CHAPTER 18
Chapter 18
Nasa gazeboo kami ngayon at maiingay na kumakain. Nasa iisang table kami nina Austin, Unier at Maple habang nasa kabila naman sina Xenon at Hillary naglalaro ng scrabble. Ewan ko ba kung bat hindi sumasali si Unier eh favorite niya naman yun.
"May last na knock knock pa ako." sabi ni Austin at tumawa ng malakas. I scoffed. Hindi pa nga nagsisimula tumatawa na, loko talaga. Napailing nalang ako at uminom nalang ng tubig.
"Knock knock."
"Who's there?" si Xenon ang sumagot na nasa kabilang lamesa.
"Paksiw,"
"Paksiw who?"
Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Paksiw na naman o kay tulin ng araw HAHAHAHHAHAHAHAHA"
Tumawa din si Xenon habang malapit ko namang maibuga ang iniinom ko dahil sa kakornyhan niya. Dumapo ang paningin ko kay Maple na napailing pero nakangiti. Tss. Enjoy na enjoy ah? Umiwas ako ng tingin at kumuyom ang kamao.
Napatingin ulit ako kay Maple ng bigla itong tumayo at nagpaalam na mag si cr. Nagtama ang paningin naming dalawa pero siya din ang unang nag-iwas ng tingin animo'y hindi komportable sa mga titig ko. Tumaas ang sulok ng labi ko. Tsk tsk tsk Maple, my Maple.
Ngisi-ngisi akong yumuko at nagpatuloy sa pagkain.
"Aki nayan fafa Un."
"Ayoko nga bumili ka ng sayo."
"Ang sama mo mabuti pa si Maple binibigyan mo."
"Oo na." inis na ani nito. Nilingon ko silang dalawa at pinatahimik. "Ang ingay niyo." reklamo ko.
Tiningnan ako ni Unier na may naglalrong ngiti sa labi, "Pres umamin ka nga samin, may gusto ka ba kay Maple?"
Natigilan ako dahil sa tanong niya at napatingin kay Austin na nakamaang na ngayon sakin. Napalunok ako at hindi agad makasagot.
"PRES umamin ka nga samin, may gusto ka ba kay Maple?" napatigil sa paglalakad at tumago sa isang puno ng marinig ko ang tinanong ni Unier kay Preston. What the hell?! Bat naman siya magkakagusto sakin? Tss.
Sumilip ako ng konti kaya nakikita ko ang kabuuan ng mukha niya. Nakatitig lang siya kay Austin pero hindi naman siya sumasagot. I sighed at akmang lalabas na sa pinagtataguan ko ngunit agad akong napaatras ng isang hakbang ng marinig ko ang sagot niya.
"Yes. I like her a lot. And i'm willing to do everything just to make her mine." may diin na aniya.
Napalunok ako at napahawak bigla sa dibdib ko. My heart is pounding and i can't breath normally. What is he saying? I-Is he crazy? Is he playing with them? Nahigit ko ang hininga ko at hinintay na magsabi siya na nagbibiro lang siya ngunit hindi, hindi niya sinabi. Napalunok ako ng paulit-ulit at hindi makagalaw sa kinakatuan ko, what is wrong with me?
"Pano yan may gusto din si Austin kay Maple?" narinig kong tanong ni Unier at binuntutan ito ng tawa. What the hell is he saying?! Si Austin may gusto sakin? Imposible!
"May the best man win." narinig kong saad ni Preston. Sumilip ako at nakita ko ang pag nguso ni Austin, "Wala naman akong gusto kay Mapleleya eh, crush ko lang siya." I sighed in relief ng marinig ang sinabi ni Austin, good because I can only offer him friendship.
Nakita ko ang pag ngiti ni Preston at pagkagat niya sa kanyang pang-ibabang labi kaya napalunok na naman ako at umiwas ng tingin. My heart is still pounding fast and I don't know how to make it stop. I don't know what's wrong with me and why i'm feeling this way.
"Good. She's mine." narinig kong aniya.
"Just don't hurt Mapleleya Uncle Pres. I love her. We love her." seryosong saad ni Austin. Ngayon ko palang siya nakitang ganyan ka seryoso.
Nakita ko ang pag tango ni Preston. "I won't."
"Good."
Tumalikod ako at lakad-takbo ang ginawa ko pabalik sa CR. I can't face him and them right now.
Pag karating ko sa CR ay agad akong pumasok sa isang cubicle at sumandal sa dingding. Sobrang lakas padin ng pintig ng puso ko at hindi ko alam kung paano pigilan ito. Huminga ako ng malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili ko. Shit. I am in trouble. I shouldn't have let them be close to me. I shouldn't have. This is a mistake. I should have ignored them before pero hindi hinayaan ko lang silang mapalapit sa akin.
Inuntog ko ang ulo ko sa pader at nag-isip. Damn I should ignore them now before everything gets messy. I should let them hate me but how?
Ilang minuto pa akong namalagi sa banyo at nag-isip ng mapagpasyahan kong lumabas na. Sinuklay ko na muna ang buhok ko na nagulo dahil sa pagsabunot ko dito bago lumabas. Hindi na ako bumalik sa gazeboo. Dumiretso na ako sa classroom at natulog nalang.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog ngunit may naramdaman akong kamay na humahaplos sa buhok ko. Dumilat ako at nagtagpo ang mga mata namin ni Preston. I gulped because he was staring at me intently habang hinahaplos ang buhok ko. At heto na naman ang puso ko naghaharumento dahil sa sobrang lapit niya.
"Hey," he said softly.
Tumango lang ako dahil hindi ko mahanap ang boses ko. Why am I like this?
"Are you okay?" kunot ang noong tanong niya habang hinahaplos parin ang buhok ko.
"Y-yes." sa wakas ay nahanap ko narin ang boses ko.
"Hinahanap ka namin kanina pa nandito kalang pala."
Agad naman akong nakaramdam ng konsensya dahil sa nalaman. Sana nagpaalam nalang ako.
Great, akala ko ba iiwasan mo na sila? anang isang bahagi ng utak ko.
Umupo ako ng maayos at inilibot ang paningin sa paligid ngunit kumunot ang noo ko makitang walang tao sa classroom maliban sa aming dalawa ni Preston.
"Uh? Saan sila?" tanong ko dito at nilingon siya. Namula ako ng makitang nakatitig parin siya sakin. Sh-t may dumi ba ako sa mukha?
"Wala tayong afternoon class. Busy ang mga teachers. Pinaalis ko lahat ng mga kaklase natin sa classroom dahil natutulog ka." nakatitig parin sa akin na aniya.
"Bakit?"
"Baka magising ka eh." nakangusong aniya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para mapigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko.
"Stop biting your lip." seryosong aniya habang nakatitig parin sakin.
"Huh? Why?"
"Just stop."
"Okay." saad ko at akmang tatayo ng hinila niya ang pulsuhan ko kaya napaupo ako sa hita. Nanigas ang buong katawan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. My breathing become ragged at mas dumoble ang lakas ng pintig ng puso ko. I feel uncomfortable at sobra akong kinakabahan, hindi ko alam kung bakit.
"Maple." malumay na ani at pinulot ang braso niya sa tiyan ko. I bit my lower lip dahil hindi ako komportable na nakaupo sa hita niya. Damn it. Why does he have to do this?
"Yes?" ani ko sa malamig na boses. Ayokong ipahalata sa kanya na kinakabahan ako sa ginagawa niya.
"Are you afraid of me?" biglang tanong niya.
"No." i told him honestly. I'm not afraid of him. I'm afraid of myself.
"Then why are you shaking?"
Nahigit ko ang hininga dahil sa tanong niya. Napatingin ako sa kamay ko at tama siya nanginginig nga ako. Damn. Pinikit ko ang mga mata ko at kinalma ang sarili ko hanggang sa naramdaman kong hindi na ako nanginginig.
"I'm not." buo ang boses na ani ko.
Naramdaman kong ibinaon niya ang ulo niya sa likod ko, "I'm sorry." malambing na aniya.
Napalunok ako, "Bat ka nag so-sorry?"
Narinig ko ang marahas na buntong-hininga niya. "Sorry kasi hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sorry dahil nahuhulog na ako sayo. Sorry kasi liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. Sorry dahil palagi na kitang susunduin sa bahay niyo. Sorry pero bahala ka gagawin ko yan kahit magalit ka."
Imbis na magalit ay napamaang ako sa sinabi niya. What?! What the hell?!
"Bat ba ako nag so-sorry eh hindi naman ako sincere."
Ano bang pinagsasabi nito?
"So ayun since ikaw naman ang pinakaunang babae na liligawan ko dahil wala akong naging girlfriend hindi ko alam kung anong dapat gawin pero nag research ako kanina sa google. Start off as friends daw then then take her out tapos bigay mo din cellphone number mo kakantahan kita palagi at tatawagan ofcourse. Maganda naman boses ko kaya pwede na pampatulog mo. Tapos wag kadin masyadong lumapit sa mga lalaki. Ok lang kung lalapit ka kina Austin pero limitan mo. Ngingiti ka sa mga jokes nila pero pag ako dapat ang mag joke dapat tumawa ka." mahabang lintaya niya.
"Sakin kalang dapat magpacute. Dapat yang pagiging cold ko bawasan mo pag ako kausap mo at syempre sa iba dapat cold ka. Tapos hatid at sundo na kita palagi sa ayaw at sa gusto mo kagaya ng sinabi ko kanina. Tingnan mo yung nangyari sayo noon tsk tsk pero ayos nayun nabugbog ko na ang mag bwesit nayun. Dapat sabay na din tayong mag lunch always. Minsan kalang dapat sumabay ng lunch kina Austin dahil magseselos ako. Seloso pa naman ako sobra kaya bawal talaga Maple. Tapos dapat ako yung lockscreen mo, teka wala pa akong picture sayo kaya mamaya na kita pipicturan dapat ako din ang password mo dahil ikaw na ang password ko at hmm ano pa ba?" aniya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa tiyan ko.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, nanliligaw pa siya sa lagay nayan?
"Nanliligaw ka pa sa lagay nayan?" inis na tanong ko sa kanya at pinipilit na kumawala sa mga yakap niya ngunit mas hinigpitan niya pa ng sobra. "Eh parang tayo na eh!" singhal ko.
Nababaliw na ba tong lalaki na to? Tsk.
"Hmm, gusto mo ba na tayo na? Hindi ka na ba makakapaghintay?" tanong niya na mas lalong nagpakulo sa ulo ko. What the hell is he saying?!
"Wha-" pinutol niya kung ano man ang sasabihin ko.
"Pwede din naman pero mas gusto kong ligawan ka, mas gusto kong paghirapan ka. Mas sweet kasi yung ganun sabi ng research ko kanina kaya sorry Maple pero hindi pa tayo pwede sa ngayon, kailangan pa talaga kitang ligawan."
Napapikit nalang ako sa sobrang inis. Oh hell what am I getting myself into?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top