CHAPTER 35
Chapter 35
Ilang beses na akong naghilamos pero halata parin sa mukha ko na umiiyak ako kagabi. Halos gabi-gabi nalang akong umiiyak. I've been so emotional lately at hindi ako to, hindi ako sanay na umiyak pero ganito talaga siguro pag nagmahal ka, sa sobrang sakit maiiyak ka nalang. I have always been physically strong my entire life but emotionally damn- i am still Aerish, a weak and a fragile lady who only wants freedom. Ilang araw na kami dito sa penthouse ni Hillary at nag eenjoy naman sila dito- well except for me. I'm happy though na okay na kami nina Xenon, Hillary, Unier at Austin. Nag sorry nadin sila sa ginawa nila sa akin noon pero ayos nayun dahil alam ko sa sarili ko na kasalanan ko din naman dahil hindi ako agad na nagpakilala, i kept it from them gayung wala naman silang ibang ginawa kundi magpakatotoo sa akin. They have been an amazing friend.
Tumingin ako sa labas ng bintana sa CR at nakitang makulimlim ang langit na tila uulan na, it's 9 in the morning at gusto ko pa naman sanang maligo sa dagat ngunit mukhang malabo na mangyari.
Alam ko sa sarili kong hindi ako magiging masaya ng tuluyan hanggat sa hindi ko pa nakakausap si Menezo. Siya nalang talaga ang inaalala ko.
"A, ano ba! Kakain na kasi!" sigaw muli ni Thalia.
"Mauna kana!"
"No, hindi ako aalis dito!"
I sighed and run my fingers through my hair, knowing Thalia matigas talaga ang ulo niya. I looked at myself in the mirror one more time bago umalis sa banyo. Ang kaninang naiiritang expresyon ni Thalia ay biglang lumambot.
"Are you crying again?" tanong niya.
Umiwas ako ng tingin at hindi siya sinagot.
"Baba na tayo." pag-iiba ko sa usapan at naunang naglakad pababa. Natagpuan ko silang lahat sa sala, nanonood ng horror movie. Tss, akala ko ba kakain na? Pumunta ako kay Chizka na mag isang nakahiga sa sofa, isiniksik ko ang sarili ko sa kanya habang nakatingin sa tv at niyakap niya naman ako.
Tahimik lang kaming nanonood ng horror movie hanggang sa matapos ito. Lumapit si Austin sa DVD player at nag play na naman ulit ng isa pang movie pero hindi na horror kundi romance na.
"Guys luto na muna ako." saad ni Hillary at tumayo mula sa pagkakahiga sa sahig at pumunta ng kusina.
Tumayo din si Thalia at pinagpag ang sarili. "Tulungan ko na siya magluto." aniya at sinundan si Hillary sa kusina.
Imbes na manood ng palabas ay humarap ako kay Chizka at niyakap siya ng mahigpit hanggang sa makatulog ako.
THALIA'S POV
"Hey kid." I whistled at bigla namang lumingon iyong Hillary na sinusundan ko.
Days of being here in his penthouse masasabi ko talagang mababait silang magkakaibigan. I love how they understand and listened to A. Hindi sila mahirap ipaintindi.
"Will you please stop calling me kid?" iritang saad niya.
"I'm older than you." I said as a matter of fact.
Sarkastikong ngumisi siya. "Obviously."
My brows shot up, "Excuse me?"
Umiling siya, "Just stop calling me kid," aniya at tinalikuran ako. "I hate it."
"Whatever kid."
Nilingon niya ulit ako at pinandilatan ng tingin.
"What?" I asked amused.
Imbes na sagutin ako ay umiling nalang siya at binuksan ang ref. Umupo naman ako sa island counter at tiningnan lang ang ginagawa niya.
"Anong paboritong pagkain ng mga kaibigan mo?" he asked out of nowhere.
"I don't know." kibit-balikat na saad ko.
"Hindi mo alam? I thought you were best friends."
"Cousins." pagtatama ko sa kanya. "Well except for Chizka."
"Hindi ko alam kung ano ang mga paborito nila but i'm very observant. Mahilig sa pizza si A. Si Phoebe naman mahilig sa chocolates tapos si Chizka naman ay mahilig kumain ng kahit ano. Well lahat naman sila talaga kaso mas matakaw talaga si Chizka," natatawang pag ki kwento ko at tumingin sa kanya. Biglang napawi ang ngiti ko ng mapansing nakatitig siya sa akin.
"What?" tanong ko.
Nag kibit-balikat siya. "Ibang klase kalang." aniya at kumuha ng maraming itlog sa ref, kumuha din siya ng gatas at inilagay sa counter.
"Anong gagawin mo?" tanong ko.
"French toast." maikling aniya.
Tumango ako at hindi na nagsalita pa at pinanood lang ang ginagawa niya. Kinuha niya ang tatlong pack ng slice bread at binuksan ito. Hindi ko makita kung ano ang eksaktong ginawa niya dahil nakatalikod siya sa akin.
Ilang minuto lang ay lumapit siya sa akin na may dala-dalang isang plato slice ng slice bread na niluto? Ano ba to? At tinidor sa gilid.
"Here. Try it." aniya at nag slice ng konti at sinubuan ako. I gladly opened my mouth at tinikman ang niluto niya.
"Wow ang sarap." ani ko at kinuha ang tinidor sa kamay niya at sinubuan ang sarili ko. Napasimangot ako ng naubos ko na. "Ang bitin isa pa!"
"Ayaw." natatawang aniya. "Baka maubos mo na ng hindi pa sila nakakain."
Nakanguso lang ako habang hinihintay siyang matapos magluto. Inilagay niya sa isang malaking bowl lahat ng french toast kuno na niluto niya. Akmang aalis na sana siya ng kusina ng napansin niyang nakaupo padin ako sa island counter.
"Oh bat nakaupo ka pa diyan? Akala ko ba gusto mo to?" nang-aasar na tanong niya.
"Oo nga. Bigyan mo muna ako ng sampu tsaka mo ibigay yan sa kanila."
"Nope." he chuckled lightly at lumapit sa akin. Walang kahirap- hirap na binuhat niya ako gamit ang kaliwang kamay niya! What the heck?!
"Ibaba mo nga ako!" naiiritang saad ko ngunit hindi niya ako pinakinggan. Tsaka niya nalang ako binaba ng nasa sala na kami.
"Hey why are you carrying my sister?" maarteng tanong ni Phoebe.
"Ang tigas ng ulo eh." ngisi-ngising saad ni Hillary. Padarag akong umupo sa isa sa mga sofa. Letcheng lalaki to kaya ko naman umupo mag isa.
Nilingon ko ngayon si Chizka na dahan-dahang umaalis sa pagkakayakap kay A. Basta pagkain talaga walang patawad ang babaeng to. Nang tuluyan na siyang makaalis sa pagkakayakap kay A ay mabilis siyang lumapit kay Hillary at kumuha ng french toast. Lumapit din ako sa kanya at kumuha ng akin. He stared at me amused ngunit inirapan ko nalang siya.
Tahimik kaming kumakain habang pinapatuloy ang panonood. Nakatulog si A, sayang hindi niya matitikman kung gaano kasarap ang french toast.
Nang matapos ang ang movie ay nagkwentuhan nalang kami hanggang sa umabot ang kwentuhan namin kina A at Preston.
"I saw tears fell down from her cheeks kahit natutulog siya." pagsasalita ni Chizka. "Nahihirapan na akong makita siyang ganito."
"Yeah me too." saad ko naman.
"What should we do then?" tanong ni Phoebe.
Saglit kaming natahimik dahil kahit kami ay hindi alam kung ano ang dapat na gawin.
"Wait may number ba kayo ni Menezo?" tanong ko.
"Meron ako."
"Ako din."
"Yup me too."
"Same."
Naikot ko ang mata ko ng sabay na sumagot ang apat.
"Here." binigay ni Hillary sa akin ang cellphone niya at kinuha ko naman ito. I copied Preston's number at tinawagan ito. Ni loudspeaker ko para marinig nilang lahat. Tahimik naman silang hinihintay ang pagsagot ni Preston.
"Hello?" ani ng baritonong tinig sa kabilang linya.
"Hi Preston." panimula ko.
"Who are you?" may pagtataka sa boses na aniya.
"It doesn't matter who I am." malamig na saad ko. "What matter is yung girlfriend mo at mga kaibigan mo hawak ko. Pumunta ka sa penthouse ni Mr. Asequia. Alam mo naman siguro kung nasaan to diba? If you want to see your girlfriend and friends alive then pumunta ka dito. You only have 24 hours and don't bring anyone with you. Come alone kung ayaw mo silang mapahamak." dagdag ko at mabilis na pinatay ang linya ni hindi ko manlang siya binigyan ng pagkakataon na magsalita
"What was that?" kunot-noong tanong ni Unier. "Bat kailangan mong sabihin yun?"
"Eh ano ba dapat ang sabihin ko? Mas mabuti nayun para agad siyang makapunta dito. Makakarating na yun dito ngayong gabi, trust me." saad ko at ngumisi.
PRESTON'S POV
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko papunta sa penthouse ni Hillary. alos ipalipad ko ang sasakyan sa sobrang pagmamadali. Who ever the hell is that woman baka mapatay ko na siya, subukan niya lang galawin ni isa sa mga kaibigan ko. Mahigpit ang kapit ko sa manibela habang mas binibilisan pa ang pagpapatakbo. Hindi ako huminto kahit nakaramdam na ako ng gutom.
Ilang oras lang ay nakarating na ako sa penthouse ni Hillary. Ipinark ko ang kotse ko sa isang gilid at tiningnan ang orasan. Alas nuwebe na ng gabi at ginugutom na talaga ako. Kinuha ko ang baril ko at inilagay ito sa likod ng pantalon ko.
Malalaki ang mga hakbang na dumiretso ako sa penthouse ni Hillary. Kumunot ang noo ko ng makitang bukas ang pinto. Sumilip ako at nakitang wala namang tao sa loob. Kinuha ko ang baril ko sa likod ng pantalon ko at inilibot ang paningin ko sa paligid.
Pumunta ako sa sala at kumunot ang noo ko ng makita si Maple- si A na natutulog. Ibinalik ko ang baril sa likod ng pantalon ko at tinitigan ang likod niya. Ramdam ko ang paghinga ko ng malalim at mabilis na pagtibok ng puso ko.
Nahugot ko ang hininga ng bigla itong humarap sa akin ngunit nanatiling sarado ang mga mata niya. I stared at her face at hindi ko alam kung bakit bumibilis parin ang tibok ng puso ko gayung magkaiba naman sila ng mukha sa Maple na kilala ko.
Wala sa sariling napaluhod ako sa harapan niya at hinaplos ang mukha niya. I just stared at her face for a minute bago siya binuhat. Umakyat ako sa hagdan habang buhat-buhat si Maple. Kumunot ang noo ko ng lumabas ang isang pamilyar na babae sa isang silid- sa pagkakatanda ko si D ito.
"Hi. Sorry I was the one who called you." saad nito.
"Why?" malamig na tanong ko. Tila naguguluhan sa mga nangyayari.
"Uhm we should talk about it tomorrow. You should rest for now."
I tsked at tiningnan ang natutulog na si Maple I mean si A sa braso ko. "Where should I tuck her in?"
"Oh sa kwarto namin." aniya at umalis sa pagkakaharang sa pinto. I saw Phoebe and Chizka sleeping soundly already. Inilagay ko si A sa isang kama kahit hindi ko alam kung doon ba talaga siya. I put blanket on her at hindi ko napigilang dampian siya ng halik sa noo.
"Night." mahinang saad ko bago nilisan ang kanilang kwarto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top