CHAPTER 16
Chapter 16
Nakatunganga lang ako sa screen ng TV pero wala akong naiintindihan sa palabas. Hindi ko maalis ang utak ko kay Maple habang walang awang nakatitig sa tumatakbong si Tiara. What the hell happened in that comfort room? Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Aish. I really wanted to ask her but how? Baka hindi siya ang gumawa nun at magkamali lang ako. Baka nakita niya lang kung sino ang gumawa nun kay Tiara kaya niya sinundan ito ng tingin. Tama tama baka ganun nga.
Inis na binalingan ko ang nagtapon sakin ng popcorn, "What the heck man?!"
"Gago ka. Kanina pa kita kinakausap pero di ka naman nakikinig." nakangusong ani ni Hillary.
"Eh kung sapakin kaya kita?"
"Hey hey hey." pag-aawat samin ni Xenon "Bahay ko to, no fighting involved guys."
Nagpakawala ako ng marahas na buntong-hininga at nilingon si Austin na nagpapatugtog ng piano. "Austin, stop that it's annoying." ani ko dito.
Binalingan niya naman ako at kinunutan ng noo, "But I played your favorite song."
"Just stop it." mariin na saad ko. Itinaas niya naman ang dalawang kamay niya at lumayo sa piano. "Okay okay."
"What happened to you?" tanong ni Unier at umupo sa tabi ko. Kinuha ko ang baso ng alak sa kamay niya at mabilis na tinungga iyon. "You okay Pres?"
Umiling ako, "Yeah i'm fine." huminga ako ng malalim, "May napapansin ba kayo kay Maple?"
Napalingon silang lahat sa tanong ko.
"Like what?"
I shrugged. "I don't know."
"I think she's beautifully weird." ani ni Hillary.
"Cute." dagdag ni Unier.
"Sometimes sarcastic but adrobale." Xenon.
"And amazing." ani ni Austin ng nakangiti.
Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko sa sobrang inis. "That's not what I meant motherfuckers."
Kumunot ang noo ni Xenon. "Then what?"
I sighed and mess my hair. "Forget it."
Pinaglaruan ko ang walang laman na baso sa kamay ko habang nagpatuloy naman ang mga kaibigan ko sa ginagawa nila kanina.
"Hey." pagtatawag pansin ko sa kanila. Nilingon naman nila ako at naghihintay sa sasabihin ko. "I'm bored. I want to have some fun."
"So? Wanna go clubing?" Hillary.
Umiling ako. "Gusto kong makipagsuntukan."
"Are you serious? It's already 10 pm dude. Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Xenon.
"Who said i'm going home?" kunot-noong tanong ko. "Dito ako magpapalipas ng gabi."
Nameywang siya sa harap ko. "Sinong nagsabi sayo na papatulugin kita dito?"
"Tsk." inis akong tumayo at inilapag ang basong walang laman sa maliit na mesa "Tara."
"Saan?" nalilitong tanong ni Austin.
"UA." simpleng sagot ko.
Dumiretso ako sa garahe at pumasok sa sasakyan ko, narinig ko din ang pagsara at pagbukas ng backseat. Tumingin ako sa rearview mirror at nakita sina Xenon, Austin at Hillary. Inirapan ako ni Xenon habang tumabi naman sakin si Unier. Pinaandar ko ang makina at pinaharurot ang sasakyan.
"Uncle Pres alam mo ba nagtatampo na kami sayo di kana sumasabay samin kumakain." ani ni Austin sa kalagitnaan ng byahe.
I sighed. "I was busy."
"With what?" tanong ni Unier.
Tiningnan ko siya saglit at humigpit ang hawak ko sa manibela. "My dad is furious."
"That ain't new."
Napabuga ako ng marahas na hininga. "You know him. Gusto na niyang mahanap ko na kung sino ang pumatay kay mama. It's been three fucking years of searching pero hindi ko pa alam kung sino ang gumawa nun sa kanya. F-ck! I want that person dead too but hell I need more time. I really need more time."
May 13, 2000
"Ma! Nakauwi na po ako!" masaya akong umakyat sa hagdan habang sinisigaw ang pangalan ni mama.
Nanalo ako sa basketball kanina kahit na mas matanda pa ng ilang taon ang mga kalaban ko at malalaki ang pangagatawan. The coach said I should join his team. He told me that I'm still 15 pero sobrang galing ko na daw. Hindi ako mahilig masyado sa basketball pero nakakatuwa lang dahil panalo kami ng mga ka teammates ko. And I should think about Coach Rami's offer.
Pumasok ako sa office ni dad ngunit wala dun si mama. Sinuyod ko ang ikalawang palapag ng bahay ngunit wala akong nakita ni anino ni mama.
Bumaba ako at pumuntang kusina. Nakita ko si dad na kumakain habang nagbabasa ng dyaryo.
Lumapit ako sa kanya at matunog na hinalikan siya sa pisngi. Umupo ako sa island counter at kumuha ng apple at kumagat dito.
"Have you seen mom dad?"
Umiling siya. "Hindi pa siya nakakauwi nak."
I nodded and jump from the island counter. "Doon na muna ako sa kwarto ko dad."
Tumango lang siya habang patuloy na nagbabasa ng dyaryo.
Umakyat ako at pumasok sa kwarto. Pumikit ko hanggang sa dinalaw ako ng antok.
"Astea!!! Astea!!! Wake up wife!!! Wake up come on!!! Don't you dare leave me!!!"
Nagising ako sa malakas na sigaw ni Dad. Kinusot ko ang mga mata ko at diretso na bumangon. Pumunta ako sa kwarto nina Dad kung saan ko narinig ang ingay. Pinihit ko pabukas ang pinto at kusang tumulo ang luha ko sa nakita.
"M-Ma?" mahina at umiiyak na sambit ko.
My mom's black jacket is covered with blood. Nawala ang mga mata niya, may malaking hiwa siya sa leeg at madaming pasa ang kanyang mukha. Namumutla siya at walang buhay ang kanyang kamay na nakahawak sa kamay ni Dad. Napailing habang nakatitig sa kanya. "D-Dad hindi yan si m-mama diba?" nauutal na tanong ko dito habang walang humpay sa pag-agos ang luha ko.
Tiningnan lang ako ni Dad pero hindi siya nagsalita. Gaya ko ay umiiyak din siya at nakita ko ang sakit sa mga mata niya. "D-Dad? Dalhin na natin siya sa hospital dad." lumakad ako papalapit kay Mama kahit nananginginig ang mga paa ko.
Niyakap ko si mama hindi inaalintana ang dugo sa katawan niya. Ang daya naman hindi ko pa naikwento sa kanya kung paano ako nanalo sa basketball. Hindi ko pa siya nasabihan kung gaano ko siya kamahal sa araw na to. Hindi ko pa siya nakasabay kumain sa araw nato. Hindi pa kami nag-asaran at nagkwentuhan sa araw nato.
Nakayakap lang kami kay mama ng mga minuto. Huminto na sa pag-iyak si dad at napalitan ng galit.
"I will make them pay Astea. Whoever did this to you, i'll make them pay."
Pinikit ko ang mga mata ko at suminghot habang nakikinig lang kay dad. Yes dad we will make them pay for what they did to mama.
Simula nung namatay si mama nawalan din ng time sakin si Dad but I understood him, busy siya sa paghahanap kung sino ang pumatay kay mama. He spend his time in our company at minsan lang siya kung umuwi. Kung uuwi din siya lasing. We have no maids since ayaw ni mama noon kaya wala akong choice kundi ang alagaan ang sarili ko dahil wala na si mama na mag-aalaga sakin.
While dad was busy with his works I was busy learning taekwondo, judo and martial arts. Every afternoon bago kami umuuwi ay nagpapractice kami nina Xenon. At first ayaw nila akong payagan pero naging matigas ako kaya nung pati sila ay nag-aral din natuwa ako. They understood what i'm going through and they support me all the way. I'm thankful to have them.
My mom taught me not to hold any grudges to anyone but I can't help it. Kung sino man ang pumatay kay mama sa ganung paraan sisiguraduhin kong sa ganun din siyang paraan mamamatay. I don't care anymore. I just want that person dead no matter what.
"Presssssssss slow down!" napabalik ako sa reyalidad dahil sa biglaang pagsigaw ni Unier. Wala sa sariling inihinto ko ang sasakyan.
Narinig ko ang malalakas na buntong-hininga nilang lahat kaya bigla akong nakaramdam ng konsensya. "I'm sorry I din't know I was driving too fast."
"It's okay. Ayos kalang?" binalingan ko si Unier at tumango.
Iling-iling akong pinaandar ulit ang sasakyan ngunit nagdahan-dahan na ako sa pagtakbo. We arrived at UA safely. Nakipag fist bump muna ako sa nagbabantay sa labas ng UA bago niya binuksan ang gate.
Walang tao sa gitna ng entablado pero maraming paring tao. Nag-aabang siguro sa kung sino na naman ang makikipagbakbakan sa gitna.
Tinahak namin ang madilim na daan para walang makakita samin hanggang sa umabot kami sa likod kung nasaan si Tuffer.
"Hey Tuffer my man." bati ni Xenon dito.
"Is the arena free?" tanong ko dito.
Tumango siya. "Yes sir."
"Great." nakangising saad ko.
"Uhm ano po yung mga bata nina sir Kronos naghahanap ng mapupuruhan."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito at binalingan sina Xenon na biglang sumeryoso.
"Magaling na pala ang mga kupal nayun?" kunot-noong tanong ni Xenon.
I shrugged. "It's payback time. Set it." utos ko kay Tuffer na agad naman niyang sinunod.
"Ladies and gentlemen Kronos Gang and Phaux Organization!!!"
"Wooohhhhhhhhh!!!!"
"Phaaauxxxx Organizatiooonnn!"
"Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux! Phaux!"
"Kronos! Kronos! Kronos! Kronos! Kronos! Kronos! Kronos! Kronos! Kronos! Kronos! Kronos! Kronos!"
Umakyat na kami sa entablado kung saan naghihintay ang Kronos Gang. Binilang ko sila at agad na napangisi ng makitang labintatlo sila. Namataan ko ang anim na lalaki na bumugbog noon kay Maple kaya biglang kumulo ang dugo ko.
"Let the battle beeeeeginnnnnnnn!!" anunsiyo ng emcee.
Hindi namin hinintay na umatake sila dahil kami mismo ang lumapit sa kanila at mabilis na pinagsusuntok sila sa mukha. Akmang susuntukin ako ng isang lalaki sa tagiliran ko ng mabilis kong nasalag ito at ipinaikot ang kamay niya at sinuntok siya sa sikmura. May dalawang lalaki na lumapit sa akin ngunit hinawakan ko ang ulo nila at malakas na pinag-untog hindi naalintana ang pagsuntok nila sa mukha ko.
The fight went smoothly at mas pinuruhan ko ang mga lalaking sumuntok noon kay Maple. I made sure that they cough blood and scream with so much pain. Ngumisi ako ng nakakaloko ng makita ang inis sa mukha ng lalaking sinuntok ko.
"Kaya pa?" nang-aasar na tanong ko sa kanya na mas lalong nagpasama sa timpla ng mukha niya.
Dumapo bigla ang paningin ko sa gilid ng gate at biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita si Maple. What the hell is she doing here?!
Nagtitigan kami ng ilang segundo ngunit biglang nawala ang paningin ko sa kanya ng may sumuntok sakin. F-ck!
Galit na binalingan ko ang sumuntok sakin at umamba itong susuntukin ako ulit ngunit nahawakan ko ang kamao niya at malakas na pinagsusuntok siya sa mukha at sinipa siya sa mukha. Hihiningal na tumingin ulit ako sa kung saan ko nakita si Maple kanina ngunit kumunot ang noo ko ng makitang wala na ito dito. What the hell? Namamalikmata ba ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top