CHAPTER 37
Chapter 37
Kahit nanghihina ang tuhod ay pinilit ko ang sarili na humarap kay Maple.
"W-What did you just say?"
"Your father.." suminghap siya ng hangin bago nagpatuloy. "Your father killed your mother."
Tumawa ako ng malakas at nilapitan siya. Ihinarang ko ang braso ko sa magkabilang gilid niya at tinitigan siya ng mariin. "Alam mo ba kung ano ang dinanas namin ni papa ng nawala si mama? Umiiyak siya gabi-gabi, nilulong niya ang sarili sa alak, ni wala na nga siyang oras sa akin dahil busy siya sa kompanya! Ni hindi na niya ako pinag tutuunan ng pansin, nakalimutan na niyang may anak siya." humalakhak ako habang umaagos ang masasaganang luha sa mga mata ko.
"Pinapahanap niya sa akin kung sino ang pumatay kay mama. Nagbabayad siya ng malaking halaga para mahanap kung sino ang pumatay sa kanya tapos sasabihin mo sa akin na siya ang pumatay sa sarili niyang asawa?! Sino ang niloloko mo h-ha?!" nanginig na sinuntok ko ang dingding sa gilid niya ngunit hindi manlang siya natinag. "Nakita ko yung CCTV Map- A! Kung sino ka man! Nakita ko! Nakita sa sariling mga mata ko na ikaw ang pumatay sa kanya!"
Her blue frustrated eyes met mine. "Yes, you saw the CCTV. Alam ko na mayroong CCTV Menezo pero alam ko ding putol iyon dahil binaril ng papa mo ang CCTV bago niya binaril ang mama mo."
"You're lying." mariin na saad ko.
"No. No more lies. No more secrets."
Galit na tinalikuran ko siya.
"How did your mom come home? Because of your dad. Your dad carried her. Hindi ka ba nagtataka na imbes nasa hospital ang mama mo ay nasa bahay niya siya? Sige ilagay natin na pinuruhan ko nga ang mama mo pero makakalakad ba siya ng siya lang mag isa? Hindi Menezo. Hindi."
Nilingon ko siya at pinanliitan ng mata. "Then how did you know na nasa bahay si mama noon ha?! Pinapaikot mo ba ako sa mga salita mo para kamuhian ko ang sarili kong ama?!" I clenched my jaw at bumilis ang paghinga ko.
"No. I followed your dad."
"Baka ikaw ang naglagay kay mama doon dahil noong umuwi ako tandang-tanda ko pa na nagkakape ang papa ko sa kusina!"
"Tapos? Saan ka nun pagkatapos?" tanong niya.
Natigilan naman ako. "N-Nasa kwarto. Natutulog."
"Menezo I was just fifteen that day! Kaya paano ko mabubuhat ang mama mo? Ni hindi ko nga alam kung saan siya nakatira dahil bawal naman ang personal na impormasyon doon sa UA! Wala akong alam sa kanya kundi siya ang Reyna ng UA! Yun lang! When your mom was shot nakapatay ako Menezo!" nanginginig na saad niya. "Nakapatay ako ng inosenteng tao imbes na yung papa mo dapat ang papatayin ko! Nakita kong siya ang bumaril kaya babarilin ko na sana siya kaso... kaso iba ang natamaan ko." humalakhak siya pero bakas ang lungkot sa mga mata niya. "Ironic right? I tried to kill the killer who killed your mom kahit ako din gusto ko siyang patayin dahil gusto kong makuha ang trono niya."
Mahina akong napaupo sa buhangin at para akong sinasaksak ng kutsilyo sa nalaman. N-No.. Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit na nararamdaman ngunit parang hindi ako makasigaw. Sinubukan ni Maple na lumapit sa akin ngunit pinahinto ko siya.
"S-Stop." pigil ko sa kanya habang napupuno na ang pisngi ko sa mga luha. "I want to be alone. Please leave me alone." mahinang saad ko.
Tumango naman siya at bago umalis ay hinalikan niya ako ng mariin sa noo. Tumayo ako at pinagsusuntok ang pader na nasa harapan ko.
"Ahh! Fuck this life! Fuck fuck fuck! Fuck!"
"Pres tama na."
"Tama nayan."
"Dumudugo na ang kamay mo."
Pinigilan ako ng mga kaibigan ko ngunit parang ayoko pang huminto. Gusto ko munang makalimutan ang sakit. Mas hindi ko matanggap ang mga nalalaman ko. We cried every night, nagluluksa kaming dalawa sa pagkamatay ni mama tapos malalaman kong siya pala ang pumatay? Pinaglalaruan ba nila ako? Kasi kung oo, hindi na nakakatuwa. Napalunok ako at dahan-dahang napaluhod.
"Siya ang pumatay.." mahinang sambit ko.
"Pres tama na." pagpipigil nila sa akin. Parang batang tinakpan ko ang mukha ko at umiyak. Nagpapasalamat naman ako at hinayaan lang nila akong ganun.
Ilang minuto lang ay naramdaman ko na ang pagtapik ng balikat ko ng kung sino. "Pres kailangan na nating umalis. Kailangan pa nating humanap ng matutuluyan bago pa lumalim ang gabi. Nagdala na ako ng ilang damit." boses ni Xenon.
Wala sa sariling tumango ako at tumayo at sumunod sa kanya. Lumapit kami sa van na pagmamay-ari nila Hillary at pinagbuksan ako ni Xenon ng pintuan ng van. Nagtagpo ang mga mata namin ni Maple ngunit parehas din kaming umiwas ng tingin. Walang imik akong tumabi sa kanya at sinara ang pintuan ng kotse. Humilig ako sa bintana at pumikit.
Naalimpungan ako ng huminto ang sasakyan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. I looked outside at nakitang nasa Blue Lagoon Inn and Suites kami huminto. Lumabas kaming lahat at nag book ng limang kwarto si Hillary. Isang kwarto si Unier at Chizka, si Maple naman at si Thalia, si Austin at Phoebe, si Hillary at Xenon habang solo ko naman ang isang kwarto. Mabuti nadin yun dahil gusto ko munang mapag-isa. Dumiretso ako sa kwarto ko at ni lock ang pinto. Tinapon ko ang bag na may laman na mga gamit ko sa bag. Hindi na ako naghilamos pa. Agad na akong dumapa sa kama at ilang minuto lang ay dinalaw na ako ng antok.
Maaga akong nagising kinabukasan. Alas kwatro palang ng madaling araw ay gumising na ako. Nagbihis ako ng damit at sinuot lang ang paborito kong kakhi shorts. Ki-nontact ko ang sekretarya ni dad at nagpakuha sa airport.
Pumara ako ng taxi papuntang airport at ilang minuto lang ay nakarating na ako. I raised my right hand para makita ako ni Johnson, ang piloto namin.
"Good day sir." bati niya.
"Good day Johnson." simpleng bati ko dito.
Iginaya niya ako papasok sa private plane namin. I sat comfortably on my seat at inihilig ang ulo ko.
Ilang minuto lang ay nag take off na kami. I shut my eyes dahil bigla akong dinalaw ng antok.
"Sir we're here." I yawned and opened my eyes.
"Ha?" wala sa sariling saad ko at tiningnan si Johnson. Inilibot ko ang paningin ko at kumunot ang noo ng makitang naka landing na pala kami. Damn hindi ko manlang naramdaman.
"Nasa Menezo's Building na po tayo sir." tumango ako at agad na tumayo.
Bumaba ako ng private plane at dumiretso sa elevator. Ni hindi ko manlang hinintay si Johnson. I clicked the 48th floor kung nasaan ang opisina ni papa. I looked at my wristwatch at nakitang alas siyete na ng umaga.
Perfect timing.
The elevator dings hudyat na nasa saktong floor na ako. My dad owns the whole floor kaya walang problema kung lilikha ako ng ingay. Dumiretso ako sa opisina ni papa. Nakaupo siya sa swivel chair at may kung anong ginagawa sa laptop niya. He stopped what he's doing and looked at me.
"Hey son what brought you here?"
"Just visiting you." umupo ako sa tapat na upuan niya at inilagay ang palad ko sa lamesa.
"Oh." parang hindi na bago sa kanya ang pagbisita ko. "Did you find your mother's killer already?" tanong niya at muling ibinalik ang tingin sa kanyang laptop. Ganito palagi ang tanong niya sa tuwing bumibisita ako sa kanya.
"Yup." confident na saad ko.
Kumunot ang noo niya at tiningnan niya ako ulit. "Really?" hindi makapaniwalang aniya.
"Yes." titig ko sa kanya. "Actually i'm already staring at him." Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya pero agad din siyang nakabawi.
"Excuse me?" taas ang kilay na tanong niya.
"You killed my mom." may diin ang bawat salitang binitawan ko.
"Saan mo naman nakuha ang pekeng impormasyon nayan?" seryosong tanong niya pero hindi makatakas sa pandinig ko ang pagkakabahala sa boses niya.
"Did you kill my mother?" mariin na tanong ko.
"Saan mo ba na-"
"It's a yes or no dad!" sigaw ko sa kanya.
"No!" sigaw niya pabalik sa akin. "I would never kill your mother!"
"Then why is she in our house at wala sa hospital?!"
"Nakita ko lang na nandun ang mama mo sa sahig ng kwarto niya!"
"Mahigpit ang security natin sa bahay dad." humalakhak ako. "Nilibot ko din ang buong bahay bago ko tinanong sayo kung nasaan si mama noon."
Natahimik siya sa sinabi ko. At dahil sa pananahimik niya may na kompirma ako.
"How could you do this to her?" mahinang tanong ko.
"Son, let me explain." mahinahong aniya.
Kinuha ko ang kutsilyo sa likod ng pantalon ko at tinutok sa leeg niya. "Explain what huh?"
"P-Put down your knife."
"No." malamig na saad ko. "Tsaka ko lang to ibababa pag narinig ko na ang paliwanag mo."
"I'm your father."
"And I don't give a damn." umigting ang panga ko.
"Now tell me bago pa ako maubusan ng bait."
Lumunok muna siya bago sumagot. "Your mother was a hindrance to my plan. I have to wipe her out or else my company will sink."
"What?!"
"I have to kill her son. Ayaw niyang ipakasal kita kahit kanino. But you need to get married to my best friend's daughter para mas lalong lumago ang kompanya natin!" Mas lalong nag alab ang galit sa dibdib ko.
"Do you know how selfish you sound right now?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Son. I'm only doing this for your future."
"Fuck you!" I spitted out. "You're only doing this for yourself you old piece of shit! Hindi ikaw ang ama na kilala ko."
"Preston, ama mo-"
"I don't care! You made me hate the woman I love! Na wala naman palang kasalanan sa lahat ng to!"
"Pre-"
"Simula ngayon kakalimutan mo na na naging anak mo ako."
"Son.."
"At kakalimutan ko narin na naging ama kita." Mas lalo kong idiniin ang kutsilyo sa leeg niya at dumugo naman ito.
"Alam mo anong kaibihan natin?" Hindi niya ako sinagot. "Kaya kitang saktan pero hindi kita kayang patayin. Kasi kahit baliktarin man ang mundo ama parin kita." inilayo ko ang kutsilyo ko sa leeg niya at inilagay ulit ito sa pantalon ko. Pumikit ako at huminga ng malalim.
"This is for mom." ani ko at malakas na sinuntok ang ama ko sa mukha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top