CHAPTER 28
Chapter 28
"Anong nangyari diyan sa kaibigan niyo?" dinig kong tanong ni Xenon kina Austin. Hindi ko nalang sila pinansin at nanatili lang na nakapikit.
"Hayaan niyo na muna yan." dama ko ang kaseryusuhan sa tinig ni Hillary.
Angel de la Muerte. Naglalaro ang pangalan niya sa isipan ko. How the fuck did a fifteen year old kill my mother? Ano bang atraso ng ina ko sa kanya? How did she kill my mother at a young age? Napanood ko siya sa bakbakan at aaminin kong sobrang hirap niyang kalabanin, sobrang hirap niyang patumbahin. Kahit maliit siya sobrang nakakatakot niyang tingnan. Unang tingin ko palang sa kanya alam ko ng may ibubuga siya. Angel of Death. Dumilat ako at tumawa ng malakas.
"Wala na finish na nababaliw na talaga si Uncle Pres."
"Her name suits her perfectly." natatawang saad ko pero kalaunan ay kumuyom ang kamao ko. "Angel of death huh? That motherf-cking angel of death." tagis ang bagang na saad ko.
"Si A? Yung astig at cool? Bakit anong meron sa kanya?" usisa ni Austin.
"She killed my mom." malamig na saad ko. Anger spread through me. Kahit matagal nayun sariwa parin ang sugat, hindi ako mapapanatag pag hindi ko napapatay ang pumatay sa mama ko. She will pay for this. I'll make sure of that.
MAKULIMLIM ang langit at batid kong uulan ng malakas mamaya buti nalang at nakadala ako ng jacket. Yumuko ako at sinisipa ang mga bato habang nakasandal sa sasakyan ko. Gaya ng ng dati ay hinihintay ko ang pagdating ni Maple. Nag-iisip kung paano ako makahiganti kay A. Yeah that b-tch was cool but I will never ever forgive that person for killing my mom.
"Hoy." napalingon ako kay Maple na nakatayo na pala sa harapan ko. Hindi ko namalayan ang pagdating niya. Ang nakakunot na noo ko kanina at ang galit ay biglang nawala ng makita ko ang mukha niya. I stared at her face for a moment. Damn this girl can lighten up my mood.
Walang sabi-sabi na hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. Napapikit ako ng yakapin niya ako pabalik. Damn a hug, just a hug from her nakakalimutan ko na problema ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya at binaon ang mukha ko sa leeg niya.
"Are you okay?" she asked while chuckling.
Tumango naman ako na parang bata. "Yes mommy." natatawang saad ko.
"Sira. Do you want to skip class today?" tanong niya.
"Why? Saan naman tayo pupunta?" tanong ko habang nakayakap padin sa kanya. "I thought ayaw na ayaw mong mag skip ng klase? Nung na hospital ka nga gustong-gusto mo ng pumasok kahit nilalagnat ka nun ng sobra. Kaya bat tayo mag si-skip ngayon?"
"Kasi," kumalas siya sa pagkakayakap sakin at pinisil ang pisngi ko, gaya ng ginagawa ko sa kanya. "I di-date kita."
"I di-date kita."
"I di-date kita."
"I di-date kita."
"Ha?" sakto ba yung pagkadinig ko? Idi-date niya ako? "Pakiulit."
"Idi-date kita. Ayaw mo ba?" namumulang saad niya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at umiwas ng tingin. Pumikit ako ng mariin dahil may tumutulak na naman sa akin na halikan siya.
"Hoy ayaw mo ba?" napaitad ako ng hawakan niya ang pisngi ko. Dumilat ako at lumayo sa kanya.
"Anong problema mo?" kunot-noong tanong niya.
I eyed her intently and my eyes dropped on her lips. "I want to kiss you again." ani ko at tiningnan siya ulit sa mga mata. Kita ko ang panlalaki nito at pamumula niya. We just stared at each other for a minute. Nahugot ko ang hininga ko ng dahan-dahan siyang lumapit sakin.
She trapped me between her arms. Tumingkayad siya at ginawaran ako ng mabilis na halik. Napamaang ako at nanigas sa kinakatayuan ko.
"Ayos na ba yun? Tara date na tayo? Nauubos na oras natin sa kabagalan mo." she smirked at me at naunang pumasok sa sasakyan. Nakatanga padin ako at nakamaang, hindi padin makapaniwala na hinalikan niya ako. Ngiti-ngiti din akong pumasok ng sasakyan. Nilingon ko si Maple at tinitigan, napansin din niya ang pagkatitig ko kaya nilingon niya din ako.
"What?"
"I love you." seryosong saad ko , namula naman siya at umiwas ng tingin. I don't need an answer because I know you love me too Maple.
Panay turo lang siya sa direksyon na pupuntahan namin habang ako naman ay sumusunod lang sa sinasabi niya. The corner of my lips tugged up when we stopped at a Chinese Restaurant.
"Dito ako minsan kumakain." napalingon ako sa kanya at nahawa ako sa pagkakangiti niya. "Maganda ang lugar dito. Tara Menezo." aniya at kinalas ang seatbelt at lumabas sa sasakyan. Sumunod naman ako sa kanya.
"Nǚshì, xiānshēng, huānyíng lái dào zhōngguó de gōngdiàn." ani ng babae matapos kaming pagbuksan ng pintuan.
"Xièxiè" nakangiting sabi ni Maple dito.
"Anong sabi?" tanong ko kay Maple ng makapasok kami.
"Hi ma'am and sir welcome to Chinese Palace, yun ang sinabi niya."
"Bat alam mo yun?"
"Madalas nga kasi ako dito," natatawang saad niya. "Noon kasama ko Ang parents ko pumunta dito pero ngayon hindi niya." nahihimigan ko ang lungkot sa boses niya.
"Where's your parents? Bat hindi na kayo pumupunta dito?"
"Uh let's not talk about them."
"Okay." hindi siguradong ani ko at inilibot ag paningin sa paligid. Ang ganda ng lugar, nakaka amaze at nakakapanibago. May mga chinese paintings sa dingding. Nakakamangha, sobrang ganda. Ang lamesa nila ay gawa sa mahogany. Ang crew nila ay halos singkit pero halata sa kanila na mga Pilipino din sila. Wow, this place is awesome.
Umupo kami ni Maple malapit sa counter. Ilang segundo lang ay may lumapit sa amin na lalaki at binigyan kami ng menu.
Nakatingin lang ako sa menu dahil hindi ko alam kung alin ang masarap dito. Wagyu Steaks, Ayam Cemani Black Chicken, White Truffles, Saffron, Swallows' Nest Soup, White Pearl Albino Caviar, Kopi Luwak Coffee, Matsutake Mushrooms, Golden opulence sundae, La madeline T-
"Nakapili kana?" napalingon ako kay Maple na ngayon kulang nalang ay pagtawanan ako. Nakasimangot kong binigay sa kanya ang menu. "Ikaw na."
She motioned her hand at lumapit naman yung lalaki kanina na nagbigay din ng menu sa amin. I put my head between my arms at nakapangalumbaba lang na nakatingin lang kay Maple.
"Hénme shì nǐ de dìngdān nǚshì, xiānshēng?" kumunot ang noo ko ng di ko na naman maintindihan ang sinabi ng lalaki.
Bumaba ang tingin ko sa menu at nanliliit ang mata ko ng makita kung gaano kamahal ang mga pagkain. I don't mind spending my money pag si Maple naman ang dahilan ngunit sabi ni Maple madalas daw siya dito, I don't get it. How can she afford these foods when infact she's just a scholar in our school?
"I would like to order two Wagyu steaks, Golden opulence sundae and chivas mixed with green tea, thank you."
"Tā jiàng zài 30 fēnzhōng nèi sòng dá nǚshì xiānshēng" ani ng lalaki at umalis na.
"30 minutes daw bago i serve ang pagkain."
"Ilan ang babayaran?" tanong ko kay Maple.
"It's okay. I already took care of it."
Kumunot ang noo ko, "Bat ikaw ang nagbayad?"
"Kasi nga ililibre kita." nakangiting saad niya at inayos ang salamin niya.
"These foods are expensive."
"Yeah. I know. Nagtatrabaho ako gabi-gabi at pinag-iponan ko talaga yan para ma idate kita. Appreciate mo yan." pagtatawa niya.
My heart skipped a beat. Damn, why does she have to be so cunning and sweet at the same time? Kinuha ko ang kamay niyang nasa lamesa at hinawakan ito, iginaya ko ito sa magkabilang pisngi ko at ginamit ko ang kamay niya sa paghaplos dito. I stared at her at alam kong nakikita nya ang emosyon sa mga mata ko. Nag usap lang kami tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa makarating ang inorder niya.
"Subuan moko." nakangusong saad ko.
"Okay." natatawang ani. "Say aahh Menezo."
I opened my mouth at nisinubo niya naman ang steak sa bibig ko. "Wow it's good." usal ko matapos malunok ang steak. Kinuha ko ang chopstick at tumusok ng steak. Natawa naman si Maple sa ginawa ko. Damn, i really don't know how to use chopsticks.
"Open your mouth baby Maple." sumunod naman siya sakin kaya sinubo ko ang steak sa kanya.
Nagsubuan lang kami at nagtagal ng ilang oras sa Chinese Restaurant nayun. It's already 2 pm nang makalabas kami galing doon. Nag-aya si Maple na mag mall at sumunod lang ako sa kanyaa. Dumiretso siya sa supermarket at may binili. Halos mag iisang oras nadin siyan doon but i waited for her patiently at tumitingin lang sa mga damit sa penshoppe pero hindi naman ako bumibili. Nang makarating si Maple ay may dala-dala na siyang dalawang paperbag pero wala naman akong ka ide-ideya kung ano ang laman nito dahil hindi naman siya nagsasabi.
Pagkarating namin sa parking lot nag representa si Maple na mag drive. Nagulat ako dahil hindi ko alam na marunong pala siyang mag drive ngunit kalaunan ay pumayag ako, I trust her. Nang makapasok ako sa passenger seat ay nagulat ako ng walang sabi-sabing sinuotan ako ni Maple ng blindfold.
"Baby Maple, ano to?" nakangusong saad ko.
"Secret." nang-aasar na aniya.
Buong biyahe ay pinapakiramdaman ko lang ang paligid ko dahil wala akong makita. Hindi ko alam kung ilang oras ng nagmamaneho si Maple pero batid kong dalawang oras na. Sa wakas ay huminto ay sasakyan pati nadin ang makina.
"Teka lang- wag na wag mong tatanggalin Menezo." ngumiti lang ako at tumango. "Yes ma'am!"
Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Nagmumuni lang ako sa loob ng sasakyan, naghihintay sa pagbabalik ni Maple. Ilang minuto lang ay rinig ko ang pagbukas ng pintuan ko at tinanggal ni Maple ang blindfold ko. She offered her hand and gladly accepted it kahit mukhang baliktad. Napansin kong madilim na ang paligid namin at kumikinang na ang bituin sa langit.
"Welcome to my favorite place." ani ni Maple at nilampasan ako. Tumingin ako sa paligid at unang napansin ko ang mga ilaw sa baba, nasa taas kami ng bundok at ang simoy ng hangin ay masarap sa pakiramdam, nakakarelax. Dumapo ang paningin ko sa bermuda grass at napangiti ng may makita akong coke in can, mga chitchirya at iba pa. Iling-iling akong hinigit sa braso si Maple kaya napaharap siya sa akin.
"Do you know how happy I am right now?" i asked while smiling.
"Are you?"
"Yes I am," hinalikan ko ang tungki ng ilong niya at pinaggigilan ang pisngi niya. Damn she's my baby. My one and only baby.
"May ibibigay ako sayo," aniya at lumayo ng bagya sakin. Tinanggal niya ang bracelet niyang parang kadena na kulay gold. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at isinuot ang bracelet dito. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. "This doesn't cost much since I bought it when I was a kid. I told myself that I will give this to the guy that I will love." nakangiting aniya para naman akong tumigil sa paghinga. "I really don't do this. Hindi ko aakalain na magiging ganito ako but hey I have to accept the fact that I am crazy about a guy who's name is Preston Kaizer Menezo. Kadena yan, palatandaan na akin kalang." kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumingin sa mga mata ko.
"I love you," was all I could say. Nginitian niya naman ako.
"Menezo, can you promise me one thing?"
"Anything baby. Right now, anything."
"Don't leave me, okay?" nakangiting aniya pero alam kong seryoso siya.
"I won't leave you no matter what happens. That's a promise."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top