CHAPTER 32
Chapter 32
Monday ngayon at napagdesisyonan ko ng pumasok dahil nangako nadin ako kay Menezo. Some of my bruises are still visible pero natakpan din naman dahil sa nilagay nila Phoebe sa akin nauna nadin silang pumunta sa paaralan gaya ng nakagawian. I didn't wear my glasses today at naka contact lens lang ako at wig.
Nagpaalam na ako kay Thalia na aalis na ako. Nang makarating ako sa highway ay nakita ko si Menezo na nakasandal sa sasakyan, nakatingala at nakapikit. Bagong gupit siya at sobrang gwapo niyang tingnan sa suot niyang V-neck white tshirt at maong jeans. Naka V-neck din ako at skinny jeans dahil yun ang plano naming dalawa- actually plano niya dahil pwede daw na hindi kami mag uniform since wala naman daw klase dahil busy lang ang lahat para sa high school day.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at ng nasa harapan na niya ako ay hinaplos ko ang pisngi niya. Iminulat ni Menezo ang mata niya, his piercing black eyes met mine at napawaang ng konti ang kanyang bibig. Tumingkayad ako at dinampian siya ng halik sa mga labi. Akmang ilalayo ko na sana ang mukha ko sa kanya ng hapitin niya ang bewang ko at mas pinalalim ang halikan naming dalawa, parang sabik na sabik sa akin. Napapikit ako ng mariin habang hinahalikan siya pabalik. Siya din ang unang humiwalay at masuyong hinaplos ang pisngi ko.
"I missed you baby." malambing na usal niya.
Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya. "I missed you too Menezo."
Dumaan na muna kami ni Menezo sa Drive Thru at bumili ng makakain. Sinusubuan ko siya dahil nag di drive siya. Bago pa kami makarating sa LU ay naubos na niya ang pagkain at ganun din ako.
Hawak-kamay kaming naglakad ni Menezo papasok. All the students eyes was on us at hindi padin maiwasan ng iba na tumingin sa amin at mainggit. I really can't blame them dahil sobrang gwapo nga naman ni Menezo.
Nang makarating kami sa classroom ay agad kong nabitawan si Menezo dahil sinugod ako ng yakap nina Austin, Hillary, Xenon at Unier. Niyakap ko din sila pabalik ng sobrang higpit hindi inaalintana ang pag aalboroto ni Menezo.
"Mapleleya naman eh! San ka ba galing? Namiss kitaaa!!" ani ni Austin at niyakap ako ng sobrang higpit sa pangalawang pagkakataon.
"Akala namin iniwan mo na kami Maps." nakangusong saad ni Hilary.
"Oo nga tch. Nakakatampo." ani naman ni Xenon.
"Yeah and our guy right there," tinuro ni Unier si Menezo na ngayon ay pinandilatan na silang apat ng tingin. "Is so selfish. Pag katawag ka niya lumalayo siya sa amin para kausapin ka."
"Ganun ba?" natatawang saad ko.
"Oo ang sama Mapleleya!"
"Hi Maple welcome back."
"Hi Maps!"
Napalingon ako kina Phoebe at Chizka na ngayon ay magkahulugang nginitian ako. They hugged me and I hugged them back also.
"Tch feeling close." rinig kong bulong ni Austin ngunit mukhang narinig ni Phoebe.
"Excuse me?" taas ang kilay na binalingan siya ni Phoebe.
"Bakit dadaan ka?"
"Excuse me ako ba ang pinaparinggan mo?!" nangangalating sigaw sa kanya ni Phoebe.
"Hindi hindi yung multo." sarkastikong saad ni Austin.
"Gay!" sigaw sa kanya Phoebe.
"Baka gusto mo lang halikan kita eh." pang-aasar sa kanya ni Aus.
"Yuck never!"
"Ay weh?" nilapitan siya ni Austin at napaatras naman si Phoebe habang nanlalaki ang mga mata.
"Stop right there or I will kill you." pagbabanta ni Phoebe sa kanya.
Austin just smirked at her. "Nakakatakot yun?"
"Fuck you!" galit na saad ni Phoebe at tinulak si Austin para makaupo sa upuan niya. Hinila naman ako ni Austin at pinaupo sa upuan ko. We formed a circle para magkaharap kaming lahat. Nasa tabi ko si Menezo na ngayon ay masama ang tingin sa sahig. I hold his left hand tightly kung nasaan ang kadenang bracelet na ibinigay ko sa kanya noon. Mas hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya at ipinatong ko ang kamay naming dalawa sa armchair kaya napalingon siya sa akin. I smiled at him ngunit inirapan niya lang ako. Kahit kailan talaga ang lalaking to.
"How was Palawan Maps?" tanong ni Xenon.
"Ayos lang naman nag enjoy ako kasama ang parents ko. Ayos na kami. Ang daming pwedeng pasyalan doon."
"Hala talaga? Punta tayo dun next time? Tayong lahat? Masaya yun!" parang batang saad ni Austin.
Natawa naman kami sa kanya. "Sige next time."
"Yeheeeey! So Mapleleya madami akong knock knock!"
"Oh come on." parang sawa ng wika ni Phoebe ngunit inirapan lang siya ni Austin.
"Knock knock."
Natatawang sumagot naman ako, "Who's there?"
"Nae nae."
"Nae nae who?"
"Nae nae tatay gusto ko tinapay, ate kuya gusto ko kape." aniya at tumawa ng malakas.
Natawa din kami ni Xenon pero hindi ko alam kung natawa ba si Xenon sa joke niya o sa kakornyhan ng kaibigan niya.
"Nakakatawa yun?" Phoebe scoffed.
"Oo nakakatawa."
"Halata nga eh ikaw lang tumatawa." pangbabara ni Phoebe sa kanya.
"Tumawa din si Mapleleya!"
"Baka napipilitan."
"Whatever." Austin rolled his eyes at her at lumingon sa akin. "May isa pa ako Mapleleya."
"Sige ano yun?" I smiled at him.
"Knock knock."
"Who's there?"
"Come back to me."
"Come back to me who?" sabay na saad namin ni Xenon.
"Come back to mebok ang puso wala kanang magagawa kundi sundin ito." aniya at sumasayaw sayaw pa sa upuan niya.
Natawa ako sa ekspresyon niya, kaming dalawa ni Xe habang yung iba naming kasama ay nakapoker face.
"Ha ha ha ha." sarkastikong pagtatawa ni Phoebe. "Very funny."
"Talaga!" pagmamayabang ni Austin.
"Sana naman kung mag joke ka eh matatawa kami."
"Hindi naman yun para sayo!"
"Nakikinig padin kami!"
"Edi wag kang makinig problema ba yun?" inis na saad ni Austin.
"Ay gago ka ba? Kung ayaw mo na makinig kami eh doon ka sa bundok mag joke baka sakaling makikinig ang mga ibon sayo!"
"Anak ng- ang galing mo manira ng mood pandak!"
"Excuse me?! Mataas ako!" sigaw ni Phoebe sa kanya at tumayo.
"Mas mataas ako sayo!" ani ni Austin at tumayo din.
Gusto kong matawa dahil tama naman si Austin, mataas nga siya kumpara kay Phoebe. Kahit na mas mataas si Phoebe sa akin walang-wala parin siya sa taas ni Austin.
"Gay!" Phoebe spitted at him then walked out.
Inis na pinahid ni Austin ang mukha niya at padabog na umupo. "Nak ng- kahit kailan talaga ang babaeng yun eh wala naman akong ginagawa sa kanya.
"Woi habulin mo yun."
"Hoy fafa Xe ayoko siya ang nauna."
"Babae parin yun." ani naman ni Hillary. Sinang-ayonan din naming lahat kaya walang nagawa si Austin kundi padabog na tumayo at habulin si Phoebe.
Napatingin ako sa kamay namin ni Menezo na magkahawak. "Menezo samahan mo ako."
Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Saan baby?"
"English Club." I sighed. "Ako ang presidente eh tapos ngayong friday na ang high school day kailangan kong mag post ng announcement tsaka magplano ng mga kasama ko."
"Sure." aniya at tumayo at mahinang hinila ako. His hands were on my waist while we're walking. Naiilang ako ng konti pero gusto ko naman na ganun kalapit sa kanya. Umakyat kami sa ikatlong palapag ng building at lumiko para makapunta sa room ng English Club. Nang makarating kami ni Menezo doon ay nakita ko ang sekretarya ng EC at ang PO. Bahagya naman akong nahiya dahil ako pa naman ang presidente. Hindi kami close tatlo pero hindi naman nila ako inaaway. They're very proffessional and that's what I like about them.
"Hi sorry ngayon lang ako." nahihiyang saad ko, nilingon naman nila ako at nagulat pa ng makitang kasama ko si Menezo. Err I can't blame them he's quite famous in our school. Pinaupo ko muna si Menezo at lumapit sa kanilang dalawa.
"Oi Maple kayo na ba talaga ni Faf- este ni Preston namin?" nakasimangot na tanong ni Anya, ang sekretarya.
"Yeah." walang pag-aalinlang na saad ko.
"Grabe ang swerte mo." aniya sabay hampas sa akin.
"Baliw." iling-iling na saad ko.
"Anyway ano na ang plano natin para sa club natin Miss Pres?"
"Gusto ko sana Appreciation Booth kung saan pwede nilang sabihin na they appreciate that person for your parents, teachers, love ones ganun. Pero yung atin lang we will not use any papers tas ibibigay yun for that person gusto ko talaga sabihin niya mismo, free mic ganun and we will assure na yung person na pagsasabihan niya ng ganun ay maririnig siya."
"Woah that's great!"
"Gusto ko din yan!"
"Ang unique! Grabe I want that!"
"Yung Filipino Club photo booth ang sa kanila, sa Smile Club naman wedding booth, sa Math Wizard Club naman ay Horror booth, sa Science Club naman Charity booth para daw sa church ewan ko kung totoo tapos sa Sports Club naman ay Jail booth ganun sa Dance Club, Free Hug Booth actually pipiliin lang nila yung mga magaganda at gwapo sa school natin mukhang may balak nga silang isali ang Phaux Organization. Sasali ba bebe mo?" mahabang lintaya niya.
Nagkibit-balikat naman ako. "Ewan ko. Tanong mo sa kanya."
"Uhm Pres!" ani ni Anya. Agad namang lumingon sa kanya si Menezo.
"Yes?"
"Papayag ka bang gawing modelo sa Dance Club? Sa Free Hug booth nila? For the school?"
Kumunot naman ang noo ni Menezo. "Bat ako?"
"Kasi gwapo ka." sabat ni Therese.
"No thanks." hindi interesadong saad ni Menezo.
"Hala bakit? Sayang naman."
Ngumuso si Menezo. "Isa lang ang gusto kong yakapin eh." aniya sabay tingin sa akin. Namula naman ako lalo na nung inaasar ako nina Anya.
"Mga sira mag-isip na nga lang tayo ng mga maide-design." ani ko para umiwas sa mga pangtutukso nila.
Muli akong lumingon kay Menezo at kumabog ng malakas ang puso ko ng makitang nakatitig parin ito sa akin. Damn this man.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top