CHAPTER 5
Chapter 5
Biyernes ngayon at wala talaga akong ganang pumasok dahil kapag makita ko yung mga taong bumugbog sakin at si Preston baka mapatay ko sila but I have to control my temper, I should control my temper.
My whole body ached but i'm used to this kind of pain. I love this kind of pain. I lived my life feeling this kind of pain.
Agad akong naligo at kumain. Tinakpan ko ang ilang sugat ko ngunit halata parin yung iba. I looked at the mirror and stared at my face. I was really looking forward not seeing a single damn laceration on my face until this school year ends. Lahat ng mga plano ko ay hindi gumagana. I even stopped entering the arena a few weeks ago dahil ayoko na ng gulo kahit nangangati ang kamay ko makipag bakbakan ngunit mukhang babalik na naman ako. I admit that I really missed kicking people's asses but a part of me wants to stop and just go on with my stupid life, but i'm not that kind of a girl. Alam kong hindi ako matatahimik kapag hindi ako nakakapaghiganti. Damn these stupid people who keep bothering and annoying the hell out of me.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay at pinagkatitigan na naman ang sarili ko. I want to be happy, I want to be normal kahit isang taon lang, kahit ngayong taon lang sana ngunit hindi nila ako binigyan ng pagkakataon. Pinagdamot talaga sa akin ang pagkakataon nayun.
Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin. Kinuha ko ang mga gamit ko at nagtungo na sa paaralan.
Bawat hakbang ko sa pasilyo ay nadidinig ko ang mga bulong-bulungan ng mga tao.
"Anong nangyari sa kanya?"
"Yeah she looks like shit."
"Ayan kasi eh."
"Sinabi na sa kanyang umalis na siya sa paaralang to pero ayaw parin."
"Tsk. Naaawa ako ng slight sa kanya."
"Ako din."
"Tatanga-tanga din kasi eh."
"Akala ko pa naman matalino yan."
"Sobrang weak niya pa naman."
"Gangster kasi ang Phraux Org. eh malamang kawawa talaga siya."
"Hindi niya kasi alam kung sino ang binabangga niya. Nerd lang kasi eh."
"Pangit na nga mas lalo pang pumangit."
Napabuntong-hininga nalang ako at palihim na inikot ang mga mata ko. Shut up dimwits.
Lumiko ako para pupunta sana ng CR ng magtagpo ang mga mata namin ni Preston. He stopped on his track at kunot-noong nakatitig sakin. Agad na gumapang ang galit sa sistema ko ngunit blangko ang tingin na nakipagtitigan ako sa kanya.
We stared at each other for a couple of minutes pero ako din ang unang nagbawi ng tingin. Akmang lalampasan ko na sana siya ng bigla niyang hinigit ang pulsuhan ko.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makitang ilang dangkal lang ang layo ng mga mukha namin. Pinilit kong kumawala sa mga bisig niya ngunit nanghina ako, hindi ko alam kung bakit.
"What?" I asked him coldly.
Gamit ang libreng kamay niya ay hinaplos niya ang pisngi ko na may sugat, "Who did this to you?" he asked softly.
Mariin na tinitigan ko siya. "You did."
Tinitigan niya din ako at nahugot ko ang hininga ko ng makitang umaapoy sa galit ang mga mata niya.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. Tss, siya pa talaga ang may ganang magalit? Bakit? Dahil parang okay lang akong tingnan?
Napangiwi ako ng mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya. Mukhang napansin niya ang pag ngiwi ko dahil agad na binitawan niya ang braso ko.
Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag at mariin na pumikit ng malalaki ang hakbang na umalis siya. Ano bang nangyayari dun? Bat mukhang siya pa ang galit? Wala naman akong ginawa sa kanya ah?
"PRESTON umamin ka nga samin, ikaw ba ang may gawa nun kay Maple?" seryosong tanong ni Xenon.
Nakahalukipkip naman si Unier at Hillary at inirapan naman ako ni Austin. Tss bakla.
"Preston." nagbabantang ani ni Xenon.
"What?" inis na tanong ko. "Damn X, alam kong masama akong tao pero hindi ako umaabot sa ganun, alam niyo namang hindi ako nambubugbog ng babae diba?" tiim-bagang ani ko, "At isa pa inaalam ko pa kung sino ang gumawa nun sa kanya."
Napamaang ako ng bigla akong yakapin mahigpit ni Austin. "What the f-ck?" mahinang ani ko at malakas na tinulak siya palayo, "What the heck is your problem you gay!" iritadong saad ko at tinatawanan lang ako nila Hillary.
Napanguso si Austin at nagpadyak-padyak na parang bata. "Ang sama mo manong Pres ah! Happy lang ako na hindi pala ikaw ang gumawa nun para hindi magalit si Mapleleya noh! Atsaka hindi ako bakla! May crush ako noh!"
"Weh dude sino?" natatawang tanong ni Unier.
"Si Maple." nakangising saad nito.
Tinukso siya nina Xenon habang sinasamaan ko ng tingin si Austin ngunit hindi niya nakita.
"Nga pala," nabaling kami kay Xenon, "May cctv naman dito sa school natin, let's watch the footage baka sakaling may makuha tayong impormasyon kesa tumunganga dito."
"Good idea." ani ni Hillary at nagpatiunang naglakad.
"Less gooooooo!" sigaw ni Austin at sumunod sa kanila.
Napabuntong-hininga ako at nakapamulsang naglakad. Napalingon ako sa gilid ko at tinaasan ng kilay si Unier na nakangisi. "Ano?"
Tumaas ang sulok ng labi niya. "I saw you."
"Saw me what?"
"Glaring at Austin." aniya ng nakangisi at nilampasan ako. Naitikom ko ang bibig ko at sinamaan nalang ng tingin ang likod niya.
"Guys this is frustrating." ani ni Hillary habang hinihilot ang sentido niya. Nakasandal lang ako sa pader habang nakatitig sa kawalan. Mag-iisang oras na kaming nakatunganga sa cctv footage pero maayos namang nakalabas ng paaralan si Maple. San ba siya binugbog?
"Alam niyo ba kung saan nakatira si Maple?" seryosong tanong ni Austin.
"Hindi namin alam." sabay na ani nila.
"Guys wait, look, look!" ani ni Xenon at may tinuro. "See those guys? Tingnan niyo, sinusundan nila si Maple"
In the footage we can see that Maple was walking then minutes later may mga lalaking naka uniporme ng Leur ang sumunod sa kanya, halata talagang sinusundan siya, may hinala na ako na itong mga lalaki ang bumugbog sa kanya but we still have to be sure, better safe than sorry.
"Hanggang diyan lang ba ang footage na yan?" nanatili pading seryoso ang mukha ni Austin.
I sighed, "Let's skip class. We can see that Maple was just walking and those guys," sabay turo ko sa monitor "Were following her, medyo may alam ako sa lugar na dinaanan nila, there are some fast food chains and convenience store in that area, suyudin natin lahat."
"Pero yung klase-"
"Shut up Hillary nangunguna ka padin sa klase, wag kang OA" inis na ani Xenon at hinila si Hillary.
"THAT was tiring." Xenon said exhaustedly at sumimsim sa alak niya.
Nandito kami sa bahay ni Hillary dahil aalamin niya kung sino yung mga bumugbog kay Maple. He's the one who's good with computers kaya siya lang talaga ang maasahan namin.
Nilubog ko ang mga paa ko sa swimming pool at nilagok ang alak na nasa baso ko. This day was exhausting. I can't believe I wasted my whole afternoon just to know who did that to Maple. Napailing nalang ako sa naisip.
"Hey Hillary." narinig kong pagtawag ni Unier kay Hillary.
"Yeah dude?"
"You do know how to hack cctv cameras, right?"
"Yeah dude, why'd you ask?"
Inis na binalingan ko ng tingin si Hillary na prenteng nakaupo sa lamesa habang nasa hita niya ang kanyang laptop.
"You're a d-ck."
"Motherf-cker."
"I hate you dude!" sigaw ni Austin.
"Sh-t i'm going to kill you hill."
Nag-angat ng tingin si Hillary at nakakunot ang noong nagpalipat-lipat ng tingin sa aming apat. "What did I do?"
"Gago ka, marunong ka naman palang mag hack ng cctv cameras pero pinagod mo pa talaaga kaming hinayupak ka." inis na reklamo ko.
Ngumuso siya, nagpipigil ng tawa, "Syempre, pinag cut classes niyo ako eh, ayaw niyo yun? Worth it yung pag cutting natin?" hindi niya napigilan ang paghalakhak.
"Gago." sabay-sabay na ani namin.
"Anyway i'm done. Lirco Valer, Nathan Brusco, Jitzo Tamm, Kyle Luiem, Fernando Weibz and Devon Salem are part of Kronos Gang their master is K. Probably that's their leaders codename."
"Don't know them." ani ni Xenon.
"Obviously we're still new so," Unier.
"Uncle Pres, ano ng gagawin natin?"
"Do you guys have plan for tomorrow?"
"Saturday? Not that i know of. Mukhang wala naman akong lakad bukas." ani ni Hillary.
"Wala din akong gagawin, sa sunday meron magsisimba ako dahil makikipag-usap ako kay Papa God syempre dahil marami na akong kasalanan kasi dinadamay niyo ako sa kagaguhan niyo kaya kailangan kong mag sorry para sa heaven ako mapupunta."
Napamaang kami sa kanya. "Seriously Austin?" salubong ang kilay at natatawang tanong ni Xenon tsaka ako binalingan, "Anyway dude, i'm free tomorrow as well."
"What about you?" baling ko kay Unier.
"Nah, i'm not free tomorrow I have a date with-"
"Oh come on," putol ko sa anumang sasabihin niya. "Tomorrow evening?"
"Oh hell yeah i'm free but not in the morning. Why?"
I grinned evily and smirked, "Let's have some fun tomorrow then."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top