CHAPTER 19
Chapter 19
Pagkatapos ng mga sinabi ni Preston kahapon ay hindi ako masyadong natulog kakaisip kung totoo ba talaga lahat ng mga sinasasabi niya. Lahat ng mga salita niya ay tumatatak talaga sa isip ko at hindi ko alam kung paano alisin ng lahat ng yun- o kung maaalis ko ba talaga sa isipan ko.
I stopped on my track when I saw Preston leaning at the side of his car frowning. Bad mood ba tong taong to? I caught my breath and was about to go back to my apartment pero huli na ang lahat dahil nakita na niya ako. Ang kaninang nakasimangot na mukha niya ay napalitan ng masiglang ngiti.
"There you are." aniya at lumapit sa akin. "Good morning." Napasindak ako ng bigla niyang ipinulot ang braso niya sa bewang ko at yumuko para gawaran ako ng halik sa pisngi. Napalunok ako ng biglang naghaharumento ang sistema ko dahil sa simpleng ginawa niya. Sh-t.
Inakbayan niya ako at ipinatong ang ulo niya sa noo ko habang naglalakad kami palapit sa sasakyan niya, "Kumain kana Maple?"
"Hindi pa." simpleng sagot ko kahit hindi ako makapakali sa sobrang lapit niya.
"Great. May dala akong pagkain." aniya at pinisil ang tungki ng ilong ko at pinagbuksan ako ng pinto.
"Hop in my baby." suminghap ako ng hangin at namula dahil sa sinabi niya. Dali-dali akong sumakay sa sasakyan dahil sa pagpakahiya. Geez, hindi ako sanay na ganito siya. Bat ba siya ganito? Tss.
Nang makapasok na siya sa kotse ay may inabot siyang plastic bags sa likuran at binigay sakin. Kinuha ko naman at tiningnan siya, "Ano to?"
"Food." aniya ng nakangiti at binawi sakin ang plastic bag. Tss, abnormal. Ibibigay tapos babawiin ganun? Ganun? Nakakabanas naman tong tao nato. Tiningnan ko lang siya habang isa-isang inilalabas ang mga pagkain na nasa paperbag. "I bought egg Mcmuffin from McDo and caramel macchiato. Eto nalang binili ko since hindi ko naman alam kung ano ang gusto mo bukod sa gusto mo din ako wala na akong alam na iba mo pang gusto."
Napamaang ako sa sinabi niya, "Hindi kita gusto." direktang saad ko.
Nalukot ang mukha niya sa narinig. "Alam ko. Advance lang akong mag-isip." nakangusong aniya.
"Wow." maanghang ani ko. Ibang klase. Ano bang kinain ng lalaking to?
"Tsk. Ano?"
Umiling ako at itinuon nalang ang atensyon sa labas habang hindi padin makapaniwala sa sinabi niya. Damn it bat ba siya ganito? Hindi ako sanay na ganito siya nakakabanas naman.
Naramdaman ko ang kamay ni Preston sa pisngi ko at kinukurot ito at pinipilit ang mukha kong humarap sa kanya nagwagi naman ang loko, napanguso ako sa ginawa niya. Napa aray ako ng bigla niyang pinitik ang labi ko. "I told you to stop pouting, didn't i?"
Sisinghalan ko na sana siya ng bigla niyang inilapit ang pagkain sa bibig ko. "Open your mouth baby."
"Ako na." naiilang na ani ko.
"Baby choose kakain ka o kakainin kita?" seryosong ani kaya wala naman akong nagawa kundi sundin siya at kumagat sa egg muffin. Damn what's with this guy? His simple endearment made my heart flutter.
Pinakain niya muna ako tsaka binigay sakin ang macchiato. Pagkatapos nun ay tinahak na namin ang daan papuntang eskwelahan. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng bigla niyang ibinigay sakin ang cellphone niya.
"Anong gagawin ko dito?" tanong ko sa kanya.
"Save mo number mo jan. Kahapon ko pa hinihingi nakalimutan ko lang kunin." aniya habang nasa daan parin ang paningin.
Tumango ako at in-on ang cellphone niya. Nahigit ko ang hininga ko ng makita ang mukha ko sa lockscreen niya. Naka tingin ako sa blackboard habang nakapisil naman ang dulo ng ballpen ko sa pisngi ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tumingin ulit kay Preston. Why does he have to be this sweet? First time akong ginanito ng isang lalaki. Nakakapanibago sobra.
"Uhm anong password mo?" kaswal na tanong ko.
"Baby Maple."
"Ha?" nalilitong saad ko.
"Baby Maple ang password ko." pag-uulit niya.
Tinype ko ang sinabi niya kahit nanginginig ang kamay ko. Namula ang magkabilang pisngi ko ng mabuksan ang cellphone niya at ako ang wallpaper niya pero iba lang ang pose. Nakatingin ako sa malayo habang kinakagat ang labi ko. Ang wallpaper at lockscreen niya ay kuha kahapon nung kami lang dalawa sa classroom. Lahat puro stolen. Napangiti nalang ako at pumunta sa contacts at in-add ang number ko. Pagkatapos nun ay inilagay ko na ang cellphone niya sa ibabaw ng dashboard.
Nang makarating kami sa parking lot ng Leur ay hindi pa agad ako bumaba. Kinakatok na ni Menezo ang bintana ng kotse ko ngunit hindi ko padin binubuksan. Gusto kong mauna siyang maglakad para walang makakita sa amin ngunit hindi siya pumapayag. Bahala siya diyan maghintay. Inis na inis na Menezo na muntik ko ng ikatawa.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatagilid ang ulo ko. Nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya at agad na nabuksan ang bintana sa kotse. "Ngiti-ngiti mo diyan?" iritadong aniya. Bigla namang napawi ang ngiti sa mukha ko at tumikhim.
"Labas." mariin na aniya at agad na bumukas ang kotse. Napabuga ako ng hangin ng makita ang car remote key sa kamay niya. Lumabas ako ng sasakyan at padabog na sinara ang pinto ng kotse niya.
"Mauna kanang maglakad." malamig na saad ko.
Nameywang siya at tumingala. "Wow pag galit ako galit ka din. Wow. Just wow." Tiningnan niya ulit ako ngunit suminghap lang siya ng hangin at tumingala ulit. Damn this guy, his making my head hurt. Inis na inikot ko ang mga mata ko at hinawakan siya sa braso at hinila.
Rinig ko ang ang singhapan at bulong-bulungan ng mga estudyante ngunit nanatiling blangko ang mukha ko habang naglalakad na nakahawak sa braso ni Menezo.
"Oh my gosh what is she doing to our Preston?!"
"Oh my gosh oh my gosh!!!"
"Stop her omg!!!"
"What is she doing?!"
"Such a sluutt!"
"Omg our Preston!!!!!!"
Malapit ko ng masapak ang babaeng nasa harapan ko- humaharang sa dinadaanan namin ni Menezo. Mahigpit na hinawakan ko ang braso ni Menezo sa sobrang panggigigil. Kitang nagmamadali ako eh, letche.
"Where are you taking my Preston?" maarteng tanong niya. "And stop touching him trash eww." Hinablot niya ang braso ni Menezo kaya napabitaw ako dito. Hinila niya si Menezo papunta sa likod niya na para bang pinoprotektahan ito sakin. Nagkatitigan kami ni Menezo at parang nanghahamon ang ngiti niya.
"Get lost." maarteng saad ng babae sa harap ko. Hindi ko siya dinapuan ng tingin dahil nanatili lang akong nakatitig kay Menezo. Naghihintay sa gagawin niya o kung may gagawin ba talaga siya.
Napa atras ako ng bigla akong tinulak ng babae sa harapan ko. Binuntutan naman iyon ng tawa ng mga estudyante pero kahit ganun ay nanatili ang mga mata ko kay Menezo na ngayon ay nagdidilim na ang paningin. Winaksi niya ang kamay ng maarteng babae at lumapit sakin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mukha.
"Are you okay?" bakas ang pag-aalala sa boses niya.
Namula ang pisngi ko sa hiyang nararamdaman dahil parang merkado na angg eskwleahan dahil sa samu't-sariwang bulong-bulungan. Dahan-dahan akong tumango kay Menezo kaya nakahinga siya ng maluwag. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na nagdulot ng libo-libong kuryente sa katawan ko. Hinarap niya ang babaeng nagtulak sakin kanina.
"Don't do that again to my girl." may diin na aniya.
Ngayon ako naman ang hila-hila niya papuntang classroom.
Tumahimik ang mga kaklase namin ng pumasok kaming dalawa ni Menezo sa classroom. Yung mga babae naman ay ang sama ng tingin sakin, tss wala ng bago. Nasa kanya-kanyang upuan na sina Unier, Austin, Xenon at Hillary habang sinusundan kami ng tingin.
"Alis diyan Yam." iritadong saad ni Menezo.
"Bakit?" kunot-noong tanong ni Unier. "Upuan ko to."
"Hindi mo yan upuan sa school yan."
"Dito ako nakaupo" sarkastikong saad ni Unier.
"Hindi na ngayon. Diyan na ako. Alis."
"No." matigas na ani ni Unier.
"Hell yes."
"No."
"Yes."
"No."
"Yes."
"Say please."
"Oh come on dude." na fu-frustrate ng saad ni Menezo.
"Say please." pag-uulit ni Unier.
He heave a sigh, "Fine. Please."
"Sincere na please."
"Please Unier." pagmamakaawa ni Menezo. Napatawa silang Austin habang nagpipigil naman ako ng ngiti.
Humalakhak si Unier sa ginawa ni Preston pero agad din naman siyang tumayo at tumabi kay Austin. Pinaupo ako ni Menezo at umupo narin siya. Kinuha ko ang notebook ko at nag sketch ng panda.
"Good morning Maps." nag-angat ako ng tingin at nilampasan ng tingin si Menezo para batiin din si Xenon.
"Morning." maikling saad ko.
"Good morning Maple." saad din ni Hillary. Nginitian ko siya ng tipid. "Morning"
Akmang babalik ulit ako sa pag si-sketch ng biglang hawakan ni Austin ang panga ko at pinaharap sa kanya.
"Good morning Mapleleya." nakangiting bati sakin ni Austin at pinisil ang tungki ng ilong ko. Nginitian ko siya at bumati rin ng magandang umaga.
Nagulat ako ng biglang nahawi ang kamay ni Austin sa panga ko at napalitan iyon ng kamay ni Menezo. "Dude, she's off limits." mariin na saad ni Menezo. Psh, seloso.
"Kaibigan naman kami ni Mapleleya ah."
"Hindi pwedeng gawin yun."
"Sa gusto ko eh."
"Hindi nga pwede."
"Kaibigan ko siya eh."
"Hindi gawain ng kaibigan yun."
"Kaibigan karin naman niya ah." nakangusong saad ni Austin.
"Well... i'm different."
"How so?" sabad ni Hillary.
"Manliligaw niya ako." umiigting ang pangang sagot ni Menezo. Bogok, ni hindi nga kita pinayagan na ligawan ako. Pauso tong tao nato.
"Edi ligawan din namin siya para makagawa kami ng ganyan sa kanya." sarkastikong saad ni Hillary.
"No!" tumaas ang boses ni Menezo kaya agad silang napatingin samin.
"Liligawan namin."
"Hindi nga sabi pwede."
"Edi pahawakan mo si Maple. Hindi mo pa naman siya pag-aari ah?" Xenon.
"Ano ba?" iritableng saad ni Menezo. "Kailangan ko ba bang ilagay sa buong katawan niya ang pangalan ko para malaman niyo na pag mamay-ari ko siya at sakin lang talaga siya ha?!"
Napamaang ako sa sinabi nito. Pinaharap niya ang mukha niya sakin at pinisil ang baba ko. Tinitigan niya ako ng matalim. "Ikaw na babae ka pag nakita kong may humawak sayo na iba pepektusan talaga kita." seryosong aniya.
Napalunok naman ako sa sinabi niya at hindi makapagsalita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top