CHAPTER 30

Chapter 30

"No!" natatawang saad ni Thalia pero ramdam ko ang galit sa boses niya.

"D, I have to." mahinhing saad ko at pinagkrus ang paa ko. Nakaupo ako ngayon sa sofa at aalis na sana para pumunta ng arena ng pigilan nila akong tatlo nina Chizka at Phoebe. I'm already wearing my usual attire at handang-handa na talaga akong umalis ngunit hindi ako makakatakas sa tatlong to. Nung mga nakaraang linggo pinilit ko na silang bumalik sa kaniya-kaniyang bahay ngunit ayaw daw nila dahil mas gusto nilang manirahan sa apartment ko, kasama ako.

"Hindi ka nga pwedeng pumunta!" sigaw niya.

"Thalia, calm down." seryosong saad ni Chizka at tumingin sa akin. "A, you can't. You are gonna get yourself killed."

"I have to. I have to take the risk."

"Oh come on." bakas na ang inis sa boses at mukha ni Phoebe. "You think you can handle them?! You vs. them with weapons?!"

"I guess. I handled Helius' men kahit bente sila Phaux Org. pa kaya?" sarkastikong saad ko.

"Oo, tapos yung taong mahal mo nasa Phaux Organization din." sarkastikong pagbabanat din ni Thalia. Natahimik naman ako sa sinabi niya. "Don't fool us Maple, when it comes to the people you love you become weak. So don't act as if you can handle them. They are also your friend." mariin na saad niya. Mas lalo akong hindi makapagsalita dahil tama siya, hindi ko nga sila kayang labanan lalo na si Menezo dahil mahal ko siya, mahal na mahal.

Napabuntong-hininga ako at tumingala. Naiinis ako sa nangyayari dahil hindi ko alam ang gagawin ko. "I'll be fine." pabulong na saad ko. "They only have 30 minutes to kill me and if they can't kill me within that 30 minutes edi ayos. Hindi ko sila papatulan. Iilag lang ako ganun."

"Anything can happen in that 30 minutes A!" sigaw na naman ni Thalia. "Magbihis na kayo Chizka at Phoebe sasama tayo sa babaeng yan. Alam ko kung gaano katigas ang ulo niyan." dagdag niya.

Napapikit ako ng mariin. I don't want to drag them in my mess. Desisyon ko ang umalis ng UA when in fact I should have not joined in the first place.

Ilang minuto lang akong nakatunganga sa sofa ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Iminulat ko ang mata ko at umayos ng upo ng makita ang mukha ni Thalia. She's wearing her usual outfit kagaya ng sakin, pati din sina Chizka at Phoebe pero hindi nakalugay ang buhok nilang dalawa, naka ponytail ito at naka maskara silang dalawa, napansin ko ding pareho silang nakasuot ng contact lens.

"Tara na." malamig na saad ni Thalia at naunang lumabas sa likod ng bahay, napabuntong-hiningang sumunod naman ako. Pumasok ako sa passenger seat at si Thalia naman sa driver's seat. Ang dalawa naman ay nasa likod namin.

Hindi kami nag-iimikan sa loob ng kotse. Ramdam kong ayaw nila akong kausapin dahil naiinis sila sa akin. Alam ko yun at naiintindihan ko sila ngunit kailangan kong gawin to. Gusto ko ng lumabas ng UA para maging matiwasay ang buhay ko at para malaman kong ano ba ang ginawa ko kay Menezo at sa Phaux Organization para hamunin nila ako sa Deadly Battle. Hindi biro ang labanan na ito at alam kong may dahilan kung bat nila ako hinahamon at yun ang gusto kong malaman.

Why would they want to kill me if wala akong atraso diba? As I have observe hindi sila yung tipong taong papatay nalang bigla sa taong wala namang atraso sa kanila. Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang atraso ko sa kanilang lima? O baka naman gusto lang nila akong pababain sa rank 1 sa 26 Vigorous? Sana yun lang dahil mas matatanggap ko pa.

"We're here." napabalik ako sa ulirat ng magsalita si Thalia. Tumingin ako sa gate ng UA at huminga ng malalim.

Nilingon ko si Thalia at ngumiti ng pilit. "Thanks, D." pabulong na saad ko.

"You're not welcome." she said sarcastically at lumabas ng kotse. Sumunod naman sa kanya ang dalawa. Kinapa ko muna ang dibdib ko at kinalma ang sarili bago lumabas ng kotse.

Taas noo akong naglakad patungong UA at walang mababakas na kaba sa aking mukha, naunang naglalakad sina Chizka ngunit sabay din kaming huminto sa gate ng UA. Nang buksan ang gate ng Arena ay nagpatuloy kami sa paglalakad. I blinked thrice para masanay sa ilaw sa loob. Samu't sariwang hiyawan at ang bumungad sa akin dahil narin siguro makakalaban ko ang Phaux Org. Dumapo ang paningin ko sa entablado at napalunok ng makita kong diretsong nakatingin si Menezo sa akin at walang nababakas na ekspresyon sa mukha niya. Nanatiling blangko ito. Hindi ako sanay.

Akmang maglalakad na ako papunta ng entablado ng bigla akong pigilan ni Thalia.

"A, please fight. Fight for your life." nagmamakaawa ang mga mata niya. I bit my lower lip at mahinang winaksi ang kamay niya, ayokong mangako.

Nakapamulsa akong umakyat ng entablado at isa isang tiningnan sila. Napalunok ako dahil kahit si Austin malamig na nakatingin sa akin, pati sina Xenon, Hillary at Unier. Napaitad ako ng marinig ko ang pagbaba ng cage. What the hell?! Bigla ding natahimik ang mga tao sa paligid namin tila nagpipigil ng hininga.

"Hey motherf-ckers is that cage necessary?!" napalingon ako kay Thalia dahil sa pagsigaw niya. Pati ang mga tao ay napatingin sa kanya.

"Madam D, the oppent ask for the cage. We can't do anything about it. It's the UA's rule." ani ng emcee.

"Fuck the rules!" Thalia screamed at parang nawawala sa katinuan. Nag walk out siya at hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

"The Deadly Battle will begin in 3..2..1. Fight!"

Napalingon ako kina Austin na ngayon ay kanya-kanya nang nagsisilabasan sa mga armas nila. Austin is holding tiger claws sa magkabilang kamay niya, si Hillary naman ay may brass knuckles sa magkabilang kamay, si Unier naman ay may dagger sa kaliwang kamay, silang dalawa ni Xenon at si Menezo naman ay may finger knife.

Unang sumugod sakin si Austin at si Xenon. I easily dogde their punches at pumunta sa kabila ngunit hindi ko alam na nasa likod ko pala si Hillary, his brass knuckles hit my back pretty hard at nanlamig ang katawan ko. Mabilis akong tumkabo sa kabilang gilid ng cage at huminga ng malalim. I look at the time at isang minuto palang ang nakalipas. Bat parang bumabagal?

Tumingin ako kay Menezo at napalunok. Nakakunot ang noo niya, marahil nagtataka kung bakit hindi ko sila nilalabanan. I can't see anything in his face other than pure rage and frustration.

Sumugod na naman sa akin si Austin ngunit umiilag lang ako sa mga suntok niya. Malayong-malayo siya sa Austin na kilala ko, ayaw na ayaw niyang saktan si Maple pero ako kayang-kaya niyang saktan. Dahil nawala ako sarili nakatanggap ako ng malakas na suntok kay Austin his tiger claws stings on my face baka kanina pa ako nasugatan kung hindi pa ako nakamaskara.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit ganun parin ang eksena naming anim. Panay sugod sila sakin habang panay ilag lang ako dahil ayoko silang saktan. Madami na akong natamong sugat sa katawan at namamanhid na ako. I'm not usually like this pero iba talag pag ang taong mga mahal mo ang gumagawa sayo nito, tagos buto ang sakit.

I looked at my wristwatch at nakitang walong minuto nalang ang natitira bago buksan ang cage at matapos ang laban nato. I bit my lower lip at nakitang hawak-hawak ako ni Austin at Xenon sa magkabilang kamay. Hillary punched me hard on the stomach at hindi ko maiwasang sumuka ng dugo. Napaubo ako ng malakas at parang nauubusan ako ng hininga.

"A you damn shit!" umaalingaw ang boses ni Thalia sa buong arena. Sa boses palang alam ko ng may hawak siyang mikropono. Hindi ko maiwasang mapangisi. Damn, why does she have to make a scene? "You moron! Fight for your life you bitch! Come on!" sigaw niya ulit bakas ang pag-aalala sa tono niya at parang ilang segundo nalang ay maiiyak siya. Napailing ako dahil kahit anong sabihin niya hindi ko magawang saktan sina Austin, hindi ko kaya.

May humila ng buhok ko kaya napangat ang tingin ko. Nagtama ang mga mata namin ni Menezo. Pumungaw ang mga mata ko at gusto kong maiyak dahil walang awa siyang nakatingin sa akin. Marahas na tinulak niya ako sa metal ng cage at bumalatay ang sakit sa katawan ko sa malakas na pagtulak niya. Pinalibot niya ang kamay niya sa leeg ko at naramdaman kong umangat ako. I can't breathe properly pero hindi ko naman kayang sipain sa mukha si Menezo dahil nanghihina na ako.

"May 13,2000. Remember that date?" gigil na saad niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. How could I forget that date? How could I fucking forget that day where I killed someone with cold blood.

"You killed my mom." aniya at mas hinigpitan pa ang pagsasakal sa akin. Bigla nalang namuo ang luha sa mga mata ko at dahan-dahang bumaba sa pisngi ko.

"M-Men-nez-zo.." I could hardly utter his name.

Bigla niya akong binaba at malakas na pinagtutulak sa metal na cage. Sa sobrang lakas ay parang nababali na ang mga buto ko.

"Don't you ever call me that." he said between gritted teeth. "Only my baby Maple can call me that." may diin sa bawat salita niya.

I'm your baby, gusto kong isatinig ngunit parang nawalan ako ng boses.

May inilabas siyang kutsilyo sa bulsa niya at pinaikot ito sa kamay niya. Gigil na pinaglandas niya ang kutsilyo sa mukha ko at napalunok naman ako. Itinaas niya ang kutsilyo at akmang isasaksak sakin ng bigla nalang tumunog ng malakas ang timer. Nakahinga ako ng maluwag habang unti-unti naman akong binibitawan ni Menezo. Nanghihina akong napasandal sa cage.

"Fuck this." I heard him murmured. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ako ng galit niyang mga mata. "Were not done yet." aniya at sinipa ako ng malakas sa mukha. Tumabingi ang ulo ko at umiikot ang paningin ko.

"A!! A!!" I heard Thalia, Chizka and Phoebe's voices calling me pero wala na akong lakas para lingunin sila.

"A, nandito lang kami." napangiti ako bago nilamon ng dilim.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top