CHAPTER 1


Chapter 1

Pinaikot ko ang ballpen sa kaliwang kamay ko habang diretsong nakatingin sa pisara. Naboboringan ako sa discussion ni Sir Marino. It's the first day of school pero nagdidiscuss na. What a good day to start.

Kanina pa dada ng dada si Sir Marino ngunit wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Pag pasok niya kanina tiningnan niya lang kami at sinabing wag na kaming magpakilala dahil kilala naman namin ang isa'-isa. Ang iba pa nga ay nadismaya.

Napabuntong-hininga ako at inilibot nalang ang paningin sa silid-aralan. May iilang pamilyar ang mukha, yung iba naman ay ngayon ko lang nakita.

Kinse lang kami sa classroom at may limang bakanteng upuan. Tatlo sa kanan ko at dalawa naman sa harapan ko. Nasa pinakadulong upuan ako at halatang umiiwas tong mga kaklase ko sa akin na para bang meron akong nakakahawang sakit. I snorted. As if I care if they don't want to sit near or beside me. It's not a big deal alright.

Yumuko ako at nag sketch nalang sa notebook ko ng bigla nalang may sumipa ng malakas sa pinto. Biglang napahiyaw ang mga kaklase ko sa pagkakagulat pero agad na napalitan iyon ng kilig sabay bulong-bulongan.

Puno ng kuryosidad na nag-angat ako ng tingin at tiningnan kung sino ang lumikha ng ingay. Bahagyang tumaas ang gilid ng labi ko nang makita kung sino ang mga ito. Great. Just great.

"Hi, sorry sir we're late." ani nung lalaking kulay abo ang buhok, ngumiti pa ito na ikinatili ng mga kakabaihan. Seriously?

"Class keep quite!" agad namang nagsitahimik ang mga kaklase ko. "You! You! You! You! And you!" turo ni sir Marino dun sa lima. "Introduce yourselves!" unfair neto pinag introduce sila tas kami hindi? Iba ka talaga panot.

Nagsalute yung lalaking kulay itim ang buhok na ikinatawa ng karamihan. "Sir yes sir!"

Siya ang pinakaunang pumunta sa gitna. He has a chinky eyes and a pointed nose. He also has a kissable lips. Exactly my type minus the childish attitude.

"Heyo ladies and gentlemen! I'm Austin Vestro. Ang pinakagwapo sa lahat, and I, thank you!" ngumiti pa ito ng sobrang tamis na bumungisngis ng mga kaklase ko.

Sumunod naman yung kulay abo ang buhok. "Hi I'm Xenon Ash Taer." tipid na aniya.

Xenon has a nice set pair of eyes. Mestizo at halatang hindi palangiti kagaya ni Austin. Kulay gray pati na narin ang buhok nito. No wonder he got the second name Ash.

"Preston Kaizer Menezo." tipid na ani nang lalaking may ala demonyong aura. Kulay itim ang mata nito na kung makatitig ay parang galit sa mundo. He also has a piercing on his left nose. I didn't notice it nung bakbakan. Nice. The leader of the PO.

Iling-iling na nagpakilala naman yung lalaking may maraming piercing. Unlike Pres na isa lang. He has a dark brown eyes at blonde ang buhok. Halatang may lahi. "Hey guys I'm Hillary Kyle Asequia but you can call me Kyle."

"I'm Unier Tyron Yam. 18 years old." He has a black hair same as Austin pero medyo magulo yung sa kanya. And his voice is sexy parang nang-aakit. Hindi ko namalayang napatitig na ako sa kanya. Damn, I don't know why but this guy looks familiar.

Umiwas ako ng tingin at yumuko ng bigla itong lumingon sakin. Shit. Baka nakita niya akong titig na titig sa kanya baka ano pang isipin nito.

"You may now take your seats! Sa susunod na malate na naman kayo sa klase ko might as well drop out!" pasigaw at masungit na ani ni Sir Marino.

Nanuot sa ilong ko ang pabangong Calvin Klein kaya nilingon ko kung sino ang may-ari ng pabangong iyon.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Unier ang katabi ko. Katabi niya naman ay si Hillary at nasa kanan naman ni Hillary si Xenon. Si Menezo naman ang nasa harapan ko at ang katabi naman nito ay si Austin na panay dada kahit may nagtuturo sa harapan. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila at muling nag sketch.

"Nice." ani ng baritonong tinig. Agad na nilingon ko ang nagsalita. Titig na titig at nakangiting tumingin si Unier sa iniisketch ko.

"Thanks." malamig na ani ko. I was actually flattered dahil siya pa ang kauna-unahang tao na pumuri sa ginawa kong sketch.

Hindi na niya dinugtungan ang sinabi niya at nakinig na siya kay Mr. Marino at ganun din ang ginawa ko.

TUMUNOG ang bell hudyat na tapos na ang unang klase. Agad kong inayos ang mga gamit ko at lumabas sa silid-aralan. Lakad-takbo ang ginawa ko papuntang canteen dahil gutom na gutom na talaga ako.

Hinihingal ako ng makaabot at nakahinga ako ng maluwag ng makitang konti palang ang tao dito. Wala akong sinayang na oras at agad-agad akong pumunta sa counter.

Inayos ko muna ang suot kong eyeglass bago nag order. "Ate dalawang slice ng pizza, dalawang brownies, limang siomai at dalawang coke in can. Thank you."

"Teka ano nga ulit yun?! Dahan-dahan naman sa pagsasalita. Walang asong humahabol sayo." mataray na sabi nito. Medyo nahiya naman ako sa inasta ko dahil para akong patay gutom.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Dalawa pong slice na pizza. Dalawa pong brownies. Lima pong siomai at dalawa pong coke in can." this time dahan-dahan ko ng sinabi.

"Aba iha napakapilosopo mo naman yata. Hindi ako grade 1!" inirapan niya ako.

"Ha? Hindi naman p-"

"387 lahat!" pasigaw na aniya sabay lapag ng tray na may lamang mga pagkain na inorder ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nang-iinsultong tumawa. "May pambayad ka ba?"

Kingina nito ah. Tss. Kelangang mang insulto ganun?

Kinalma ko na muna ang sarili ko bago kumuha ng pera sa bag. Minsan lang ako magyabang kaya susulitin ko na. "Eto po oh." sabay abot ko sa kanya ng 500. "Keep the change nalang po. Thanks." nang-aasar na wika ko.

Agad akong pumunta sa pinakadulong lamesa dahil doon ang paboritong lugar ko 'pag kumakain. Wala kasing kumakain masyado sa parteng ito. Which is gustong-gusto ko. Natatanaw ko din kasi mula dito ang soccer field at mahangin pa. Nakakarelax.

Pagkaupo ko ay agad kong nilantakan ang pizza. Napapikit pa ako habang nginunguya ito. Panay subo lang ako sa mga pagkaing inorder ko na parang wala ng bukas. Wala eh gutom na gutom na talaga ako. I was about to take another bite of my brownies nang biglang umingay ang paligid. Alam ko na kung sino ang tinitilian ng mga 'to. Tumigil ako sa pagkain at sumandal sa upuan ko habang diretso ang tingin na tiningnan silang isa-isa na pumasok sa canteen.

"Omg Phaux Organization!"

"Prestooooonnnnn!"

"Halaaaa Presssss!"

"Austin my babyyy!"

"Hillarrrrrryyyy!!"

"Waaaaaah Unieeerrr!"

"Xenooon loveeeeee!"

Samut-sariwang sigawan, tilian at hiyawan ang naririnig ko. Mga walanghiya baka nakalimutan nilang paaralan 'to kung makasigaw daig pa ang mga fangirls sa tuwing nag concert yung mga idol nila. Yung iba nga may pagkain pa sa bibig nila. Mabilaukan sana kayo. One word to describe them? Gross.

Napailing nalang ako nagmamadaling kumain ulit. I opened the coke in can at agad kong tinungga iyon. Pagkatapos kong uminom ay kinakain ko na ulit yung brownies na nakagat ko na kanina. I can't wait to get out of this place.

Kasalukuyan kong nginunguya ang brownies nang may malamig na likido na dumaloy sa buhok papuntang mukha ko. Dinilaan ko ang gilid ng labi ko gamit ang dila ko at ninamnam ang binuhos sakin. The heck juice?!

"Bwahahahahahahaha!" napapikit ako sa impit na tawanan ng mga tao.

Akala ko pa naman matiwasay ang unang araw ko dito hindi kagaya noon but heck I was wrong. Eto na naman ulit. Seryoso? Kelan ba matatapos to? Mabuti nalang dahil juice yung binuhos sakin hindi kagaya noon na maanghang na ketchup, ihi ng baboy at iba pa na hindi ko naman alam kung saan nila kinuha.

Dumilat ako at tinanggal ang salamin kong nabuhusan din tsaka ko nilapag sa lamesa. Parang alam ko na kung sino ang gumawa sakin nito pero gusto ko paring kumpirmahin.

Dahan-dahang nilingon ko ang gumawa sakin nito at bumungad sakin ang ngisi-ngising mukha ni Zeus kasama ang girlfriend niyang si Tiara na may hawak na basong walang laman.

Bagay talaga kayo, parehong mga abnoy. Gusto kong sabihin pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Wala ba talaga 'tong magawa sa mga buhay nila at ako palagi ang pinagtitripan? Hindi ba sila napapagod?

"Oopps hello my nerdy nerdy Mapley enjoying your meal?" nang-aasar na wika ni Tiara.

Yes, I was really enjoying my food but then you two dimwits came.

Instead of saying what I wanted to say nanahimik nalang ako at kinuha nalang ang panyo sa bulsa ko at sinimulan kong punasan ang buhok at mukha ko.

Bahagya akong nagulat at napabitaw sa panyo ko ng may biglang humigit sa papulsuhan ko at marahas akong pinatayo.

Sobrang lapit ng mukha ko sa mukha ni Zeus na naaamoy ko pa ang amoy ng sigarilyo galing sa bibig nito. Ambaho taena.

"Hey nerd. My girlfriend is talking to you. Don't you think it's rude to turn your back on her?" mariin na bulong sakin ni Zeus.

Yumuko nalang ako ulit. Ayokong magsalita dahil mag-aaksaya lang ako ng laway. They're not worth it. Naramdaman kong mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa pulsuhan ko. That won't work on me boi. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Bitiwan moko." mahinang sabi ko.

"But before that-" naramdamanan kong gumalaw siya kaya nag-angat ako ng tingin. Malakas na tawanan na naman ang umaalingaw sa paligid ng buhusan niya ako ng spaghetti.

Napayuko ako ulit at sinamaan ng tingin ang lupa. Fuck, didn't his parents taught him that spaghetti should be eaten? His wasting food damn it. May iba diyang nagugutom tas nag-aaksaya lang siya. Walanghiya talaga.

I could feel the spaghetti dripping on me. Naks ginutom ako bigla ah? Parang gusto ko ng spaghetti mamayang hapunan.

"Dude you shouldn't have done that to a girl." narinig kong ani ng pamilyar na tinig. Napapikit ako sa pagpapakainis. What the heck is he doing? Bigla din tumahimik ang mga tao sa paligid namin. Nanatili lang akong nakayuko at pinapakiramdaman ang paligid ko.

"U-Unier. S-she's not a girl. I-I mean look at h-her. The way s-she dress. M-manang siya. S-she don't b-belong here." nauutal na ani ni Zeus. I badly want to see his reaction and laugh but I know I can't do that. Not yet.

"You said "she" and "her" so basically she's a girl."

"A-ah-"

"What section are you?"

"4-4 B-B"

"Oh last section. No wonder why you're stupid."

Muling umaalingaw ang tawanan ng mga tao. Naririnig ko rin ang ilang yabag na papalayo.

"Maple, are you okay?" nag-aalalang ani ng isang tinig.

Dumilat ako at nag-angat ng tingin. "You shouldn't have done that." Mahina ngunit mariin na ani ko. You just made things worst.

Nalilitong tinitigan niya ako. "What? Saving you?"

"No, you didn't save me you just made things worst." mahinang bulong ko na hindi niya yata narinig.

"Ha?"

Nagsinghapan na naman ang mga tao ng may bigla na namang buhos ng juice sakin. Napapikit na naman ako. Gusto kong manuntok. Ang lamig lamig nun!

When I turn around to see who it was my jaw almost drop.

"Dude don't waste your time on this ugly creature who doesn't know how to fucking appreciate people. Let's go Unier." sinamaan niya ako ng tingin "Prepare yourself. You're lucky dahil isa sa mga Phaux ang niligtas ka pero hindi ka manlang marunong magpasalamat." hinawakan ni Preston ang kamay ko at may nilagay na papel sa palad ko pagkatapos ay hinila niya si Unier at wala namang namang nagawa ang huli.

Dahan-dahan kong binuksan ang palad ko at tiningnan ang nilagay niya. Kulay pula ang papel at kulay itim naman ang X nito at sa kaliwang bahagi naman ay may nakalagay na Phraux Play Card.


What the heck is this?!

Kunot-noong nilagay ko sa bulsa ko ang papel at nagmamadaling nilisan ang canteen.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top