Chapter 6
Chapter 6: Visitor
Ilang beses umikot ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang prinsipe ng mga nyebeng nananatiling prenteng nakahiga sa kama na tila wala siyang dapat gawin sa araw na ito.
Nakayakap siya roon sa mahabang unan ni Divina na tila tinatamad pang magmulat ng kanyang mga mata.
"Zen," isang mata niya lang ang kanyang iminulat ngunit agad niya rin iyong ipinikit.
Napailing na lang ako at pinagpatuloy ko ang pagpili ng aking kasuotan.
Bago ko ipag-utos sa mga tagasunod na simulan nang ihanda ang mga kagamitan namin, napag-usapan na namin ni Zen na kailangan naming ipaalam kay Dastan ang aming magiging pagdalaw sa Mudelior. Lalo na't laging hanap ni Kamahalan si Divina na parang siya ang ama ng bata. Isa pa, baka may nais siyang iparating na mensahe kay Kreios na kasalukuyang hari ng Mudelior.
Sa tuwing naalala ko ang emperyong iyon, hindi ko maiwasang alalahanin na minsa'y kinilala akong isang reyna. Isang titulo na kailanman ay hindi ko pinangarap. Titulong hindi sa akin nararapat. I was known as the evil queen before, isang imahe na malayo sa totoong pagkakakilanlan ko. But that was the life in this world, sometimes all they must do was accept deceptions and made everyone agree with it.
One of the most important things that someone needed to learn in this world was the ability to play the truth and lies. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nanatili akong matatag sa panahong ito. I shouldn't let the mixture of lies and truth waver me in any situation, not because it was taught by my grandfather, but those experiences I had faced as years passed by.
I grew, learned, and got stronger. Hindi lang sa kapangyarihan, isipan, o kaya'y maging ang aking puso, kundi pati na rin sa mga bagay na nais kong paniwalaan at panindigan.
Nang makapili na ako ng kasuotan at isarado ko na ang tokador, muli kong narinig ang ingay mula sa kama.
"Would you like me to speak with Dastan? Ikaw na lang talaga?"
Muling umikot ang mga mata ko. Sa tingin niya ba'y may oras pa siya? Hindi pa niya naaayos ang kanyang sarili'y at tapos na ang libreng oras ni Kamahalan. Si Leticia mismo ang nagsabi sa akin na kaunti lamang ang libreng oras ngayon ni Kamahalan dahil sa dami nitong gawain.
"Do you need to ask him something? Gusto ko ay ako naman ang makipag-usap sa kanya."
"Alright. Nasaan na naman ba iyang si Divina?"
Tinanggal na ni Zen ang pagkakayakap sa mahabang unan ni Divina at umayos siya nang pagkakahiga. Nasa kisame na siya nakatitig ngayon habang paulit-ulit niyang inihahagis sa ere at sinasalo iyong maliit na unan ng anak niya.
Nagising na lang kami ni Zen na wala na sa kama si Divina. Hindi na rin naman kami nagugulat dahil madalas na iyong nangyayari. Makikita na lang namin siyang kasama sina Kamahalan at Leticia o kaya'y si Hua kasama si Levi.
Simula nang nawala si Caleb, bukod kay Kamahalan ay sina Evan at Casper naman ang laging nakikita ni Divina. It's just that the two uncles were too different when it came to treating our princess. Dahil si Evan ay parang si Zen din na mas madalas kaaway si Divina habang si Casper naman ay sunud-sunuran din ngunit hindi sobrang kunsintidor katulad ni Caleb.
I could still remember how Divina complained last time. Pulang-pula ang pisngi niya at ilang beses niyang pinagkukrus ang kanyang maliliit na braso.
"Mama! Si Uncle Evan! 'Lagi na lang siyang isusumbong kita sa Papa mo! Divina, what's that? Isusumbong kita sa Papa mo! Divina! Isusumbong kita sa Papa mo!' Sumbungero si Uncle Evan, Mama!"
Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko ng mga oras na iyon, lalo na't pilit ginagaya ni Divina ang pagsasalita at ekspresyon ni Evan.
Hindi na rin naman ako magtataka na ganoon ang trato ni Evan kay Divina dahil si Evan na rin mismo ang nagsasabi sa akin na hindi niya gustong laging kasama ng mga bata si Naha dahil lalong nagiging mga sutil. Kaya sa tuwing may nakikita siyang ginagawang kasutilan si Divina agad niyang hinahanap si Zen para isumbong si Divina.
"Look! Look, Zen! Si Divina, malapit na naman doon sa ilalim ng palasyo! Napakasutil!"
Nakita ko pa minsan na nagmamadali si Zen bumaba sa palasyo habang nakasunod sa kanya si Evan na siyang nagsumbong sa kanya, habang sina Naha at Kalla ay natatawa sa likuran ko. While Casper? Kung wala sina Caleb at Kamahalan sa paligid, siya ang madalas na nakakawilihan nina Dawn at Divina. Laging nilang hinihila ang tahimik nilang tiyuhin kapag gusto nilang uminom ng tsaa sa hardin o kaya'y mag-ensayo sa pagsasayaw sa bulwagan.
"Because Uncle Casper is so princely and handsome just like Prince Rosh! And he's not sumbungero like Uncle Evan."
Minsan ay nakakasalubong ko sina Divina at Dawn na hila-hila ang dalawang kamay ni Casper na bahagya nang nakayuko para sa kanila. Sa tuwing kauuwi pa lang ni Casper mula sa mga pagpupulong galing sa iba't ibang emperyo, tuwang-tuwa ang mga batang prinsesa sa kanya, lalo na't suot ni Casper ang pormal na kasuotan ng mga Gazellian. With his perfectly combed hair, intricate embroidered royal suit with some golden linings, white gloves, a sword on his waist, and even a cape!
Kahit ang mga inosenteng bata'y magniningning ang mga mata sa tuwing nakikita si Casper. He's really princely. Kaya natutuwang makipaglaro sa kanila ang mga batang prinsesa.
"Where are we going, Divina? Dawn?"
Casper tried to ask for my help, but I just grinned at him. Ganoon lagi ang tagpo sa tuwing umuuwi si Casper, kaya hindi na rin ako nagtataka kung minsan ay sa likuran na siya dumadaan sa tuwing nagbabalik siya.
But now that Evan and Naha's in human world and Lily and Adam's in Eberron with the twins, mas madalas ay na kina Casper at Dastan ang atensyon ni Divina. Si Finn lang talaga sa magkakapatid na Gazellian ang hindi ganoong kalapit sa mga bata.
Ilang beses nang sinabi sa amin ni Kalla na nagdadamdam pa rin si Finn tungkol sa nangyari noon. It was when he tried to commit a mistake with the influence of a manipulation. Si Dastan na rin ang nagsabi na kahit si Finn ang sabihing isa sa pinakamalakas at kinatatakutang bampira sa mundong ito, he was still the weakest. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin tuluyang mapatawad ang sarili sa desisyon niyang iyon.
While Harper? Siya ngayon ang pumalit kay Lily sa pamamahala sa ibang politikal na usapin kaya hindi rin siya madalas tumitigil sa loob ng palasyo. Now that Dastan and Leticia were the official ruler of Nemetio Spiran, higit din nilang binigyan ng atensyon ang mga mababang nilalang ng mundong ito, at iyon ang siyang tinututukan ni Harper.
Dati'y sina Dastan at Casper ang madalas lumabas ng palasyo habang nakakubli ang kanilang pagkakakilanlan, ngunit ngayo'y ginagawa na rin iyon ni Harper.
"If it's not Dastan, maybe she's with Casper. Parang narinig ko na magho-horseback riding daw sila ni Casper, and she's been asking for a white horse," sagot ko kay Zen na natigil sa pagsambot ng unan dahilan kung bakit tumama iyon sa mukha niya.
"Huh? White horse? But that's not the usual horse for—"
Nagkibit balikat ako. "Siguradong nagtungo siya kay Kamahalan. At nasisisgurado kong mabilis lang pumayag si Kamahalan. Hindi naman tumatanggi si Dastan sa mga bata."
Nailing na lang si Zen. Pinili niyang manatili sa kama habang pinagmamasdan niya akong nag-aayos ng aking kasuotan. Sa tagal ko nang naninirahan sa mundong ito, hindi pa rin ako masanay sa kanilang kasuotan na napakaraming kolerete. From the ribbon, laces, jewelries, and even the hair decorations!
Kung may bagay akong higit na nais sa mundo ng mga tao ay iyon ay ang paraan ng kanilang pananamit. "Zen, bumangon ka na riyan. Help me with this."
He chuckled. Itinapon niya iyong kayayakap niyang unan at mabilis siyang nakalapit sa likuran ko. He started to kiss my neck while unzipping down my complicated dress.
"Zen! Itaas mo!" Hinampas ko ang kamay niya at tinawanan niya lang ako.
"Oh, I'm sorry."
Panay ang halik niya sa akin hanggang sa makaabot sa dulo ang zipper ng kasuotan ko, ngunit bago pa man lumalim ang halik niya at magtungo na sa pagkagat, iniharang ko na ang kamay ko sa mukha niya.
Nagniningas na iyong mga mata niya at bahagya nang nakaawang ang mga labi niya habang nakalabas na ang pangil.
"Seriously, Zen?"
"Tsk. Sutil was here last—"
"So? Anak mo iyon, hindi ba? Saan iyon dapat matulog?"
"You need to prepare yourself too, Zen. Kapag natapos ako sa pakikipag-usap kay Kamahalan. You can prepare Divina's things too," tumingkayad ako at humalik sa kanyang pisngi.
"Me? We have servants, Claret."
"You are the father."
"Alright," muli niyang itinapon ang sarili sa kama at yumakap sa unan. "Just ask a servant to inform me right away if everything's alright. I'll sleep again."
I rolled my eyes. Simula nang maging payapa ang Nemetio Spiran, madalas na lang patulug-tulog itong si Zen. Kung sabagay simula't sapol naman talaga'y hindi na masyadong nakikisali si Zen tungkol sa komplikadong usapan sa politika. He was active in actual combats at madalas ay kasama siya ng mga kawal sa pag-e-ensayo. Ibinibigay na niya ang usaping politikal kina Dastan, Lily, Casper at Evan.
Iniwan ko na siya sa silid. Eksaktong paglabas ko'y nakasalubong ko si Hua, gamit ang binatang lalaking kaanyuan niya habang hawak ang munting kamay ni Levi.
Yumuko sa akin bilang pagbati si Hua, tipid akong ngumiti sa kanya.
"Hi, Levi!"
Yumuko ako at binuhat si Levi. Dahil magiliw na bata ang anak nina Kamahalan at Leticia, hindi man lang siya tumanggi nang humalik ako sa kanyang pisngi.
"Levi, have you seen your cousin, Divina?"
"V-Vina?"
"Yes!"
"Kanina'y nakasalubong namin sila ni Prinsipe Casper patungo sa kuwadra," sagot sa akin ni Hua. Tama nga ang pagkakaalam ko.
Was she wearing the proper attire? Bakit hindi ko narinig ang ingay niya sa silid kanina?
Ibinaba ko na si Leviticus, tipid kong ginulo ang buhok niya at nagpaalam na sa kanilang dalawa ni Hua. Bago ako nagtungo sa silid kung saan madalas nagbabasa ng mga sulat at tumatanggap ng panauhin si Kamahalan at Leticia'y pinili kong magtungo sa kuwadra.
Dumaan na ako sa likuran ng palasyo kung saan mas malapit ang daan patungo sa kuwadra.
Akala ko'y hindi ko na aabutan doon sina Casper at Divina pero natagpuan ko silang nakatindig pa lamang sa lupa, hawak ni Casper ang kamay ni Divina habang abala siya sa pakikipag-usap sa matandang tagapangalaga ng kuwadra ng palasyo.
Divina looked impatient as always. Parang ang kanyang ama na hindi makapaghintay. She had been swinging Casper's hand, habang patay malisya lang si Casper at patuloy na kinakausap ang matanda.
Agad kong napansin ang pagkakatulad ng kulay ng kasuotan nina Divina at Casper na kapwa itim sa pang-itaas at puting pantalon sa ibaba. Nakasuot din sila ng guwantes, nakataas din ang mahabang buhok ni Divina na nasisiguro kong si Casper mismo ang nagtali.
One of the things I noticed about Gazellian princes was their cute skill when it came to tying a lady's hair. Kahit si Caleb ay marunong, maging si Evan na lagi rin kaaway ni Divina ay nakikita ko rin nagtatali minsan ng buhok ng mga prinsesa, even King Dastan. Sinabi sa akin ni Zen na nag-aral daw silang magkakapatid noon dahil noong munting prinsesa pa si Harper ay higit pa raw itong sutil kay Divina at isang kasalanan sa kanilang magkakapatid ang pagtatali ng buhok ng prinsesa na hindi maayos.
Wala nang tigil sa pagkulit si Divina at paghila sa kamay ni Casper, kaya binuhat na niya ang sutil na prinsesa at bumulong dito saglit. I saw how my silly daughter giggled. Caleb would definitely get jealous if he saw this. He's the self-declared favorite uncle, after all.
Ngunit bago pa man ako tuluyang maglakad patungo sa kanila, natigil ang sunod kong hakbang, napatingin ako sa paligid kasabay sa biglang paghampas ng hangin.
Napahawak ako sa aking mahabang buhok na napapawid ng hangin at kusang gumala ang mga mata ko sa iba't ibang direksyon upang hanapin ang biglang paghalo ng kakaibang presensiya sa paligid.
May nanunuod . . .
Ramdam ko ang biglang pagtaas ng mga balahibo ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Nang sandaling muli akong sumulyap sa direksyon nina Casper at Divina, wala na rin ang atensyon ni Casper sa matanda at pansin ko rin ang pagkabalisa niya dahilan kung bakit nagtama na ang aming mga mata.
Hindi lang iyon dahil agad ko rin naramdaman ang presensiya ni Kamahalan. Nahawi ang kurtina mula sa silid kung saan madalas tumigil ang hari, agad siyang naroon habang nakatanaw sa labas. Rinig ko rin ang ingay ng ibong kaanyuan ni Kalla, maging si Zen na hindi pa rin nakasuot ng kanyang kasuotan ay nakalabas na sa balkonahe ng aming silid habang nakatuon ang dalawang kamay sa balustre at nakatanaw rin sa labas.
Napatingala na lang ako sa kalangitan nang biglang magliparan ang mga itim na ibon mula sa pinakamalapit na kagubatan mula sa palasyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top