CHAPTER 2

Chapter 2

Pagkauwi ko sa bahay ay wala akong sinayang na oras. Agad na binuksan ko ang binigay sa akin ni Preston.

"Since you got this card,
Beware because you will be experiencing hell. —Phaux Org"

Nahilot ko ang sentido dahil sa nabasa at biglang natawa. Anong kalokohan ba to? Is he kidding me? Ano siya bata para gumawa ng ganito?

I'm not afraid of them but hell I was really looking forward for my last year in Leur University to be memorable. Inaasahan kong wala na akong magiging problema pero tangina wala parin akong kawala.

Napabuntong-hininga ako. Why do they have to make this a big deal? Parang yun lang naman. It's not like I did something wrong.

You did. You didn't say thank you to Unier anang isang bahagi ng utak ko.

Sumalampak ako sa kama at nagpagulong-gulong. This day was too much and I'm exhausted.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nag iisip ng bigla nalang akong dinalaw ng antok.

Maaga akong nagising kinaumagahan. Hindi na ako kumain ng agahan dahil gusto ko na maagang makapasok ng eskwelahan. Pangalawang araw palang 'to ng pasukan kaya ayokong ma late.

Nagdala ako ng tatlong extrang damit gaya ng nakagawian.

Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na nilisan ko ang bahay at pumara ng jeep.

Malapit na ako sa gate ng Leur ng mapansin kong walang katao-tao sa eskwelahan. Kumunot ang noo ko. Wala bang klase?

Kahit na nagdadalawang isip ay pumasok parin ako.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng bigla akong hinarangan ni Zeus at nagsilabasan naman ang mga estudyante sa likod ng mga puno. Palihim kong nilibot ang paningin sa paligid.

Damn it. Bat hindi ko sila napansin..

Ngumisi ng nakakaloko si Zeus. "Hello nerd, like our surprise?" tinaas niya ang kaliwang kamay niya at nagsenyas sa mga estudyante.

Bigla akong napaaatras ng biglang may tumama sa noo ko at bigla itong nabasag. Naramdaman ko nalang ang malagkit na likido na dumaloy sa noo ko. Mga itlog. Walang tigil at walang awa nilang tinatapon sa akin ang mga itlog.

Napakagat-labi ako at akmang tatakbo ng hawakan ako sa braso ni Zeus. "Uh-uh where the hell are you going nerd? Hindi pa kami tapos." naramdaman ko ring tumigil na sila sa pagtatapon sakin ng mga itlog dahil malamang ayaw nilang matapunan si Zeus.

Napakuyom ako sa kamao ko. "Stop."

Tumawa siya ng nakakaloko. "Why? Can't take it anymore nerdy? We're not done yet. We're just starting." Biglang may lumapit na estudyante sa amin na may dalang balde. Pagkatapos nun pinaligo nito sa akin ang tubig na may maraming yelo. Humahangos na nag-angat ako ng tingin kay Zeus at sa lalaking nagbuhos sakin ng tubig.

Pinandilatan ko ng mata si Zeus. "Tumigil na kayo dahil kapag ako napuno- paniguradong ililibing ko kayo ng buhay.." seryosong saad ko. "sa impyerno."

Tinawanan niya ako na para bang isang napakalaking biro ang sinabi ko. "Who are you kidding nerd? Hahaha marami kami. Nag-iisa kalang. Who would want to be on your side?"

"You don't know me." madiin na ani ko.

"Of course we know you. You're Maple Hagim. A nerd and a lo—ser. You're nobody. Do you think Unier will save you again? Uh-uh dream on." nang-aasar na wika nito.

Napapikit ako. "Just stop."

Bigla niyang inilapit ang labi niya sa tenga ko. "Prepare yourself nerd. At may pinapadala palang mensahe si Master Pres — sabi niya hangga't mas maaga pa mag drop out kana." tsaka niya ako binitawan.

Wala akong inaksayang oras at tumakbo na ako papalayo sakanila at dumiretso sa banyo. Kinuha ko muna ang suot kong salamin at nilinisan ito tsaka ako nagtungo sa shower area at naligo.

Bawat patak ng malamig na tubig sa balat ko ay nagpapakalma sa galit na namumuo sa sistema ko.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Pinagkatitigan ko muna ang repleksyon ko sa salamin at napabuntong-hininga tsaka nagtungo sa pinto.

Nagtaka ako ng hindi ko ito mabuksan.

"May tao ba diyan?" pasigaw na tanong ko pero katahimikan lang ang sumagot sakin.

Ilang beses ko pang pinihit pabukas ang pintuan pero ayaw talagang mabuksan.

"May tao ba diyan?!" pasigaw na tanong. ko ulit pero gaya kanina walang sumagot.

Malakas na hinampas ko ang pintuan at ilang beses na nagmura sa isipan ko. Kinagat ko ang kuko ko at nag-isip ng plano para makalabas dito. Heck mali-late ako sa klase nito. Walangya.

Naiinis na sumalampak ako sa tiles ng banyo at tumingala. Ilang beses akong nakipagtitigan sa kisame ng may mapagtanto. Hindi pantay..

Tumayo ako at kinuha ko ang bag ko at sinabit ito sa magkabilang-balikat ko. Buti nalang at magaan lang to. Pumatong ako sa inidoro at tumindig. Hinila ko yung kahoy na naghaharang sa butas ng kisame at nagtagumpay ako. Sinasabi na nga bat kinulayan lang to.

Tumalon ako at kumabit sa kisame. I swayed my hips at buong lakas na inangat ang sarili ko para makapasok sa maliit na butas sa ibabaw ng kisame. Nagtagumpay naman ako sa ginawa ko. Sinanay ko muna ang mga mata ko sa dilim tsaka lumingon-lingon. May nakikita akong konting liwanag kaya tinahak ko ang daan papunta doon. Napaubo ako sa sobrang alikabok. Walangya.

Nang makaabot ako sa destinasyon ko ay ubod na lakas na sinipa ko ang kahoy na nakaharang dito at bumungad sa akin ang likuran ng Leur University. Walang kahirap-hirap na tumalon ako mula sa itaas. Nilingon ko ang wrist watch ko at nakita kong alas siyete kinse na. Nakahinga ako ng maluwag mabuti nalang at may kinse minutos pa akong natitira.

Pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo ko gamit ang kaliwang kamay ko at tahimik na naglalakad papunta sa likuran ng hardin para madali lang akong makapunta sa silid-aralan namin.

Napahinto ako sa pagpasok sa room dahil sa masasamang tingin na ipinupukol ng mga kaklase ko.

Ano na naman bang ginawa ko? Tss.

Umiwas nalang ako ng tingin at dumiretso sa upuan ko. Wala pa yung limang mokong. Mabuti naman.

Ipinatong ko ang braso ko sa lamesa at ipinatong ang mukha ko sa palad ko at diretso lang na tinitigan ang blackboard. Ilang minuto din akong ganun ng bigla nalang pumasok yung lima. Gaya kahapon nagsitilian na naman ang mga babae. Psh. Walang bago, mga abnoy paren.

Hindi na ako nag-abalang dapuan sila ng tingin, yumuko nalang ako at nagkunwaring tulog.

Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya nag-angat ako ng tingin.

"Hi nerd." nakangising bati ni Preston.

"Hala close kayo Pres!?" medyo malakas ang pagkasabi ni Austin dahilan para mapalingon sa amin ang iba naming mga kaklase.

I heard Xenon grunt. "Shut up Aus. Naririndi ako sa boses mo."

Nilingon ko si Austin at nakitang nakasimangot ito. "Ansama mo sakin baby Xe."

"Don't call me baby dude. It gross."

Tumikhim si Preston kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.

"How was your day?" he asked me while smirking.

Sobrang saya putangina mo. Ganun ba ka big deal sayo ang di ko pag thank you kay Unier? Ikaw ba si Unier gagong 'to. Ke aga-aga may kababalaghan ng nangyayari sakin. Bwesit kang demonyo ka!

Pero imbes na sabihin yun ay iba ang lumabas sa bibig ko. "Okay lang naman. Sayo ba?" kaswal na sagot ko, kahit yung totoo nanggigigil na talaga ako.

Nakita ko ang inis na dumaan sa mga mata niya kaya palihim akong napangiti.

"Talaga?" sarkastikong tanong niya. "Well, maganda naman ang araw ko dahil nakikita kong nahihirapan ang taong di marunong mag thank you." Isip-bata amputa.

Naramdaman ko ang paglingon ng mga kasama niya. Bago pa ako makasagot ay dumating na si Mr. Tamaro, ang science teacher namin.

"Good morning class. Please proceed to the laboratory mag eexperiment tayo ngayon. Make sure you bring your lab gowns and gears." pagkasabi niya nun ay agad na siyang umalis.

Nagsilabasan na yung iba kong kaklase kaya tumayo narin ako. Bahagya akong nagulat dahil yung upuan ko ay umangat.

Nagsitawanan ang ibang kaklase ko pero nangingibabaw ang kay Preston.

Tangina naman. Ano na naman ba 'to. Umupo ako ulit at bumagsak ng malakas ang upuan ko dahilan para tawanan nila ulit ako.

"Good luck nerd hahaha." nang-aasar na wika ni Preston at nilisan na ang classroom kasama ang mga kaklase namin.

"Tayo." nilingon ko ang nagsalita. Si Unier.

"Nandun na sila." ani ko pero tinaasan lang ako ng kilay ni Unier.

"So? Get up."

Wala akong nagawa kundi ang tumayo at gaya kanina umangat na naman ang inuupuan ko na nakadikit sa palda ko. Kunot-noo kong nilingon si Unier at napasinghap ako ng bigla niyang ginupit ang suot kong saya.

"Anong ginagawa mo?" kalmadong saad ko.

"Obviously, I'm cutting your skirt." pamimilosopo nito. "You know for a nerd like y-"

Piutol ko kung ano man ang sinasabi niya. "I'm not a nerd." mariin na saad ko.

He shrugs. "Fine. For a woman like you I can see that you're strong and you don't give up easily. But Maple, if I were you, I would transfer to another school. You will only get hurt. Hindi ka tatantanan ni Preston hanggang sa hindi ka niya nakikitang umiiyak. Hindi namin siya mapigilan sa mga balak niya. Ayaw niya kasi ng ginaganun ang kahit sino sa amin. At hindi na bago sa amin yun. You still have a chance. You could transfer." Tss. Pake ko?

"Are you done cutting my skirt?" nilingon ko siya at naguguluhan naman siyang tumango.

"A-ah yeah I forgot, hiniram ko to sa isang babaeng kaklase natin kanina." naiilang na tugon niya sabay abot sakin ng isang pares na saya.

"Alam mong mangyayari to?" kunot-noong tanong ko.

Bahagya naman siyang nagulat. "A-ah—"

I cut him off. "Don't bother. Alam ko na ang sagot." kinuha ko na ang mga gamit ko at naglakad papuntang pinto. "And Unier, you're right, i'm strong and I don't give up easily. Leur University has been part of my life, kahit anong gawin niyo hindi niyo ako mapapatalsik sa paaralan nato." makahulugang ani ko bago tuluyang umalis.


"Dude bat antagal mo?" mahinang singhal ko kay Unier.

"I was just helping someone." kibit-balikat na ani nito. Agad namang nag-init ang ulo ko.

"Who? That nerd? Oh come on dude, why did you freaking help her?" inis na tanong ko.

"Naaawa kasi ako."

Sumabat naman si Austin sa usapan. "Uy ano yan? Hala baby Xe at fafa Hillary oh hindi nagsishare ng kwento sila Lolo Unier at Manong Pres."

"What the fuck dude?!" sabay-sabay na sabi naming apat.

"You five! Get out of my class now!" sigaw ni Sir Tamaro saming lima.

"Bwesit ka talaga Austin yung acads ko" mahinang bulong ni Hillary.

"Sorry fafa Hill hihi." nag peace sign pa ang loko.

Sa aming lima si Hillary talaga ang hilig mag-aral. Palaging libro ang kaharap nito. Kulang nalang papakasalan niya ang mga libro niya.

Napako ang paningin ko kay Maple na nasa dulo ng lab at busy sa ginagawang experiment. Buti nakaabot pa to. Hindi ko alam na natitigan ko na pala siya.

"Mr. Menezo I told you to get out of my class!" umaalingaw ang sigaw nito sa lab pero parang wala lang kay Maple. Manhid. Lumabas na ako ng lab at mabilis na hinabol sila Xenon.

"Hey fuckers where are we going?" napa aray ako ng bigla akong binatukan ni Hillary.

"Why the heck did you do that?" inirapan niya ako. Bakla tss.

"Dun tayo sa gazeboo. Magkwento ka saming siraulo ka."

Kahit naiinis ay sinundan ko nalang sila. Nang makarating kami sa Gazeboo ay agad akong umupo at pinatong ang paa ko sa lamesa.

"So? Anong ikukwento ko? About sa the Little Mermaid? Rapunzel?"

"Gago talaga." mahinang bulong ni Xenon tsaka umupo sa tabi ko. Nasa tapat naman namin si Unier at Hillary at si Austin naman ay nasa kaliwang dulo.

"Manong Pres why are you bullying Maple?" mahinang ani ni Austin na parang babae. "I mean mabait naman siya ah?"

"How did you know retard? Tsaka diba nandun na kayo sa canteen? Bat di niyo alam?" I scoffed at them.

"Ang natatandaan lang namin iba yung nambully kay Maple." nalilitong ani ni Xenon.

"Ako rin!" magkasabay na bigkas nina Hillary at Austin.

"I told them." ani ni Unier. Tss.

"She seems nice." nilingon ko si Xenon at sinamaan ng tingin.

"Oh dude trust me she's not. Tinulungan na nga siya ni Unier dun sa mga nambully sa kanya. Hindi manlang siya nag thank you. Ang taas ng pride. Sinabi niya pang pinalala daw ni Unier ang sitwasyon. Does she know how lucky she is dahil niligtas siya ni Unier?"

"Hala lolo Unier niligtas mo? Hala sumbong kita sa asawa mo."

Binatukan naman ni Unier si Austin. "Gago ka tinulungan ko lang. Mahal ko ang asawa ko gago."

Nilingon ako ni Xenon. "Pres hindi sapat na rason yan para ganunin yung tao."

"I agree with Xenon, Pres" sabat ni Hillary.

"Me too." ani naman ni Unier.

"Me three!" inosenteng sabi ni Austin.

Natahimik kaming lahat pero agad na binasag ni Hillary ang katahimikan.

"So what are you going to do now?"

Sumandal ako sa upuan. "Kilala niyo na ako. Ayokong may ginaganung isa sa atin. I just want her to say sorry to Unier that's all. Pero kapag hindi niya sabihin yun- hindi ko siya tatantanan at ikaw naman Unier wag mo na siyang iligtas dahil isusumbong na talaga kita kay Chizka."

Umiling naman si Unier. "Whatever man."

Tinaas naman ni Xenon ang dalawang kamay niya. "Basta labas na ako diyan."

"Yeah me too. Una na ako sa inyo pupunta lang akong library." tugon ni Hillary at mabilis na nilisan ang gazeboo.

"Basta ako kakaibiganin ko si Maple dahil nakukyutan ako sakanya mwehehehe."

"Hoy sinong maysabi sayong kaibi-"

Mabilis siyang tumakbo palabas ng Gazeboo. Nilingon niya ako at nag flying kiss.

"Fucker." I murmured.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top