CHAPTER 29
Chapter 29
"Baby come here." agad namang lumapit si Maple sa akin at niyakap ako sa gilid. Hinaplos ko naman ang buhok niya habang naglalaro ng scrabble kasama sila Unier, Xenon at Hillary si Chizka naman, ang asawa ni Unier ay nasa gilid lang nanonood sa amin, kanina pa nga hindi nag iimikan sina Chiz at Unier, baka nag-away. Nandito kami ngayon sa gazeboo at kaninang ala una pa talaga kami dito, it's already 4 in the afternoon but we're still playing dahil wala naman kaming klase dahil busy ang mga guro.
Hindi ko din alam kung nasaan si Austin pero ang alam ko lang ay magkasama daw sila ni Phoebe. Hindi ko alam kung ano ang namamagitan sa dalawang yun o kung meron nga ba.
Maple's favorite place is already my favorite place too dahil doon niya ako sinagot. It's been weeks and I can't believe that the girl I love is already mine. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo ni Maple at nagpatuloy sa paglalaro. Nasa kalagitnaan kaming naglalaro ng scrabble ng biglang nagpaalam si Maple na iihi na muna. I kissed her cheek bago ko siya pinaalis, sumama naman si Chizka sa kanya.
I was so glad that my baby is making friends already other than us. She became friends with Chizka and Phoebe at sa ibang kaklase naming babae ngunit ang iba ay hindi niya parin talaga nakakasundo. Wala nading nambubully sa kanya but I can see some girls making face whenever she's around me. Hindi niya naman pinapatulan dahil sanay naman daw siya sa mga yun.
"You and Maple look good together." nakangiting saad ni Unier.
"Whatever man."
"Pres." napalingon ako kay Hillary.
"Bakit?"
"Ano na?"
"Anong ano na?"
"Seriously man? Gusto mo pa bang ipaghiganti si Tita o hindi? You have to make a move now Pres. My friend told me that "A" will be leaving the arena soon."
Biglang sumeryoso ang mukha ko at biglang napawi ang ngiti sa labi ko. "What? Akala ko ba pag nakasali kana sa UA ay bawal ng umalis?"
"You can. Pero bago ka umalis you will face Deadly Battle, where you can use different types of weapons. You can use daggers, swords, knives, axe, spears anything except for guns. While A can only use her fist and her legs, whatever. And for those who want to kill the Angel of Death it's their chance. So, we really need to act fast because they only have 2 slots left. Just saying." aniya at sumandal sa gilid.
Tumango naman ako at sumilay ang mala demonyong ngiti sa mga labi ko. "That's great. Relly great."
"Yup." Hillary.
"We are going tonight."
"Ha? Ngayong gabi na agad?" tanong ni Xenon.
"Yeah." my brows furrowed. "Why not? I badly want to kill her right now. Nagtitimpi lang talaga ako. I'll make sure she'll die in my arms tonight."
"Are you sure Pres?"
"Yes I am. Ayaw niyo bang sumama? Ayos lang naman. I can perfectly handle that woman." ani ko at tumawa.
"No. We'll go with you. Kahit na babae yun gusto ko ding dumapo ang kamao ko sa pagmumukha niya for killing tita." seryosong saad ni Xenon.
"Okay. I'll call Tuffer para makapag schedule na siya sa labanan natin mamaya."
Tinanguan ko si Hillary at yumuko at sinamaan ng tingin ang sahig. Nawalan ako ng gana maglaro bigla.
"ANG bilis ng panahon noh?" medyo pasigaw na tanong ni Chizka. Nasa loob ako ng isang cubicle at nasa labas naman siya.
"Yup." simpleng sagot ko nalang.
"Malapit na ang high school day natin. Ano ng plano mo Maps? Ikaw ang presidente ng English Club diba? Ano na? 2 weeks nalang before high school day natin."
Bahagya akong natigilan dahil sa tanong niya. Yes, I am the president of english club at hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. I was busy with Menezo at nakalimutan ko na ang mga responsibilities ko. I sighed at tinapos na ang pag-ihi ko at lumabas ng cubicle. Pumunta ako sa gilid at sumandal sa pader habang nakatingin kay Chizka na ngayon ay may nilalagay sa mukha niya.
"I don't know kung ano ang gagawin ko, C."
"Well you better think now ayan kasi sobrang busy kay Preston." inirapan niya ako ngunit ngumiti lang ako at yumuko.
"Ang saya niyo ni Preston ah?" nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga titig sa akin ni Chizka sa salamin. "When are you planning to tell him?" taas ang kilay na tanong niya at pinunasan ang mukha niya.
"About what?" seryosong tanong niya.
"About you. About who you really are."
"Chiz." may pagbabanta sa tinig ko.
"What A? I am not tolerating this shit." humarap siya sa akin at sumandal sa sink. "Ano kailan mo ba balak sabihin?"
Huminga ako ng malalm at ginulo ang buhok. "Not now. Hindi pa ako handa."
"Seriously A?! Akala ko ba matalino ka? Why-"
Napatigil siya sa pagsasalita ng mag ring ang cellphone. Nagkatinginian kaming dalawa at tinanguan niya naman ako. I opened my phone at bigla akong kinabahan sa nabasa.
From: Tuffer
Madam A, Phaux Organazation has challenged you for a deadly battle tonight at 8 pm. Be ready madam.
"C-Chiz." nanginginig na saad ko kay Chizka at tiningnan siya.
"What?" kunot-noong aniya at inagaw ang cellphone ko. Nakita ko kung paano unti-unting nanlalaki ang mga mata niya.
"What the hell is this?! Why would they challenge you?!" hindi makapaniwalang tanong niya.
Umiling naman ako, "Hindi ko alam." binawi ko ulit ang cellphone sa kanya at tinawagan si Tuffer. Tinanggal ko muna ang voice changer ko habang nag ri-ring ang cellphone.
Nang masagot ni Tuffer ang tawag ay agad akong nagsalita. "Can you drop their challenge Tuffer?" malamig na saad ko.
"I'm sorry madam but I can only drop it if you will still stay in 26 Vigorous and UA since you're the queen but if you will continue to leave I can't do anything about it madam. It's the UA's rule."
Nahilot ko ang sentido sa nalaman. "Is there another way?"
"I'm afraid not madam."
"Did they tell you something?"
"Nothing madam. Master Hillary just texted me that they will challenge you for the Deadly Battle. And madam you have 3 Deadly Battle next week and 1 Deadly battle tomorrow. 5 slots are complete. If you can beat the 5 groups you're free to go madam."
Napalunok ako at nanghina. "Thanks Tuffer."
"My pleasure madam." agad kong tinapos ang tawag nanghinang naupo.
"Fuck." mahinang mura ko. "Why are they challenging me?" mahinang bulong ko sa hangin.
"I think you have done something na ayaw nila A? Or may kailangan sila sayo?"
"Wala naman. Wala akong maalala na nagawa ko." sagot ko at muling in-attach ang voice changer sa isang ngipin ko.
Nagkibit-balikat si Chizka. "I'll try if may makukuha akong impormasyon kay Unier."
"Thanks, C. But how will you do that?"
"I don't know." she sighed. "Mas mabuti pang bumalik na tayo doon."
Tumango naman ako. "Good idea."
Malapit na kami sa gazeboo ng mapatigil ako sa paglalakad.
"What's wrong?" tanong ni Chizka at huminto din sa paglalakad.
"Teka lang."
Sinuri ko ang mukha ni Menezo ngunit wala naman akong nakikitang kakaiba. Nakangiti lang siya habang naglalaro at nakikipagbiruan sa kanila. He looks happy pero hindi ko alam kung ano ang meron kay A- sakin. Hindi ko alam kung ano ang atraso ko sa kanya o gusto niya lang talaga akong makalaban. Suminghap ako ng hangin at hindi ko alam kung bakit bigla nalang naninikip ang dibdib ko. Hindi ako nakakahinga ng maayos at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naduduwag ako dahil alam kong hindi ko kayang saktan si Menezo mamaya. Hindi ko kayang saktan siya pero hahayaan ko nalang ba ang sarili kong mabugbog niya?
What if malaman niya na ako si A? Should I tell him now? Is this the right time to tell him? Will he still accept me if he would know that I am the Angel of death? Will he still love me?
Napako ako sa kinakatayuan ko ng biglang dumapo ang paningin ni Menezo sakin. Mas lumapad ang ngiti niya at lumapit sakin.
"Una nako makikipag ayos lang ako sa mokong na asawa ko para may malakap akong impormasyon." mahinang bulong ni Chizka. Tinanguan ko lang siya at umalis naman siya agad sa tabi ko. Kinalma ko ang sarili ko at hinintay ang paglapit sa akin ni Menezo.
Nang makalapit siya sa akin ay bigla niya akong hinapit sa bewang at hinalikan sa noo. "Bat ang tagal niyo sa cr baby?" nakangusong aniya. "Namiss tuloy kita."
Napangiti ako at pinalo ko siya sa braso. "Baliw ka Menezo."
"Oo baliw kay Maple baby ko." he grinned sheepishly at nanggigigil ko namang pinisil ang pisngi mo.
"Mukha mo!"
"Gwapo?"
"Hindi, pangit kaya."
"Ano kamo?" inis na tanong niya.
"Ang pangit mo Menezo." kunwareng seryosong saad ko at tinitigan ang mukha niya.
"Ha!" lumayo siya sakin at nameywang. "Wag kang lumapit sakin!" inirapan niya ako at tinalikuran. Napaamang ako sa sinabi niya. What the heck?! Ang OA! Medyo malayo na sakin si Menezo kaya sumigaw nalang ako.
"Hoy bakla!" effective naman ang pagtawag ko dahil natigilan siya at nangangalating bumalik sakin.
"Anong sabi mo?" seryosong saad niya ngunit hindi niya ako masisindak.
"Ang sabi ko 'hoy bakla' ganun." nang-aasar na pag uulit ko.
"Eh kung anakan kaya kita?" seryoso paring saad niya. Napalunok naman ako at biglang namutla.
Pinandilatan ko ng mata si Menezo ng bigla nalang siyang tumawa.
"Tinatawa mo?" sinimangutan ko siya.
Umiling naman siya at huminto na sa pagtawa. "Wala lang ang cute mo baby. Baby uwi na tayo?" anyaya niya.
Napalunok ako. "Pwede mamaya na?"
Biglang napawi ang ngiti niya at halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. He smiled at me apologetically. "Baby sorry pero may lakad ako mamaya eh." aniya.
Tumango naman ako, kunware hindi ko alam. "Saan?"
"Kay dad." he hesitantly said. He lied.
I smiled at him sweetly kahit alam ko namang pilit. "Okay. Tara."
Inakbayan niya ako at sabay kaming pumunta ng parking lot. Buong biyahe ay tahimik lang ako, hindi ako nagsasalita sa kanya at nakapikit lang ako. Alam kong iniisip ni Menezo na natutulog ako ngunit iniisip ko talaga kng ano ang gagawin ko mamaya. Ramdam ko ang paghinto ng sasakyan at aagd akong nagmulat ng mga mata.
Nilingon ko si Menezo na ngayon ay masuyong nakatitig sa akin. Umayos ako ng upo at hinaplos ang pisngi niya.
"I love you Maple." hinalikan niya ang kamay ko habang nakatitig sa akin.
Hindi ako sumagot pero alam kong nakikita niya sa mga mata ko kung gaano ko siya kamahal. Bumaba na ako ng sasakyan at tinanaw ang papalayong sasakyan ni Menezo.
"I love you Menezo." bulong ko sa hangin. "No matter what happens tonight. Nothing's ever gonna change that."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top