CHAPTER 26
Chapter 26
Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko si Phoebe at Thalia na kumakain.
"Ang aga pa ah." ani ko at itinapon ang bag ko sa sofa, umupo ako sa tapat na upuan ni Thalia at sinabayan sila sa pagkain.
Inirapan ako ni Phoebe. "It's already 6 pm duh."
"San si Chizka?" pagbabalewala ko sa sinabi ni Phoebe.
"She's on a date with her husband. Hindi siya uuwi ngayon." tumango naman ako.
"Hinatid ka ni Preston?" biglang tanong ni Phoebe.
"Yup. Pero hanggang dun lang sa highway."
"Kayo na ba?" bigla akong nasamid sa tanong niya.
"H-Hindi pa." ani ko at dali-daling uminom ng tubig.
"Edi may plano kang sagutin?" napalingon ako kay Thalia dahil sa tanong niya. "Come on A you know you can't be together."
"I know." tanging nasabi ko nalang.
"But still hinayaan mo siyang mapalapit sayo."
"I know."
"Did you tell him ab-"
I cut her off. "Can we please eat?" pilit ang ngiting tanong ko.
Nanatili ang titig nila sakin ngunit hindi ko nalang sila pinansin. Mabilis kong tinapos ang pagkain at dumiretso sa kwarto. Hinubad ko ang uniform ko at nagpalit ng maluwag na damit at shorts. Pumunta ako sa banyo at hinubad ang wig ko, contact lens, pekeng kilay at voice changer. Naghilamos lang ako at agad na lumabas ng banyo.
Kumunot ang noo ko ng madatnan si Thalia at Phoebe na nakaupo sa gilid ng kama, tila hinihintay ang paglabas ko.
"Anyare sainyo?"
"I'm sorry," panimula ni Thalia. "Gusto ko lang naman ipaalala sa iyo na-"
"It's okay" pagpuputol ko sa kung ano man ang sasabihin niya. "I know the consequences D. But uhm I just don't care."
Natigilan sila sa naging sagot ko. "D-Do you love him?" she asked hesistantly.
"I don't know." walang pag alinlangan na sagot ko. "I'm happy when i'm with him." i told them honestly. "And if i'm falling for him, i won't stop myself. He's worth it." ani ko habang nakatitig sa kanilang dalawa.
"Anyway sasama kayo sakin?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Saan?"
"Bibili ako ng groceries. You know madami tayo dito sa bahay. Mauubos pagkain ko ang tatakaw niyo pa naman." pagbibiro ko.
"Well i'll go with you pero yang isa diyan ahem dito lang sa bahay since hindi pa siya magaling." nakita ko ang pag-irap ni Thalia ngunit hindi naman siya tumutol kay Phoebe.
Nang makarating kami sa mall ni Phoebe ay naghiwalay kami. Pumunta ako sa supermarket para bumili ng groceries. Bibili lang daw siya ng mga damit nila ni Thalia, hinayaan ko lang naman. Nakakalahati ng cart na ako ngunit hindi pa ako tapos mag grocery. Alam kong magtatagal pa silang tatlo sa apartment kaya dinamihan ko na. Pumunta ako sa aisle na puro de lata at namili ng mga iilan. Bumili din ako ng tatlong toothbrush, mga napkins at iba pa na magagamit nila sa bahay. Nang mapuno ko ang cart ay pumila na ako at nagbayad sa mga pinamili. Tinawagan ko si Phoebe at sinabi sa kanyang puntahan niya ako sa counter 2.
Inilagay ko lahat ng papaerbags sa pushcart sa sobrang dami nito. Kumunot ang noo ko ng makita si Phoebe na may naglalakihang paperbags na dala. Lahat din yun ay inilagay niya sa cart at naunang naglakad sakin. Tinulak ko ang pushcart habang sinasabayan siya sa paglalakad
"Bat ang dami nito?" singhal ko sa kanya.
"Well we will stay at your apartment longer kaya ayan madami akong biniling make ups, damit at iba."
"Nag aaksaya kalang ng pera. Eh kung sana bumalik ka nalang sa bahay niyo at kumuha ng mga damit?"
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako, "Seriously A? Eh kung uuwi ako hindi na ako makakabalik sa bahay mo." inirapan niya ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nak ng- pasalamat siya't madami ang tao kundi kanina ko pa kinakaladkad to.
Nang makarating kami sa parking lot may nakita kaming lalaki na binubogbog ng limang lalaki malapit sa kotse namin.
"Hey what the hell are you doing?!" maarteng sigaw ni Phoebe. Napalingon sa kanya ang limang lalaki.
"Wag kang makialam dito miss!" sigaw nung lalaking may kulot na buhok at may hawak na kutsilyo.
Maarteng naglakad si Phoebe palapit sa kanila habang nakasunod lang ako sa kanya. "Seriously? Ganyan na ba kayo ka duwag? Eh isa lang yan tapos ang dami niyo!"
Hinayaan ko nalang si Phoebe at dumiretso na sa sasakyan. I opened the trunk at inilagay lahat ng mga pinamili namin doon. Nang hindi magkasya inilagay ko ang iba sa backseat at sinarado ang sasakyan. Sumandal ako dito habang nakatingin kina Phoebe. Dinuduro na siya ngayon ng mga lalaki.
"Sinabi ko naman sayong wag kanang makialam diba miss?"
"It's because you're a coward! Seriously dude?! 1 vs. 5?!"
Tumaas ang sulok ng labi ko ng hawakan ng lalaki ang panga ni Phoebe at akmang duduruhan niya ulit ito ng malakas siyang sinipa ni Phoebe sa gitna kaya naaptras ito at nabitawan si Phoebe.
"Putangina ka!!! Langya kang babae ka!!!"
Hinawakan ng apat na lalaki si Phoebe. "Bitiwan niyo ako!" pagpupumilit ni Phoebe ngunit hindi siya binitawan ng mga lalaki. I smirked dahil alam kong hindi makakalaban si Phoebe dahil nakapalda lang siya ng maiksi. Umayos ng tayo ang lalaking nasipa si Phoebe at nanlilisik na tiningnan ito.
Tiningnan ako ni Phoebe at parang humihingi ng saklolo. Ngunit pinag krus ko lang ang braso ko habang nakatingin sa kanya.
"Fuck you A!" sigaw niya sakin. Ngiti-ngiti naman akong itinaas ang gitnang daliri ko, nang-aasar.
Sinuntok ng lalaki si Phoebe sa tiyan ngunit ang gaga nag-angat lang ng tingin at tumawa. "Is that all you got coward?"
Naglabas ng kustilyo ang lalaki at akmang isasaksak yun kay Phoebe ngunit malakas na sinipa ko ang pushcart kaya natamaan ang lalaki at nabitawan ang kutsilyo. Tiningnan niya ako ng masama.
"What?" nang-aasar na tanong ko.
"Hawakan niyo yan!!" sigaw niya at mabilis namang lumapit sa akin ang dalawang kasama niya. Nang makalapit sa akin ang dalawa ay umikot ako at mabilis na kinuha ang dalawang kutsilyo sa boots ko at tinarak sa tuhod nilang dalawa. Napahiyaw naman sila sa sobrang sakit at napaluhod. Mabilis na tumayo ako at pinagsisipa sila sa mukha. Nang bumagsak silang dalawa ay kinuha ko ang dalawang kutsilyo ko. Inayos ko ang buhok ko at tumingin kay Phoebe na nahihirapang makipag-away sa isang lalaki. Tsk palda pa more.
Ilang minuto din bago niya ito napabagsak. Tumingin siya sa lalaking sumuntok sa kanya kanina at tinuro ito, "You! Mag sorry ka sa kanya," sabay turo niya dun sa lalaking binugbog nila kanina.
Namumutlang tumango ang lalaki at mabilis na nag sorry, "S-Sorry." aniya at tumakbo.
"Phoebe!" nang makalingon sakin si Phoebe ay itinapon ko sa kanya ang kutsilyo na agad niya namang nasalo. Nilingon niya ulit ang lalaking tumakbo at tinawag ito. Napalingon naman ang lalaki sa amin at bago pa siya makatakbo ulit ay mabilis na naitapon ni Phoebe ang kutsilyo dito at agad naman itong tumarak sa tiyan ng lalaki.
"He'll live." hinihingal na aniya at lumapit doon sa lalaki na binugbog nila. She offered her hand na agad namang tinggap ng lalaki.
"Sa susunod wag kang pasikot-sikot ng ikaw lang mag-isa lalo na't wala kang kasama at wala kang alam sa pakikipag-away." seryosong saad ni Phoebe. Tumango naman ang lalaki at agad na niyakap si Phoebe. Kita ko ang gulat na bumalatay sa mukha ni Phoebe.
"T-Thank you." ani ng lalaki at humiwalay kay Phoebe. Kahit wala na ang lalaki ay nanatili pading gulat si Phoebe kaya tinapik ko ang balikat niya.
"Hoy tara na."
"A-Ah y-yeah." aniya at wala sa sariling pumasok sa kotse. What's with her?
NAPANGITI ako ng makita ko si Menezo na nakasandal sa kotse niya at hinihintay ako. Palagi niya na talaga akong sinusundo at hinahatid. Napalingon siya sa gawi ko at biglang umaliwalas ang mukha niya ng makita ako. Hindi ko na siya hinintay na makalapit sakin dahil ako ang kusang lumapit sa kanya at niyakap siya. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya habang sinisinghot ang pabango niya. Hindi ko alam pero bigla ko siyang namiss. Napapikit ako ng maramdaman ko ang kamay niyang pinulot sa bewang ko.
"You okay baby Maple?" he asked while chuckling.
Tumango ako habang nanatiling nakayakap sa kanya.
"I really want to hug you too the whole day pero may pasok pa tayo baby." aniya. Kagat ang labing humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kanya.
Nagulat ako ng bigla niyang idinampi ang palad niya sa noo ko. "Are you okay? Kahapon ka pa ganyan sakin ah." nakangiting aniya.
Umiling naman ako, "Ayaw mo ba?"
Nanlaki ang mata niya sa tanong ko. "What? Of course gusto ko!"
"Ayaw mo yata eh." kunwareng nagatatampong saad ko.
Hinawakan niya naman ang magkabilang pisngi ko at kinurot ito. "Gusto ko nga pero mas gusto kita."
Bigla akong namula sa sinabi niya at agad na naglikot ang mga mata ko. How can he be so darn sweet?
To save myself from embarrasment ay agad na nag change topic ako. "Uhm gumawa ako ng letche plan."
I saw how his eyes grew wider. "T-Talaga?"
Tumango ako. "Yup for you."
"Para sakin lang? Wala kina Austin?" nakangusong aniya.
"Ha? Gusto mo bang bigyan sila? Edi hatiin mo yung letche plan para mabigyan mo sila. Ikaw lang kasi ginawan ko kaya ayu-"
"T-Talaga?" his eyes twinkled, "Para sakin lang yan?"
"Oo nga."
"Eh bat letche plan?" he asked, amused.
"Kasi letche ka naman talaga dahil pinapatibok mo ng mabilis ang puso ko tapos inaasar mo pa ako kaya ayun nakaka bwesit lang pero kahit letche ka sweet ka naman sobra and i like that about you para kang letche plan. Appreciate mo yan pinag-aralan ko talaga kung paano lutuin yan." natatawang saad ko ng maalala kung ilang beses akong nag-aksaya ng letche plan kagabi para lang makuha ang saktong lasa, yung hindi masyadong nakakaumay.
Nag-angat ako ng tingin ng mapansin ang pananahimik ni Menezo. Bigla akong kinabahan ng makitang titig na titig siya sa akin. "B-Bakit?" tanong ko, hindi ko pinapahalatang kinakabahan ako. Ayaw niya ba?
"Maple..." napapaos na aniya. And the next thing I knew his lips was on mine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top