CHAPTER 4

Chapter 4

Pagkatapos ng klase ay agad akong nagligpit ng mga gamit at lumabas ng silid-aralan. Ako nalang mag-isa sa classroom dahil tinapos ko na muna ang mga assignments ko para wala na akong poproblemahin mamaya pag uwi ko sa bahay. Tinahak ko ang madilim na pasilyo ng paaralan at tahimik na nagmamasid sa aking paligid.

Umupo ako sa waiting shed habang naghihintay ng masasakyan. Alas otso na ng gabi at walang jeep o tricycle ang masyadong dumadaan, ayoko din namang mag taxi dahil nagtitipid ako ng pera.

Apat na pung limang minuto na ang nakalipas pero wala paring jeep ang dumaan. Nilalamok na ako at ginugutom. Napabuntong-hininga nalang ako at napagpasyahang mag lakad na lamang. Kung maglalakad ako, mahigit trenta minutos akong maglalakad bago makaabot sa bahay.

Habang naglalakad ako ay tumitingin lang ako sa mga bahay na nalalampasan ko, nililibang ang sarili ko.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang tumunog ang tiyan ko. Napanguso ako dahil kanina pa talaga ako ginugutom. Lumingon-lingon ako sa paligid at bahagyang napangiti ng may makita akong convenience store. Lakad-takbo ang ginawa ko papunta dun at bumili ng coke in can at burger pagkatapos ay lumabas na ako at naglakad muli.

Nasa kaliwang kamay ko ang burger at nasa kanan ko naman ang coke in can na nabuksan ko na. Akmang kakagat ako sa burger ng may biglang humawi dito. Napamaang ako habang sinusundan ang burger kong tumilapon sa kalsada pati nadin ang coke ko.

Nag-angat ako ng tingin at napalunok ng makitang pinapalibutan ako ng anim na lalaki, lahat sila ay may malalaking pangangatawan at naka uniporme ng LU. Pamilyar silang lahat sa akin ngunit hindi ko alam ang mga pangalan nila.

May hawak na baseball bat ang lalaking nasa harapan ko, nakangisi siya sa aking nakakaloko habang hinahagis sa ere ang baseball bat at sinasalo ito.

"Anong kailangan niyo?" walang emosyong tanong ko.

"Wala naman." ani ng lalaking nasa gilid ko. "Pero ayaw naming makita ang pagmumukha mo."

Kumunot ang noo ko at napabaling dito. "Baliw ka ba?"

"Anong sabi mo?" nanggigigil na tanong nito.

"Ang sabi ko baliw kaba? Ayaw niyo akong makita pero nandito kayo sa harapan ko? Anong kalokohan to?"

"Aba't sumasagot kana h-"

"Please bukas na kayo manggulo, nagugutom na ako."

Lumiko ako sa gilid ko at nilampasan sila pero hindi pa ako nakakalayo ng may malakas na kahoy na humampas sa likod ko. Napangiwi ako ng bahagyang kumirot ang likod ko, buti nalang at may bag ako sa likod. Muntik na akong sumubsob sa kalsada ngunit napigilan ko ang sarili ko.

Huminga ako ng malalim at hinarap sila. "Ano bang-" nabitin ang sasabihin ko ng bigla akong sinuntok sa tiyan ng lalaking sinagot ko kanina. Napaubo ako at napangiwi sa sakit. Tangina naman nito oh bat sa tiyan pa?! Hindi pa naman ako kumakain putcha.

"Ano bang problema niyo?!" nanginginig at galit na tanong ko.

"Problema namin? Ikaw!" ani ng lalaking magulo ang buhok at may maraming piercing.

"Ano bang ginawa ko sa inyo?" mahinahong tanong ko.

"Ayaw naming makita ang pagmumukha mo" sabat nung isa.

Na naman? Paulit-ulit nalang ba tayo dito? Imbis na sumagot ay nanahimik nalang ako.

"Ano hindi ka magsasalita diyan?!"

Nanatili akong tahimik at nakayuko. Tapos na ba sila? Ginugutom na talaga ako. Napasinghap ako ng biglang may sumapak sa akin. Ang bigat ng kamay putcha.

Kagat ang pang-ibabang labi na nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang nakangising mukha nilang anim.

"Tapos na ba kayo?"

Bahagya silang nagulat sa sinabi ko ngunit agad ding napalitan ito ng mala demunyong ngiti.

"Hindi pa kami tapos. Sinabi na sayo ni Master Preston na lumipat kana ng ibang paaralan diba? Pero ayaw mo paring sumuko hmm sisiguraduhin namin ngayon na susuko kana talaga." ani ng lalaking may hawak ng baseball bat habang nakangisi sa akin.

Si Preston ba ang nag utos sa kanila?

Huminga ako ng malalim at pinasadahan ng palad ang aking buhok. "Kahit anong gawin niyo hindi niyo ako mapapatalsik sa paaralan nayun." mariin na saad ko.

"Tingnan lang natin." ani niya at sinugod ako. Pinalo niya ang baseball bat sa braso ko at mabilis na gumapang sa sistema ko ang sakit ngunit nanatili akong nakatayo at walang emosyong tinitigan siya. Nagulat siya dahil hindi manlang ako natinag sa kinakatuyuan ko.

Isa...

Sumugod din ang isang kasama niya, pinagsisipa ako sa tuhod kaya napaluhod ako, tumabingi din ang ulo ko ng bigla niyang akong sinuntok sa mukha. Natawa ako ng mahina ng malasahan ko ang dugo sa labi ko. Nanatili lang na nakatabingi ang ulo ko at hinintay ang sunod na gagawin nila.

Dalawa...

Tuluyan na akong napahiga sa sa kalsada ng biglang may sumipa mukha at tagiliran ko. Napapikit ako sa sakit ngunit hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lang na pinagsisipa nila ako.

Tatlo...

Mas lalo akong napapikit ng mariin ng durahan nila ako.

"Tayo na."

"Hayaan na natin yan diyan."

"Umalis na tayo, baka may makakita pa satin dito."

"Tara na."

Tsaka ko lang minulat ang mga mata ko ng maramdaman kong wala na sila. Walang hirap akong bumangon at sinundan ng tingin ang papalayong bulto nila. I shook my head and smirked. Be ready dimwits we're not done yet.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nahagip ng mata ko ang cctv camera na nasa gilid ng convenience store. Good.

Nagsimula na akong maglakad at bahagya akong napangiwi ng maramdaman ang pananakit ng aking katawan. Ang kaninang gutom na nararamdaman ko ay biglang nawala at napalitan ng pagkainis dahil marami na akong pasa sa katawan.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong naghubad ng damit at naligo. The cold water from the shower made my body calm. Napatitig ako sa tiles ng banyo at napapikit ng mariin. Too much had happened these past few weeks and I don't know if I can handle any of these shits anymore, mababa lang ang pasensiya ko, wag na wag lang talaga nilang sagarin. Napapagod din naman ako but I won't give them the satisfaction. This immature games- Preston's immature games is really getting into my nerves. I sighed heavily, ayoko din namang mag sorry dahil wala naman talaga akong kasalanan.

Nang matapos akong maligo ay agad kong ginamot ang mga sugat ko. I have a small cut on the side of my lips at may malaking bukol ako sa noo, at may malaking hiwa sa pisngi ko. Namamaga din ang braso at mga binti ko dahil sa pagsisipa nila sa akin kanina. Great, chismis na naman ako nito bukas at alam kong matutuwa na naman si Preston dahil sa nangyari sakin.

Napatingin ako sa wristwatch ko at nakitang 11 pm na. Bumangon ako ulit at kumuha ng slice bread at butter sa ref. Agad kong nilantakan ang slice bread sa sobrang gutom. I finish half bag of it pero hindi padin ako nakuntento kaya ang inubos ko lahat.

Nagsipilyo ako at agad na dumapa sa kama. Inabot ko ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko at tinawagan si Nathalia.

"Hey, D." pambubungad ko dito ng sagutin niya ang tawag.

"A? Why'd you call?" ani nito at narinig ko ang mahinang paghikab niya.

"Did I disturb your sleep?"

"No, no it's fine A."

"I want you to do me a favor."

"Sure, anything for you." ani sa seryosong tono.

"Logong, mainstreet, 7/11. There's a small cctv there get the names of those idiots who beat me up."

"Wait- what?! You got beaten?!"

"It's a long story. Can you do it now?"

"As in now?"

"Yes. Got a problem with that?" I asked her coldly.

"No, A. Give me an hour. I'll call you right back."

"Good."

Pinatay ko na ang tawag ko at tumitig sa kisame. Kating-kati na akong suntukin ang mga gunggong nayun kanina pero hindi ko lang magawa dahil alam kong may nagmamasid sa amin sa paligid. I would rather get beaten.

I frustratedly shut my eyes at kinalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakapikit ng biglang tumunog ang cellphone ko. Without opening my eyes I answered the call.

"Hey there A."

"Why the hell are you so fast?"

"Well, you know me. Anyways I got the info. I already sent the pictures to your email. Everything you need is there already."

"Thanks, D"

"Anything for you couzin."

Akmang ibababa ko na ang tawag ng bigla na naman siyang magsalita ulit.

"By the way those guys who beat the hell out of you is part of our arena, they're the members of KG."

"Alagad nina K?"

"Yup."

I smirked. "No wonder why their punches hurt."

"Does it?" she chuckled. "Bat ka nga pala nila binugbog?"

"I'll tell you some other time."

"Bat hindi ka lumalaban?"

"Alam mo na ang rason ko D."

"What are you going to do now?"

I smirked. "You know it's been weeks since I had a lot of fun. Don't you think it's time for me to go back to arena?"

"Oh no no, don't tell me you're going to beat them to death?!"

"Then I won't tell you." ngumisi ako ng nakakaloko na para bang nasa harap ko lang si D.

"Do you need a back-up?" mapagbirong tanong nito. "Nah, don't bother answering my question I already know the answer."

Napailing nalang ako. "Get some sleep D."

"Later. A, when are you coming home? Your mom and dad missed you."

"When I graduate."

"Are you planning to tell everyone your real identity?"

Agad na sumeryoso ang mukha ko. "No, D. I want my identity hidden so please help me. I don't want mom and dad to find me yet."

"I know. I know A. Don't worry you're safe. They can't track you."

"Thanks, D."

"Anytime, A. See ya in arena, we missed you Angel de la muerte."

Napangiti ako sa sinabi ni D bago pinatay ang tawag. Ah, how I missed being called the Angel of Death.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top