Chapter 7

Chapter 7: Another Visit

Inaasahan ko nang hindi papayag si Kamahalan sa pamamaalam ko, ngunit tila ang sabay-sabay naming naramdamang presensiya ang siyang higit na nagpasang-ayon sa kanya na mas mabuting umalis muna kami sa Parsua Sartorias.

Hindi ko itinatangging ako na mismo ang siyang nagda-dalawang isip umalis. Ngunit si Haring Dastan na rin ang nagsabing magandang ideya raw ang pagbabakasyon namin sa Mudelior.

What actually happened?

Parsua Sartorias had a powerful barrier. We were heavily protected. Ngunit sa paanong paraan naiparamdam ng presensiyang iyon ang kanyang sarili sa ilalim ng makapangyarihang basbas ni Leticia?

I witnessed how everyone was alarmed by that presence. Maging si Haring Dastan ay napatayo mula sa kanyang lamesa upang tumanaw sa labas, partikular na sa kuwadra kung saan naroon ang higit na presensiya.

Sina Reyna Leticia at Haring Dastan ang siyang ngayon ay nasa harapan namin ni Zen, habang si Casper ay nanatili sa tabi ni Divina ngunit hindi na nila itinuloy pa ang pangangabayo.

"I received a letter from Lily. They even felt the presence in Eberron. Pabalik na sila ni Adam dito kasama ng kambal," ani ni Dastan.

Dahil sa presensiyang tila sinadyang guluhin ang kapayapaan ng Sartorias, ngayo'y higit na naging abala ang mga bihasang kawal mula sa kani-kanilang istasyon upang higit na matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Sartorias.

Si Haring Dastan ay nag-anunsyo na rin ng mabilisang pagpupulong upang makausap ang bawat hari ng mga emperyo. Una'y inaakala namin na sa Sartorias lamang, ngunit nang sandaling magpadala ng sulat sila Lily lulan ng isang malaking uwak, higit nang nabahala ang aming hari't reyna.

"I'll be straight," tipid na sabi ni Kamahalan habang nakatitig sa amin ni Zen.

Ramdam ko ang mariing paghawak ng kamay sa akin ni Zen, hindi pa man kami nag-uusap ni Zen tungkol sa bagay na ito, alam kong katulad ko'y iisa lang ang iniisip namin.

"The presence is after our daughter," sabi ni Zen na hindi na hinintay ang anumang sasabihin ni Dastan.

Nangatal ang buong sistema ko nang marinig ko iyon sa sariling bibig ni Zen. Pinaghihinalaan ko nang si Divina ang nais ng presensiyang naramdaman namin, ngunit ang marinig ang kumpirmasyon?

Ano ang kailangan nila sa isang inosenteng bata? Was it my daughter's unique power? Ngunit pilit namin iyong inililihim sa lahat at tanging ang pamilya lang namin at ang ilang pinagkakatiwalaang nilalang ang may alam niyon.

We even discovered that Queen Talisha removed the memories of those creatures that happened to discover our daughter's unique power. Divina's power was just known to us and all loyal creatures inside the palace.

Saglit kong sinulyapan si Leticia, ngunit nanatili siyang tahimik at tila hindi makatingin sa akin. Maybe because she was also a mother. Alam niya kung ano itong nararamdaman ko. I was scared. Why Divina? Why my daughter?

I even had an idea to escape and bring Divina to my old world. Kung dadalhin ko siya sa mundo ng mga tao'y higit siyang ligtas doon dahil limitado lang ang kapangyarihan ng iba't ibang nilalang na magtutungo roon mula sa mundong ito. In human world I could protect her. I was more powerful than them. Ngunit alam kong hindi papayag si Zen. He was the father, after all. Hinding-hindi siya papayag na mapahiwalay siya sa aming mag-ina.

Ngunit bakit sa Mudelior? Bakit hindi na lang dito kung saan nandito ang pinakamalalakas na nilalang?

"I think this place is safer than—"

"Kung nagawa niyang iparamdam ang kanyang presensiya kahit narito tayong lahat, maaari niyang gawin ang higit pa. Leticia will try to focus more with the barriers with your fellow enchantress. We need to trick this someone. We will never announce your departure," paliwanag ni Dastan.

"But a journey will make it more complicated. What if there will be an ambush?"

"You forgot that you have a Queen who can make a portal," tipid na sumulyap si Dastan kay Leticia.

"My plan is to make a fake journey. Hindi man natin ianunsyo at ilihim sa lahat ang pag-alis ninyo, siguradong malalaman pa rin iyon ng ilan. We will prepare a carriage with the presence of you three, and that's possible with the Queen's power."

Hindi ko mapigilan ang mapahanga sa kakayahan ni Leticia. She could almost do everything. Ngunit habang iniisip ko rin ang bagay na ito, lalo akong natakot, kung ganito na kalakas si Leticia, sa paanong paraan pa nakalusot ang presensiyang iyon?

"A fake journey? We will send our knights for a possible ambush?" said asked, doubtfully.

"Casper, Harper and Finn volunteered to enter the carriage," kalmadong sabi ni Dastan na parang dadalo lang sa isang pagpupulong ang tatlo niyang kapatid.

Napasinghap ako at napabitaw ng pagkakahawak sa akin si Zen.

"But that's dangerous! They could be—"

"We can't send our knights just to let them die for a possible ambush, right? We should send our powerful weapon. Let them think that they'll ambush your vulnerable carriage with an innocent child, a short-tempered prince, and a soft-hearted enchantress."

Zen huffed incredulously. "What do you mean by that, Dastan? Na mas may laban sina Finn—"

"I am not weighing the power. I am thinking about Divina, you fool."

Biglang natahimik si Zen sa sinabi ni Dastan. Kahit ako'y hindi nakapagsalita, maging si Leticia ay hindi na rin nakasabat. Bagaman nagkakaroon na ng diskusyon sa pagitan namin tungkol dito, at malinaw na makikita ang lumiliit na pasensiya ni Zen, hindi ko akalain na maging si Haring Dastan ay nawawalan na rin ng pasensiya kahit pilit niyang itago ang kanyang emosyon.

He was really worried about Divina.

"How dare them and their insolence to set foot on my territory. They even targeted our Divina," matigas na sabi ni Kamahalan.

Ilang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan naming lahat. I could feel the tension between us.

"D-Dastan, alam mong hindi lang iyon ang iniisip ko. I am also worried to our siblings—" Pinutol na ni Dastan ang sasabihin niya.

"You mean Harper, Casper, and Finn? They even volunteered to ride your carriage and to plan our ambush."

Napatulala na ako kay Haring Dastan. The fact that he allowed Finn to join an ambush meant that he was really at his limit. Divina was one of King Dastan's trigger points, and he was willing to summon one of the most powerful vampires in history.

Usually, when it comes to a threat against the royalty, the movement and investigation would be under one of the generals or a high-ranking vampire. But right after what had happened, Dastan might have alerted the whole security of Parsua Sartorias and informed the remaining empires. I could assure myself that he'd never allowed anyone to handle this case.

Ang hari mismo ang siyang haharap sa pangyayaring ito at nasisigurado kong hindi niya ito ipapasa hangga't hindi niya nahuhuli ang may-ari ng presensiyang iyon.

If the presence was after our Divina, our king would that creature down.

Hindi ko na mapigilan ang pagluha ko. I was thankful. Nagpapasalamat ako na hindi lang kami ni Zen ang siyang humaharap sa ganitong sitwasyon. We were highly supported by his family. Ramdam na ramdam ko iyon.

"Just stick with your wife and daughter, Zen. I'll handle this case. I assume Mudelior has better security, right, Claret? Your brother is already informed about my plans."

Ang tangi ko na lang nagawa'y yumuko sa harap nina Haring Dastan at Reyna Leticia.

"M-Maraming salamat . . ."

Nang sandaling maramdaman ko ang presensiyang iyon kanina, halos matulala na ako at naestatwa sa susunod kong gagawin. But we had these powerful leaders in front of us— we had a powerful family. Sa maiksing panahon ay agad nakaisip ng plano si Dastan upang protektahan si Divina.

Natapos ang usapan namin na halos sina Dastan at Zen na lang ang nag-uusap. Pansin ko ang katahimikan ni Leticia ngunit sa tuwing tinatanong naman siya ni Kamahalan ay agad siyang may naisasagot. She's also as cooperative as King Dastan.

Naglalakad na kami ni Zen patungo sa paboritong silid ni Divina kung saan siya madalas maglaro kasama si Levi o kaya ay ang kambal. Iniwan namin siya kasama si Casper na katulad ni Kamahalan ay tila higit na naging alerto sa kaunting galaw lang ng paligid.

"Everything will be alright . . ." yumakap ang braso ni Zen sa baywang ko at marahan siyang humalik sa ibabaw ng aking ulo.

Habang naglalakad kami patungo sa silid ay naririnig ko na ang usapan nina Divina at Casper.

"Why did King Dastan postpone our horseback riding, Uncle Casper?"

"I think he found that a monster was lurking around the forest."

Suminghap si Divina. "A monster?!"

"Yes. It's dangerous. Maybe we can try next time. We will ask Dawn and Dusk to join us."

"But you're also a powerful vampire, Uncle Casper. You can defeat the monster."

Napabuntonghininga si Casper. "But the horses will get afraid. We will lose their control, and I will protect you more than our horses. The monster will eat our horses. Would you like that?"

Muling suminghap si Divina. "The monster will eat my white horse?!"

"Yes. It's a rare white horse. There are only two remaining white horses of that type, and one is Prince Rosh's horse. He would feel unhappy if he happened to receive news that Princess Divina allowed a white horse to be a monster's dinner."

"I don't want that!"

"So, let's end this discussion. Why not start coloring your book again?"

Tutuloy na sana kami ni Zen sa loob ng silid para samahan na si Divina nang lumingon ako sa kanya.

"I want to speak with Harper and Finn. Gusto ko rin sanang kausapin si Casper."

"Maaari ko munang bantayan si Divina," kapwa kami napalingon ni Zen sa likuran namin.

Si Reyna Leticia habang buhat si Leviticus.

Kapwa kami tumango ni Zen. Nauna nang maglakad sa amin si Leticia patungo sa silid at siya na ang nagsabi kay Casper na nais namin siyang makausap. Sa labas ng silid ay agad niya kaming sinalubong.

"I'll call Harper and Finn."

Kami na ni Zen ang siyang pumili ng aklatan kung saan kami mag-uusap. Hindi ko alam kung saan pa ako nakakuha ng lakas maghanda ng tsaa nang sandaling dalhin iyon ng mga tagasunod sa lamesa.

"It's okay, Claret," sita sa akin ni Zen.

"This helps me to calm down."

Nangangatal ang kamay ko habang nagsasalin ng tsaa sa tasa. Ngunit hindi ko na nga iyon itinuloy dahil inagaw na sa akin ni Zen ang hawak ko.

"Baby . . ."

"I'm scared, Zen. Alam mong takot na takot ako sa ganito. Ayoko nang maranasan ang ganitong sitwasyon. Minsan ka nang inagaw sa akin. Natatakot ako . . ." marahan kong hinaplos ang pisngi ni Zen ng ilang daliri ko.

Hindi ko na yata kakayanin kung sakaling muli kong maramdaman ang pangungulila sa kanya, lalo na sa aming si Divina. She's the source of my happiness.

"W-why Divina? Why our sweet little princess, Zen?"

Ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa kanya, sa halip ay niyakap niya na lamang ako at ilang beses niyang hinaplos ang likuran ko.

"We will protect Divina. I'll die protecting her."

Naghiwalay lang kami ng yakap sa isa't isa nang dumating na ang mga kapatid niya. They were all serious with determined look. Isa lang ang ibig sabihin niyon, katulad ni Dastan ay hindi nila hahayaang hindi makakuha ng impormasyon sa kanilang magiging misyon.

"If you're here to stop us, and claim the mission, Zen—" Panimula ni Finn na hindi na niya natuloy pa. Sa unang pagkakataon ay nakita kong yumuko si Zen sa harap ng kanyang mga nakababatang kapatid.

Prince Zen Lancelot Gazellian was well-known for his firm, stern, and high pride, not just for the aristocrats but also for his siblings. It was rare for him to show respect and formality. Even Dastan and Leticia seldom received those gestures.

"Tatanawin ko itong isang napakalaking utang na loob, mga kapatid."

Hindi lang ako ang higit na nagulat, maging sina Harper, Casper, at Finn ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Zen might be the same stubborn prince of Parsua, who hated political affairs and responsibilities, but as time passed by, he was slowly showing his improvement.

Yumuko rin ako sa tabi ni Zen upang iparating sa kanyang mga kapatid ang pasasalamat ko.

"Thank you for helping us."

Lumapit sa amin si Harper at inalalayan niya kami ni Zen na tumayo nang tuwid. She warmly smiled at us. Tipid rin ang mga ngiti nina Finn at Casper na inakala ko'y pang-aasar ang ibabato kay Zen. I couldn't believe that I'd witnessed how the princes of Parsua Sartorias matured as the years passed.

Parang dati'y naririnig ko lang ang pagbabatuhan ng mga salita at panunuya sa isa't isa ng mga magkakapatid, ngunit ngayong nasasaksihan ko sila at ang paraan ng pagsagot nila sa problema, hindi ko maiwasang humanga.

"We're born to help each other, Zen. It will never change, brother," ani ni Harper na siyang naging dahilan kung bakit tuluyan ko na siyang niyakap.

Sinundan iyon ni Casper. "After all, we're talking about our Sutil. We'll make sure to torture the culprits."

"I can kill them," dagdag ni Finn.

Lahat kami'y natigil sa pag-uusap nang marinig namin ang pamilyar na yabag ng sutil na prinsesa, rinig ko rin ang pagmamadaling pagsunod sa kanya ng yabag ni Leticia.

"There you are, Mama, Papa!" Namaywang siya habang nakaharap sa aming lahat.

Humihingi ng pasensiya ang mga mata ni Leticia habang buhat si Leviticus, ngunit agad rin naman akong tumango dahil naiintindihan ko ang pagiging sutil ni Divina.

"Divina wants to ask you about—" Ngunit natigil ang pagsasalita ni Divina at nagtungo ang mga mata niya sa bandang likuran ng aklatan.

Awtomatikong umangat ang isa niyang kamay at may itinuro doon.

"Who is she?"

Ang tanging nagawa ko na lang ay tumakbo kay Divina at yumakap sa kanya kasabay nang biglang pagkabalot ng yelo sa buong paligid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top