CHAPTER 21

Chapter 21

Ilang minuto na muna kaming namalagi nina Chizka at Phoebe sa CR ng mapagpasyahan naming lumabas na. Hinayaan lang namin sina Zeus sa CR. As of now wala akong pakialam sa kanila dahil mas iniisip ko ngayon ang kalagayan ni Thalia. Bumalik kami sa gazeboo at umacting na parang walang nangyari. Ayokong malaman nila na umiiyak ako.

Hindi ko alam kung napansin nila ang pananahimik ko but I couldn't care less. Buong maghapon ay lutang ako, nag-iisip kung ano ba talaga ang dapat na gawin. Natatakot ako hindi para sa sarili ko ngunit para kay Thalia, she's like a sister to me and I know how dangerous my mother can be.

"Hey." pagtatawag sakin ni Menezo ng makitang nagmamadali akong naglakad palabas ng classroom. Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Tumango naman ako at ngumiti ng tipid, "I'm fine."

Dahan-dahan din siyang tumango tinatansya kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Ihahatid na kita." anito.

"No, it's okay. Ayos lang ako."

"No. Ihahatid kita."

Tiningnan ko si Chizka at Phoebe na mataman na nakatingin sakin. Tinanguan nila ako kaya wala akong nagawa kundi pumayag sa gusto ni Menezo. Tahimik naming tinahak ang daan papuntang parking lot at hindi maiiwasan ang mga mapanuring tingin ng mga estudyante ngunit hindi ko analang inalintana.

Buong biyahe ay wala akong ginawa kundi pumikit at nag-isip. Mabuti din at nakikisama si Menezo mukhang nahahalata niyang wala ako sa mood. Dinilat ko lang ang mga mata ko ng maramdaman ko na huminto na kami, inilibot ko ang paningin sa paligid at nakitang huminto siya sa kung saan ko siya pinahinto noon. Mas mabuti ng hindi niya alam kung saan ako tumutuloy talaga. Akmang lalabas na ako ng sasakyan ng bigla niya akong hawakan sa braso at pinaharap sa kanya.

"Maple," aniya sa malambing na boses. "I'm worried. Are you really okay?"

I cupped his face na ikinagulat niya, "I'm fine." I offered a smile na nakapagtulala sa kanya. Sinamantala ko ang pagkakataon nayun para makalabas at pumunta sa gilid ng mga bahay-bahay para mawala sa paningin niya.

Nang makarating ako sa apartment ay agad kong nilock ang pinto at mabilis na nagpalit ng damit. I wore my usual black skinny jeans, black v neck tank tops and a black leather jacket. I also wore my black boots dahil ito lang ang komportable para sakin. Tinulak ko ang sofa ko at binuksan ang black na briefcase na nakatago sa ilalim nito. Pinasadahan ko ang kamay ko sa mga armas at napangisi.

Kinuha ko ang dalawang push dagger ko at itinago sa boots ko. Pinaglaruan ko naman ang fairbairn-sykes knife sa kaliwang kamay ko bago ko ito inipit sa likod ng jeans ko at inayos ko ang leather jacket para matabunan ito.

I bowed down to get my glock 17 gun. I only get 15 rounds with these precious baby. Inipit ko din sa likod ng jeans ang baril ko at huminga ng malalim. I heard my window creaked kaya pinakiramdaman ko ang paligid ko. I heard footsteps coming towards me kaya gumulong na ako sa sahig at mabilis na kinuha ang baril sa likod ko at mabilis na itinutok ito sa kung sino.

"Woah A chill."

I rolled my eyes and stood up. Pinandilatan ko ng mata si Chizka at inismiran naman ang natatawang si Phoebe. Ibinalik ko ang baril sa likod ng pantalon ko at lumapit sa kabinet at kinuha ang walang laman na box at inilapag ito sa lamesa.

"What are you two doing here?" I asked while removing my wig exposing my scarlett red hair.

"We're coming with you. We know you already A." sagot ni Phoebe sa tanong ko.

"Nope. You are not." mariin na saad ko.

Narinig ko ang mabibigat na buntong hininga nilang dalawa ngunit hindi ko nalang pinansin. I removed my fake eyelashes, fake eyebrows and contact lens revealing my ocean blue eyes. I also removed a small voice changer attached to my left tooth kaya nag-iba ang boses ko nung magsalita ako.

"A you need us." seryosong saad ni Phoebe. "I'm the only one who can cut through the servers, i'm the only one who can shut down the cctv cameras in your house!"

"I can do that on my own." I said as a matter of fact. "Thalia already taught me."

"Come on A she's my sister!"

"No." pagmamatigas ko.

"A!" frustrated na sigaw niya.

Hinugot ko ang baril ko at itinutok sa kanya. "They're currently torturing D right now Phoebe." nanginginig na saad ko, "Hindi ko hahayaan na pati ikaw ay makuha nila, naiintindihan mo?!" mariin na sigaw ko. Napatayo si Chizka at nanlaki ang mga mata ngunit nanatili ang mga titig ni Phoebe sakin.

"Don't worry A, you won't lose me."

NASA DAMUHAN ako nakaupo habang ngumunguya ng bubble gum sa bibig naghihintay sa update ni Phoebe. Nakatingin lang ako sa mataas na gusali ng bahay. The mansion is made of iron and silvery dew. I can see the fountain from here and the soft willow trees are at sides of the pathway. Kung sino man ang makakadaan dito ay paniguradong mapapahinto sila at mamangha sa bahay nato sa sobrang liwanag at karangyaan ngunit mahirap pasukin ang mansion nato sa sobrang daming guard na nakabantay. Mapait akong napangiti ng maalala kung bakit sobrang daming tagabantay sa bahay at kung bakit palagi akong pinoprotektahan nila mommy. When the bubble gum i'm chewing became tasteless I spit it to the ground.

"Hey L here. I already hack into the server and uh you're free to go A. Your mom left early this morning. Since there's no audio I read her mouth and seems like she'll be home after work. And we only have an hour left so we better make it count. Just make sure those guards won't catch you or else your mother will definitely kill us." sarkastikong saad niya na ikatawa ko.

"Thank you Phoebe."

"Anytime."

"Hey this is C. A uhm there's 75 guards total. F-ck this is going to be hard. I already knocked out some of them so basically there is still 64 left? I don't know I didn't count but anyway they'll be awake for about an hour atleast." tumango ako kahit hindi naman nila ako makikita.

"Gotcha baby C." ani ko at tumayo.

Pumunta ako sa puno ng mangga at maingat na umakyat. Umupo ako sa isang sanga at sinuot ang maitim na maskara ko. Nang makita kong lumiko ang isang guard sa paanan ay kinuha ko ang tyansa nayun para malakas na tumalon sa puno para makapasok sa hardin ng mansyon. I easily jump from the tree at tumago sa fountain not minding the cctv cameras around me because I know Phoebe already took care of that. Maingat akong tumakbo habang nakayuko, ni hindi gumagawa ng ingay ang bota na suot ko. Akmang papasok na sana ako sa pinto ng biglang nagsalita si Phoebe kaya napatago ako sa likod ng puno ng wala sa oras.

"Diyan kalang. Two guards are moving to your direction. Pag sinabi kong go umikot ka sa kaliwa para di ka makita." seryosong saad niya.

"Got it." I whispered enough for her to hear.

"Now." aniya at umikot naman ako sa kaliwa gaya ng sinabi niya.

"I thought you said go." I said annoyed.

"Still the same." matipid na aniya. Hindi nalang ako nagreklamo. "Go to your right. Chizka is already in the backyard with the key. Magtagpo kayong dalawa." aniya na agad ko namang sinunod. Pumunta ako sa kanang bahagi ng mansyon kung saan makikita ang malaking swimming pool. Hindi ko maiwasang bumuntong-hininga ng malalim ng maalala kung paano kami maglaro nila mommy at daddy sa pool noon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad dahil wala namang guard sa bahaging ito hanggang sa nagkabungguan kami ni Chizka. Mabilis ko namang kinuha ang susi sa kamay niya at umikot pabalik sa nilakaran ko kanina.

Hinawakan ko ang earpiece ko at nagsalita, "Good job C."

Wala na akong inaksaya na oras at pumunta sa likod ng bahay at pumasok sa kusina. Maingat ang naging galaw ko. Naalala ko pa bawat sulok ng bahay kaya nasisigurado kong hindi ako magkakamali. Sumilip ako sa kusina at nakita ang dalawang pamilyar na guard sakin, Si kuya Jeff at kuya Ron, nag-iinuman ang dalawa sa sala at nag-uusap. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako nakikita. Hindi ko alam kung paano ako makakakyat sa hagdan gayung may maid na naglilinis sa hagdan. I smirked when I heard na tinawag siya ni kuya Ron kaya naman wala akong inaksayang oras at agad akong umakyat ng walang ginagawang ingay.

Tumakbo ako papunta sa pinakadulong bahagi ng dalawang palapag at mabilis ang galaw na ipinasok ang susi sa doorknob. Napatingala ako ng agad itong bumukas. Mahinang tinulak ko ang pinto at nagmamadaling bumaba ng hagdan patungong basement. Nagbabayanad ang luha sa mata ko ng makita ang sitwasyon ni Thalia.

Natatakpan ang mukha niya at mukhang nawalan siya ng malay. Nakagapos ang kamay at paa niya at may electric shock sa gilid niya. I can perfectly hear her hard and slow breathing at naaawa ako sa sitwasyon niya. Gusot gusot na ang damit at shorts niya kaya nakikita ko ang mga pasa sa katawan niya. Her white tshirt is covered with blood. Lumuhod ako sa harapan niya at masuyong hinaplos ang pisngi niya, dahan-dahan para hindi ko masagi ang sugat niya.

"T-Thalia," malambing na saad ko kahit na umaagos ang masasaganang luha ko sa mga mata ko.

Her lips quivered at nag-angat siya ng tingin.

"A-A?" mahina at napapaos na aniya. I removed her blindfold and her blue eyes bore into mine.

"H-hi." sambit ko.

Lumamlam ang mata niya. "W-Why are you crying?" tanong niya.

"Why are you h-here?" tanong ko pabalik sa kanya. Sasagot na sana siya ng marinig kaming tinig na papalapit. Dali-dali kong binalik ang blindfold sa mata niya at naghanap ng matataguan.

"H-Hey A-A no m-matter w-what happens w-wag k-kang l-lalabas sa p-pinagtataguan m-mo j-just trust m-me." mahinang aniya na naririnig ko naman. I kissed her forehead at mariin na pumikit at agad na idinilat ang aking mata. Pumunta ako sa madilim na bahagi ng basement at nagtago sa gilid ng kabinet nasisigurado kong hindi ako makikita dito dahil itim din ang suot ko.

Biglang bumukas ang pinto at sinundan ko ng tingin ang babaeng naka pula na stilettos, naka pencil skirt at naka itim na blouse. I can perfectly see her flawless face na para bang hindi ito tumatanda.

"Well well well Thalia, ready for round five?" my mom is grinning evily while playing with the knife in her hand. Napalunok ako at nanginig. Natatakot ako sa posibleng mangyari kay Thalia.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top