Chapter 5
Chapter 5: Memories
"Queen Leticia will hold a royal banquet for the first time in her reign. At siguradong inaabangan iyon ng lahat," ani ni Zen.
Tumango ako sa kanya.
Madalas man imbitahan sina Dastan at Leticia ngayon sa iba't ibang pagdiriwang, hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon magbukas ng pormal na pagdiriwang ang palasyo matapos ang tradisyunal na pagsasalin ng korona kay Dastan.
Sa tradisyon ay ang reyna ang siyang namamahala ng pag-aayos ng pagdiriwang ng palasyo.
"This will be Queen Leticia's first time after all. Marami man ang nakasaksi sa malaking digmaang iyon at kung paano lumaban si Leticia kasama ng hari, iba pa rin ang usapin tungkol sa mga nakaugaliang tradisyon."
"The noble families will have a high expectation."
"But she's a goddess. Siguro naman ay pamilyar na siya sa mga pagdiriwang. Isa pa, hindi siya pababayaan ni Dastan. Lily's always there to support, as well as Harper."
Si Zen naman ang tumango sa sinabi ko. "Well, Queen Leticia has a month to prepare for the celebration."
Simula rin nang matapos ang digmaan, tila natahimik din ang usapin tungkol sa mga itinakdang prinsipe. Kung dati'y lagi na lang silang laman ng usapan mula sa iba't ibang emperyo, ngayo'y tila napagod ang mga bulung-bulungan tungkol sa kanila.
"Any news about Tobias's mate?"
Nang pag-usapan namin ang tungkol sa babaeng itinakda kay Tobias at sa unti-unting paghihina ng asul na apoy, hindi ko na natandaan na nasundan iyon.
Umiling si Zen. Nanatili siya roon nakasandal sa may tagiliran ng bintana habang nakakrus ang mga braso at bahagyang nakalapat ang isang paa sa pader, tipid rin siyang sumisilip sa labas kung saan naroon sina Hua, Levi, at Divina.
"I thought King Dastan invited them?"
"I don't know. I never heard any reply from them. Hindi rin kami nag-uusap ni Dastan tungkol doon. Le'Vamuievos has been silent for a while. Wala na rin akong balita sa Parsua Deltora nitong nakaraang araw."
Napayuko ako sa hawak kong aklat at wala sa sariling binuksan ang ilang pahina niyon kahit lipad ang isip ko.
Dahil payapa ang kabuuan ng Nemetio Spiran, kaliwa't kanan ang pagdiriwang sa bawat pamilyang maharlika mula sa iba't ibang emperyo. At nasisiguro kong umuulan ng imibitasyon sa Parsua Deltora, lalo na't kilalang-kilala si Rosh sa mga kababaihan. Isama pa ang kaalamang, isa pang Le'Vamuievos ang nagsisimula nang lumabas sa kanyang lungga.
Unmated royal vampires were very famous in whole Nemetio Spiran. Kaya nang malaman ng karamihan na ang kilalang prinsipe ng mga nyebe'y may babaeng itinakda na at may makulit ng prinsesa, hindi na ganoong katunog ang kanyang pangalan. Even Finn and Evan were not as famous as before.
Gazellian brothers were known for being loyal and madly in love with their mates. Kaya wala ng ibang nagtatangkang lumapit sa mga Gazellian na alam ng lahat na may babae nang minamahal. Kaya ngayo'y ang madalas nang nasa usapan ay sina Caleb at Casper. Well, Casper for being a threat for Rosh's position and Caleb with his different version of gossips.
May mga nagsabing siya'y nadukot at hindi na nakapanlaban dahil kagagaling lang nito sa pagtulog nang siya'y atakehin. I heard a version that a woman seduced him and made Caleb her slave. May isa namang nagsabi na siya'y nakawilihan ng isang mangkukulam at ginawang kanyang asawa. May narinig din akong nagtungo siya sa dagat dahil sa awitin ng mga sirena, doo'y hindi na nakaahon at nagaya na sa kanyang kilalang lolo na sumama sa na dagat dahil sa pag-ibig. Habang tumatagal ay tila maging kaming mga taga-palasyo'y malapit nang makumbinsi sa mga kuwentong naririnig tungkol kay Caleb. Dahil may kani-kanila na talaga silang kuwento na hindi na mahirap paniwalaan.
I suddenly remembered my previous encounter with the female servants. I couldn't help but laugh while thinking about that day.
"May ilan din nagsabi na siya'y nagtungo sa mundo ng mga tao at namuhay bilang isang doktor."
Nang marinig ko iyong pinag-uusapan ng mga tagasunod sa palasyo'y hindi ko na napigilan sumabat upang dagdagan ang kanilang usapan.
They were facing Prince Caleb's oil painting. I stopped walking and looked at Caleb's face as well. The female servants were giggling and whispering their theories about the missing prince.
"He's an ob gyn to be exact. An obstetrician, siya iyong nagpapaanak sa mundo ng mga tao."
Sabay silang napalingon sa akin na may nanlalaking mga mata. Agad silang yumuko sa akin at nagmadaling bumalik sa kanilang mga trabaho.
Lingid sa kaalaman ng lahat siya'y naglaho lamang dahil sa makukulit na mga bata.
"Sa tingin mo kaya'y nasaan na siya?"
"Who? Tobias's mate?"
"Caleb."
"Oh, if Dastan's not worried, I am fine. I trust his instinct. Hindi kakalma si Dastan kung alam niyang nasa kapahamakan si Caleb."
Habang nakasilip si Zen kina Hua, Divina, at Levi sa labas, nanatili na akong nakatitig sa kanya. Tipid na hinihipan ng hangin ang buhok ng prinsipe ng mga nyebe.
Rosh, Pryor . . . or even Casper could hold the title. But for me, Prince Zen Lancelot Gazellian was the most gorgeous vampire of all. Dahil kahit buhat niya si Divina, sa sandaling papasok siya sa silid o kaya'y dadaanan sa gitna nang napakaraming mata'y walang hindi magdadalawang tingin sa kanya.
Huminga ako ng malalim.
Sino ang mag-aakala na ang babaeng tagabundok na kagaya ko'y itatakda sa isang prinsipe? A royal blood!
"Ang layo na ng narating natin, Zen."
Hindi lang sina Dastan at Leticia ang siyang may matinding pinagdaanan noon pa man. Kami rin ni Zen, na hindi ko akalaing malalampasan namin dalawa.
Who would have thought that an outcast like me was destined to be loved by a prince? Akala ko noo'y talagang hindi lang ako nais igaya ni lola sa karamihan ng mga kabataan noon sa mundo ng mga tao. She raised me distant and aloof to society which made people believed that I was some kind of weirdo.
I couldn't help but reminisce the past, the struggles that we've been to, and the fights we'd won. Ilang patak ng mga luha, dugo, sakripisyo at sakit. It was all happened before the night before my eighteenth birthday. The unusual guests, the unexplainable conversations, the strange greetings and introduction. Akala ko'y nang sandaling ipagtulakan sila ni lola'y matatapos na ang lahat doon, ngunit iyon na pala ang umpisa.
The moment Zen's siblings forcefully pushed me in front of the enchanted mirror. There, for the first time, I landed at the place where I was destined to be. It should be romantic, like some fairy tale novels, but it was something beyond that.
Ang unang pagkikita ng bida sa kanyang prinsipe'y sa paligid ng napakagandang hardin at mabangong amoy ng mga bulaklak. But all I felt was the creepy atmosphere back then. Isama pa na ilog ng dugo ang siyang tinatapakan ko, ang embargong humahabol sa akin na nais akong kainin at ang mga simbong nakasabit sa pader na anumang oras ay maaaring mamamatay.
It wasn't as romantic as I'd expected.
But what was the worst?
Nangatal ang hawak ko sa aking pahina at naningkit ang mga mata ko kay Zen na inosenteng nanunuod sa labas. Walang siyang nalalaman na bumabalik na ako sa nakaraan at muli kong naalala ang kanyang kalokohan.
How could he have mistaken me for a prostitute?!
Sa halip na isang makisig . . . well, I couldn't deny the fact that he was indeed gorgeous and hot with those chains. Sa kabila ng mga galos at matindi niyang panghihina noon, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya kahit sa kaalamang anumang oras ay maaabutan ako ng mga embargo.
I could say that our first meeting was not as heart-fluttering as I had expected during my youthful years that I'd always imagined, but it wasn't as bad as what I often told him. Because even without flowers, or mellow music, when I looked back, I couldn't help but smile. I might not admit it to Zen, but it was unusually romantic— the way his arms wrapped around me, how his fangs traced my neck, how his eyes recognized me, and even the whispers of his voice.
Nang sandaling muling magbukas ang aking mga mata, nagsimula na akong maguluhan sa paligid ko. Sinong babae mula sa mundo ng mga tao ang agad magagawang tanggapin ang bagay na sumalubong sa kanya na mahirap paniwalaan?
I tried to run away from everything, my responsibilities, the truth that I discovered, overwhelming power, destiny, fate, and the man who was willing to give everything for me.
Sinubukan kong itulak lahat ng mga bagay na matagal nang nakasulat sa akin, ngunit sa paglipas ng mga panahon, sa mga bagay na nalalaman ko at nakakasalubong, at sa mga nararanasan ko, hindi ko na napansin na unti-unti ko nang niyayakap ang mga bagay na naghihintay sa akin sa mundong ito.
I realized that I was not just Claret Cordelia Amor Gamboa from the human world, but Claret in Parsua Sartorias as an enchantress, and a priestess from the prophecy.
Nang sandaling yakapin ko iyon at tanggapin ang bagay na itinakda sa akin, doon na nagsimula ang mga suliraning nakatakdang ako ang siyang sumagot.
I met one of the most important vampires in the history of Nemetio Spiran. A neglected vampire, a shadow, a castaway, and a woman I will never get tired of admiring.
King Thaddeus and Queen Talisha had been receiving endless praises and appreciation as the parents of the current king of the whole Nemetio Spiran. Wala rin katapusan ang papuri sa kanila dahil sa pagpapalaki sa pinakamalalakas na mga bampira sa mundong ito. The Gazellian siblings were known as the most powerful warriors in Nemetio Spiran. Sa sandaling marinig palang ang pangalan nila'y ang tanging pumapasok sa isipan ng lahat ay ang matatayog na aninong nakatindig at nakahilera sa isang mataas na tore. With King Dastan in the middle, Zen and Lily on his sides, and with the other Gazellians firmly standing side by side. Sino pa nga ba ang hindi mapatitingala sa kanila?
Salitang Gazellian pa lang, kanilang mga anino pa lang o bakas ng mga paang sama-sama'y nagsusumigaw na ng kapangyarihan, ano pa nga ba ang iisipin ng lahat sa mga magulang na nagpalaki sa kanila?
King Thaddeus and Queen Talisha made a legacy.
Nang hindi pa pormal na hawak ni Kamahalan ang pamamahala sa Nemetio Spiran noon ay malakas na ang epektong nadadala ng kanilang pangalan, ngunit ngayong siya na ang hari, higit nang nagsusumigaw ang tatag ng kanilang kapangyarihan. Hindi nakapagtatakang kahit sa tagal na ng panahong wala na si Haring Thaddeus sa mundong ito'y kay taas pa rin ng tingin sa kanya ng lahat ng nilalang sa buong Nemetio Spiran. His first attempt to reunite the Nemetio Spiran might be a failure, but the late king made sure that his son would accomplish his unfinished hope for everyone.
But everything wouldn't be possible without Danna's help, ang babaeng tanging hiniling ay kalayaan sa kanyang pangalan at kasiyahan para sa kanyang anak. Danna never received any recognition. Hindi maisusulat ang magandang kasaysayan ng Nemetio Spiran sa mga oras na ito kung hindi dahil sa tulong niya.
Danna was my first mission in this world.
Sinubukan kong linisin ang pangalan niya at isiwalat sa lahat ang totoong pumatay sa hari'y ang mga mangkukulam na siyang ipinaalam niya sa akin. Ngunit sa paglipas ng panahon, dapat ba kaming maniwala na hanggang doon na lang ang totoong kuwento ng nakaraan?
If we all discovered that there were Nikos, Soleilana behind the stories of King Thaddeus, Queen Talisha, and Danna—a story that was still a mystery to everyone. Maging ang mga magkakapatid na Gazellian ay iniiwasang pag-usapan.
But I couldn't help but take Danna's side. I was always on her side, na alam kong hindi na dapat pumili ng papanigan. When I tried to help her, hindi ko akalain na magkakaroon iyon ng malaking kapalit. Sinubukan kong lumaban sa mga mangkukulam at nang inakala kong maipapanalo ko na, my prince had vanished in front of my eyes because of the curse.
That was the most devastating part of my life, na ilang beses kong hiniling na sana'y namatay na lang ako. Zen was my life in this cruel world. Siya na ang pinaghuhugutan ko ng lakas sa mundong hindi ko pinangarap, ngunit nang sandaling agawin siya sa akin, nais ko nang kitilin ang buhay ko.
Akala ko'y habangbuhay na akong mabubuhay sa kalungkutan dahil sa pagkawala ni Zen, but the remaining princes of the prophecy helped me in my journey. Iyon ay ang paglalakbay upang muling buhayin si Zen. At sa paglalakbay naming iyon, hindi lang si Zen at ang pagnanais kong muli siyang makasama ang siyang aming higit na nakasalubong, kundi pati na rin ang hindi ko inaasahang pagkatuklas ng aking pagkakakilanlan.
In fulfilling Danna's last wish to free her son, I discovered everything about Desmond and his tangled destiny with me. Hindi lang si Desmond, kundi ang kapatid kong inilihim sa akin nang napakatagal na panahon, Kreios. I also found out the real identity of my father na hanggang ngayon ay hindi ko mapaniwalaan.
It was a tough journey, na halos ilang beses akong nawalan ng pag-asa. But my love for him surpassed everything. Ang paglalakbay na iyon at ang walang katapusang suporta nina Rosh, Blair, at Seth ang siyang nagbigay sa akin ng tagumpay.
Zen was brought back into life again, but he was welcomed with a series of revelations that challenged our love, from Desmond, his crumbling family, and his wary relationship with my family—my own family that is still a mystery.
Now that the Gazellian family was starting to put the pieces of the puzzle into their rightful places, would I possibly be able to do that for my own family? Gayong walang iniwang bakas sina lolo at lola?
Hinawakan ni Zen ang kamay ko nang mapansin na niyang masyado ng malalim ang aking iniisip.
"Would you like to visit your brother?"
Hindi na ako ang sumagot kay Zen dahil si Divina na kapapasok pa lang ng silid ang siyang masiglang kumalong sa akin at hinarap ang kanyang ama. "Let's go! I missed Uncle Kreios!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top