Chapter 4
Chapter 4: Innocent Question
Nanatiling payapa sa Nemetio Spiran.
Sa tuwing napapadaan ako sa pasilyo kung saan naroon ang naglalakihang bintana tanaw ang labas ng palasyo ng Parsua Sartorias, hindi ko napapansin na napapatigil na lang ako at ilang minutong natutulala sa ganda ng aking nakikita.
Hindi na siguro ako masasanay sa ganda ng lugar na ito. The beauty of this world wouldn't be like this right now if our rulers gave it up, but King Dastan and Queen Leticia did everything to preserve this world's peace, unity and freedom.
Lumapit na ako sa bintana. Kusang gumalaw ang dalawa kong mga kamay at tuluyan na nga iyong binuksan, dahilan kung bakit yumakap sa akin ang banayad na hanging may saliw ng amoy ng mga bulaklak.
Itinuon ko ang dalawa kong mga kamay sa hamba ng bintana at kusang pumikit ang aking mga mata.
Napakarami na naming pinagdaanan at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na darating kami sa oras na ito. Bagaman isa nang suliranin ang pagkawala ni Caleb, ang mga salita at ang pagiging kalmado ni Kamahalan ang siyang nakapagpahinga sa amin nang maluwag.
Hindi naman siguro magiging kalmado si Dastan kung alam niyang nasa kapahamakan si Caleb? I've witnessed how Dastan sacrificed everything for the sake of his siblings, but still bothered me. Hindi na lang para sa akin kundi para kay Divina. Minsan ay makikita ko na lang na biglang iiyak si Divina dahil bigla niyang maalala ang kanyang paboritong tiyuhin na nawawala. But we should trust King Dastan's instincts. His every move was already detailed and calculated, na sisiguraduhin niyang maibibigay niya ang kaligtasan ng kanyang mga kapatid. From Zen and ridiculous dying acts? Kahit si Lily na alam na umaarte lang ang prinsipe ng nyebe ay ginawa ang gusto ng kapatid.
Nagmulat na ako at napailing sa alaalang iyon. Parang kailan lang ay nasa bundok ako at naninirahan kasama si lola, at nagulat nang biglang may mga hindi pamilyar na taong naghihintay sa akin.
Who would have thought that an important king of a kingdom would travel to another world just to forcefully bring his brother's bride into their unusual world? Dastan should have summoned any powerful vampire knight to do the job, but he traveled into a different world with his siblings just to grant Prince Zen's dying wish.
"Baby . . ." lilingon pa sana ako sa pinanggalingan ng boses nang maramdaman ko na ang mga braso ni Zen sa baywang ko.
He gently kissed my right cheek. Nanatili siya sa likuran kong nakayakap at pinili rin tumanaw sa labas ng palasyo. Kusang umangat ang mga kamay ko at yumakap sa mga braso niyang nakapulupot sa akin.
"I hope everything will stay like this, Zen. Peaceful, happy . . ."
"Of course. We have the best King and Queen, Claret, the rightful rulers of this world. We don't have to worry. "
A gentle smile crept into my lips.
"The history of Nemetio Spiran is nothing without your family's endless sacrifices, Zen. Hanggang ngayon ay hindi maubos ang paghanga ko sa inyo. From King Thaddeus, Queen Talisha and Da—" Nang maramdaman ko ang saglit na paggalaw ng braso ni Zen sa akin, pinili ko nang hindi ituloy ang sasabihin ko.
Gazellian siblings might have accepted Desmond as their brother, but they couldn't still hear the name Danna without a flinch.
"Your family deserves this recognition, Zen."
"But still, there are—" Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang pumutol ng sasabihin niya.
"Ngunit kahit hindi man sila sang-ayon sa panunungkulan ni Dastan, alam na nilang wala silang laban. We all have these political conflicts. Tanggapin natin na hindi lahat ay iisa ang tingin kina Dastan at Leticia pero wala na silang kakayahang makapanlaban. Your family is too powerful, you have thousands of supporters, kaunti na lang silang tumutuligsa, at alam nilang mahina sila laban sa atin."
Zen chuckled. "I know."
Nanatili kaming tahimik bago muling nagsalita si Zen. "The only event I failed to cooperate was during the first war, Lily's war. I hope I was there."
Hindi muna ako nakapagsalita. Iyon ang panahon na pinili kong bumalik sa mundo ng mga tao at magluksa nang sandaling maglaho sa mismong harapan ko si Zen. That was one of the most devastating parts of my life. Kailanman ay hindi ko na nanaisin pang maranasan muli iyon.
Humigpit ang yakap ko sa braso niya at mas inihilig ko ang katawan ko sa prinsipeng mahal ko.
"But Dastan handled it too well."
"When I first heard the story, mas lalong tumaas ang tingin ko sa kapatid ko, Claret. Dastan's status back then was unstable. Mainit na ang mga mata ng lahat sa kanya. He's a threat to the throne. We were cursed. Nasisigurado kong nang panahong iyon ay naghahanap na rin siya ng paraan para maibalik ako. And then, he was considered as a supporter of the traitor, which was Lily. How could he possibly convince those kingdoms to aid with him to that impossible war? Lalo na't hindi pa maganda ang koneksyon namin noon sa Avalon at Trafadore."
Kahit nang ikuwento sa akin ni Lily ang lahat ng pangyayaring iyon ay hindi ko rin maiwasang humanga kay Dastan. From the very beginning Dastan Lancelot Gazellian was already destined to be the great King of Parsua.
"Halos hindi ko alam ang magiging reaksyon ko noon nang sandaling bumalik ako, Zen. Maraming blangkong upuan noon. Ang tanging nalalaman ko lang noon ay nagkaroon ng digmaan. Sobrang natakot ako."
"Another trick of my wise brother, right? He sent my brothers, Finn and Evan to that suspicious university. He sent the sharpest and most powerful brother of his to that vicious university," dagdag ni Zen.
"But Finn ran away," natatawang sabi ko.
"And Dastan's plan got ruined," naiiling na sabi ni Zen.
"But everything happens for a reason. It was Finn's destiny to discover the mystery about the towers, the white curse, his mate, and the other world that gave you answers about your missing uncle. Nagsimula nang maglinaw ang kasaysayang inaakala ng lahat na katotohanan."
Tumango si Zen. "And it was later confirmed by one of the wisest Gazellians of all. His rebellion to the known home of the greatest councils of Nemetio Spiran led to the freedom of the victim goddess."
Si Naha mismo ang siyang nagkuwento sa akin ng pangyayaring ito. Her mother and King Thaddeus tried to free the goddess before, but Soleilana Hara Le'Vamuievos failed. Ngunit hindi niya hinayaang wala siyang maiiwang bakas, na siyang nakatulong kay Naha upang palayain ang natutulog na diyosa.
Nakagat ko ang labi ko.
Ang magkakapatid at ang kanilang mga kapareha'y may kani-kanilang ambag sa kasaysayang ito. Nasisiguro kong kapwa na nasisiyahan sina Haring Thaddeus at Reyna Talisha para sa kanilang mga anak.
"So, baby, about our wedding," umikot ang aking mga mata.
"Hindi ba't ikinasal na tayo sa barko?"
"I want a vampire wedding."
Tumaas ang kilay ko at bahagyang lumingon sa kanya. Umangat ang isa kong kamay at marahang hinaplos ang kanang pisngi ng prinsipe. "Hindi ba't nagawa na rin natin iyon? Nabuo si Divina."
Ngumiwi siya. Naalala na niya siguro ang kanyang kasinungalingan.
"Claret . . ." mas lumambot ang pagtawag niya sa pangalan ko. All I did was smile at him.
Humarap muli ako sa labas ng palasyo. "Hindi mo ba pauunahin sina Leticia at Dastan? They need that wedding."
"I already asked Dastan about it."
"Huh? Ikaw, Zen? Ikaw si Leticia?"
"It's fine with Dastan. Kahit tayo ang mauna. You know how Dastan hates rituals and formalities. Isa pa, hindi na rin naman daw importante iyon. Kaninong basbas pa nga ba ang hihintayin nila? They are the most powerful living creatures in this world."
Napatango ako. Ganoon nga si Haring Dastan, kahit ang koronasyon niya'y parang ayaw niya pang maganap dahil hindi na naman daw kailangan.
"How about you? Why are you insisting on a vampire marriage? Look at Evan and Naha, they are not even bothered."
"Come on, they're like teenagers. Si Rosh pa nga ang naghahatid rito kay Naha at ibinabalik na kay Evan kapag nagbabakasyon siya sa Deltora."
Natawa ako sa sinabi ni Zen. Minsan ay nagku-kwento sa akin si Caleb nang minsan daw niyang nakita sina Naha at Evan sa mundo ng mga tao. Evan's pretending to be a professor, while Naha's his student.
"They're flirting in the middle of the class. Naha's publicly flirting with him like a head-over-heels student, while Evan is a composed professor who's been trying to ignore her. They're annoying."
"Why are you there?"
"Pretending as well. May pinababantayan sa akin si Casper."
"Oh, but Naha's and Evan are so cute."
Ngumiwi si Caleb. "They're cringy. Eww."
Umikot muli ang mga mata ko. Evan might be trying to ignore Naha during class, but I knew too well what would happen after class.
"Hmm . . . alright. We can prepare for a month?"
Si Zen na mismo ang nag-ikot sa aking katawan upang iharap ako sa kanya. He cupped my face, and his eyes were beaming in gladness.
Ngumiti ako sa kanya, at nang akma ko na sanang hahalik sa akin ang prinsipe ng mga nyebe, dalawang magkasunod na tikhim ang nagpatigil sa amin. Sabay kaming napalingon sa kambal na naglalakad at dadaanan sa amin.
Casper and Harper.
Nakaangkla pa si Harper sa braso ni Casper. Kapwa sila nakasuot ng kasuotang hindi nila madalas isuot sa loob ng palasyo. May pupuntahan ba sila?
"Saan kayo patungo?"
Si Harper ay may nakasabit na puting payong sa kanyang braso at hawak na isang libro. Nakasumbrero rin siya na may laso sa kanyang baba. Napakaganda ng pagkakaayos ng kanyang buhok na may palamuting ilang bulaklak at bato.
Her light blue dress compliments Casper's suit. The prince had an unlikely messy hairstyle that contradicted his usual perfectly combed hair. He was also holding a rattan basket.
Saglit akong nahirapang salubungin ang mga mata ni Casper, pakiramdam ko ba'y kaharap ko si Haring Thaddeus na may hawak na basket. Alam kong hindi lang ako, kundi ang kabuuan ng palasyo'y paulit-ulit na namamalikmata sa tuwing nakakasalubong si Casper. He was the younger version of King Thaddeus, na aakalain na lumabas sa mga larawan na nakasabit sa buong palasyo.
Noo'y hawak nina Zen at Dastan ang titulo bilang kinahuhumalingan ng mga kababaihan ng Parsua Sartorias. But as time goes by Prince Casper Lancelot Gazellian was slowly claiming their title.
Tipid akong napangisi. Palibhasa'y hindi na rin kasi masyadong lumalabas sa palasyo si Zen at tipid na lamang magpakita sa publiko si Dastan. Casper was stealing the spotlight.
"Saan kayo patungo?" tanong ni Zen.
"Picnic. I have a date with Casper," sagot ni Harper.
Hindi nagsalita si Casper, tipid lang siyang tumango sa akin.
"Enjoy," ani ko.
Ngumiti sa akin si Harper at nagtuloy na silang maglakad. Hahalik pa sana sa akin si Zen para ituloy ang dapat naming gagawin nang harangan ko na ang mukha niya.
"Where's Divina?"
"I don't know. Maybe she's busy with Levi. Natuwa sila sa ibinibigay na libro ni Naha."
"We should find her."
Ngumuso lang si Zen, ngunit sa huli ay nagpahila na siya sa akin.
Naglalakad na kami ni Zen na magkahawak ang kamay. Dahil masyadong mahaba ang pasilyo bago namin marating ang aklatan ni Haring Dastan, nagawa pa naming tanawin sa labas ang kambal.
Nakabukas na ang payong ni Harper pero hawak iyon ni Casper, dala pa rin niya ang basket at nanatiling nakaangkla ang braso sa kanya ng kanyang kambal.
"I want a twin, Zen, or a baby boy just like Levi."
"What if another Divina?"
"Bakit ganyan lagi ang rason mo?"
Humaba ang nguso ng prinsipe ng mga nyebe. "Baby, you know how our Sutil—" Huminga siya ng malalim at hindi na itinuloy ang sasabihin.
"Alright. I asked a fortune teller; I mean a priestess . . ." nag-aalangang sabi niya.
"Zen! I am the most powerful priestess in Parsua, how dare you—"
"She told me that it would be another princess. Hindi mo ito sasabihin sa akin dahil alam mong—"
"You're ridiculous, Zen! Why are you so afraid of having another child? Hindi na tama iyang pagtanggi mo. Do you have another reason?"
Saglit kong nakita ang pagkabigla niya sa tanong ko. "O-of course not! I just want to enjoy Divina as our only princess."
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko na dinagdagan ang sasabihin ko at kumatok na ako sa pintuan.
"Come in," ani ni Dastan.
Nang sandaling buksan namin ang silid-aklatan, naroon nga sina Divina at Leviticus. Si Dastan ay nasa likuran ng kanyang lamesa at si Leticia ay kasalukuyan nag-aayos ng mga aklat sa mga aklatan.
Abala pa rin sina Divina at Leviticus sa pagkukulay ng aklat.
"Divina, your parents are here," nang nag-angat ng tingin sa amin si Divina, ngumiti siya at tumayo. Agad siyang sinalubong ni Zen at binuhat.
"Why are you always here? Inaabala mo si Kamahalan."
"No, Papa. Levi and I are studying."
Ako na ang nagpaalam kina Leticia at Dastan. Sinabi ko na rin na hindi na kami sasabay sa pagkain dahil sa silid na lamang kami ngayong gabi.
***
Kasalukuyan na kaming nakaupo sa maliit na lamesa. Magkatapatan kami ni Zen habang nasa gitna namin si Divina na may malaking puting panyo sa kanyang kasuotan para hindi madumihan. Nakatali nang mataas sa magkabilang tagiliran ng kanyang ulo ang kanyang makapal na buhok.
Sa tuwing nagkakaroon ng pagkain sa pisngi si Divina ay walang tigil sa pagpunas sa kanya si Zen. Siya rin ang naghahati ng mga pagkain at nagsasalin ng inumin kay Divina, halos subuan na niya si Divina na marunong na naman kumain mag-isa.
Divina's happily playing her legs under the table. Ngiti siya nang ngiti sa ginagawa ng Papa niya sa kanya. "I love you, Papa . . ."
I rolled my eyes. These Sutils in front me, parang hindi nag-aaway.
Hindi na nakasagot si Zen dahil sa akin naman lumingon si Divina. Akala ko ay sasabihan niya rin ako ng mga salitang ibinigay niya kay Zen, pero katanungan niyang hindi ko inaasahan ang narinig ko.
"Mama, what is grandmother like? Grandmother Queen was so kind. I missed her! How about my Mama's mama?"
Hindi pa man ako nakahahanap ng sasabihin kay Divina, kapwa na kami nagulat at napatitig kay Zen. Dahil sa biglang pagkabagsak ng kopitang kanina ay hawak lang ni Zen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top