EPILOGUE
Epilogue
Life is not always easy to live, but the opportunity to do so is a blessing beyond comprehension. In the process of living, we will face struggles, many of which will cause us to suffer and to experience pain. sabi nga ni Lionel Kendrick
It's been 6 years since I eloped with Menezo. Nakatira kami ngayon sa Boston kung saan malayong mahanap kami nina mommy at ng dad niya. Thalia, Hillary, Unier, Austin, Phoebe, Chizka and Xenon helped us. They changed our name into Tricia Harper and Menezo as Jake Miller.
Mabuti nalang din at ng nakaalis kami ng Pilipinas ng matiwasay dahil pati ang mga tauhan ni mommy ay nakabantay sa lahat ng airports. We didn't know what to do without them, I was so glad that they were our friends. They took the risk even though alam nila na masasali sila sa gulo namin. Last year Thalia told us that our parents were planning to abduct the seven of them para sabihin kung nasaan kami ngunit hindi natuloy dahil pinigilan ng mommy ni Thalia ang mommy ko. Up until now they are still searching for us but i'm not worried since I know that Thalia and Hillary already got us covered. I could not imagine what my life could be right now it if wasn't for them.
Bumibisita din silang pito dito sa amin tuwing summer minsan at kung hindi sila busy. Palagi kaming may baong kwento sa isa't-isa at nagkakatuwaan.
Nandito ako ngayon sa mall naghahanap ng pwedeng maireregalo kay Cunier anak ni Chizka at ni Unier. Cunier is already 5 at ang alam kong mahilig siya sa superman na laruan ngunit gusto kong iba naman. Napatigil ako sa pagtitingin sa mga laruan ng biglang tumunog ang cellphone ko. I smiled instantly ng makitang si Menezo ito.
"Hi my engineer," natatawang saad ko. Parehas na kaming naka graduate ni Menezo. Naabot na talaga niya ang pangarap niya, ang maging isang ganap na engineer. It has always been his dream eversince he was a kid and I am so damn proud of him. I'm a police captain and I love my job.
"Baby!" sigaw niya at alam kong nakanguso na ito ngayon.
"Oh? Anong nangyari sayo?"
"Saan ka?"
"Nasa mall, bakit?"
He sighed, "Pupunta ako diyan ah?"
"Bat naman? May trabaho ka pa diba?" natatawang saad ko.
"Eh miss na kita!" pagmamaktol niya.
Napailing ako dahil kahit ako din ay namimiss na siya. 6 years of being with him walang nagbago sa aming dalawa. He's still the same Menezo that I knew.
Hanggang ngayon din ay pinagseselosan padin niya si Austin lalo kapag umaakbay si Aus sa akin, hindi niya ako iimikan at sasamaan parin ng tingin. Nung una nga ayaw niya akong payagan maging police dahil marami daw lalaki ngunit nakumbinsi ko parin siya. Nababaliw na nga ako minsan dahil gusto niyang magpagawa kay Hillary ng voice recorder at ilagay sa damit ko para pag may kumausap daw na lalaki sa akin ay maririnig niya. He's still possessive and every single day of my life I always fall inlove with him.
Naiinis din siya pag may lumalapit sa kanyang mga babae ngunit hindi naman ako nagseselos. I trust him at alam ko namang ako lang ang mamahalin niya. Inaaway niya din ang mga babae na lumalapit sa kanya para daw sa akin. I don't know why but I find it cute.
Minsan lang din kung magkita kaming dalawa dahil busy na kami sa kanya-kanyang trabaho namin madami din ang kumukuha sa kanya dahil sobrang galing niyang inhenyero ngunit kapag naman nagkikita kami, imbes na magpahinga ay sinusulit namin ang mga oras na magkasama. He would always take me on a date, cook for me in the morning, sings for me in the night and cuddle with me when he's tired.
Wala na akong mahihiling pa. Sobrang perpekto na niya para sa akin.
"Baby? Hello andyan ka pa?"
I bit my lower before answering him. "Yes Menezo i'm still here."
"Punta ako diyan ha?" paglalambing niya.
"Sige. Namiss nadin kita."
I heard him say 'yes!' on the other line kaya natawa ako ng sobra. Minsan kasi hindi ko siya hinahayaan na puntahan ako dahil nagkikita naman din naman kami.
"I'll be there in an hour baby. I love you! Mwah mwah." may pa sound effect pa si gago.
I chuckled lightly. "I love you more. Tawag ka pag malapit kana ah?" saad ko.
"Yes boss!" iling-iling naman akong pinatayan siya ng tawag. Pumunta ako ng Toy Kingdom at naghanap ng mga laruan. Andaming mga cute na laruan. Siguro kapag magkaka baby na kami ni Menezo dito talaga ako bibili. Bigla akong natigilan sa naisip. I blushed profusely at biglang nakaramdam ng hiya. We never made love at hanggang kiss lang kami ni Menezo. We never talked about it. I sighed at iwinaksi sa isipan ang naisip. Nililibang ko nalang ang sarili ko sa pagtitingin ng mga laruan.
My phone buzzed kaya agad kong kinuha ito at nakitang nag message sa akin si Menezo.
From: Menezo Bakla
Baby, i'm here na! Where are you na? I wanna see you na! Lahat ng mga babae ang papangit, ikaw lang maganda sa paningin ko :<
Napailing ako sa kabaliwan niya at kapagkunan ay napangiti
To: Menezo Bakla
Nasa Toy Kingdom ako. 2nd floor.
Tiningnan ko yung doll na sa sobrang cute gusto ko siyang kunin galing sa box kaso baka pagalitan lang ako. Napasinghap ako ng may biglang yumakap sa likuran ko.
"Holdap to miss ibigay mo sakin puso mo." taas ang kilay na nilingon ko si Menezo.
"Nasa iyo naman na puso ko ah?" nang-aasar na wika ko na ikinamula niya. Everytime na babanat talaga ako sa banat niya ay kinikilig siya. Tsk tsk Menezo.
"Heh!" inirapan niya ako at dumapo ang tingin niya sa hawak ko.
"Aanhiin mo yan baby? Hindi naman bakla si Cunier ah?"
Umiling ako. "Ang cute lang kasi." ibinalik ko yung doll sa kinalalagyan nito at hinarap siya. "Gusto mo na bang magkababy Menezo?" seryosong tanong ko.
Nanlaki ang mga mata niya at mas lalo siyang namula. "H-Ha?"
I shrugged, "You know ang tagal na natin tapos ahm ano wala lang."
"G-Gusto." nauutal na aniya "Kaso ayaw ko namang pangunahan ka."
Masuyo kong hinalikan ang labi niya. "Gusto ko narin baby."
Natigilan siya kaya muntik akong matawa. It's the first time that I called him baby at ang paraan ko pa ay parang nang aakit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagalpak na ako ng tawa.
"Baby." he warned. "Don't tease me like that."
Natatawang paring kinurot ko ang pisngi niya. "Seryoso ako noh."
"Ewan ko sayo!" nagtatampong aniya at iniwan ako. Natatawa ko namang hinabol siya.
NANG MAKARATING kami sa bahay ay natagpuan namin ang mga kaibigan namin na nasa sala nanonood ng TV. Agad kong binitawan ang mga dala at dali-daling lumapit kay Cunier na nakakandong kay Unier.
"Hi A, long time no see." saad ni Unier.
"Long time no see." ani ko at kinindatan siya. I heard someone coughed at alam kong si Menezo ito ngunit hindi ko siya pinansin. Naiinis ako sa kanya kanina hindi talaga ako pinansin. Namimili siya ng gamit ngunit siya lang mag-isa! Hindi pinapansin ang presensiya ko! Nakakainis siya! Manigas siya diyan!
Kinuha ko si Cunier kay Unier at niyakap ito at pinanggigilan na hinalikan ang pisngi niya.
"Baby Cunier ko ang laki laki mo na." gigil na saad ko.
"Buti pa si Cunier tinatawag niyang baby." pagpaparining ni Menezo. Hindi ko nalang siya pinansin at umupo nalang sa sofa habang kandong ko si Cunier. Nakakainis din tong bata na to hindi naman umaayaw sa mga yakap ko ngunit hindi din naman namamansin. Isnabero.
Nilingon ko si Austin at tinawag. "Woi."
Agad naman siyang lumingon sa akin at ngumiti. "Saranghaeyo A! Namiss kita!" aniya at nag finger heart pa hindi siya makalapit sa akin kahit gustuhin niya pa talaga baka mag-away na naman sila ni Menezo.
"Guys nagdala ako ng french toast!" saad ni Hillary. Hillary's french toast will always be our favorite.
"Wala na!" sigaw sa kanya ni Thalia.
"Ha?! Anong wala na?!"
"Inubos ko na!"
"Anak ng- hindi yun para sayo!" sigaw sa kanya ni Hillary.
"Edi wow. Wampakels." Thalia rolled her eyes at him ngunit walang nagawa si Hillary kundi samaan siya ng tingin.
Lumapit si Xenon sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Hi A."
I smiled at him sweetly. "Hey X, bagong gupit ah?"
"Yep." he grinned. "Kailangan eh." aniya at tumawa kaya nahawa ako. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napansing wala si Chizka at Phoebe.
"San si Phoebe Austin?" tanong ko dito.
Umiwas naman siya ng tingin at hindi pinansin ang tanong ko.
"Nag-away na naman sila ni Austin." sagot ni Unier sa tanong ko. Oh, that's understandable. Palagi naman.
"Oh, si Chizka?"
"Ayun hinahanap si Phoebe."
"Kanina pa?"
"Bago palang. Hayaan mo nayun."
Tumango ako at ibinigay na sa kanya si Cunier. Nilapitan ko si Menezo na nakasandal sa hamba ng pinto nakatingin lang sa amin. I hugged him from the side habang nakatingin sa mga kaibigan namin.
"I love you Menezo." saad ko.
"I love you more baby." aniya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
I could not ask for more. Having them is already enough for me. I didn't regret running away it was actually the best decision i have made in my entire life.
End...
Joshua 1:9 Be strong and courageous; do not be frightened or dismayed, for the Lord your God is with you wherever you go.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top