CHAPTER 11

Chapter 11

Pagkatapos mag walk out kanina ni Preston ay hindi na siya bumalik. Ang nasa silid ko lang ngayon ay sina Austin, Xenon, Hillary at Unier na panay tanong sakin kung ayos lang daw ba ako.

"Mapleleya, komportable ka ba diyan sa hinihigaan mo?" tanong ni Austin.

Tumango ako at pumikit na para hindi na siya magtanong pa. Hindi ko alam pero hindi ako komportable kapag kasama ko sila, naiilang at nahihiya ako. Hindi naging maganda ang unang pagkakakilala namin. Kung tutuusin galit si Preston sakin, kaya dapat galit din sila sa akin diba? Hindi ko alam kung bakit ang bait nila sakin, should I be thankful dahil baka titigil na din silang Zeus sa pang-aapi sakin or should I be scared that I will get attached with these guys and it will be harder for me to leave.

Ilang minuto na akong nakapikit ngunit hindi padin ako dinadalaw ng antok, nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila Austin, mukhang nakasanayan ko na talaga ang makinig sa kanila.

Kanina pa sila nagtatalo kung saan sila matutulog, kung uuwi ba sila o hindi, sa katunayan gusto kong sumabat at sabihin sa kanilang umuwi na sila at doon matulog sa bahay nila dahil kaya ko naman na ang sarili ko pero nanatili nalang akong tahimik at hinintay ang magiging desisyon nila.

"Dito lang ako matutulog." narinig kong ani ni Austin.

"Ako din." sabay na sabi nung tatlo.

Seriously? Ayos lang naman ako. Pwede naman na silang umuwi dahil kaya ko naman ang sarili ko, they don't have to do this for me. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto at ang boses ni Preston.

"Tulog na siya?"

"Oo kanina pa," pagsagot sa kanya ni Unier.

"Hindi pa kayo uuwi?"

"Hindi Uncle Pres dito lang kami babantayan namin si Maple."

"No, I can take care of her umuwi na kayo, ayos lang ako dito, hospital naman namin to."

What the hell?! Hospital nila to? Bat hindi ko alam?

Kasi hindi ka nagtanong, anang isang bahagi ng utak ko.

"Uncle Pres sige na gusto kong bantayan si Mapleleya."

"No."

"Yes."

"No. Ang kulit mo Austin. Uwi na." naiirita ng saad ni Preston.

"Ayoko kasi."

"Uwi kana."

"Noo!"

"Austin." mariing saad ni Xenon. "Umuwi na tayo halika na."

"Una na kami Pres."

"Ingatan mo si Maple."

"I know. Sige na."

Narinig ko ulit ang pagbukas at pagsara ng pinto. Naging tahimik ang silid, hindi ako sanay. Naririnig ko lang ang mga yabag ni Preston na naglalakad, hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya.

"Nakakainis naman yun, ayaw pa talagang umalis. Anong akala niya sakin hindi marunong mag-alaga sa isa diyan? Tss."

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tumambad sakin ang likod ni Preston. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Siguro ay naghihiwa siya ng prutas dahil gumagalaw ang mga kamay niya.

"May gusto ba siya sa isa diyan? Ayaw na ayaw talagang umuwi kala mo naman marunong mag-alaga eh hindi naman, puro lang naman pa cute ang alam. Kala mo naman cute hindi naman kamukha niya pa si kingkong at-"

"Pinagsasabi mo diyan?" pagpuputol ko sa kung ano man ang sunod na sasabihin niya.

"Oh shit." pagmumura niya at nalaglag ang kutsilyo sa sahig. "Shit." mura niya ulit bago pumihit paharap sakin. "Bat nanggugulat ka?!" iritadong aniya.

"Hindi kita ginulat, ikaw lang yung nagulat diyan. Wag mokong idamay."

"Hindi naman ako magugulat kung hindi ka nanggugulat!" sigaw niya.

"Mahina nga lang yung pagkakasabi ko. Kasalanan ko bang nagulat ka?" mahinahong ani ko.

"Eh sa nagulat ako eh!"

"Hindi ko nga kasalanan."

"Kasalanan mo yun!"

"Anak ng- kanina ka pa sigaw ng sigaw sakin ah?"

"Eh paano nakakairita ka!"

"Ano bang ginagawa ko para mairita ka?"

"Wala!"

"Wala naman pala eh."

"Tch!" singhal niya. Ano bang problema nito?

"Sana si Austin nalang yung nandito kung ganyan lang din naman ang asal mo." wala sa sariling sambit ko. Hindi ko alam kung bat sinabi ko yun, siguro dahil naiinis na talaga ako masyado sa kanya.

Nahugot ko ang hininga ko ng samaan niya ako ng tingin. "Edi tawagan mo at ipabalik mo dito!"

"Wala akong cellphone na dala. Nasa bahay. Atsaka wala din akong number niya kaya ikaw nalang ang tumawag sa kanya."

Napamaang siya sa sinabi ko, "You're unbelievable." iling na iling na aniya at naglakad patungo sa maliit na ref at kumuha ng tubig.

Napansin kong may tumatagaktak na maliliit na dugo sa sahig. Sinundan ko ng tingin si Preston at dumapo ang mata ko sa kamay niya. Nanliliit ang mga mata kong tinitigan ang hiwa sa kanang kamay niya.

"May sugat ka." ani ko.

"Alam ko." aniya at tinungga ang tubig na kinuha niya. "Ginulat moko eh," sarkastikong dagdag niya.

Tinikom ko nalang ang bibig ko at hindi na nagsalita ulit. Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama ng maayos, binuksan ko ang ikalawang drawer na nasa gilid ko. Kumuha ako ng sterile bandage, antibiotic ointment, alcohol, cotton at malinis na tela.

Binalingan ko si Preston na titig na titig sakin. "Tinitingin mo?" tanong ko.

Umiwas siya ng tingin. "Wala."

"May ice ba diyan sa ref?"

Binuksan niya ang freezer bago nagsalita. "Meron."

"Kumuha ka ng ice dyan tsaka tubig."

Tumango lang siya at sinunod ang mga sinabi ko. Walang imik siyang lumapit siya sakin at inilapag ang tray ng ice at tubig sa ibabaw ng maliit na drawer.

Akmang aalis na sana siya ng hawakan ko ang pulsuhan niya at malakas na hinila siya paupo sa kama.

"Ano ba?" iritableng saad niya.

"Kamay." mariin na ani ko.

Napabuntong-hininga ako at ako na kusa ang humawak sa kanang kamay niya at ipinatong ito sa hita ko. Napailing ako ng makita ang malaking hiwa sa pulsuhan niya. Tsk, hindi kasi nag-iingat pinagbibintangan pa ko.

Kinuha ko ang tubig at binuhusan ng konti ang cotton at pinahid ito sa sugat niya. "Bat ang laki nito?" tanong ko sa kanya habang busy sa paglilinis ng sugat niya.

"Malaki ang pagkakahiwa malamang" puno ng sarkasmong aniya.

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy lang sa ginagawa ko. Kinuha ko ang ice at binalot ito sa malinis na tela at inilagay sa ibabaw ng sugat niya.

"Bat may ice pa?" kunot- noong aniya, "Ang lamig."

"Wag kang OA. This will stop your wound from bleeding."

Pagkatapos ng tatlong minuto ay kinuha ko na ang ice sa ibabaw ng sugat niya. Kinuha ko ang antibiotic ointment at nilagyan ang sugat niya pagkatapos ay ipinalibot ko na ang sterile bandage sa pulsuhan niya. Napangiti ako sa ginawa ko dahil first time kong gawin to sa isang tao. Ngiti-ngiti akong nag-angat ng tingin pero agad ding napawi ang ngiti ko ng makitang titig na titig siya sakin.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin, "Tapos na." ani ko at nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumango siya at tumayo.

"Matulog kana." aniya at umupo sa sofa. Wala sa sariling humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.

"San ka matutulog?" tanong ko sa kanya habang nakatitig padin sa kisame.

"Dito lang sa sofa."

"Ayos kalang diyan?"

"Oo."

"Sige." ani ko at ipinikit ang mga mata ko. Ilang minuto na akong nakapikit pero gaya kanina hindi padin ako dinadalaw ng antok. Idinilat ko ulit ang mga mata ko at tumitig sa kisame.

"Menezo?" pagtatawag ko dito. Akala ko natulog na siya kaya nagulat ako nung sumagot siya.

"Hmm?"

"Anong oras na?"

"12:43 na. Matulog kana Maple. Kailangan mong magpahinga."

Tumango ako kahit na sigurado akong di niya nakita ang pagtango ko.

"Pwede mo bang patayin yung ilaw?" pag-uutos ko dito.

"Bakit?"

"Hindi ako makatulog pag hindi patay yung ilaw."

Hindi na siya sumagot pa pero naririnig ko ang mga yabag niya, pagkalipas ng ilang segundo ay nilamon na ng dilim ang silid.

"Good night Maple." narinig kong aniya.

Pumikit ako bago tumugon. "Good night Menezo."

I YAWNED at kinusot ang mga mata ko at agad na napabangon ng makita si Austin sa gilid ng kama ko, nakangiti habang titig na titig sakin.

"Good morning Mapleleya!" masiglang bati niya sakin.

"Don't do that again." seryosong saad ko. Natakot ako hindi para sa sarili ko kundi para kay Austin, ayoko sa lahat ay yung nagugulat ako, mabuti nalang at hindi ko siya nasuntok sa mukha dahil sa sobrang lapit niya.

Biglang napawi ang ngiti niya kaya naguilty ako bigla.

"Sorry Mapleleya." paumanhin niya.

Tumawa ako ng bahagya para hindi niya masyadong dibdibin. "Ayos lang. Nagulat lang talaga ako."

Biglang bumalik ang sigla sa mukha niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Gutom kana ba? Makakalakad ka?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Makakalakad naman ako." Napaitad ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko "Kain na tayo," aniya at ginaya ako sa lamesa. Hinila niya ang isang upuan at pinaupo ako. Nasa kanan ko si Xenon at sa kaliwa ko naman si Austin. Sa harapan ko si Preston na katabi sina Unier at Hillary na kanina pa pala nakatingin sa amin kaya bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Good morning Maple." sabay na sabi nung tatlo maliban kay Preston.

"Morning." simpleng sagot ko.

Abala si Austin sa paglagay ng mga pagkain sa plato ko at hinayaan ko lang siya dahil nasisiyahan siya sa ginagawa niya. Sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang pagsiko ni Hillary kay Preston.

"What?!" iritableng sigaw ni Preston.

May ibinulong sa kanya si Hillary na mas lalong nagpakunot ng noo niya. Agad siyang lumingon sakin kaya nagtama ang mga mata naming dalawa pero napamaang nalang ako ng irapan niya ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Here Mapleleya, eat naaaa." napabaling ang atensyon ko kay Austin at sa plato ko. Nginitian ko siya at nagsimula ng kumain.

"Hindi ba kayo papasok?" tanong ko sa kanila sa gitna ng pagkain.

"Hindi, sasamahan ka namin hanggang sa makalabas ka mamaya." si Unier ang sumagot sa tanong ko.

Kumunot ang noo ko sa narinig. "Hindi niyo naman kailangang gawin to. Kaya ko naman ang sarili ko."

"No we insist." ani ni Xenon at kinindatan ako.

"Pero-"

"Nu-uh. Shut it Maple." pagpuputol sakin ni Hillary.

Napailing nalang ako dahil pinagtutulungan nila ako. Alam kong wala na akong magagawa.

"Guys may joke ako!" biglang ani ni Austin.

"Ano yun?" ani ni Hillary habang may kanin pa sa bibig niya.

"Anong tawag sa unan na maliit?"

"PilLOW?" hindi siguradong sagot ni Unier.

"Nope!"

"Eh ano?" Xenon.

"Hulaan niyo!"

"Hindi ko alam."

"Hindi ko din alam."

"Eh ikaw Maple alam mo?"

Umiling ako.

"Edi UNANo HAHAHAHHAHAHHAAHAHAHAHA" aniya at tumawa ng malakas.

Napailing nalang ako habang nabilaukan naman si Xenon, bentang-benta sa kanya ang joke ni Austin.

"Ang corny mo." saad ni Unier.

Nilingon ko si Preston na nakayuko lang habang kumakain, hindi siya nakikisabay sa kanila. Mukhang malalim ang iniisip.

"Mapleeee."

Mabilis akong napalingon kay Austin, "Bakit?"

"May joke ako."

"Sige."

"Tea ka ba?"

Kumunot ang noo ko, "Hindi."

Natawa silang Unier habang ngumuso naman si Austin, "Bakit kasi dapat sasabihin mo Maple."

"Oh bakit?"

Ngumisi siya bago sumagot. "Kasi TEAnaman na ako sayo."

"Ah ok."

Umugong ang tawanan nila Hillary sa naging sagot ko.

"Maple naman eh!" pagdadabog ni Austin.

"Ginawa ko sayo? Sabi mo joke eh." ani ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Bobo pick up line kasi yun Austin." ani ni Xenon at humagalpak ng tawa na sinabayan naman nila Unier kahit si Preston ay napatawa ng konti.

Nag-asaran lang sila hanggang sa matapos kaming kumain.

Palihim ko silang tiningnan lahat at bahagya akong kinabahan dahil baka pag mapalapit ako ng sobra sa kanila, hindi ko sila maiwan-iwan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top