CHAPTER 17


Chapter 17

We won the match ngunit may malalaking pasa padin kaming natamo. I didn't mind, this happens all the time anyway. Naipaghiganti na namin si Maple, kaya ayos nayun. Napuruhan na sila ng sobra and that's all that matters anyway.

Iniwan ko na muna sila Xenon sa upuan namin at nilibot ang buong arena, pumunta ako sa likod ng entablado at sa parking lot- hoping to see Maple dahil gusto kong masiguro na hindi lang ako namamalikmata.

Ilang minuto na akong naglilibot at nasuyod ko na ang buong arena ngunit wala akong nakita ni anino ni Maple. I sighed frustratedly and run my fingers through my hair at bumalik nalang sa upuan. Matunog na umupo ako at pinunasan ang pawis ko gamit ang maliit na panyo ko.

"San ka galing?" tanong ni Unier.

I shrugged, "Naglilibot lang."

"Anong trip mo?"

I sighed at tiningnan siya, "Nakita mo ba si Maple kanina?"

Lumalim ang gatla sa noo niya, "Are you crazy? Why would she come to a place like this? She's too innocent to come over here Pres." Yeah, why the hell would she come in a place like this anyway? Unier's right, she's too innocent for a place like this. Namamalikmata lang ako, i'm sure of it.

Umiling ako at napagbuntong-hininga, "Yeah you're right. Don't mind me i'm just tired."

Tinapik niya ang balikat ko at tumayo, "We should go it's already 1 a.m doon nalang daw tayo kina Xe matulog."

Tumango ako at tahimik na sumunod sa kanila. Nang makarating kami sa labas ay tinawag ko si Hillary at hinagis sa kanya ang susi sa kotse ko na kaagad niya namang nasalo. "Ikaw na mag drive."

Tahimik kami buong biyahe. Walang nagsasalita, dahil nadin siguro sa sobrang pagod.

Nang makarating kami sa bahay ni Xenon ay agad na dumapa sa sofa. Napag-isipan kong dito nalang matulog dahil wala na akong lakas para umakyat dahil tinatamad talaga ako at gusto ko ng matulog.

"Uncle Pres diyan kalang matutulog?" tanong ni Austin. Tumango lang ako sa kanya at pumikit na. Narinig ko ang mga yabag nilang papaakyat na. "Nighty Uncle." tumango lang ako kahit hindi ako sigurado kung nakikita niya ako. "Nighty fafa Xe, lolo Hill, Papc Un." dagdag niya. Napangisi nalang ako sa kalokohan nito, kahit kailan talaga.

"Gago." narinig kong ani ni Xenon.

Napa aray ako at agad na idinilat ang mga mata ko ng batuhin ako ng unan at kumot. Sisinghalan ko na sana si Xenon ngunit mabilis na natalikuran na niya ako at umakyat pabalik. Napabuntong-hininga nalang ako at umayos ng higa. Pumikit ako ulit at agad na dinalaw ng antok.

"Uncle Pres bangon na!" I groaned when I heard Austin's irritating voice. Suminghap ako ng maamoy ang bacon. Alam kong si Hillary na naman ang nagluto dahil siya lang naman ang marunong magluto sa kanilang apat.

"Anong oras na?!" tanong ko habang nakapikit.

"6:53 na!" sigaw niya. Inihilamos ko ang palad sa mukha ko at iminulat ang mga mata ko. Nakita ko si Unier sa katapat kong sala, naka uniporme na at umiinom ng kape. Si Xenon naman ay nag eexcercise. Tiningnan ako ni Unier at tinaasan ng kilay, "Morning."

Tinanguan ko lang siya at tumayo na. Where's Austin? Si Unier naman pala ang malapit sakin pero bat siya pa ang sumigaw? I stretched my arms at humikab. Kinuha ko ang maliit na unan at tinapon kay Xenon na nag pu-push up.

"F-ck you Pres." pagmumura niya sakin, umiling nalang ako habang ngumingisi.

Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Austin na nakaupo sa island counter at isinawsaw ang cookie niya sa gatas naka headset ang mokong habang nag he-headbang pa. "Is it true? Is it true? You you. Neomu areumdawo duryeowo. Untrue untrue. You you you~"

Umupo ako sa tabi ni Austin at tinawag si Hillary na busy sa pagluluto, lumingon naman siya akin, "Bakit?"

Tinuro ko si Austin, "What the hell is he singing?"

He shrugged. "Korean song? I don't know, ask him. Kanina pa yan kumakanta."

"Siganeul meomchullae. I sungani jinamyeon. Eobseotdeon iri doelkka neol irheulkka. Geobna geobna geobna~"

Naihalamos ko ang palad sa mukha ko. Geez, make him stop. Does he even understand what he's singing?

"Butterfly, like a butterfly. Machi butterfly, bu butterfly cheoreom. Butterfly, like a butterfly. Machi butterfly, bu butterfly cheoreom~ hmm."

Nilingon ko si Austin at akmang sisinghalan ngunit napamaang nalang ako dahil nakapikit siya at nakangiti habang kumakanta. What the hell?! Bakla!

Pumunta nalang ako sa ref at kumuha ng tubig, lumapit ako kay Hillary at sumandal sa lababo habang tinitingnan kung paano siya nagluto.

"Hey I forgot to tell you something," aniya.

"Ano?" tanong ko habang tumungga ng tubig.

"I know someone from uh you know just someone," he shrugged. "He's good at finding people especially those people who is hard to find." madiin na aniya.

Dahan-dahan akong tumango, "And?"

"I asked him for help for finding the person who killed tita if you don't mind."

I shrugged, "At?"

"He needs the date when you know when did tita died and payment ofcourse."

Umigting ang panga ko at tumango. "How much?"

Suminghap siya at tumingin sakin ng seryoso, "15 million."

Nahilot ko ang sentido. "F-ck."

"Yeah f-ck." aniya at nagpatuloy sa pagluluto.

15 million what the hell?! Damn it.

"Is he good?"

"The best."

"Okay." I hope this will be worth it. Gusto ko ng ipaghigante si mama.

Kumunot ang noo niya at nilingon ako, "Okay?"

"I want to meet him this month. As soon as possible. Can we trust this guy?" seryosong tanong ko.

"Yeah I trust him."

Tumango ako, "It's settled then."

Tumango siya, "Kumain na tayo." aniya.

"Thanks for cooking mom." sarkastikong ani ko.

"F-ck you. Tawagin mo na sina Unier."

Tawa-tawa naman akong pumunta sa sala at nameywang. "Hey idiots the food is ready, let's eat f-ckers." ani ko at tinalikuran sila. Naramdaman ko naman ang pagsunod sakin nina Unier.

Umupo kami sa island counter habang binibigyan kami ng tig-iisang plato,kutsara at tinidor ni Hillary. Nilagyan din niya kami ng kanin at ulam.

"Thanks mom." sabay na sabi naming apat.

"F-ckers." he murmed at umupo sa tapat namin.

Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan. Hanggang sa napdpad ang usapan namin tungkol sa pagkamatay ni mama.

"Ano ng plano mo Pres?"

"Still the same. Hindi ako magdadalawang isip na patayin kung sino man ang may gawa nun." kumuyom ang kamaong aniya ko.

"Don't worry Pres, we'll find that person and make that motherf-cker pay." Xenon.

"You have us."

Ngumiti ako ng tipid. "Thanks guys."

Nang makapasok kami sa classroom ay agad na dumapo ang paningin ko kay Maple na nakatagilid ang ulo at mukhang natutulog. Hindi ko alam.

"Hey." bulong ko kay Unier.

Tiningnan niya ako, "What?"

Ininguso ko ang upuan niya, "Can I sit there?"

Kumunot ang noo niya, "Why?"

"Kasi gusto ko."

"Baka kako gusto mong makatabi si Maple?" sarkastikong aniya at nilampasan ako at umupo sa upuan ko. Lihim naman akong napangiti at tumabi kay Maple.

"Bat ikaw ang katabi ko?" narinig kong tanong ni Austin kay Unier. Nag kibit-balikat lang si Unier at hindi sinagot si Austin. "Pero ayos lang naman dahil mas mabango ka kay Uncle Pres." dagdag niya at humilig sa balikat ni Unier. Hindi naman natinag si Unier, mukhang sanay na sanay na talaga kay Austin.

Tss, gays.

"Bat ikaw ang katabi ko?" tanong ni Hillary sa gilid ko.

"May angal ka?"

"May sinabi ako?" tanong niya pabalik. "Nagtatanong lang ako" aniya at inirapan ako. Seriously? Ako lang ba ang lalaki sa mga barkada ko? Tsk.

Nilagay ko ang braso ko sa desk at ipinatong ang ulo ko dito paharap kay Maple, ginagaya ang position niya.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya at pinagkatitigan ang mukha niya. My breathing ragged and my heart beats rapidly. Damn. I love her cute pointed nose, her thin lips, natural thick eyebrows and her brown hazel eyes. I don't know why girls call her ugly when in fact she's prettier than them and why the heck does she looks so familiar? Napabuntong-hininga ako habang pinaglalandas ang daliri ko sa pisngi niya at nanggigigil na pinisil ito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa ginawa. Damn, why does she have to be so cute and cold at the same time? Why the f-ck do i like her even when she's not even likeable?

Yeah right, not likeable my ass, all you freaking do is think about how pretty she is you dipshit. anang isang bahagi ng utak ko.

Kumawala ang isang munting ngiti sa labi ko. I think i'm going insane and it is all because of this girl infront of me.

May narinig akong umubo kaya napatingin ako dito. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Sir Marino na nakataas ang isang kilay at matiim na nakatingin sa akin. I cleared my throat and stood up at bahagyang nahiya dahil nakatingin ang mga kaklase ko sa aming dalawa ni Maple. F-ck ayan kasi Preston ang bobo mo. Nahihiyang nagbaba ako ng tingin, alam kong nakita nila ang ginawa ko dahil nakawaang ang mga bibig nilang nakatingin sa akin. Shit.

"Mr. Menezo." pagtatawag sakin ni Sir Marino.

Nag-angat ako ng tingin, "Sir?"

"Please wake Miss Higim up."

Tumango ako at wala sa sariling niyugyog ng mahina si Maple. Agad naman na idinilat niya ang mga mata niya at inilibot ang paningin niya sa paligid. Muntik na akong matawa ng dahan-dahang nanlaki ang mga mata niya at namula. Umiwas nalang ako ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Damn this girl.

Buong klase ay panay sulyap lang ako sa kanya. Hindi ako nakikinig dahil nasa kanya ang buong atensyon ko. Hindi ko alam kung nararamdaman niya pero wala na akong pake. Mas gusto ko pang titigan ang mukha niya kesa makinig sa klase.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top