CHAPTER 13


Chapter 13

Pagkatapos ng unang klase ay agad kong niligpit ang mga gamit ko. Gusto kong lumayo kina Preston dahil ayaw ko ng gulo. Hell, staying away from them is a good idea iwas gulo, tatahimik na naman siguro yata ang buhay ko?

Isinabit ko sa likod ang bag ko at nagmamadaling naglakad palabas ngunit bago pa ako makalabas ay may humila na sakin ng malakas, napa aray ako ng tumama ang mukha ko sa dibdib nito.

"Hala Maps sorry." ani ni Hillary at hinilot ang noo ko.

"Ayos lang." ani ko at lumayo ng konti sa kanya, "Bat moko hinila?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya bago sumagot, "Uh sabay kana saming mag snack."

"Bakit?"

"Kasi kaibigan ka namin."

Umiling ako, "Kayo nalang."

Pumihit ako patalikod at akmang maglalakad ulit ng may umakbay sakin. "Lesgo Mapleleya!"

Nilingon ko si Austin sa gilid ko at lumingon din siya kaya napalapit ang mukha niya sakin, napalunok ako habang nakangisi naman siya. Nanlaki ang mga mata ko ng halikan niya ako sa pisngi. What the heck?!

Napahiwalay kaming dalawa ni Austin ng dumaan si Preston sa gitna. Nairita ako sa malakas na pagkabangga niya. Seriously ano bang problema nito sa buhay?! Ganyan na ba siya kagalit sakin? Tss. Sinundan ko siya ng tingin sa bilis ng pagkakalakad niya.

Napalingon ako sa likod ko sa lakas ng hagikhikan nila Unier pero tumigil din sila ng makitang nakatingin ako sa kanila. Seryoso anong problema ng mga to?! Umubo si Xenon at mabilis ang hakbang na naglakad patungo sakin at inakbayan ako.

"Anong trip mo?" bulong ko dito.

"Wala naman. Gusto ko lang akbayan ka." kibit-balikat na aniya.

Napalingon siya kay Austin ng kalabitin siya nito. "Oh bakit?"

"Ako yung nakaakbay kay Mapleleya kanina. Hindi ikaw Papa Xe." nakangusong aniya.

"Oh? Tapos? Ikaw lang ba yung kaibigan ni Maple? Tapos kana eh ako na naman." aniya at nagsimula ng maglakad, ako naman ay walang nagawa kundi ang sabayan siya sa paglalakad dahil nakaakbay siya sakin.

Napayuko ako sa pagpakahiya dahil halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin samin- sakin ng masama. Na kapag wala si Xenon sa tabi ko baka napatay na nila ako. Syempre hindi din iwasan ang mga bulong-bulungan ng mga kababaihan. Ikaw ba namang isang pangit na inakbayan ni Xenon idagdag mo pang may tatlong gwapo sa likod namin nakasunod.

"Ang landi talaga."

"Assumera."

"Feelingera."

"Porke tinulungan lang siya nila Preston kahapon grabe na kung makipag close."

"Eww. Ang sarap itapon sa basura pwe."

Lumayo ako ng bahagya kay Xenon pero mas hinapit niya pa ako papalapit at pinisil ang balikat ko. Tumigil siya sa paglalakad, pati din sila Austin at tiningnan ang mga babaeng nagbubulong-bulungan kanina.

"Hi." nilingon ko si Xenon at nakitang nakangisi ito ng malawak sa kanila.

Nangisay naman sa kilig ang tatlong babae. "Hello Xenon!" malanding pagbati nila pabalik kay Xenon.

"Sa susunod na marinig ko ulit kayo na magsalita ng masama kay Maple hindi ako magdadalawang isip na suntukin kayo. Naiintindihan niyo? Wala akong pake kahit babae kayo. Alis." nakangiti ngunit mariin na aniya.

Natakot naman ang tatlong babae kaya agad silang kumaripas ng takbo.

"You don't have to do that." saad ko sa kanya.

Nagkibit-balikat naman siya. "Ininsulto ka nila eh. Ayoko ng ganun." nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makaabot kami sa canteen. Dumiretso lang si Xenon sa counter at nag order para sa aming dalawa, hindi pinapansin ang mga panuring tingin ng mga tao. Pati nga sina Austin umorder lang ng nakanguso, hindi parin maka move on na si Xenon na ang naakbay sakin. Ako lang yata ang nakapansin sa pananahimik ng mga tao sa canteen, dahil ang apat na kasama ko mukhang walang pakialam.

Dumiretso sila sa pwesto ni Preston. He was sitting comfortably on his seat habang hinihintay kami. May mga pagkain ng nakahain sa bilog na mesa ngunit hindi niya pa ginagalaw. Hinihintay niya pa kami. Hindi sila kumakain sa madalas na pwesto nila- sa gitna ng canteen siguro dahil kasama nila ako. Dito kasi sila nakapwesto sa dulong bahagi ng canteen kung saan nakikita ang soccer field. Pero hanggang dito ay sinusundan padin kami ng tingin ng mga estudyante. Hindi makapaniwalang kasabay ako ng Phaux Org. kakain. Napabuntong-hininga ako at hindi nalang sila inintindi.

Hindi na naakbay si Xenon sakin dahil may hawak siyang tray pero sinasabayan niya ako sa paglalakad, silang dalawa ni Austin.

Tinaasan ko ng kilay si Preston ng mapansin ang paninitig niya sakin. I mouthed, "What?"

Hindi siya sumagot pero tinapik niya ang upuan sa tabi niya. Kunot noong tinitigan ko lang siya. Oh anong gagawin ko sa upuan na yan? Tss.

"Maple sit here." ani ni Austin ng mailapag ang tray niya sa lamesa.

"Nope." hinila ni Xenon ang katabing upuan niya at hinila ako kaya napaupo ako ng wala sa oras. "Dito siya kasi nasa akin ang pagkain niya."

"Binilhan ko din naman siya ng pagkain ah."

"Ikaw ba yung kasama niya kanina?"

"Papa Xe naman eh!" pagmamaktol ni Austin.

"What?" natatawang tanong ni Xenon.

"Binilhan ko kasi ng pagkain si Maple."

"Ako din. Ako yung nauna Austin."

Nahilot ko ang sentido sa pagtatalo ng dalawa. Huminga ako ng malalim para pahintuin sila pero kusa silang huminto ng inilapag ni Preston sa harapan ko ang dalawang slice na pizza at coke in can. "Kain na." aniya at nagsimula na ding kumain sa oreo cake niya. Tumango lang ako at nagsimula nading kumain. Sina Austin naman ay natahimik padin pero nagsimula naring kumain habang natatawa naman sina Unier at Hillary.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang tumikhim si Austin para kunin ang atensyon namin.

"Guys guys may joke ulit ako!"

Napailing nalang ako habang ngumuso naman si Unier, si Preston blangko lang ang ekspresyon pero alam kong makikinig siya, si Xenon naman ay nag-aabang sa joke ni Austin. Bentang-benta talaga sa kanya ang mga biro ng kaibigan niya.

"Knock knock."

"Who's there?" si Xenon lang ang sumagot sa kanya.

"Shanghai."

"Shanghai who?" Xenon.

Umubo siya bago nagsalita, "Shanghai like a diamond, shanghai like a diamond. HHAHAHHAAHAH."

"Sana ayos kalang Aus." ani ni Unier.

"Pa mental ka na kaya namin?" Hillary.

"Anak ng- fafa Hill naman eh!"

Tumawa ng mahina si Xenon, "Isa pa." napailing nalang ako pero napangiti din dahil na sobrang cute nilang magkakaibigan.

"Eto. Knock knock."

"Who's there?"

"Coca cola."

"Coca cola who?"

"Coca colang sana ang iyong minahal di kana muling mag-iisa." aniya at binuntutan ito ng tawa.

Natawa ng bahagya si Xenon habang napailing naman ako sa kakornyhan ni Austin.

"Guys may assignment tayo sa Math." biglang sabad ni Hillary.

"Lolo Hill pakopya ako." ani ni Austin.

"Ako din." Xenon.

"Me too."

Imbis na sagutin sila ay bumaling si Hillary sakin.

"May assignment kana Maps?"

Umiling ako.

"Ah sige papakopyahin kita mamaya."

"Huh? Wag na ayos lang. Yung questions nalang." Kaya ko naman.

"Sige Maps."

"Pakopya ako Hill ha?" ani ni Xenon.

"Nope hindi pwede ku-kopya si Maple sa questions."

"Edi pagkatapos."

"Hindi padin pwede."

"Pwede nga."

"Hindi nga. Notebook ko yun."

"Nagpapakopya ka naman noon ah?"

"Noon yun. Magkaiba ang ngayon."

"Hayaan mo ng bakla nayan." ani ni Austin ng nakanguso.

"Wow ako pa talaga yung bakla satin Austin? Baka ikaw. Pinagnanasaan mo nga ako eh."

"Eww over my dead hot body."

"See?" nang-aasar na wika ni Hillary. "Sino ngayon ang bakla sating dalawa?"

"Ewan ko sayo! Pandak!"

"Anak ng- anong sabi mo?!"

Habang patuloy lang sila sa pagbabangayan hindi ko namalayan na napangiti na pala ako. I admit they're fun to be with. Sobrang nakakatuwa sina Austin pati nadin sina Hillary at Xenon. Si Unier naman minsan lang kung magsalita pati nadin si Preston. Hindi ko alam kung naiinis ba siya na sumabay ako sa kanila dahil palagi nalang nakakunot ang noo niya at nakayuko.

"Here Maple." may inilapag si Unier sa harap ko.

"Ano to?" tanong ko dahil mukhang masarap.

"It's salted caramel chocolate tart. My favorite." nakangising aniya. "Masarap yan. Here." inabot niya sakin ang tinidor niya. "I don't have a bad breath kaya ayos lang siguro kong gamitin mo-" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil padabog na inilagay ni Preston ang tinidor niya sa gilid ng pinggan ko.

"Use that. Hindi ko pa nagagamit ang tinidor na yan." naiiritang aniya. Seriously, what the heck is his problem? Nang mapansing hindi ko pa kinukuha ang tinidor na ibinigay niya ay nagsalita siya ulit, "What? You would rather use used spoon instead of a clean one?" sarkastikong aniya.

Pinanliitan ko siya ng mata at iritableng kinuha ang tinidor na binigay niya at humiwa ng maliit na slice sa tart. Biglang nawala ang inis ko at napalitan ng kislap ang aking mata. Binalingan ko si Unier ng nakangiti, "Ang sarap." halata ang saya sa boses ko.

"Talaga? Kain ka pa." nakangiting aniya.

Kumain lang ako ng kumain dahil nasasarapan talaga ako habang nakangiting pinagmamasdan naman ako ni Unier. Wow I think this salted caramel chocolate tart is now my favorite. It tastes heaven in my mouth. Ngayon palang ako nakakain nito kaya sobrang nasasarapan talaga ako. I think I could eat this the whole day. Hindi nakakasawa.

Napatingin ako kay Preston ng bigla nalang itong tumayo at nag walk out.

"Anong nangyari dun kay Uncle Pres?" tanong ni Austin.

Nagkibit-balikat lang si Unier habang nakangisi.

PRESTON'S POV

Iritable akong pumunta ng cr at marahas na sinarado ang pintuan. Nakakairitang Maple nayun. Pag sina Austin ang kausap ngumingiti tapos pag sakin walang ekspresyon, blangko lang! Ang unfair. Walang modo. Akala niya nakakatuwa yun? Hindi! Parang wala lang ako sa kanya tapos pag sila todo ngiti.

Inis na naghilamos ako ng mukha at tinitigan ang mukha ko sa salamin. Makikita mo hindi talaga kita papansining pangit ka. Akala mo ha! Ha! Last na yun kanina!

Lumabas na ako ng cr pero nanlaki ang mga mata ko ng makita si Maple sa gilid, nakasandal. Napatingin siya sa gawi ko kaya lumapit siya.

"Anong problema mo sakin?" blangko ang tingin at malamig na tanong niya.

"Pinagsasabi mo?" kunot-noong tanong ko. "Baka kako ikaw yung may problema sakin? Tch pag sina Austin ang kausap mo nakangiti ka pero pag ako ang kausap mp," tinuro ko ang mukha. "Yan. Ganyan ang ekspresyon mo."

"Aba eh pano palagi nalang nakakunot yang noo mo. Parang may galit ka sakin eh wala naman akong ginagawa sayo."

"Eh paano pag sina Austin nga ang kausap mo nakangiti ka!"

"Kinakagalit mo nayan?"

"Hindi ako galit!" singhal ko sa kanya.

"Eh ano lang? Nagseselos ganun?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "N-nagseselos? Ako? Ha!" hindi makapaniwalang saad ko.

"Eh bat ka nga nagkakaganyan?"

"E-Ewan ko sayo!" ani ko at iniwan siya dun. Selos? Ako? Nagseselos? Hindi! Hindi talaga!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top