CHAPTER 7
Chapter 7
Hindi ako makapakali sa kinakaupuan ko habang patuloy na lumalapit yung lalaking nakaitim sa babae. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko ng lumapit din ang babae sa lalaki. Nanlaki ang mga mata ko ng tinawid niya ang distansya nila habang nakangisi at malakas na inuntog ang ulo niya sa ulo nito. Nagsinghapan din ang mga tao sa paligid namin.
"What the hell?!" mahinang mura ni Unier, kahit ako ay malapit ng mapamura. What the heck?
Nagmumura yung lalaking nakaitim at sinapo ang mukha niya ngunit nanatili ang ngisi sa labi ng babaeng may mala demonyong aura.
"Aalis ka sa entabladong ito o kusa kitang papaalisin?" umaalingaw ang tinig niya sa buong arena sa sobrang tahimik nito. Ano bang nangyayari sa mga taong to?
Bago pa makatugon ang kausap niya ay may anim na lalaki ang pumasok sa entablado. Nanliit ang mga mata ko ng makita kung sino-sino ang mga ito.
Samu't-sariwang mura ang narinig ko galing sa mga kaibigan ko pati ako ay hindi ko napigilan ang magmura. "Sh-t" ani ko at tumayo. Bago pa ako magsimulang maglakad ay may humarang na sa harapan ko.
"Nu-uh." pagpipigil sa akin nung D.
"Get the hell out of my way." I stared at her blankly.
She raised her left eyebrow. "Make me."
I shut my eyes frustratedly and opened them up again, "Oh come on I don't want to hit a girl."
"Then just sit the hell down and watch."
"I just can't watch knowing that those suckers hit a girl!"
She murmed something under her breath na hindi ko naman narinig.
"Miss, please get out of the way." narinig kong pagsasalita ni Hillary sa likod ko.
"No." matigas na aniya.
"We don't hit a girl pero parang mapipilitin kami."
"Then hit me. Give me your best shot." taas noong aniya at tinitigan kami isa-isa.
"You'll regret it." ani naman ni Xenon.
"Try me."
"Co-"
"Ladies and Gentlemen Angel De La Muerte in the house fighting against Kronos Gang and Jaguar Organization!!!!!"
"Please sit down," pagmamakaawa ni D. "Stop ruining the fun."
Nagtatagis ang bagang na umupo nalang ako at sumandal sa upuan.
"Are you just gonna let her be?" bulong ni Unier sa tabi ko.
"I don't-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsimula ng mag-ingay ang mga tao.
"A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!!"
"Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!!"
Napamaang ako ng itaas niya ang gitnang daliri niya na mas lalong nagpa-ingay sa buong arena.
"A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!!"
"Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!!"
They keep chanting her name over and over again. May iilan din namang nag cha-chant sa grupong Kronos at Jaguar pero mas nangingibabaw ang sigaw ng mga tao para sa babaeng may mala demonyong aura. Who the hell is she?
"People of the Arena, are you ready!?" sigaw na naman nung emcee
"Yessssssss!!!!" mas malakas na sigaw ng mga tao.
"Let the battle begiiiiiinnnnnn!!!" anunsiyo nito.
I was holding my breath habang hinihintay ang pag atake ng mga lalaki. Damn how can she beat those 9 guys? Nahihirapan nga ako siya pa kaya?
Nanlaki ang mga mata ko ng pinalibutan siya ng mga yun. I can't see her clearly dahil natatabunan siya at mukhang may pinag-usapan sila. And the people of arena went silent again. I can hear my heart beating rapidly and in a slow motion nakalabas si A sa kumpulan ng mga lalaki by sliding between a man's legs and kicking him on the balls. Hindi pa siya dun nakuntento, malakas na sinipa niya ang likod nito causing him to fall on the ground. Hindi na nakabangon ang lalaki, siguro ay nawalan ng malay. 1 down, 8 to go. Fuck, how'd she do that?
Malapit na akong mapasigaw ng may nagbantang sumuntok sa kanya ngunit gamit ang kaliwang kamay ay sinalig niya ito at malakas na pinagsusuntok sa mukha at sinipa ang paa nito dahilan para matumba ito at nanggigigil na sinipa ito sa mukha dahilan para mawalan din ito ng malay.
"Oww man, that hurts!" ani ni Austin. "Damn, she's so cool!"
"Shh!" someone shuts him up. "A-Ay sorry po Sir A-Austin ayaw kasi ng ingay ni A pag nagsimula na ang bakbakan para marinig niya ang daing ng kalaban niya."
Hindi na ako nag-abalang tingnan pa kung sino yun dahil nakatutok lang ang paningin ko sa entablado. Pansin kong inuuna niya ang mga lalaking nakaitim. Yung anim na lalaki ay walang ginawa, nakatayo lang sila doon mukhang naghihintay na matapos ang away ni A at ng tatlo nayun. I shifted uncomfortably on my seat. Ang natira nalang sa Jaguar ay yung lalaking mayabang kanina. I can sense that he wanted to hurt A badly and I don't know why i'm fucking nervous about it.
Sumenyas si A na lumapit ang lalaki at nakangising sumunod naman ito. He was about to throw punches on A but she dogde it and gave him a hard punch on the jaw. Umatras ng bahagya ang lalaki at ngumiwi, "That hurt bitch!" umaalingaw ang boses niya sa buong arena at parang gusto kong matawa ngunit hindi ko magawa sa sobrang kaba. Mabilis ang naging galaw niya at agad niyang nabuhat si A ngunit naging dahilan yun para malayang masuntok ni A ang mukha niya ng ilang beses. That's my girl , ani ko sa utak ko at napangisi. Nabitawan siya ng lalaki kaya malakas na siniko niya ito sa tiyan, tumalikod si A at nag back flip at ang paa nito ay tumama sa mukha niya. Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng mapatumba niya ang lalaki at dinurahan ito.
She motioned her hand para lumapit ang anim na lalaki sa kanya. "Hey, dimwits" umaalingaw ang boses niya sa buong arena, her voice is firm and cold but so fucking soothing in my ears, "Your punches hurt the other day, let's see if you can hurt me again."
Naging mabilis ang pangyayari, sunod-sunod ang naging pag atake ng anim na lalaki kay A, ngunit mabilis niyang naiiligan at nasasalag ito. I held my breath at napatayo ng mahawakan siya ng dalawang lalaki sa magkabilang braso niya, the guy cracked his head and stared at A,
"Ready to get hurt your majesty?" he asked sarcastically.
"Oh, you have to idea how much pain I can take," and with that she twisted her right arm dahilan para mabitawan siya ng lalaki at mabilis na sinipa ito sa tuhod, umikot din siya sa gilid at malakas na siniko ang leeg ng lalaki at tinulak ito sa lalaking umamba na susuntukin siya, she spins around and hit the man in the head at malakas na pinagsusuntok ito sa tiyan, akmang susuntukin siya ulit ng isang lalaki pero mabilis na inilagan niya ito at pinag untog ang ulo nilang dalawa. Dahilan para bumagsak ang dalawang lalaki habang namimilit sa sakit. 2 down, four to go.
"You bitch!" malakas na sigaw niya at sinugod si A, mukhang hindi napaghandaan ni A kaya malakas na nasuntok siya sa mukha.
"Oh fuck not my face!" malakas na mura din ni A at mabilis ang kilos na sinakop ang kamay nito at binali ang buto, napahiyaw ang lalaki sa sobrang sakit ngunit parang wala siyang pakialam. She twisted his arm so bad at malakas na tinuhod ang pagmumukha nito hindi pa siya dun nakuntento, kinuha niya ang isang kamay nito at binali ang lahat ng daliri nito. Napasigaw sa sobrang sakit ang lalaki, kahit ako ramdam ko ang sakit na dulot nito.
"That was brutal." hindi makapaniwalang ani ni Unier. Yes, it was brutal and painful to watch but they deserve it dahil sa ginawa nila kay Maple.
Napakurap ako at agad na nilingon ang mga kasama kong nawili din sa panonood.Parang nakalimutan din nila ang ipinunta namin dito. We're here to give revenge for Maple, not watch this woman fight, damn it. Napabuntong-hininga nalang ako at ibinalik ang atensyon ko sa entablado. Nanlaki ang mga mata ko ng kumuha ng kahoy ang isa sa kasama nila at malakas na inihampas yun sa likod ni A dahilan para mapasubsob siya sa sahig. Rinig ang singhapan ng mga tao sa buong arena.
"Ano ba yan! Hindi na nga pinupuruhan ni A, ginalit pa talaga nila! Mga hangal!" napalingon kami sa likod dahil sa pagdadabog ni D pero pinanliitan niya lang kami ng mata, "Ano?!" napatingin ulit kami sa entablado ng may marinig kaming kalabog. Mabilis na gumulong si A kaya nahampas ng lalaki ang kahoy sa sahig imbis na siya. Malakas na sinipa ni A ang kamay nito dahilan para mabitawan nito ang kahoy. Napaatras ng konti ang lalaki at si A naman ay kinuha ang kahoy at mabilis na tumayo.
"Alam mo ba kung gaano kasakit ang pagkakahampas mo?" seryosong tanong ni A sa lalaki.
Humalakhak naman ito ng malakas. "Hindi. Masakit ba?" Gago.
Matunog na ngumisi si A. "Sobra. Ganto kasakit oh." mabilis ang naging kilos niya, she slide between the man's legs and before we knew it nasa likod na siya ng lalaki. Wala siyang sinayang na oras at malakas na hinampas ang kahoy sa likuran nito, hindi lang isang beses ngunit tatlong beses niyang ginawa iyon na nagdulot para humiyaw ang lalaki sa sobrang sakit.
Nanliit ang mga mata ko ng makitang tatakbo sana ang dalawang lalaki paalis ngunit bago pa nila nagawa yun ay mabilis ang naging kilos ni A. Binali niya ang kahoy sa tuhod niya at magkasabay na itinapon niya iyon sa dalawa at tinamaan sa ulo. Tumakbo siya papunta sa isang lalaki at sumakay sa ulo nito at malakas na pinagsusuntok sa mukha. Nang makitang tatakbo na sana ang isang lalaki ay mabilis siyang bumaba at sinipa ito sa ulo dahilan para matumba ito patalikod. Iaahon pa sana nito ang ulo nito ngunit malakas na sinipa ito ni A at nawalan ng malay. Tumingin siya sa lalaking nakaluhod sa harapan niya na ngayon ay sapong-sapo ang buong mukha.
"Sa susunod kilalanin niyo muna kung sino ang kinakalaban niyo." nagsitayuan ang balahibo sa kamay ko dahil sa mala demonyong boses niya. Pagkatapos nun ay malakas na sinuntok niya ang lalaki sa mukha at natumba ito. Hinihingal na tumingala siya at pumikit. Walang natira. Napatumba niya lahat ng kalaban niya. Napamaang nalang ako sa nasaksihan.
"A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!!"
"Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!!"
"A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!! A!!"
"Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!! Angel de la Muerte!!"
The crowd chanted her name again and again and I can't help but smile.
She's definitely the Angel of death...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top