! Phaux Organization! Phaux Organization! Phaux Organization! Phaux Organization! Phaux Organization! Phaux Organization!" the crowd cheered again.
Iling-iling akong nilisan ang lugar.
Well, well, well, welcome to the club...
Phaux Organization.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top