CHAPTER 38
Chapter 38
Mabilis kong nilisan ang kompanya namin. Ginamit ko ang sasakyan ng papa ko papuntang bahay. Binati ako ng mga ilang kasambahay ngunit hindi na ako nag abalang batiin pa sila. Lakad takbo ang ginawa ko papuntang kwarto at kinuha lahat ng credit cards ko. I packed some clothes at mahahalagang gamit at nilagay ko sa maleta ko. Pati ang picture ni mama ay dinala ko.
Habang nag-aayos ay biglang nag ring ang cellphone ko. Nahilot ko ang sentido ng makitang si Hillary ito.
"Hello?"
"Hello yourself you dick! Alam mo bang kanina pa kami hanap ng hanap sayo at nalaman ko lang na umuwi kana pala sa Manila?! Fuck you! Akala namin kung ano na ang nangyari sayo!"
I sighed, "Saan mo naman nalaman?"
"Me and Thalia hacked into the CCTV cameras. Damn you! Malapit pa kaming mahuli you asshole!"
"Sorry. Anyway nandiyan pa kayo sa inn?" tanong ko.
"Wala na. Nasa private island na kami nina mommy at daddy. Alam kong hindi na makakatapak ang mommy ni A dito dahil mahigpit ang security namin."
Tumango ako, "That's good. Anyway," tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang alas siyete pa pala ng umaga. "I'll be there in the evening."
"Pupunta ka dito?"
"Of course."
"Why?"
"Anong bakit?" iritang saad ko.
"Wala naman. Sige kakain na muna kami." aniya at pinatayan ako ng tawag. Iling-iling naman akong nilagay sa bulsa ang cellphone ko. Binitbit ko ang maliit na maleta ko at bag. Nilingon ko sa huling pagkakataon ang kwarto ko bago ito nilock. Bababa na sana ako ng makitang naka bukas ang pinto sa office ni papa. Ibinaba ko muna ang mga gamit ko at pumasok doon.
Nilibot ko ang paningin ko sa silid at nakitang wala paring pinagbago ito. Nasa dingding padin ang mga pictures namin habang kasama pa namin si mama. Napangiti ako ng mapait ng maalala ang mga rason ng ama ko. Napakababaw. Para siyang isang halimaw.
Lumapit ako sa lamesa ni papa at pinasadahan ang palad ko sa lamesa niya. Naalala ko noon dito ako palagi umuupo na para bang ako ang ama ko- I told myself that I want to be like him someday pero sa isang iglap biglang nagbago ang pananaw kong iyon.
Dumapo ang tingin ko sa isang envelope na kulay puti. Kumunot ang noo ko at binuksan ito.
JANUARY 2009
Yan ang nakalagay sa ibabaw ng envelope. Pinagpatuloy ko ang pagbasa at biglang nalaglag ang panga ko sa nakasulat.
I, Iñigo Roy Leur agreed to Persus Bartolome Menezo to let my daughter Aerish Parisha Leur get married to Preston Kaizer Menezo when they reach their legal age as soon as possible.
At sa ibaba naman ay ang fingerprint at pirma nilang dalawa. Bigla akong natawa at ngumisi ng nakakaloko. Hmm.
Iling-iling akong ibinalik ulit ang papel sa envelope at binitbit ito.
Binalikan ko ang mga gamit ko at tuluyan ng bumaba. Nakasalubong ko ang mayordonna ng bahay namin at bigla siyang nagtaka dahil may dala akong maleta.
"Oh saan ka pupunta iho may outing ka ba?" tumango nalang ako at magalang na ngumiti para wala na siyang tanong pa.
"Opo nanay eh. Nagsawa na kasi ako sa bahay."
"Ganun ba iho? Saan ka naman magbabakasyon aber?"
"Batanes po." pagsisinungaling ko. "Nanay aalis na po ako? Mali late na ho ako sa flight ko."
"Aba sige sige iho mag iingat ka. Oh siya, magdidilig na ako ng halaman." aniya at iniwan na ako.
I put on my shades at pumunta sa garahe. Yung Koenigsegg Trevita ang pinili kong gamitin dahil ito lang ang pag aari ko na ako talaga ang bumili at hindi ang ama ko. Inilagay ko lahat ng gamit ko sa likod ng sasakyan. Mabilis kong pinaharurot ito at nag stop by muna sa isang fast food dahil kumakalam ang sikmura ko. Nang ako na ang naka order ay biglang napanganga ang babaeng kumukuha sa order ko.
"Anything wrong miss?"
"S-Sir? Pakiulit p-po yung order niyo."
"Oh." mukhang mabilis yata ang pag order ko. "Burger steak, 1 pc chickenjoy with jolly spaghetti then yum burger." dahan-dahan nang ani ko.
"P-Po?"
Bigla akong nairita. "Didn't you-"
"Hep hep ako na dito Cruzzane." may nagtulak sa kanyang lalaki at nginitian ako. "Sorry po sa kanya sir na gwa-gwapohan lang po siguro sa inyo."
Biglang kumunot ang noo ko.
"Ahem anyway sir what's your oder? Again?"
Agad ko namang sinabi sa kanya ang sinabi ko sa babae kanina at nagpapasalamat akong agad niyang nakuha. Lumingon ako sa paligid at naghanap ng mauupuan. I tsked when I noticed that most of the girls are looking at me. Psh, sorry i'm taken.
Umupo ako sa upuan malapit lang sa counter para agad akong makita ng waiter dahil ginugutom na talaga ako. Kinuha ko ang cellphone ko at pinagkatitigan lahat ng pictures ni Maple- ni A habang naghihintay sa order ko. Sobrang layo ni Maple kay A pero yung pagtibok ng puso ko walang kupas- palaging bumibilis sa pagtibok kapag nandiyan siya. Agad ko din namang niligpit ito ng dumating na lahat ng mga inorder ko.
Agad kong nilantakan ang mga pagkain ko sa sobrang gutom.
"Kuya, may kasama ka?"
Nag-angat ako ng tingin at tumaas ang kilay ko ng halos labas na ang kaluluwa sa suot ng babaeng nasa harapan ko at halatang nagpapacute sa akin.
"Wala, bakit?" malamig na tanong ko.
"Uhm so is it okay if i seat here?" mahinhing aniya at ngumiti.
"Nope." biglang napawi ang ngiti sa labi niya.
"Bakit naman po?"
"That seat is not taken but I am taken therefore you cannot sit on that chair."
Namula naman siya at alam kong napahiya ko ito. "Sasabay lang naman ako sayo kuya dahil wala ng mauupuan."
Inilibot ko ang paningin sa paligid at tama nga siya wala na ngang mauupuan. "Oh."
"So pwede po?" binalik ko ang tingin sa kanya at nakitang bumalik na ang ngiti sa mga labi nito.
Sinuklian ko din siya ng ngiti. "Still no."
"B-Bakit?"
"May girlfriend nga kasi ako." naiinis ng saad ko.
"Hindi naman po kita aagawin makikiupo lang po ako."
"Ayoko eh. Alam ko ding ayaw niya kaya maghintay ka nalang." inis na saad ko.
"Wala namang masama kung sasabay ako kuya ah?!" medyo pasigaw na aniya kaya ang malalapit na tao sa table namin ay biglang napatingin sa gawi namin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Miss I don't want to be disrespectful to you but I don't want to disrespect my girlfriend either dahil hindi pa ako nagpapaalam sa kanya na tatabi ka sa akin. at kung may lalaki man na ganito din at makikisabay sa kanya magseselos ako ng sobra! "
Napamaang siya. "Seriously?! Edi tawagan mo ng matapos na!" gigil na saad niya.
Ngumuso ako at umiling. "Ayaw. Hindi kami bati kaya shoo shoo!"
"No ayoko!"
"What?" inis na saad ko.
"Ayokong umalis!" ulit na sigaw niya.
Umiling ako at tumayo. "Edi ako ang aalis." ani ko at mabilis na nilisan ang fast food. Padarag kong binuksan at sinarado ang kotse ko. Nakakainis hindi pa naman ako tapos kumain. Huminga ako ng malalim bago pinaandar ang sasakyan at pinahahrurot ito papunta sa kompanya namin. Kinuha ko ang envelope bago lumabas ng sasakyan. I walked confidently and emotionless at the lobby. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang floor ni papa.
Nang makarating ako sa office niya ay nakahilig na siya sa kanyang upuan at may inilagay na ice sa kanyang pisngi. Iminulat niya ang mga mata niya at nanlaki ang mga ito ng makita niya na naman ako.
"Suprise?" saad ko.
"Don't you dare." makapangyarihan na saad ko ng akmang pipindutin niya ang button kung saan agad siyang makakatawag ng security. Agad niya namang binaba ang kamay niya at galit na tiningnan ako.
"What do you want?" malamig na tanong niya.
"Just want to confirm something." mas malamig na saad ko at lumapit sa kanya. Padarag kong nilagay ang puting envelope sa lamesa niya na agad niya namang binuksan.
"Is that true?" tanong ko.
"Y-Yes." nanginginig na saad nito.
"Do you have any idea who that girl is?"
"Yes ofcourse. Palagi ko siyang nakikita sa bahay ng matalik na kaibigan ko kapag bumibisita ako sa kanila."
Tumango ako. "Do you have any idea who that girl is for me?" tanong ko ulit.
Kumunot ang noo niya hudyat na hindi niya alam.
"She's my girlfriend."
Biglang nanlaki ang mga mata niya sa nalaman. "And i'm planning to marry her." malamig na saad ko.
Biglang lumiwanag ang mukha niya. "That's great then! How old is she right now? Wow, walang sinabi sa akin ang kaibigan ko baka balak na supresahin ako! We should plan the wedding as soon as possible!" masayang saad niya.
I smirked. "I'm marrying her not for the sake of your company but because i love her." seryosong saad ko. Agad naman siyang tumango.
"Of course son."
I smirked once again at tinitigan siya. "And i'll make sure i'll marry her far away from here. Far away from her parents. Far away from you. Far away from everyone else. Just me and her. And i'll make sure you won't find us. Ever." mariin na saad ko na ikinawala ng ngiti niya.
"Son-"
"Stop calling me son." my voice roared. Galit na kinuha ko ang puting envelope. "I'll take this with me." saad ko bago siya iniwan doon sa opisina.
Nang makarating ako sa sasakyan ay bigla namang tumawag si Hillary.
"What?" galit na pambubungad ko sa kanya. Rinig ko ang ingay sa background. Nasan ba ang mokong nato?
"Woah chill man. Bat ang init ng ulo mo? Anong nangyari? May mens ka?"
Kumunot ang noo ko. "Mens?"
"Yup mens. Menstruation. Alam mo yun? Yung dugo na umaagos sa you know."
"Gago ka."
"Binibiro lang kita masyado kang seryoso."
"Bat ka napatawag at bat ang ingay?"
Rinig ko ang malalim na buntong-hininga niya. "Nasa bar kami sa isla. Si A kasi."
"Oh? Anong nangyari sa kanya?" kinakabahang saad ko.
"Ayun. Lasing."
"What the hell?! Why?! Bat mo pinainom?! Bat kayo nasa bar eh ala una pa ng hapon?!"
"Aba malay ko diyan sa mga kaibigan niya, sila naman ang nagpainom sa kanya. Tapos lintek nalaman kong first time niyang uminom ng alak tapos ayun shit kung ano na ang pinanggagawa. Feeling ko nga maghuhubad na siya sa harap ng maraming tao." mahina ang pagkakasabi niya sa huling pangungusap.
Napamura ako sa nalaman. "I'll be there. Bantayan mo yan Asequia sa akin ka talaga mananagot." hindi ko na siya pinasagot pa at agad na pinatay ko na ang tawag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top