CHAPTER 33

Chapter 33

Kanina pa ako panay lakad-takbo dahil inaayos pa din namin ang design sa booth namin. It's 7 in the morning ngunit heto ako pawis na pawis na. Hindi ko alam kung nasaan si Menezo pero alam kong busy din yun , pareho lang kaming dalawa since kasali siya sa Sports Club. Silang Austin din ay busy sa kanya-kanya nilang clubs. Nakapag usap kami kanina ngunit sandali lang dahil madami pa kaming aasikasuhin.

Pumunta ako sa Rose Building para kunin ang mga cartolina dahil doon ito iniwan kahapon ni Anya. Kahapon pa dapat tapos yung design namin kaso si Menezo nag aya na mag date daw kami kaya ayun double time talaga ako dahil mamayang 9 na magsisimula ang program.

Kinuha ko lahat ng kartolina at nilagay sa box. Lakad-takbo ang ginawa ko papuntang ground kung saan namin tinayo ang booth namin. I looked around at nakitang tapos na ang ibang clubs sa pag-aayos nila. Ready na ready na talaga sila lahat para mamaya.

"Uy Louis eto na." binigay ko kay Louis lahat ng kartolina dahil siya na daw ang bahala mag lettering. Bakla si Louis at hindi maipagkakailang magaling talaga siyang mag lettering.

Pumunta ako sa loob ng booth at inayos ang mic namin. Kinuha ko din ang mga printed papers na may iba't-ibang qoutes about appreciation. Nag aayos ako sa table ng biglang may yumakap sa likod ko. Napapikit ako ng maamoy ang pabango ni Menezo.

"Hi baby." bulong niya sa tenga ko. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.

"Ang basa mo na." aniya at kinuha ang panyo niya. Pinunasan niya ang pawis na namumuo sa noo ko habang nakatitig lang ako sa kanya. "Talikod baby." aniya na agad ko namang sinunod. Tumalikod ako at pinunasan niya naman ang batok ko at likod pagkatapos ay inilagay niya ang panyo niya sa likod ko.

Pinihit niya ako paharap at hinalikan ang noo ko. "Tapos kana dito baby?"

Umiling ako. "Hindi pa may-"

"Uy guys." bigla kaming napalingon sa pumasok na si Anya. "Mag si-start nadaw yung opening program."

Bigla namang kumunot ang noo ko. "Bat ang aga?"

"Ewan ko. Punta na daw lahat sa gymnasium."

"Eh pano yung lettering natin?"

"Mamaya na siguro after ng opening program dadalian lang natin."

Tumango naman ako, "Sige. Tara na Menezo."

Magkahawak-kamay kaming pumunta ng gym at pagdating namin doon medyo madami-dami narin ang mga tao. Kumaway si Phoebe sa amin, nasa harap sila ng stage kaya agad kaming pumunta doon. Nasa gilid ako kaya wala akong katabi sa kaliwa nasa kanan ko naman si Menezo at si Austin naman ang katabi niya si Xenon, Unier, Chizka, Phoebe tsaka si Hillary.

Dinadaldal pa ako ni Austin tungkol sa club nila dahil hindi pa naman nagsisimula ang program. Halata ding iritado na si Menezo kaya hininto ko na ang pakikipagdaldalan kay Austin.

Ilang minuto lang ay umakyat na sa stage ang aming principal. Si Mr. Gregorio Diaz.

"Good morning my students!" masiglang bati niya.

"Good morning Mr. Diaz!" sabay-sabay na bati naming lahat.

"Since today is our high school day I want you-"

Hindi ko na nasundan ang pagsasalita ni Mr. Diaz dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko ng makitang si Thalia ito. Napatingin ako sa harap at unti-unting sinagot ang tawag.

"Hello Thal?" mahinang saad ko.

Napalingon sa akin si Menezo ngunit nginitian ko nalang siya.

"A-A.." nanginginig na saad niya kaya kinabahan ako bigla.

"Why? What's wrong?"

"A-A kasi I visited my condo today pero shit A sira na ang apartment ko nagkalat na lahat ng mga gamit ko sa sahig and my laptop was stolen I think your mom was the one who broke into my condo."

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. "And?"

"I think your mom already know all about you." she said, almost a whisper.

"Let us all welcome the owner of Leur University Mrs.Patricia Elizabeth Leur and her husband Mr. Iñigo Roy Leur."

Biglang nanlamig ang buong katawan ko at dahan-dahang napalingon sa stage. Nagtagpo ang mga mata namin ni mommy at parang napako ako sa kinakaupuan ko. She's wearing a black dress and her face is screaming with so much power. My dad just stood there expressionless while wearing an armani suit.

I heard Thalia cursed on the other line dahil panigurado narinig niya ang sinabi ng principal.

"Wait for me A." usal ni Thalia ngunit hindi manlang ako makapagsalita sa sobrang gulat.

My mom just stared at me na parang kilala niya talaga ako. I never expected this. Ang gusto ko lang naman ay pumasok sa paaralan na pag-aari namin dahil alam kong hindi sila pumupunta ni dad dito since they are busy with their bussiness. This is the first time that they visited our school at parang alam ko na kung ano ang pakay niya.

Nagsitayuan ang lahat para batiin ang mommy ko ngunit nanatili akong nakaupo. Nang makaupo sila ay tsaka lang nagsalita si mommy.

"Good morning everyone." her cold voice sent chills from my spine. "Since today is your high school day I want you all to have fun and enjoy it. I know stress kayo masyado sa studies niyo but I want you to forget about school works and just enjoy your day."

Pumalakpak naman ang lahat ngunit mas lalo akong kinabahan.

"You already know who I am right?" tanong ni mommy.

"Yes Miss Elizabeth." sagot naman ng mga estudyante.

"What about my husband?" nakangiting tanong ni mommy.

"Yes Miss Elizabeth." sagot nila ulit.

"What about my daughter?" nanatili ang ngiti sa mga labi ni mommy.

Natahimik silang lahat dahil hindi nila ako kilala. Nanikip ang dibdib ko at parang nauubusan ako ng hangin.

"I see hindi niyo pa kilala right? I want you all to meet my daughter."

Nanginig ako at tumayo, akmang tatakbo ako paalis ng harangan ako sa mga guards ni mommy.

"Bring her to me." madiin na saad ni mommy at walang pagdadalawang isip naman akong hinila ng mga tauhan niya. I faced the whole students of Leur University, lahat sila nagtataka na nakatingin sa akin ang iba pa ay nagbubulong-bulong. Dumapa ang paningin ko kina Menezo na ngayon ay nakakunot na ang noo at nakatitig sa akin. Sina Chizka at Phoebe naman ay nangingilid ang luhang nakatingin sa akin.

"This is my daughter." ani ni mommy at tinuro ako. I heard different kind of whispers at naninikip ang dibdib ko.

Napasinghap ang mga tao ng marahas na hinila ni mommy ang buhok ko at nalaglag ang wig ko. My red scarlett hair was shown. Pumunta sa harapan ko si mommy at nangingilid ang luha ko.

"S-Stop." pigil ko sa kanya ngunit hindi siya nakinig.

Tinanggal niya ang eyeglasses ko at inapakan ito. Hinawakan niya ang bibig ko at tinggal ang voice changer ko, hinawakan niya din ang gilid ng mata ko at pilit na tinanggal ang contact lens ko.

"M-Mom stop." nahihirapang saad ko ngunit hindi siya nakinig at tinanggal din ang pekeng kilay ko. Umalis siya sa harapan ko at pinaharap ako sa mga tao.

"Everyone, meet my daughter Aerish Parisha Leur."

Parang nabibingi ako sa mga bulong-bulungan nila. Hindi makapaniwala na ibang tao ang nakikita nila ngayon sa harapan nila. Dumapo ang tingin ko sa pinakadulo ng gymnasium dahil nandun si Thalia naluluhang nakatingin sa akin. My eyes then landed on Menezo who is staring at me angrily and his hand was bailed into fist.

"B-Baby." mahinang bulong ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig.

Alam ko na may ideya na siya dahil sa kulay pulang buhok ko at kulay asul na mga mata. Dumapo ang tingin ko kina Austin na ngayon ay hindi makapaniwalang tumingin sa akin. A lone tear excaped my eyes when I saw how Menezo stood up angrily.

Tumakbo siya palabas ng gym at tumalon naman ako sa stage at tumakbo para sundan siya. I heard my friends calling my name ngunit mamaya ko na sila kakausapin dahil mas importante ngayon si Menezo.

Kahit nanginginig ang katawan ko ay tumakbo parin ako ng mabilis para sundan siya.

"Aaahhh!" I screamed out loud when my mother's guard held my arms tightly. Mabilis ang mga galaw ko na umikot at sinuntok sila sa mukha, hindi pa ako doon nakuntento sinipa ko pa ang mukha nila hanggang sa nawalan sila ng malay. Napatingin ako sa entrance ng gymnasium at nakita sina Austin na hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. Napalunok ako sa sobrang pangangamba.

Pumihit ako patalikod sa kanila at tumakbo ng mabilis papuntang parking lot dahil doon ko nakitang pumunta si Menezo. Naglalakad na siya ngayon papunta sa kotse niya kaya madali ko siyang naabutan. I grabbed his arms at pinaharap siya sa akin.

"M-Menezo." nauutal na saad ko.

Naninikip ang dibdib ko sa paraan ng pagtitig niya. Malamig na tiningnan niya ako na para bang hindi niya ako kilala.

"Who are you?" nangangalating saad niya.

"A-Ako to.."

Tumawa siya ng pagak. "Ikaw na ano? Na girlfriend ko o ang babaeng pumatay sa mama ko?" I saw how his eyes rage in fire.

"M-Menezo."

"Don't call me that." mariin na saad niya at winaksi ang kamay ko at naglakad palayo sa akin. Hinabol ko siya at niyakap galing sa likod ngunit winaksi niya parin ang kamay ko.

"Menezo please!" I called his name over and over again pero hindi niya ako nililingon.

"I love you Menezo!" I screamed my heart out while my tears keeps falling. Huminto siya sa paglalakad pero hindi manlang siya humaharap sa akin.

"Menezo." nanghihinang tawag ko sa kanya. "I love you."

Humarap siya sa akin at ngumisi ng nakakaloko. "Sorry but I don't know you." aniya at tuluyan ng sumakay sa kotse niya.

Hindi tumitigil sa pag agos ang luha ko at parang sinasaksak ng maraming kutsilyo ang dibdib ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top