CHAPTER 9


Chapter 9

Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Preston kanina. His words is stuck in my head. Pumikit ako ng mariin. Gusto kong matulog saglit ngunit parang hindi mangyayari yun dahil sa dami ng iniisip ko. How could he mess up my mind like this?

Nagpakawala ako ng marahas na buntong-hininga. Aaminin kong nawala talaga sa isip ko ang hamunin ang Phaux Org. ng bakbakan sa susunod na sabado dahil sa sinabi niya. I was wondering if what he said was true. Talaga bang tinatakot niya lang ako para mag sorry? Wala ba talaga siyang kinalaman sa mga nang bubully sakin? Silang Zeus lang talaga ang may gawa nun? Paano naman yung sinabi ni Zeus na 'Nga pala pinapasabi ni Master Pres na kapag hindi mo na kaya mag drop out kana' saan naman yun? Posible ba talagang wala siyang kinalaman? Posible ba talagang wala siyang inutusan? What if he was just lying? What if kilala na niya ako?

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. That's impossible naka mask ako there's no way para malaman niya kung sino talaga ako. Per-

"Earth to A!" napapitlag ako sa malakas na sigaw ni D.

"What?" iritableng saad ko.

"Hello." sarkastikong saad niya. "Nakarating kana sa Earth?" dagdag niya.

"Pinagsasabi mo?"

"Hi A!"

Napahawak ako sa tapat ng puso ko at gulat na nilingon ang taong nakaupo sa backseat. "What the hell Chizka?!" nanlilisiksik ang mga mata ko na tinitigan siya. "What are you doing here?"

"Wow A ganyan kana ba kalutang?" binalingan ko si D na nag di-drive at kinunutan ko siya ng noo. "Baka nakalimutan mong sabay tayo ni Chizka pumasok sa kotse dahil kinuha ko siya sa loob ng UA, remember?" dagdag niya at inirapan ako.

Napakurap ako at nag-isip. Damn! I really can't remember!

Eh paano yang utak mo naglakbay kay Preston, anang isang bahagi ng utak ko.

I sighed frustratedly at inilamos ang palad ko sa mukha ko. Damn you Menezo, ang sarap mong sipain sa bayag gago ka. Napapikit ako ng maalala ko naman ang sinabi niya.

"You know because when you're uncomfortable there's a chance that you feel an attraction towards that person."

"You know because when you're uncomfortable there's a chance that you feel an attraction towards that person."

"You know because when you're uncomfortable there's a chance that you feel an attraction towards that person."

"You know because when you're uncomfortable there's a chance that you feel an attraction towards that person."

"You know because when you're uncomfortable there's a chance that you feel an attraction towards that person."

Inis akong nagmulat ng mga mata at hinampas ang dashboard ng sasakyan.

"Holy fvck what the heck is wrong with you A?!" sigaw ni D sakin.

"W-Wala."

Attraction my ass Menezo, walang nakaka attract sayo. Hindi lang talaga ako komportable dahil baka makilala mo kung sino ako. Ayaw ko nun. Ayaw na ayaw ko nun. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko.

"Hoy Chizka, bat ka nga pala nagpakuha sakin sa loob ha? Kaya mo namang maglakad mag-isa." narinig kong ani ni D.

Binalingan ko din siya. "Bat ka nagpakuha C?"

"Gaya-gaya amp." narinig kong bulong ni D.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si C. "My husband was there so I neeeded to hide. Damn baka makita niya ako dun mahirap na. And he doesn't even know that i'm a member of 26 Vigorous for christ sake! It's been months since i've been to a fight! Hell my hands are itching to beat someone and-"

Malakas na nag preno si D at malapit na akong mapasubsob sa dashboard.

"What is wrong with you?!" sabay na wika namin ni C.

"No! Chizka Faye Royo! What is wrong with you?! Husband?! You have a husband?! You're married?! To whom?!"

"Correction. It's Chizka Faye Yam. I'm married to Unier Tyron Yam so-"

"Unier?! Yung member ng Phaux Organization?!" gulat na tanong ni D. Shit, that's why Unier was familiar. Damn it. Ngayon ko lang naaalala lahat.

"Yup."

Binalingan ako ni D. "Alam mo to?"

"Of course. I was at her wedding." kalmadong wika ko. Nakalimutan ko lang ang mukha ni Unier nun.

"Why didn't Unier recognized y-"

"Dipshit I was wearing a mask earlier."

She rolled her eyes at me at nilingon ulit si Chizka at tinaasan ito ng kilay. "Why didn't I know any of these shits?!"

"Because you were not in my wedding. Nagpadala ako ng sulat sayo pero hindi ko alam kung nakuha mo ba," sarkastikong saad ni Chizka. "I was patiently waiting for you, you bitch but you didn't even show up! You were one of my bridesmaid but you dissapointed me."

"C," pagmamakaawa ni Thalia. "You know I was busy."

"Yeah you were too busy to attend your best friend's wedding. I get it."

"Baby Chizka naman."

"You didn't even know who I was getting married to."

"Chiz-"

"You didn't even ask."

"C-"

"It's like you didn't wanna know."

"C-"

"It's like you don't even care about me."

"Baby C." pilit niyang inabot ang kamay ni Chizka ngunit ng lumapat ang kamay niya sa pisngi ni Chizka ay hinawakan niya ito at binali nito ang daliri niya.

Natawa ako sa ginawa ni Chizka. Alam kong hanggang ngayon nagtatampo padin siya kay Thalia. Itong si Thalia naman kasi baliw mas inuna niya pa ang pakipagbakbakan kesa um-attend sa kasal ni Chizka.

Sa aming tatlo mas close talaga silang dalawa ni Thalia. Silang dalawa ang halos magkasama sa bahay dahil lumayas ako at namuhay ng normal. They were like sisters. Nakilala ko lang si Chizka dahil kay Thalia. Hindi nga kami magkasundo nung una kasi tinatarayan ko siya. I'm not used being close to people, except for my cousins of course. It's not because I don't like them but because i don't know how to interact. Pag may kausap ako parang binabara ko lang sila. Ewan ko ba. Sobrang tipid ko din sumagot na walang tumatagal makipag-usap sakin. Ngunit sa sobrang kulit ni Chizka naging close talaga kami, I didn't know how, it just happened. And I was lucky that I met her dahil siya minsan ang nagpapagaan ng mood ko.

Napahiyaw sa sobrang sakit si D. "Chizka! You broke my frigging finger! And you!" tinuro niya ako at tinuro ko din ang sarili ko.

"Me? What about me?"

"Stop laughing! Damn it! Ikaw na ang magmaneho A I can't drive." aniya at lumabas ng sasakyan.

Nagkatinginan kami ni Chizka at bumungisngis ng tawa.

"Patay ka baby Chizka." panggagaya ko sa tawag sa kanya ni D.

"Baliw ka A." aniya habang tatawa-tawa at pinitik ang noo ko.

I glared at her. "Stop doing that to me."

Binelatan niya ako. "Ako na mag drive." aniya at lumabas din ng sasakyan. Nanatili lang akong nakaupo sa passengers seat at pumikit. Narinig ko nalang ang pagsara at pagsarado ng pintuan sa kotse.

"Grabe sasakyan ko to tas ako ang nasa backseat. Langya." narinig kong reklamo ni D. Hindi na ako dumilat para tingnan ang kalagayan niya. Naramdaman ko nalang na tumakbo ang sasakyan at dinalaw na ako ng antok.

NAGISING ako ng nananakit ang buong katawan. I groaned when I tried to get up pero hindi ko kaya dahil namamanhid ang likod ko. Mariin na ipinikit ko ang aking mga mata at hinawakan ang noo ko. Great, now i'm burning up.

Kumuyom ang kamao ko ng maalala ang paghampas ng kahoy sa aking likod kahapon. That wood stings on my back. Sana pinuruhan ko pa pero ayos na yun baka mapatay ko pa. Dinilat ko ang mga mata ko at inabot ang cellphone kong nasa gilid ng lampshade at tinawagan si Thalia. Nakailang ring pa ako bago niya sinagot.

"Ang tagal mong sumagot." pambubungad ko dito.

"I was cleaning the house dahil dadating ang parents ko at si Phoebe."

"Oh. Dadating sina Phoebe? Kelan?"

"Mamaya. Anyway, what's up A?"

"Uh did you carry me last night? I can't remember."

I heard her heave a sigh. "No, I didn't. Did you forget that someone broke my frigging finger last night?"

Natawa ako. "Come on D, malayo sa bituka yan."

"Damn you A you know how much I love my fingers."

Napailing ako sa ka-oahan niya. "Oo na."

"Binuhat ka ni Chizka. Panay reklamo nga yun kagabi dahil sobrang bigat mo daw."

Napangisi ako. "Okay na ba kayong dalawa?"

"Ayos na kami. Nilibre ko siya ng ice cream kaya ayun."

"Seryoso? Hatinggabi nag ice cream kayo?"

Natawa siya, "Gusto niya eh. Nagkwento din siya tungkol sa asawa niya. Diba schoolmates kayo A?"

"Yeah. Classmate ko."

"Mabait na tao ba yung si Unier?"

Napaisip naman ako sa sinabi niya. I can definitely say that Unier is a good man. Siya nga ang palaging tumutulong sakin kapag may nangyayari sa aking masama. Nung hindi nga ako nag sorry hindi naman siya nagalit, yung kaibigan niya lang, tss. Siguro kung ibang tao din yung ginaganun ay tutulungan din niya. He's really a good person, I give him that.

"Mabait naman." simpleng sagot ko.

"Pero kasali sa UA amp."

"Hindi naman kasi lahat ng sumasali sa arena masama."

"Talaga? Mabait ka ba?" natatawang tanong niya.

"I didn't say that."

"Sus. Bye na A."

"Si-" napailing nalang ako ng babaan niya ako ng tawag.

I scrolled through my contacts at hinahanap ang pangalan ni C. Nang mahanap ko ang pangalan niya ay agad ko siyang tinawagan. Nakailang ring na ako pero hindi niya parin sinasagot ang tawag ko. Napagpasyahan ko nalang na mag text sa kanya.

Hey C! Thank you for carrying me last night : ) Love ya.

In-off ko na ang cellphone ko pagkatapos kong ma send ang mensahe. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas nuwebe na. Kahit nananakit ang likod ay pinilit kong bumangon at kumain at uminom ng gamot. Naghilamos lang ako dahil wala yata akong lakas maligo. Inilibot ko ang paningin ko sa bahay at nakita ang iilang nagkalat na mga damit at gamit. Sa susunod na linggo na siguro ako maglilinis ng bahay pag ayos na ako.

Napabuntong-hininga ako at dumapa ulit sa kama. Wala naman akong lakad ngayon kaya matutulog nalang siguro ako para may lakas ako bukas pag pasok. Who knows baka may bago na namang nag-aabang sakin sa labas ng gate. I need my strength.

Naglakbay pa ang isipan ko sa mga bagay-bagay. I miss my parents so much pero konting tiis nalang makikita ko din ulit sila kahit ayaw ko pa. Ilang minuto pa akong nag-isip hanggang sa dinalaw ako ng antok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top