CHAPTER 31
Chapter 31
I groaned as I felt the pain spread right through me. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at tumama sa akin ang sinag ng araw na nanggaling sa labas ng bintana. Nanliliit ang mga mata ko ng may biglang humarang sa harapan ko.
"Thank God, you're awake." boses ni Thalia. Dahan-dahan akong umupo sa kama at sinandal ang ulo ko sa headboard. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. "Tubig D."
"Teka." lumabas siya ng kwarto at ilang segundo lang ay may dala-dala na siyang pitsel at baso. Naglagay siya ng tubig sa baso at binigay sa akin. Mabilis ko naman itong natapos at nilagay sa ang walang laman na baso sa maliit na lamesa na nasa gilid ko.
Umupo si D sa gilid ng kama ko at masuyong hinaplos ang buhok ko.
"Napuruhan ka masyado kahapon." aniya.
"Yeah." balewalang saad ko. "It's okay. Anong oras na pala?" pag-iiba ko sa usapan.
"It's already 10 am. Pumasok na sina Phoebe at Chizka." tumango ako.
"Are you hungry A?"
Nang dahil sa tanong ni Thalia ay biglang kumalam ang tiyan ko. Sabay kaming natawa ng marinig iyon.
"Lulutuan muna kita." aniya at hinalikan ang noo ko bago nilisan ang kwarto ko.
Nang makawala si Thalia ay agad na namuo ang luha sa mga mata ko. Bumaba ang tingin ko sa katawan ko. I'm only wearing a thin white sleeveless shirt and a cycling. I can see fresh wounds and cuts around my body. Napalunok ako at tumingala. Ilang minuto akong nanatiling ganun ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Lumingon ako sa gilid at inabot ito. A lone tear escape from my eyes when I saw who was calling. Pinunasan ko ang luha ko at agad na sinagot ang tawag.
"Baby Maple ko, bat wala ka? Kanina nag antay ako sayo kaso hindi ka dumating. Nagtatampo ka ba sakin dahil inayawan kita kahapon? Sorry na baby ko babawi ako sayo ngayon, nasaan ka? Bat wala ka dito sa classroom? Miss na miss na kita." paglalambing sakin ni Menezo.
Napapikit ako at napalunok.
"Sorry." I bit my lower lip at pumikit ng mariin.
"It's okay baby. Nasaan ka ngayon?"
"N-Nasa Palawan ako kasama ang parents ko. Nagkaayos na kami. Sorry hindi ko nasabi sayo kahapon dahil nagtatampo ako sayo."
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Tiningnan ko ang cellphone ko kung in-off na ba ni Menezo ang tawag ngunit hindi pa naman. Muli kong tinapat ang cellphone sa tenga ko at narinig ko ang mabibigat na buntong-hininga ni Menezo.
"It's okay." masuyong aniya. "Kelan ang balik mo?"
"Next week pa." hindi siguradong usal ko.
"Ha?! Next week pa?!" malakas na sigaw niya kaya nailayo ko ang cellphone sa tenga ko.
"Mr. Menezo get out of my class!" rinig ko ang isang pamilyar na tinig ng guro namin. What the heck nagkaklase sila pero tinatawagan niya ako?
Rinig ko ang mga yabag ni Menezo at hula koy papalabas na siya ng classroom.
"Hoy." ani ko.
"Ano baby?!" iritang saad niya.
"Galit ka sakin?"
"Naiinis ako sayo! Nakakatampo! Torture yan baby eh! Isang linggo!? Nak ng?! Tsk!" asik niya.
"Babalik din naman ako ah."
"Oo nga pero matagal pa. Miss na miss na nga kita ngayon tapos isang linggo pa bago ka makakauwi? Nakakainis yun. San ka ba sa palawan? Pupuntahan kita."
Natawa ako sa sinabi niya. "Wag na. Uuwi din ako."
Rinig ko ang pagpapadyak-padyak niya. "Miss na nga kasi kita."
"Miss na miss na din kita." saad ko at natahimik naman siya.
"T-Talaga?"
"Opo."
"Tch oh sige basta balik ka kaagad ah?" paglalambing niya.
"Yes sir." pagbibiro ko at inend ang tawag. Biglang napawi ang ngiti sa labi ko at naiiyak na naman ako.
"Woi." napalingon ako kay Thalia na naglalakad na papalapit sa akin na may dala-dalang tray na may laman na pagkain.
"Eat up." aniya at at inilapag ang tray ng pagkain sa harapan ko. Nanunuot sa ilong ko ang amoy ng fried chicken at kape.
"Thank you D."
Nagsimula na akong kumain dahil ginugutom na talaga ako. Buti nalang din at hindi ako kinakausap ni Thalia dahil hindi ko yata siya masasagot sa sobrang gutom ko. Nang matapos akong kumain ay hinigop ko na ang kape na hindi na masyadong mainit. I burp when I finished drinking my coffee.
"Nabusog ka ba?" tanong ni Thalia.
"Yup." I said while popping the p.
"So," she cleared her throat. "Are you going to tell him the truth?"
Napalunok ako sa tanong niya. "Not now..." mahinang saad ko.
"When? Kung kelan komplikado na ang lahat A?"
"Everything is already complicated." I said as a matter of fact.
"For once listen to me!" sigaw niya sakin, she's probaby losing her temper dahil sa katigasan ng ulo ko.
"I don't want to lose him!" sigaw ko pabalik. "Pag nalaman niya kung sino ako Thalia hindi niya ako papatawarin! Iiwan niya ako!"
Tumayo na siya at galit na tiningnan ako. "Kung mahal ka niya hindi ka niya iiwan A! Ano ba kasi ang kinakatakutan mo? Wala ka nama sigurong ginawa sa kanya diba?!
Napailing ako at inihilamos ang palad ko sa mukha ko. "I want to rest D."
"You're keeping a secret from me." seryosong aniya. "May hindi ka ba sinasabi sa akin A?!"
Umiling ako. "I want to rest."
"Fine." nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Nakatitig lang ako sa kisame at ilang minuto lang dinalaw na ako ng antok marahil sa sobrang pagod.
Nagising ako sa sunod-sunod na pag ri-ring ng cellphone ko. I slowly opened my eyes at tiningnan kung sino ang tumawag. Agad ko itong sinagot ng makitang si Menezo ang tumawag.
"Hi." I greeted him lazily. Hinawakan ko ang noo ko at muntik na akong mapamura dahil nag-iinit ako. Sinubukan kong tumawa ngunit hindi ko magawa dahil parang binibiyak sa sobrang sakit ang ulo ko.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.
Tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita. "Yup. Pagod lang ako kanina dahil andami naming ginawa."
"Oh. Wag mo naman pagurin masyado ang sarili mo baby." aniya.
"Sorry."
"Baby ah pansin ko marunong kanang mag sorry." pang-aasar niya.
"Ewan ko sayo Menezo." iling-iling na ani ko.
"I miss you baby Maple. I miss you so damn much."
I bit my lower lip at pumikit ng mariin. "I miss you more Menezo."
"Uwi kana." he grunted at napamura ng mahina.
I chuckled lightly dahil naiimagine ko ang mukha niya. "Opo opo."
"Kumain kana ba baby?"
"Oo." pagsisinungaling ko. "Ikaw ba?"
"Opo kumain na ako baby ko."
"Menezo." paglalambing ko. "Kantahan moko please."
Tumawa siya ng mahina. "Sure baby."
Pumikit ako ng mariin ng magsimula na siyang kumanta.
"You give me hope, the strength, the will to keep on, no one else can make me feel this way and only you can bring out all the best i can do. I believe you turn the tide and make me feel real good inside."
Nakapikit lang ako habang pinapakinggan ang pagkanta niya.
"You pushed me up when i'm about to give up. You're on my side when no one seems to listen
and if you go you know the tears can't help but show you'll break this heart and tear it apart
then suddenly the madness starts."
I hugged my pillow tightly at iniimagine na siya ang niyayakap ko. I miss my Menezo so bad.
"It's your smile, your face, your lips that i miss. Those sweet little eyes that stare at me and make me say i'm with you through all the way. 'Cause it's you who fills the emptiness in me it changes everything, you see when i know i've got you with me."
I slowly shut my eyes dahil dinadalaw na talaga ako ng antok. I feel comfortable sleeping everytime I hear his voice. Wala akong ibang iniisip at pinoproblema pag naririnig ko ang boses niya. Nakakatulog ako ng mahimbing habang iniisip lang siya.
I heard him say 'I love you" bago pa ako tuluyang dalawin ng antok.
Ilang araw na akong nanatili sa bahay. Minsan pumupunta ako sa sala at kusina ngunit bumabalik lang din naman ako sa kwarto dahil wala naman akong ginagawa. Sabay-sabay kaming kumakain nina Thalia, Chizka at Phoebe sa umaga ngunit hindi kami nag-iimikan apat. Para bang may pader na namamagitan sa aming apat at ang hirap naming abutin ang isa't-isa. Alam kong nagtatampo sila sa akin ngunit sa kabila ng pagtatampo nila ramdam kong nag-aalala din sila sa akin. Hindi nila ako pinapabayaan. Ginagamot nila palagi ang sugat ko at pinapainom ako lagi ng gamot.
Tumatawag din sa akin si Menezo kada umaga, break time nila, lunch at kada gabi. As always kinakantahan niya muna ako bago matulog. I already miss him pati nadin sina Austin ngunit hindi ko naman kayang makipagkita sa kanila lalo na't hindi pa talaga ako masyadong magaling. Iniisip ko palang pag sasabihin ko kina Austin ang totoo ay parang sinasakal na ako. Hindi ko kayang sabihin sa kanila dahil natatakot akong kamuhian nila ako. Sobrang attached na ako sa kanila masyado at sila lang ang naging tunay kong kaibigan doon sa Leur at hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin ang galit nila.
Napabuntong-hininga ako at nag-iisip nalang kung ano ang ipapatayo kong booth since ako ang presidente English Club.
Sabado ngayon at nakaupo lang ako sa kwarto habang nag iisip ng plano para next week. Tumawag sakin si Menezo kanina at sinabi niya sa aking aalis daw sila ng dad niya. Ala una na at hindi niya ako natawagan ngayong lunch ngunit ayos lang, naiintindihan ko siya.
Napatingin ako sa pintuan ng biglang pumasok si Thalia pero hindi manlang siya tumitingin sa akin.
"D." pagtatawag ko sa kanya.
"Ano?" masungit na aniya.
"I'm sorry." saad ko.
Nilingon niya ako at sumimangot. "Galing mo din eh noh? Ngayon mo lang ako kinakausap."
"Sowwy nah." nakasimangot din na saad ko. I opened my arms at tumakbo naman siya papunta sa akin at niyakap ako.
"Nakakainis ka A. Ang sarap sarap mong batukan sobrang ma pride mo." aniya ngunit tinawanan ko lang siya.
Ilang minuto lang ay humiwalay siya sa akin at binatukan ako.
"Aray ha." kunwareng nasasaktan talagang saad ko.
"Chee! May plano kana ba para sa booth mo? May mga ideas ako." saad niya at umayos ng upo sa kama.
"Wala pa eh. Tulungan moko." I pouted cutely at her at sabay kaming natawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top