CHAPTER 10
Chapter 10
Lunes na naman at wala talaga akong ganang pumasok sa eskwelahan dahil nananakit pa ang aking likod ngunit kailangan. Scholar pa naman ako kaya mahirap na pag um-absent ako.
Akala ko kahapon mawawala na ang lagnat ko dahil nagpahinga lang ako buong maghapon ngunit nagkamali ako. Mas lumala pa nga ang lagnat ko at sinisipon ako. My rest yesterday was useless. Kung mahina ako kahapon mas nanghihina ako ngayon, kahit nga magluto ay tinatamad ako.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang kumakain ng sandwich. Makulimlim sa labas, paniguradong uulan mamaya. Napabuntong-hininga ako at mabilis na kinain ang sandwich at lumabas na ng bahay.
Nang makarating ako sa paaralan ay wala pa masyadong tao. Maaga kasi akong pumasok para iwas gulo, nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako sa classroom ng maayos. Pero agad ko ding nahigit ang hininga ko ng makita si Preston na ngumingiting mag-isa sa upuan niya. Kumunot ang noo ko ng makitang siya lang mag-isa, wala pa ang mga kaibigan niya.
Napaatras ako ng isang hakbang ng mag-angat siya ng tingin at nagkatitigan kami. Biglang napawi ang ngiti niya kanina at napalitan ng inis ang kabuuan ng mukha niya.
"Tinitingin mo diyan?" inis na singhal niya.
"Ha?" wala sa sariling ani ko.
Mas lalong bumalanda ang inis sa mukha niya. "Ano sabi ang tinitingin mo diyan? Alam kong gwapo ako."
Ang hangin naman nito. Lakas ng apog hindi ka gwapo para sakin ulol.
"Anong sabi mo."
Napakurap ako. "Ha?"
"Hindi ako gwapo kamo?" aniya at tumayo sa kinakaupuan niya at lumapit sakin.
"May sinabi ba akong ganun?"
"Really Maple? You told me that you don't find me handsome." patuloy padin siya sa paglapit kaya wala akong nagawa kundi ang umatras. His eyes didn't leave mine.
Napamura ako sa aking isipan ng wala na akong maatrasan. Naisandal ko ang ulo ko sa black board at napalunok. Nilagay niya naman ang dalawang kamay niya sa blackboard, kinukulong ako at inilapit ang mukha niya sakin.
"Ngayon mo sabihing hindi ako gwapo." nanliliit ang mga matang tinitigan niya ako.
Damn, I hate his stares.
"Hindi ka gwapo." pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.
"What?!" inis na tanong niya. "Ako?" turo niya sa sarili niya, "Hindi gwapo? Ha!"
Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko at inihaplos sa mukha niya. Napamaang ako sa ginagawa niya habang siya naman ay nanlaki ang mga mata at binitawan ang kamay ko.
"Tch. Gwapo kasi ako." mahinang bulong niya. Wala sa sariling tumango nalang ako. Why the heck did he do that?!
I flinched when he touched my forehead and neck with his palm.
"Sinasabi na nga." mahinang bulong niya at umiling. Lumayo siya ng konti sakin, "Bat pumasok ka pa?"
"Ha?"
"Wag mokong ma 'ha' 'ha' jan Maple. May lagnat ka, kumain kana ba?"
Tumango lang ako. Why does he care?
"Uminom ng gamot?"
Tumango na naman ako ulit.
"Nilalamig ka ba?"
Umiling ako.
"Tch, pipi ka ba?"
"Ha?"
"Anak ng- isang ha pa Maple malilintikan kana talaga sakin." hinubad niya ang jacket niya at inilagay sa balikat ko. "Baka umulan mamaya at lamigin ka."
Napakurap ako at tinitingnan siya, "You don't have to do this you know."
"Hindi ka ba talaga marunong magpasalamat?" sarkastikong saad niya.
Itinikom ko nalang ang bibig ko at dumiretso na sa upuan ko. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa armchair at ipinatong ang ulo ko. I'm sleepy and it's like my head is about to burst.
"Matutulog ka?" narinig kong tanong ni Preston. Hindi ko na siya sinagot kasi bumibigat ang taluptop ng mga mata ko, bago pa ako tuluyang nilamon ng antok naramdaman ko ang paghaplos ni Preston sa buhok ko.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog ng naalimpungatan ako dahil sa mga taong nagtatalo. Nakinig muna ako sa kanila, hindi ko muna inimulat ang mga mata ko. Rinig ko ang patak ng ulan na nagpapakalma sakin. Ah, how I love to hear and smell the rain.
"Wag mo ngang gisingin." dinig kong ani ni Preston.
"Come on guys may klase pa tayo." Hillary.
"Edi pumunta kana sa lab Hillary." ani naman ni Xenon.
"Ano ng gagawin natin?" mahinang bulong ni Austin.
"Magpapaiwan nalang ako dito, ako nalang ang magbabantay sa kanya." Preston.
"Hindi ako nalang, mas close kami." Unier.
"Ha? Mas close naman kami ni Mapleleya Tito Unier." malapit ko ng maikot ang mga mata ko sa sinabi ni Austin.
"No, ako na ako yung nakakaalam na may lagnat siya. Ako na baka magulat siya pag kayo yung maiwan dito." mariin na saad ni Preston.
"Ako nalang. Pumunta na kayo dun sa lab, madami na kayong absent kaya ako nalang ang maiwan dito kay Maple." ani ni Hillary.
"Ayoko!" sabay na ani nilang lahat. Seriously?! What the hell are they doing?!
"Ako na sabi eh."
"Ako nga."
"Ako kasii."
"Mas close kami."
"Weh? Hindi ka nga niya pinapansin Unier."
"Ako na sabi ano ba!"
"Ako nga!"
"Suntukan nalang oh!" narinig kong ani ni Preston.
Bago pa sila magsuntukan ay dumilat na ako at nag-angat ng tingin. Kumunot ang noo ko habang tinitigan sila isa-isa na ngayon ay namumutla.
Tumaas ang isang kilay ko ng batukan ni Xenon si Austin. "Bwiset ka kasi ang ingay mo."
"Aray! Bat ako? Eh si Preston naman tong panay sigaw ah?"
"What? Me?" turo ni Preston sa sarili niya, "Eh ikaw lang naman tong nag-iingay ah."
"Ikaw kaya!"
"Ikaw sabi eh!"
Napabuntong-hininga ako at umiling. Kinuha ko ang mga gamit ko at tumayo. Akmang maglalakad na sana ako ng biglang kumirot ang ulo ko, pumikit na muna ako ng limang segundo tsaka naglakad pero bago pa ako makalabas ng pinto ay hinarang ako ni Preston.
"San ka pupunta?" inis na tanong niya.
"S-sa lab." mahina at napapaos na sabi ko.
"What?! Hindi ka pwedeng pumasok dun. Umuulan Maple." mariing aniya.
"Ayos lang ako. Pumunta na tayo sa lab may klase pa tayo." nanliliit ang boses ko at pumipiyok.
"Hindi. Wag matigas ang ulo."
"Ayos lang kasi." ani ko at pinikit ng mariin ang mga mata ko dahil nahihilo ako pagkatapos ng ilang minuto ay dumilat na ako.
Ang kaninang inis na mukha niya ay napalitan ng pag-alala. Gaya kanina ay idinampi niya ang palad niya sa noo at sa leeg ko.
"Mas mainit ka ngayon." mahinang ani niya.
Idinampi ko din ang palad ko sa aking noo at gaya ng sinabi niya mas mainit nga ako ngayon kumpara kanina, namamaos din ang boses ko at nilalamig.
"Ayos lang talaga ako." pag-uulit ko sa sinabi ko kanina, lumiko ako at akmang lalampasan siya ng hawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa silyang pinakamalapit. "Wag matigas ang ulo Maple." seryosong aniya.
"Menezo kailangan kong pumasok, bawal sakin ang umabsent ng marami, scholar lang ako."
"Oh tapos? Excuse kalang, hindi ka naman aabsent. Ako ang bahala sayo."
Napabuntong-hininga nalang ako dahil alam kong wala akong magagawa, halatang hindi magpapatalo to. Bat ba ako tinutulungan nito? Hindi ba't galit siya sakin? Anong nangyari sa kanya? Tss.
"Hoy Austin akin nayang jacket mo." rinig kong aniya.
"Bakit Uncle Pres? Ayoko nilalamig ako eh."
Nilingon ko sila at nakita kong pinandilatan niya ng mata si Austin kaya walang nagawa si Austin kundi ang ibigay ang jacket niya. Lumapit ulit si Preston sakin at akmang isusuot niya ang jacket ng agawin ito ni Austin sa kanya.
"Ako na," ani ni Austin at isinuot sa akin ang jacket niya. "Ayos na ba yan Mapleleya? Dalawang jacket na yan, hindi ka na nilalamig?"
Umiling nalang ako at umisog ng konti dahil sobrang lapit niya sakin. Umubo ng malakas si Hillary kaya napatingin kami sa kanya.
Tumikhim siya bago nagsalita, "Pupuntahan ko na muna si Sir Camoa, magpapa excuse ako sa ating anim."
Tinanguan lang siya ng apat at yumuko nalang ako. I don't know why they're helping me, nakakapanibago tss. Ano bang problema nila? Bat ba ganito sila sakin?
Magpasalamat ka nalang Maple na tinulungan ka nila, anang isang bahagi ng utak ko. Yeah right.
"Unier may payong ka?" dinig kong tanong ni Xenon.
"Baliw, di ako nagpapayong."
"Sige manghihiram nalang ako sa mga babae baka sakaling meron."
"Sige, balik ka kaagad."
"Mapleleya, ayos kalang?"
Nilingon ko si Austin at tinanguan.
"Wala bang masakit sayo?"
Umiling ako.
"Kumain kana ba?"
"Oo Austin kumain na siya, uminom na siya ng gamot, walang masakit sa kanya maliban ang ulo niya, oo tinanong ko na kanina tch." inis na sabi ni Preston.
"Chill man." natatawang ani ni Xenon.
"Ay sige." Austin. "Mapleleya pwede pa hug? Namiss kasi kita dahil dalawang araw tayong hindi nagkita. Pretty please?" muntik na akong matawa nang mag puppy eyes siya.
Akmang sasagot na sana ako kay Austin ng inunahan ako ni Preston. "Hindi pwede. Magkakasakit ka din kaya hindi pwede."
Sumimangot si Austin at nilingon si Preston, "Bat ka ba ganyan?"
"Concern lang ako sayo tsk."
"Ay talaga? Ayos lang naman ako Uncle Pres I just wanna hug Maple."
"Sabi ng hindi pwede eh."
Mas lalong sumimangot si Austin, "Wae? Waeyo? Naneun danji nae hogam-i geuliwo!"
"What?!" inis na tanong ni Preston.
"Wala!" Nilingon ulit ako ni Austin at biglang niyakap. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at napalunok ng makitang sobrang sama ng tingin ni Preston sa aming dalawa.
NANDITO kami ngayon sa hospital. Idinala ako nila Austin dito dahil nag-aalala na daw sila dahil hindi bumababa ang lagnat ko, hindi pa naman daw sila marunong mag-alaga ng may sakit. Kung tutuusin nga ay simpleng lagnat lang naman to baka nga bukas ay ayos na ako, masyadong OA lang talaga ang magkakaibigan na to.
Pumasok si Preston sa silid na may dalang prutas. "San sila Austin?" pambubungad ko dito.
"Kumakain." simpleng sagot niya.
"Ah."
"Tch." asik niya.
"Pwede na ba akong lumabas mamaya?"
"Hindi pa. Bukas pa ng hapon."
"Huh? Hindi pwede may klase pa tayo." pumiyok na naman ang boses ko.
"Pina excuse kana namin." Bat ba nila ginagawa to?
"Sabi nurse kailangan mo lang daw magpahinga kaya wag matigas ang ulo at matulog ka jan. Tch." inis na ani ni Preston at inilapag ang prutas sa maliit na lamesa. "At namamaga daw ang likod mo siguro yun daw ang sanhi kung bakit ka nilalagnat ngayon." kunot-noong dagdag niya. "Anong nangyari diyan?"
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at hindi ako agad na nakasagot, damn this is a bad idea. Shit. Why did I even agree to go to this hospital anyway? Imbes na sagutin siya ay iniba ko ang usapan.
"Wala akong pambayad dito sa hospital. Sana sa school's clinic nalang tayo dahil libre pa." paos na ani ko.
"Bakit?! May sinabi ba akong ikaw ang magbayad? Wala naman akong sinabing ganun!" singhal niya.
"Eh bat galit ka?"
"Hindi ako galit!"
"Eh bat sumisigaw ka?"
"Hindi ako sumisigaw!"
"Hindi daw. Eh bat nagkakaganyan ka?"
"Eh pano may lagnat kana nga't lahat lumalandi ka padin!"
Kumunot ang noo ko. "Anong lumalandi? Kanino ha?" inis na tanong ko.
"Ewan ko sayo! Matulog ka nalang Maple!" iritadong aniya at padabog na lumabas sa silid.
Ano bang nangyayari dun?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top