CHAPTER 34

Chapter 34

"A tara na." ramdam ko ang pagyugyog ni Thalia sa balikat ko pero wala akong lakas para lingunin siya. Wala akong lakas para tumayo , nanghihina ako.

"Iiwan na niya ako." mahinang saad ko habang humihikbi.

"A please we have to move now." mariin na saad ni Thalia ngunit nanatili akong nakaupo sa semento.

"D! We have to move paparating na ang guards ni tita Patricia!" narinig kong sigaw ni Phoebe.

"Shit get your car Chizka!" sigaw ni Thalia.

"We have no time!" sigaw pabalik ni Chizka.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Ang gusto ko lang ay makausap si Menezo. Hindi ba pwede yun? Gusto ko lang siyang yakapin at magpaliwanag kasi hindi ko kaya ang ganito. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. I heard a car stopped in front of us.

"Get in!" boses ni Hillary.

Naramdaman kong parang lumulutang ako. I inhaled the familiar scent. Alam kong si Unier ang nagbubuhat sa akin ngayon. Isiniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya at naramdaman kong pumasok na kami sa van at umandar na ang sasakyan.

"Hill dali dali!" sigaw ni Austin.

"Hubby punasahan mo muna ang luha ni A."

"Sige wifey."

"Hey Map- A." nilayo ni Unier ang mukha ko sa dibdib niya at pinunasan ang luha ko. Ramdam ko rin na may nagtali ng buhok.

"There done." saad ni Xenon. Siya pala ang nagtali ng buhok.

I cleared my throat at inayos ang sarili ko. Umalis ako sa pagkakandong kay Unier at umayos ng upo. Siniksik ko ang sarili ko sa isang gilid. Katabi ko si Unier at katabi niya naman si Chizka. Si Hillary ang nag di-drive at katabi niya naman si Xenon na ngayon ay nakatingin sa akin. Iniwas ko ang paningin sa kanya at lumingon sa likod. There I saw Phoebe, Thalia and Austin na nakatingin sa mga sasakyan na sumusunod sa amin. I glance at the cars behind us at alam kong mga tauhan to ni mama. Limang itim na sasakyan ang nakasunod sa amin. Hindi ko alam kung bakit nila kami tinutulungan ngunit gusto kong magpasalamat.

"Do you have any guns?" biglang tanong ni Phoebe.

"W-Why?" nilingon siya ni Xenon at kinunutan ng noo.

"Meron ba?" matigas na pag-uulit ni Phoebe.

Dahan-dahan namang tumango si Xenon. "Yeah. Nasa ilalim ng kinakaupuan mo."

Agad namang tumalima si Phoebe at kinuha ang black na case. Apat na baril ang kinuha niya. Binigyan niya si Thalia, si Chizka at ako ng tig isa.

"What the hell woman? Why are you giving my wife a gun?" tagpo ang kilay na tanong ni Unier.

"I-I'm sorry." nauutal na saad ni C. "There is more to me that you don't know but right now I need you to trust me Unier. I'll explain everything later. I promise." aniya at hinalikan sa pisngi si Unier.

I opened my window at ganun din si Chizka. Wala kaming inaksayang oras at pinagbabaril baril ang mga gulong ng sasakyan na sumusunod sa amin. I saw in the corner of my eyes that Phoebe opened the door in the backseat at pinaputukan nilang dalawa ni Thalia ang mga ibang sasakyan.

I successfully flatten the other car's tire kaya bumangga siya sa isa causing the other cars to stop from where they are. Nang masiguro na hanggang doon lang sila ay pinataas ko na ang bintana ng sasakyan at sumandal sa kinakaupuan. Mas binilisan ni Hillary ang pagpapatakbo niya at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sa sobrang bigat na nararamdaman ay bigla akong nakatulog.

Naalimpungan ako ng maramdamang huminto kami. Lumingon ako sa paligid at nakitang huminto kami sa isang drive thru. Umayos ako ng upo at tumingin lang sa labas ng bintana. Nang makuha na nila ang inorder nila ay ay agad ng pinatakbo ulit ni Hillary ang sasakyan.

"Here Ma- A." ibinigay sa akin ang isang paperbag ni Unier at isang coke in can. I gladly accepted it dahil nagugutom narin ako. I opened the paperbag na may lamang fried chicken at kanin. Tahimik kaming kumakain lahat, walang nagbabalak na basagin ang katahimikan. Alam ko ding madaming tanong sina Unier at nalilito sila sa mga nangyayari pero sobra ang pasasalamat ko dahil nanatili lang silang tahimik. Kung nasa ibang sitwasyon kami ngayon ay baka pinagtawanan na namin si Xenon at Hillary dahil sinusubuan ni Xe si Hill. Mabilis kong linantakan ang pagkain at inubos pati narin ang coke in can. Inilagay ko ulit ang styro plate at lata ng coke sa paperbag at inilagay ito sa ilalim ng upuan.

I looked at my wristwatch at nakitang alas onse na. Ilang oras nadin pala kaming nagbibiyahe. Muli akong sumandal sa kinakaupuan ko at tumingin nalang sa labas dahil hindi na ako makatulog. Hindi ko din alam kung saan kami pupunta at ayoko namang magtanong dahil baka ayaw akong kausapin nina Xenon.

"Pupunta tayo sa resort namin." pagbabasag ni Hillary sa katahimikan napalingon naman ako sa kanya. "Doon na muna tayo mananatili pansamantala para pag usapan," he cleared his throat "Para pag usapan ang mga nangyayari at para makalayo. Alam naming gusto niyong makalayo muna doon dahil halata sa mga kinikilos niyo." he looked at me from the rearview mirror at magkahulugan na tinitigan ako. I sighed and looked away dahil alam kong kailangan ko talagang magpaliwanag sa kanila, wala na akong kawala.

"What about our studies?" tanong ni Phoebe.

"Wag na muna nating pag-usapan yan. Tsaka na pag ayos na ang lahat." sagot naman ni Austin.

Himala dahil parang nagkakasundo ngayon si Phoebe at Austin. Hindi sila nagbabangayan ngayon gaya ng ginagawa nila palagi.

Ilang oras na pagbibiyahe sa wakas ay nakarating kami sa resort na sinasabi ni Hillary. May isang edaran na na ale na sumalubong sa amin at ginaya kami papunta sa matutuluyan namin. Inilibot ko ang paningin ko at nakikita kong walang tao maliban sa mga tauhan, I don't know if this is a private resort dahil wala namang nabanggit si Hillary. Lumanghap ako ng hangin at bahagyang kumalma. The sound of the sea calms me, the waves were crawling gently to the shore. I love how the sun is almost kissing the sea, gusto kong panoorin ang paglalamon nito sa araw at tuluyan ng dumilim. The birds travel past, buffeted by the winds that whistle through the sea, nakakalma, nakakamangha.

Nang makarating kami sa penthouse ni Hillary ay hindi ko maiwasang mamangha. Their penthouse is alluring and inviting. I sat down to one of the sofa while facing the sea, a satisfied moan escaped from my lips. Their sofa is relaxing and cozy, hindi kagaya sa sofa ko na matigas and the view, how can I not appreciate this view in front of me? Gusto kong kumain ng popcorn at tumitig lang sa dagat habang kasama si Menezo.

Napalunok ako ng maisip siya. Umayos ako ng upo at nagbabanayad na naman ang luha sa mga mata ko.

"Mapleleya." naramdaman ko ang kamay ni Austin sa balikat ko. Pinahid ko muna ang luha sa gilid ng mga mata ko bago siya hinarap.

"Yes?"

He smiled at me. "Umakyat ka muna at magpahinga. May mga ilang damit kana doon. Tumawag si Hillary kay Nana Flora para handaan tayong lahat ng mga gamit. Nasa second floor ang kwarto niyo nina Thalia."

Tumango ako at tumayo. I hugged Austin tightly at hindi ko maiwasang maging emosyonal. Tumulo ang luha ko ng yakapan niya ako pabalik.

"Hey it's okay Mapleleya. Siguro may rason ka, kaya hindi muna kami magagalit sayo tsaka na pag lame yang rason mo." pagbibiro niya pero mas lalo akong naiyak.

"Sorry. Sorry hindi ko sinabi kaagad sa inyo."

Imbes na sagutin ako ay niyakap niya lang ako ng sobrang higpit. Damn bakit ba sila ganito kabait?

Ilang minuto kaming nanatili ng ganun ni Austin ng siya ang unang humiwalay at pinunasan ang luha ko.

"Stop na Mapleleya." aniya at pinilit akong ngumiti.

Ilingg-iling akong pinalo siya sa braso at umakyat na. Pagpasok ko sa kwarto ay nakahiga na si Thalia at Phoebe at mukhang natutulog, panigurado ay napagod sa biyahe.

Pumunta ako sa banyo at naghilamos. I stare at myself at the mirror at parang gusto kong punitin ang mukha ko. I sighed heavily and storm out of the bathroom. Pumunta ako sa kabinet at sakto nga si Austin may mga damit na nakahanda para sa amin. Kinuha ko ang light brown na jacket at shorts at sinuot ito. Kinuha ko ang cellphone ko at wallet at bumaba. Wala ng tao sa sala kaya malaya akong nakalabas ng pent house.

Naglalakbay ako sa dalampasigan habang pinapakinggan lang ang alon sa dagat. Sobrang payapa ng paligid, walang ka tao-tao. I stopped on my track at humiga sa buhangin habang pinagmamasdan ang mga bituin na kumikinang at nagsisilbing liwanag ngayong gabi.

Hindi pa ako kumakain ngunit hindi parin ako nakakaramdam ng gutom. Napabuntong-hininga ako habang iniisip kung kumain na ba ngayon si Menezo at kung ano ang ginagawa niya. Namiss niya din ba ako gaya ng pagkamiss ko sa kanya?

My phone rang kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at agad na sinagot ang tawag nang hindi manlang tinitingnan ang caller.

"Hello?" pambubungad ko ngunit walang nagsasalita. Kunot noo kong nilayo ang cellphone sa tenga ko at tiningnan kong sino ang tumawag. Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko ng makitang si Menezo ito.

Mabilis akong tumayo at umupo at inayos ang sarili ko kahit wala naman siya ngayon sa harapan.

"M-Menezo." my voice cracked.

Hindi siya nagsasalita ngunit rinig ko ang mga malalaim na buntong-hininga niya.

"M-Menezo. I-I love you." tears rolled down my cheeks at tinakpan ko ang bibig ko para iwasan ang mapahikbi. Hindi siya sumagot at in-end lang ang tawag. I put my head between my knees and sobbed silently.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top