Chapter 3
Chapter 3: Fight
Tuwing gabi ay madalas kaming magsama-samang mga babae sa isang silid kung saan ay nagagawa namin mag-usap ng mga pangyayari sa loob ng Nemetio Spiran na walang halong opinyon ng mga lalaki.
Iba pa rin kasi ang usapan kapag kaming mga babae lang sa palasyo ang nag-uusap.
Kung dati'y higit na mabibigat na suliranin ang umiikot sa aming usapan, ngayon ay madalas ay tungkol na sa mga bata. It might be tough to be a parent, but in this kind of conversation we often smiled and laughed.
Even without kids, Harper, Kalla, and Naha had been enjoying our topics when it came to Divina, Dusk, Dawn, and Leviticus.
Who would have thought that after those wars I'd see this happiness between all of us?
"It's not just Caleb and King Dastan. The princesses have their other accomplice here," ani ni Lily.
Lahat kami'y napalingon kay Naha na inosenteng nagsasalin ng alak. She pretended not to notice our gazes. Instead, she slightly raised her glass and sweetly smiled. "Anyone?"
We sighed in unison.
Ilang beses ko na rin narinig si Evan na nagrereklamo at sinasabing may inaalagaan din siyang pasaway, kaya hindi na siya nagtaka nang magkasundo sina Naha, Divina, at Dawn.
"Come on, I am not their accomplice. Pinagsasabihan ko rin naman sila," kibit balikat na sabi niya.
"Where are they right now? Simula kaninang umaga'y hindi ko na nakita ang dalawang pasaway na batang iyon," naiiling na sabi ni Lily.
"Of course, they're hiding behind Dastan's power," sagot ko.
Kaninang umaga lang nang pakialaman ni Divina ang aking libro at sinubukan nitong gamitin ang impormasyon doon sa kanyang magaling na tiyuhin. Sa kasamaang palad, kung saan na napadpad si Caleb at wala ni isa sa amin ang nakakaalam kung nasaan ang paboritong tiyuhin.
"But they shouldn't be tolerated like that. Hindi biro iyong aklat na ginamit ni Divina," dagdag ni Kalla.
Kapwa kami napatango ni Lily.
"Don't worry. I'll talk to my fellow It Girls na super wrong sila sa ginawa nila."
Napangiwi ako sa narinig mula kay Naha. "It Girls?"
Hindi maipinta iyong mukha ni Lily habang si Harper ay nagpipilit na hindi matawa. Kahit sina Kalla at Leticia ay tila nalito sa sinabi ni Naha.
"Oh, what I mean, sa mga cute kong mga pamangkin."
"Leticia, can you talk to Dastan. Can you please tell him that he shouldn't tolerate and spoil our kids?"
Tumango si Leticia. "Susubukan ko."
"Sana'y nasa mabuting kalagayan si Caleb sa mga oras na ito," kumento ni Harper.
"He should be! Tulad nga ng sabi ni Dastan, hindi siya maglalaho kung hindi rin dahil sa kanya," marahas napabuga ng hangin si Lily.
"Bago ako magpaalam kay Dastan at sabihin na patungo ako rito, kung hindi ako nagkakamali ay pinagsasabihan na niya iyong dalawang bata," sabi ni Leticia na biglang nagliwanag ang dalawang kamay.
Lahat kami'y dumungaw sa ipinakikita ng liwanag mula sa kamay ni Leticia.
And there, we saw the princesses sitting on the floor with folded legs and hands tightly sealed on their laps. Both of their heads were looking down at the floor while trying to suppress their cries. Nasa gitna rin nila si Leviticus na ginagaya ang pagkakaupo nila.
Si Haring Dastan ay nakatayo sa harap ng kanyang lamesa at bahagyang nakasandal doon, nakakrus ang mga braso at seryosong nakatitig sa dalawang pasaway na prinsesa.
"Not because I saved you from your parents means that you'll be free from what you've done," panimula ni Haring Dastan.
Susundan niya pa sana iyon nang biglang may kumatok sa pintuan. King Dastan rolled his eyes.
"Come in!" Iritableng sabi nito sa kumakatok.
Sa una'y mabagal na paggalaw ng pinto ang siyang aming nasaksihan, hanggang sa unti-unting sumungaw ang mukha ni Zen. Sa halip na kay Dastan ang kanyang atensyon, agad tumaas ang kilay ni Zen nang makita iyong dalawang prinsesa na nakatungo at hindi makalingon sa kanya.
"I got your important papers from Parsua Deltora, Your Majesty."
"Put it here," tipid na itinuro ni Dastan ang kanyang lamesa.
"Okay."
Pasipol-sipol pa si Zen sa pagpasok sa silid-aklatan ni Kamahalan at sinadya pa niyang dumaan sa mas malapit doon sa anak niyang pasilip-silip sa nang-aasar niyang sutil na ama.
Ibinalik ni Dastan ang atensyon niya sa dalawang bata habang si Zen ay mabagal na naglalagay ng papel sa lamesa.
"Paano kung higit pa sa pagkawala ang nangyari? What if it was not your powerful uncle? I am very disappointed, Divina. That is an enchanted book. It's not for kids like you."
Sabay tumango sina Divina at Dawn. Ganoon din si Leviticus na hindi pa naman naiintindihan ang nangyayari.
Napahinga ako nang maluwag nang makitang pinagsasabihan na naman pala sila ni Dastan. Dahil kapag si Zen ang susubok na pagalitan si Divina sa tuwing nakakagawa ng kasutilan ang bata, nagtatalo lang sila.
Divina was not afraid of her Papa. Dahil sa tuwing pinagsasabihan siya ni Zen, agad rin naman niyang inaalo kaya hindi siya sineseryoso ng bata. Zen was unknowingly spoiling our baby.
"And with Dawn? What would happen if it was Dawn or Dusk?"
Pilit pinipigilan ni Divina na umiyak pero napigtas din ang pagpipigil niya nang nagtama ang mga mata nila ni Zen na nakaupo na sa upuan ni Haring Dastan habang nakataas ang paa sa lamesa at may hawak na libro.
The very good father just stuck his tongue out to annoy his daughter.
Hagulgol na si Divina. Itinuro niya si Zen. "S-si Papa . . . King Dastan . . ."
Dalawa kami ni Lily na napamura habang nanunod.
"Bata ba iyang si Zen? Bata?" Gigil na sabi ni Lily.
Naniningkit ang mga mata ni Dastan na lumingon kay Zen. "Why are you still here?"
Mabilis pinalitan ni Zen ang hitsura niya at seryosong tumungo sa hawak niyang baliktad na aklat. "I need to tell you something. I can wait."
Iling nang iling si Divina. "No . . . King Dastan. Papa's . . ." hindi na itinuloy ni Divina ang sasabihin niya at inilabas niya rin ang dila niya para sagutin ang Papa niya.
Nang tumikhim si Dastan, kapwa natigilan sina Zen at Divina. Ilang beses nagbuklat sa kanyang libro si Zen at yumuko na si Divina.
"What did I tell you when King Dastan is speaking?"
Sinisinok na si Divina habang sumasagot kay Dastan. "J-just listen. Don't talk and cry. Always listen . . ."
Ilang mga salita pa ang binitiwan ni Dastan para pagsabihan sina Divina at Dawn. Kung si Divina ay pilit nagpipigil ng pag-iyak sa tuwing magtatama ang mga mata nila ni Zen dahil inaasar pa siya ng magaling niyang ama, sina Dawn at Leviticus ay natatawa sa pinaggagawa ni Zen sa likuran.
"ZEN LANCELOT GAZELLIAN!" Agad ibinaba ni Zen ang aklat sa lamesa. Napatayo mula sa kanyang upuan at yumuko kay Dastan para magpaalam.
"The meeting can wait until tomorrow, Your Majesty."
Napapamsahe na lang sa kanyang noo si Haring Dastan nang umalis na si Zen sa kanyang aklatan.
"Dapat talaga ay isa rin si Zen doon sa mga nakaupo at nayukong pinagsasabihan ni Dastan," ani ni Lily na agad kong sinang-ayunan.
Halos isang linggo rin naging paulit-ulit na usapan ang pagkalaho ni Caleb sa loob ng palasyo. Hanggang si Dastan na mismo ang nagsabi na hindi na namin kailangan mag-alala dahil nasisigurado niyang makababalik mag-isa si Caleb.
"Isn't he a bit unfair? Noong nawala si Finn, wala daw tigil sa paghahanap sa kanya," sabi ni Evan.
"Maybe Finn's disappearance was not part of his plan?" sagot ni Casper.
"And Caleb's what?"
Nagkibit balikat si Casper. "Just my opinion."
Lumipas pa ang ilang linggo at hindi na ganoon kabigat ang usapan tungkol kay Caleb, pero sina Divina at Zen, hindi pa rin nakakausad. Lalo na't ngayon na umalis muna sina Lily at ang kambal para roon muna tumigil sa pamilya ni Adam.
Silang mag-ama na lagi ang magkasama.
Ilang beses akong napapikit at halos hindi ko na maintindihan ang binabasa ko dahil sa mainit na sagutan ng dalawang sutil sa buhay ko.
"Why are you always hiding behind King Dastan? Sa tingin mo ba'y hindi ko napapansin na sinasadya mong matulog sa silid ng hari't reyna para hindi kita mapagalitan, napakasutil mo talaga!"
Nakapamaywang si Zen habang nakatungo kay Divina. Si Divina naman ay namumula na naman ang ilong at malapit nang umiyak.
"King Dastan is kind. Ikaw, Papa, lagi mo akong inaaway! I hate you! I said I am sorry! I am also sad that Uncle Caleb is missing! Paulit-ulit ka na lang, Papa!"
"Then why did you try to use that book? Paano kung hindi si Caleb ang nawala? Paano kung ikaw? Divina naman! Sobrang sutil mo na talaga!"
"Paulit-ulit na lang, Papa! Paulit-ulit na lang! Nabibingi na si Divina! Nabibingi na 'ko!" Gigil na sabi ni Divina na may pagpadyak na sa sahig habang pilit tinatakpan ang tainga.
"Ipamimigay na kita. I'll have my new baby. Hindi na sutil katulad mo," nanlaki ang mga mata ko.
"Zen!"
Humagulgol na si Divina. "I will find another Papa!"
Dahil pikon naman si Zen, biglang nagningas ang mga mata niya at lumabas ang pangil niya sa harapan ng kanyang luhaang anak na napasigaw at tumakbo sa akin.
Yumakap sa akin si Divina. "Papa's scary . . . he's getting ugly again."
Napangiwi si Zen nang hawakan niya ang pangil niya. "You have these too. You're a vampire. You're also ugly then."
"No," mariin ang iling ni Divina. "Kamukha ako ni Mama. Not Papa, he's ugly."
"Me? Divina Esperanza Amor Gazellian, you're not cute and pretty without your handsome father."
"Zen! Cut it off! Ako na ang nabibingi sa inyong dalawa ni Divina."
Maraming nagsasabi na ako nga raw ang kamukha ni Divina, ngunit sa paglipas ng mga araw at habang lumalaki na ang aming prinsesa, tila lalong nabubuhay ang dugo nitong Gazellian. She's starting to look like the little female version of Zen.
Kahit si Haring Dastan ay minsan nang nasabi na higit niya nang nakikita ang batang bersyon ni Zen kay Divina.
Zen sat across our sofa. He lazily sat and leaned his back, crossed his legs, and rested his other arm on the armrest while looking at us.
"Hindi na kami bati ni Papa. Lagi niya akong inaaway, Mama."
"Because you're—" Pinanlakihan ko ng mga mata si Zen. "Alright."
Napabuntonghininga siya. "I'm just worried, Divina. That's it. I was never angry."
Zen was never angry. Yes. Dahil ang totoo ay naiinggit lang siya kay Dastan na isang sabi lang niya ay sinusunod siya ni Divina. Divina was too stubborn when it comes to Zen.
Hindi nagsalita si Divina at wala siyang tigil sa pasinghot.
"And I will never find another baby. You're my one and only," napaikot ang mga mata ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Magtatalo sila pero si Divina pa rin ang mananalo.
"Come here. Stop crying," umayos nang pagkakaupo si Zen at ibinuka niya ang kanyang mga braso.
Dahil isa pa rin namang sutil si Divina, mabilis siyang humiwalay sa akin at tumakbong mas umiiyak sa kanyang sutil na ama. Nakailang halik pa sa ibabaw ng ulo ni Divina si Zen na parang ilang taon silang mag-amang hindi nagkita.
Sobrang drama ng dalawang sutil.
"Am I not ugly?" Nahihirapang tanong ni Divina habang nakakalong na kay Zen at nagpapahid ng luha gamit ang dalawa niyang kamay.
Dahil awang-awa naman si Zen sa sinapit ng luhaan niyang anak, tinulungan niyang punasan ng luha si Divina gamit ang mahabang manggas ng kanyang kasuotan.
"Of course. You're beautiful because you're my lovely daughter."
"Papa's handsome too! I will not look for another Papa! You're my one and only Papa."
Nagpaypay na ako sa aking sarili at napapailing na lang ako habang ibinabalik ang atensyon sa aking libro.
At nagkabati na nga ang mag-ama.
Nagpatuloy ang kapayapaan ng buong Nemetio Spiran, bagaman abala na sina Dastan at Leticia sa iba't ibang pagpupulong na kanilang dinadaluhan mula sa iba't ibang kaharian, hindi pa rin nila nakakalimutan na minsa'y dumalo sa maliit naming pagtitipon sa loob ng palasyo.
Kasalukuyan namin kausap sina Dastan at Leticia sa loob ng ikalimang silid-aklatan, habang abala si Divina na nakadapa sa sahig na may latag na puting carpet at natutuwang kinukulayan iyong mga librong ibinigay sa kanya ni Naha.
Levi's beside her. Kanina pang kinukulit ni Levi si Divina na hindi siya pinapansin.
Levi tried to pull Divina's hair. "Levi, don't pull my hair," sita ni Divina na abala pa rin sa pagkukulay.
Pero dahil mukhang nanggigigil na si Leviticus sa kanya mas lumakas ang paghila sa kanyang buhok.
"Levi!"
Tawa nang tawa si Leviticus. Lumapit na si Leticia at inihiwalay ang prinsipe kay Divina na hawak iyong nagulo niyang buhok. Kinuha naman ni Zen si Divina at ikinalong niya na rin sa kanyang kandungan.
"Where are we again?" tanong ni Zen.
Huminga ako ng malalim. It was me who asked for this meeting. Alam kong dapat din itong malaman nina Dastan at Leticia.
Or maybe Leticia could also sense it?
"I know that the blue fire is getting weaker, na kahit sa panaginip ay nahihirapan na rin siyang makipag-usap. But I think she's getting worst . . ."
Nag-aalala ako sa iba pang itinakdang babae. They need the goddess of the blue fire's guidance.
"How can we help her?" tanong ko kay Leticia.
Napatitig lang sa akin si Leticia. "Sinubukan ko siyang kausapin, tawagin, pero pareho tayo ng nararamdaman sa kanya."
"Her presence is declining," dagdag ni Zen.
"Who was her last encounter?"
"Si Rosh," sagot ni Leticia.
"We should invite him as well as his brother. It should be Tobias's mate, right? She should arrive after you," ani ni Kamahalan.
Tumango ako sa sinabi ng hari.
"If she can't arrive through the proper process, why not use the same method? I'll try to suggest it," sabi ni Zen dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya.
Sino nga ba ang nagpadala ng tatlong kapatid sa mundo ng mga tao dahil malapit na siyang mamatay?
Nag-angat ng kilay si Haring Dastan. Tipid na natawa si Leticia dahil hindi na rin lingid sa kaalaman niya ang pangyayaring iyon.
Hinintay kong magbaba ng desisyon si Dastan, at umaasang may iba pa siyang plano, ngunit mukhang nais niyang maulit muli ang ginawa nila noon sa akin.
"He can ask Pryor and some of your brothers for help," dagdag niya pa.
Sino nga ba ang pinag-uusapan namin? It is his best friend. Of course, King Dastan would to everything to extend his help.
Sabay kaming napabuntonghininga ni Leticia.
Tumanaw na rin ako sa labas ng bintana. Dapat ba na higit naming isipin ang babaeng itinakda para kay Tobias higit sa pagkawala ni Caleb?
Sumulyap ako kay Haring Dastan. Why was this king not bothered at all?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top