CHAPTER 3
Chapter 3
WEEKS passed and my life was already a living hell. Para akong pinaparusahan ni Satanas sa impyerno. Si Preston ang satanas ng buhay ko at itong paaralan naman ang impyerno. Kahit saang sulok ako sa paaralan magpunta palaging may masamang nangyayari. Kagaya nalang 'nung nakaraan.
Nilagyan nila ng mga daga ang locker ko. Tinapon nila ang mga gamit ko. Sinunog ang mga damit ko. Yung bag ko tuloy hindi ko maiwan-iwan ng basta-basta.
Mas dumadami narin ang nang bubully sakin ngayon hindi kagaya noon na nabibilang ko lang.
This is my last year in Leur University and I want to create memorable memories pero parang malabo ng mangyari dahil sa sitwasyon ko ngayon. Nakakainis pero wala akong magawa.
Sa kasalukuyan wala naman talaga akong kasalanan. I just told Unier the freaking truth. Talaga namang lalala ang sitwasyon ko dahil tinulungan ako ng isang miyembro ng PO. Pero kingina parang mas malala yata to. Maliit na bagay lang naman yun pero pinalaki talaga. I think Preston Kaizer Menezo is freaking immature for doing such things. Mas lalo niya pa talaga akong pinapahirapan dahil hindi ako umiimik sa mga pinaggagawa niya. Halatang inis na inis na si kupal dahil tanging tango at yuko lang ang ginagawa ko na para sa iba "loser" na ang ganun.
Kasalukuyan akong nakaupo sa ilalim ng punong Acacia habang tinatanaw ang soccer field. Masarap ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Mabuti naman at wala pang nanggugulo sakin ngayon dahil lunch time pa. Ilang araw nadin akong hindi kumakain ng pananghalian. Tinitiis ko ang gutom dahil ayokong pumunta ng canteen. Wala din akong oras kumain dahil nauudlot lang naman dahil sa pinanggagawa nila sa akin. Kaya sa uwian nalang ako kumakain.
I yawned and shut my eyes. I want to sleep for awhile.
NAALIMPUNGAN ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Tumingin ako sa relos ko at nakitang ala una beinte na. Mahigit isang oras din akong nakatulog. Buti nalang alas dos trenta pa ang klase namin.
Humikab ako at akmang tatayo na ng may makita akong putol na mga buhok sa balikat at damit ko. Para akong naestatwa sa nakita at hindi agad nakagalaw.
No. No. No. This can't be happening!
Hinawakan ko ang buhok ko at agad na nagtubig ang mga mata ko.
Kagat labi at nanginginig na kinuha ko ang maliit na salamin ko sa bag atsaka tinitigan ang mukha ko. Mahigpit akong napakapit sa salamin ng makita ang buhok ko. D-damn it mukha akong si Dora! May maliliit na bangs pa talaga. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko.
F-ck you Menezo pasalamat ka talaga at wig lang 'to. I can't fucking imagine kung yung totoong buhok ko na ang maputol. Baka makapatay pa ako.
Sinuklayan ko ang buhok ko gamit ang mga darili ko at tumayo. Putangina talaga. Baka malate pa ako sa last period ko mahirap na.
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng marinig ang malulutong na tawanan at bulungan ng mga tao.
"Look at her."
"Kapatid ni Dora?"
"Pfft bwahahahaha."
"Pa arte arte pa kasi ayan tuloy hahahaha."
"Mukha siyang basahan."
"Pangit na nga mas lalo pang pumangit hahahaha."
"Baka next time kalbo nayan hahahahaha."
"Fuck nakakatawa talaga siya hahahaha."
"Oyy shhh baka umiyak hahahaha."
"Ayan ang napapala ng mga walang kwenta hahahaha."
I ignored all of them at patuloy lang na naglalakad. Wala akong pakialam sa kanila.
Paakyat na sana ako ng hagdanan ng biglang may pumatid sakin. Kaya ang ending ngumudngud ang mukha ko sa semento at tumilapon ang salamin ko.
Napangiwi ako dahil sakit na nararamdaman. My jaw and my boobs hurt a lot at hindi pa nakakatulong ang impit na tawanan ng mga estudyante.
Ilang minuto akong nanatili sa ganoong posisyon dahil nasaktan talaga ako.
Napabuga ako ng malakas na hangin at tumayo. Pinagpag ko ang uniporme kong madumi at pinulot ang bag ko at ang salamin kong medyo nadumihan na. Mabuti nalang at hindi nabasag. Bigla akong nagtaka ng bigla nalang tumakbo palayo ang ibang mga estudyante.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng biglang may nakita akong kamay na nakalahad sa harapan ko.
Tiningnan ko ang nagmamay-ari niyon at bahagya pa akong nagulat ng makitang si Unier ito. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakitang wala ng tao.
Tiningnan ko lang ang nakalahad niyang kamay atsaka tiningnan siya sa mukha. "Why?" I asked him. Hindi ko alam kung 'bat andito siya ngayon sa harapan ko. May kailangan ba siya?
"J-Just please hold my hand." nakikiusap na aniya.
Tiningnan ko lang ulit ang kamay niya. Narinig ko ang marahas na buntong-hininga nito at hinila niya ang kamay ko.
Pilit kong binabawi ang kamay ko sa pagkakahawak nito pero ayaw niyang bitawan ang kamay ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang magpahila nalang.
Nakita kong lumiko siya papunta sa kaliwang bahagi ng skwelahan kaya di ko mapigilang magtanong. "San tayo pupunta?" Hindi ako pamilyar sa lugar na tinatahak namin.
"Somewhere." tinikom ko nalang ang bibig ko. Pilosopo.
Kumunot ang noo ko ng bigla niyang binuksan ang lumang gate ng Leur University.
Patuloy lang siyang naglalakad habang hinihila ako. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Nangangati nadin ang paa ko dahil sobrang madamo ang tinatahak na daan namin. I can't take this anymore.
"San nga kasi tayo pup-" before I could even finish my words ay napapanganga nalang ako.
Bumungad sa akin ang magandang at kulay asul na dagat. Sobrang presko ng hangin na tumatama sa balat ko at ang tunog ng alon ay nagpangiti sa akin. The place is breathtaking. Sobrang tahimik. Sobrang nakakarelax. Para akong nasa paraiso. Shit ang ganda. May tatlong coconut tree akong nakita at may isang cottage na maliit. Ang puputi pa ng buhangin. Ang ganda ng paligid. Nakakakalma. Nakalimutan kong malapit nga lang pala ang eskwelahan namin sa dagat ngunit hindi pa talaga ako nakakapunta dito.
Sa ilang taon ko dito sa Leur, ngayon pa lang ako nakapunta dito. Nakakamangha. Papaano niya nakita ang lugar na ito?
"Ang ganda." hindi ko mapigilang iusal. Nilingon ko si Unier at nakita ko itong nakatitig sa akin kaya medyo nailang ako.
"B-bakit?"
Umiling siya. "I wonder why you can still smile despite of all the bad things that's happening to you. You're one of the bravest woman I know. Parang hindi ka apektado sa ginagawa nila sayo. Parang wala lang sayo lahat ng ginawa n-"
I cut him off. "Wala naman talaga akong pakialam sa ginagawa nila sakin."
Natahimik siya sa sinabi ko kaya nagsalita ako ulit. "I'm not brave. I get hurt too. Pero wala eh nasanay na ako sa ganito. Ang kaso lang mas lumalala ngayon kaya kailangan ko ding patatagain ang maskara na ginawa ko para sa sarili ko." hindi pa din siya nagsasalita.
"Why did you bring me here?" I asked curiously.
"A-ah hehe nakalimutan ko. G-gusto ko sanang gamutin yang mga sugat mo." napakamot pa siya sa batok.
"May sugat ako?"
Bahagya siyang nagulat sa tanong ko. "Oo eh.. Hindi mo alam?"
Umiling ako. "Hindi ko ramdam."
"Look at your wrist."
I looked at my wrist at tama nga ang sinabi niya may malaking hiwa ako sa kamay. Geez, kelan pa 'to?
Tumingin ako ulit sa kanya at ngumiti. "Thank you for your concern but I can handle myself. And thank you for bringing me here. I appreciate it Unier but I have to go." pagkatapos kong sabihin yun ay agad kong nilisan ang lugar.
NAKAHINGA ako ng maluwag nang walang nangyari sakin pagpunta ko ng classroom. Agad na umupo ako sa upuan ko at natulala.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala ng bigla nalang may tumapik sakin. Nilingon ko kung sino ito at nakita ko ang ngiti-ngiting mukha ni Austin.
"Hi." bati niya. Anong plinaplano nito?
"Hello."
"Uhm pwedeng magtanong?"
"Nagtatanong kana."
Ngumuso siya. "Seryoso ako."
"Seryoso din naman ako ah?" pambabara ko ulit sa kanya.
"May tanong nga kasi ako eh!"
Bat galet? "Ano yun?"
"Nagpagupit ka ba?" nag peace sign pa ang loko.
"Sa tingin mo?"
"Nagpagupit ka nga?"
Gusto ko siyang irapan. Sinong tanga ang magpapagupit ng di pantay ang buhok at mukhang Dora?
Tumahimik nalang ako at agad na binaling ang atensyon ko sa pisara.
"Oi."
"Maple."
"Ate Maple."
"Baby Maple."
"Bunso Maple."
"Mapleleya Mapleleya Euphoria Euphoria." pagkakanta nito
"Noona Mapleleya Mapleleya."
Napabuntong-hininga ako at nilingon si Austin. "Ano?"
"Ayieeeee bati na kami!" What the heck is he talking about?
"Ha?"
Inirapan niya ako. "Wala! Hindi mo sinasagot ang tanong ko." Bipolar.
"Ang?"
"So nagpagupit ka nga?" Anak ng tae naman to oh!
"Hindi." simpleng sagot ko.
"Ha? Eh ano?"
"Will you please stop acting like you don't know anything? Malamang alam niyo na lahat ang pinanggagawa ng kaibigan niyo or baka kasali kayo sa gumawa sakin nito." Hindi ko naitago ang sarkasmo sa boses ko.
Biglang sumeryoso ang mukha nito. O—kay may nasabi ba ko?
"Hindi ko-" Naputol nito ang pagsasalita ng bigla nalang sumulpot ang dalawang barkada niya.
"Austin dude!" bati dito ni Xenon at Hillary
"Xenon. Hillary."
Umiwas nalang ako ng tingin sa kanila.
"Woah anyare sayo Austin? Ang seryoso mo yata? At bat nandito ka sa tabi ni Maple?"
"Fafa Xenon walangya yang si Uncle Pres nayan! Kaya pala ayaw akong kaibiganin ni Mapleleya kasi akala niya kasali tayo sa mga plano ni Pres waaaaaaah fafa Xenon hindi ako kasali diba? Diba?"
One thing I admire in Austin. He can be childish yet he can be so good at fighting.
"Maple."
Binalingan ko si Hillary pero hindi ako nagsalita.
"Maniwala ka, hindi kami sangkot sa mga plano ni Pres."
Tiningnan ko lang siya.
"Alam niyo bang si Pres ang may kagagawan niyan?" Tinuro ni Austin ang buhok ko. Agad namang napatayo yung dalawa.
"What?!" sabay na ani nito na agad na ikinabaling ng mga kaklase ko ang atensyon sa amin. Ang O-OA kasi. Langya naman.
"He did what?!"
"Bat niya ginawa yan?!"
Tiningnan ko lang sila. Wala ba talaga silang alam?
"Hindi ko alam." Ngumuso na naman si Austin. "Hindi naman siya si Deib Lhor Enrile walangyang Pres talaga."
Kumunot naman ang noo nung dalawa pati ang akin.
"Who the heck is Deib?" nalilitong tanong ni Hillary.
"Wattpad Fictional Character! Duh! Magbasa din kasi kayo ng wattpad!"
"Dimwit."
"Gay." mahinang bulong nung dalawa.
"Hoy narinig ko yun! Kayo ha! Hindi ako bakla! Nakakaattract kaya sa lalaki ang magbasa ng wattpad!"
"Read Harry Potter instead dimwit." ani ni Hillary.
"Ikaw pala 'tong bakla fafa Hill eh." pang-aasar ni Austin.
Hindi siya pinansin nila Hillary at Xenon at bumaling nalang sila sa akin.
"Are you okay Maple?"
"Sorry sa mga ginagawa ni Pres these past two months."
"Sorry talaga."
Tinanungan ko sila.
"Sorry talaga Maple"
"Babawi kami sayo."
"Oo nga! Babawi kami!"
Napangiti ako ng konti. "Hindi niyo naman kelangang gawin 'to."
"Pero gusto namin."
"Dahil kasalanan to ng loko-lokong kaibigan namin."
"Woah Austin parang di ka loko-loko ah?"
"Tumahimik ka abo!"
Kumunot ang noo ni Xenon. "What the heck?! Abo?!"
"Hehehe oo abo! Gaya gaya lang ako kay Amber tinatawag niya kasing abo si Gray kaya ganun wahahahahaa ang cute kasi!"
"What the hell are you talking about?"
"Wattpad Hillary! Wattpad! Wag kasi puro Academic books ang basahin mo!"
"For your information, I'm not a gay like you and besides academic books are most useful than your wa-"
"Shut up! Sesanghae!"
"Sesanghe?"
"Linya ni Chairman Moon yan walang basagan ng trip!"
"Tumahimik ka bakla!"
"Hindi ako bakla,ikaw yung bakla! Virgin ulol!"
Bigla namang namula si Hillary. "F-ck. I'm going to kill you!" nangangalating sabi nito.
"Hey manahimik kayo nakakahiya kay Maple oh."
Bigla namang natahimik yung dalawa.
"Sorry Maple."
"Mianhe Mapleleya. Sorry huhu"
"Okay lang." Nginitian ko sila ng tipid.
Nagdaldalan pa sila ng ilang minuto pero agad ding nagsitahimik nung pumasok na si Ma'am Bernadez.
They look like they have no idea sa pinanggagawa ni Preston pero hindi padin ako magpapakampante. Mamaya titirahin lang pala nila ako patalikod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top