CHAPTER 14
Chapter 14
Pagkatapos ng engkwentro namin ni Preston nung nakaraang araw ay panay iwas na siya sakin. Hindi ko alam kung bakit. Baka may nasabi akong masama sa kanya. Hindi ko alam. Siguro kakausapin ko nalang siya mamaya. Hindi din siya sumasabay sa amin kumain, ang sinabi niya lang ay kumakain siya sa labas dahil may pinag-uusapan sila ng dad niya. Hindi ko alam kung totoo ba yun o sadyang iniiwasan niya lang talaga ako.
I tried ignoring Austin, Xenon, Hillary and Unier pero sa sobrang kulit nila ay napapasabay talaga nila ako sa kanilang mag snack at kumain ng lunch. Everytime I am with them pansin kong wala ng lumalapit sakin para bullyhin ako o ano. Lahat ay umiiwas. Ganyan yata sila katakot sa Phaux Org. pero hindi padin maiwasan ang mga pagbubulong-bulungan ng mga tao at ang matatalim na pagtitig nila sakin. Wala akong pakialam.
Kumakain kami ng lunch ngayon sa gazeboo. I love the place. Nasa likod ng garden to. Mahangin at tahimik ang paligid. Halatang sila lang talaga ang tumatambay dito dahil wala pa akong nakikitang estudyante na pumupunta dito. The gazeboo was made of wood at octagonal in shape. May dalawang maliit na rectangular square table at nakakalat ang cushions sa sahig. I really love this place, probably my favorite spot in Leur University.
Simula nung nakaraan ay dito na ako kumakain- kasama nila dahil hindi nila ako tinatantanan pag hindi ako sumasama sa kanila. Pumayag naman ako dahil nakikita ko talaga sa mukha nila na gusto nila akong kasama- sa katunayan nga nakakataba ng puso. 5 years in Leur University- wala akong naging kaibigan maskin isa. I really thought that these guys will bully me too but I was wrong- they proved me wrong.
Nasa iisang table kami ni Austin at Xenon, habang sina Unier at Hillary naman ay nasa kabila. Tapos na silang kumain kaya naglalaro na sila ngayon ng scrabble. Kumakain naman kami nina Austin at Xenon habang nagkikwento sila tungkol sa nakaraan nila.
"Tapos si Austin grabe yung iyak niya nung nasira ni Preston yung bumble bee na laruan niya." natatawang pagkwento ni Xenon.
"Eh kasi naman favorite ko yun eh!"
"Para ka ngang bakla nun eh, diba Unier?"
"Oo nga di ko nga makalimutan yung time nayun." Unier.
Natawa naman ako ng bahagya dahil naiimagine ko ang mukha ni Austin.
"Eh ikaw nga nun fafa Xe eh pinasuot ka ng dress ni tito at pinalakad sa buong kanto dahil sinuntok mo kapatid mong babae."
Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagalpak ng tawa dahil sa sinabi ni Autin pati nadin sina Unier.
"Seryoso?" natatawang tanong ko kay Austin.
"Oo Mapleleya hahahaha tas ala-"
"Shut up Aus." namumula at nahihiyang saad ni Xenon
Nagpatuloy lang kami sa pagtawanan at pagkikwentuhan ng kung ano-ano. It feels good laughing with them actually. Parang ngayon ko lang ulit naranasan. It feels great.
"Eh ikaw Mapeleleya?"
"Anong ako?"
"Share ka naman tungkol sa masasayang alaala sa nakaraan mo."
Biglang napawi ang ngiti ko at nanumbalik ang mga alaala ko noong bata pa.
F l a s h b a c k
Marahas na hinila ako ni mommy ng makitang nakikipaglaro na naman ako kay Sheena, ang anak ng mayordoma namin. Hinila niya ako papunta sa kwarto ko.
"Mommy I still want play with Sheena."
"No baby you can't play with her." mahinahon ngunit mariin na saad ni mommy.
"Why mommy because she's a maid?"
"Yes baby. You can't play with her she's a bad person. She will only betray you."
"But mommy she's nice to me, we even played dolls and-"
"Enough!" sigaw ni mommy na nagpatigil sakin sa pagsasalita. "You can only play with Thalia. Only Thalia."
"Pero mommy minsan lang naman kami nagkikita ni Thalia."
"Then play with your gadgets. Gabi na masyado matulog kana dadating na ang teacher mo bukas." bago umalis si mommy ay binalingan niya ako ulit, "And if I caught you playing again with her hindi ako magdadalawang isip na paalisin siya sa bahay na to." malamig na saad ni mommy bago ako iniwan sa kwarto ko.
Wala akong nagawa ng lumabas si mommy.
She was always like that, she will only make me play with Thalia. I never experienced going out in the house without a bodyguard. Lahat ng ginagawa ko kailangan alam niya, I was also homeschooled dahil natatakot si mommy, hindi ko alam kung bakit she just always tell me that she loves me kaya ginagawa niya lahat para sakin. My childhood wasn't that great. I love my parents, I do at masaya ako sa tuwing magkasama kami- buo ang pamilya pero gusto kong maging normal na bata ngunit pinagkait nila sa akin yun.
By the time I was 13 home schooled padin ako ang kaibahan nga lang nakakagala na ako sa kung saan ko man gusto ngunit limitado padin. Lahat ng kinakain ko minomonitor ni mommy kaya hindi ko nakakain ang gusto kong kainin. She always tell me that I should be like her, I should act like her because when I turn 20 I will marry their bussiness partner's son para hindi malugi ang kompanya namin kaya pala homeschooled lang ako because she was afraid that I will fall inlove with someone at tatakas ako. Little did she know that I was already scared by the fact that I will marry someone whom i don't love kaya tumakas ako, tumakas ako sa bahay at namuhay ng normal kahit mahirap.
Thalia, helped me dahil naiintindihan niya ako, at the age of 16 marami ng alam si Thalia. Marunong na siya sa computers at siya ang dahilan kung bat ako nakasali sa Arena. She trained me. I was 15 when I was called the Angel of Death, I worked hard para makasali sa 26 Vigorous, I killed someone para umabot sa unang ranggo . I was a devil, I admit that.
I was actually surprised na matagal na palang kasali ang pinsan kong si Kronos at Thalia at ang kapatid niyang si Phoebe sa arena. Then Chizka came. They were there through my ups and downs in life. Silang apat lang ang magandang nangyari sa buhay ko.
"Psst Mapleleyaaaa." napabalik ako sa reyalidad ng biglang tapikin ni Austin ang balikat ko.
"Wala." mabilis na sagot ko.
"Anong wala?"
"Walang magandang nangyari sakin nung bata pa ako."
Natahimik sila kaya nagpatuloy ako, "Mahigpit ang parents ko kaya ganun." inayos ko ang suot kong eyeglasses at yumuko dahil nahihiya ako. Kanina pa sila panay kwento tungkol sa nakaraan nila tapos ako eto natatakot na baka husgahan nila.
"Ayos lang Mapleleya." inakbayan ako ni Austin. "Let's create memorable memories together nalang."
"Oo nga Maps."
"Nga pala may joke na naman ako Mapleleya."
Napailing ako. "Ano na naman yun?"
"Knock knock."
"Who's there?"
"Marry." nakangising aniya.
"Marry who?"
"Marry me."
Kumunot ang noo ko. "Nakakatawa yun?"
Ngumuso, "Hindi. Dapat kasi kikiligin ka nun."
Ngumiwi ako. "Hindi nakakakilig."
"Tigil na kasi Austin." natatawang saad ni Unier.
"Mapleleya naman eh." aniya at pinitik ang noo ko. Napahinto ako at hinawakan ko naman ang kamay niya pero agad din akong bumitaw at huminga ng malalim shit malapit kong mabali ang daliri niya. I really hate that move. Only Chiz can do that to me.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nanggigigil ang kamay ko. "Uhm cr na muna ako guys."
"Sige Maps."
Mabilis na tumakbo ako papuntang CR. Sinarado ko ang pinto at huminga ng malalim. I looked at myself at the mirror and my eyes was ice cold. I sighed at hinugasan ang kamay ko.
Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa nito si Tiara na sobrang talim ng tingin sakin. "Look who's here." she clapped her hands at lumapit sakin.
"Hindi ko alam na marunong na palang lumandi ang mga pangit ngayon."
Umayos ako ng tayo at tinitigan siya ng diretso sa salamin. Tinitigan niya din ako ng matalim at tinaasan ng kilay, "How does it feel to flirt with the Phaux? Seriously nerd? Si Preston? Si Austin? Si Hillary? Si Unier? Si Xenon? Oh come on anong ginawa mo? Turuan mo naman ako kung paano lumandi." sarkastikong aniya.
"For what? You already have a boyfriend." pabalang na sagot ko.
"You bitch!" akmang hihilain niya ang buhok ng pero yumuko ako at umikot kaya nasa likod na niya ako nanlaki ang mga mata niya at mabilis na humarap sakin at akmang sasampalin ako ng huliin ko ang kamay niya at pinihit ito sa likod niya. Napahiyaw siya sa sobrang sakit. Yumuko ako para maabot ang tenga niya. "I'm not flirting with them and please be loyal kahit pareho kayong putangina ni Zeus." bulong ko dito bago siya pinakawalan.
Napahiyaw ako ng bigla niyang hinila ng malakas ang buhok ko. Napalingon ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko ng hawak niya ang wig ko. Napalunok ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
"K-Kulay p-pula a-ang-" tinuro niya ang buhok ko.
"Tiara." mahinang pagtawag ko dito.
Napalingon kami ng may kumatok sa pinto.
"Maple." narinig ko ang boses ni Preston sa labas. "Nandito ka daw sabi ni Austin. May narinig kasi akong sigawan. Ayos kalang ba? Papasok ako ah?"
Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top