Chapter 2

Chapter 2: Vanished

"I highly suggest a second princess, Zen. An enchantress from Parsua Avalon predicted that a newly born princess from our bloodline would bring good fortune to our empire," King Dastan said in his serious tone before sipping blood from his golden chalice.

Handa na sana kaming matulog ni Zen nang may tagasunod na kumatok sa aming silid at sinabi nitong nais kaming makausap ng hari.

My original plan was to seduce Zen and make him spill everything about his previous talk with Seth, Blair, and Rosh. Pero mukhang may sarili rin misyon ang aming hari.

Katahimikan ang bumalot sa amin at pinili kong hindi magsalita. I waited for Zen's answer. Pero kung ako ang tatanungin at bibigyan ng ideya ng hari, hindi na ako magdadalawang isip.

If it was really necessary, why not grant him? Isa pa, malaki na si Divina, hindi na masamang sundan siya.

But as what I'd expected. . .

Muntik nang maibuga ni Zen ang kanyang iniinom na dugo.

"Are you serious? Bakit ako na naman, Dastan? You can ask Lily and Adam or Kalla and Finn! We have Naha and Evan too! Can't you see? I'm still struggling with Divina."

Tuluyan nang ibinaba ni Zen ang kopita at nawalan na siya nang gana sa pag-inom ng dugo.

"Why? Divina is a sweet little angel," nawiwiling sagot ni Kamahalan.

Napaangat ang isang kilay sa narinig mula sa hari. As a powerful vampire king, it was quite odd for him to use another creature's title as a metaphor for a vampire.

Well? What would I expect from King Dastan? Lahat ng nilalang ay pantay-pantay sa kanya. He was the most powerful king of Nemetio Spiran after all. He praised every creature and never favored anyone.

Nanlaki ang mata ni Zen na parang hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang kapatid.

"Your Majesty, I beg to disagree," nakakuyom na ang mga kamay ni Zen na parang ang usapan nila ni Kamahalan ay tungkol na naman sa isang malaking digmaan.

It's all about having another princess. Bakit ba ang laki ng trauma nitong si Zen kay Divina? Sila na nga lang laging mag-ama ang magkasama.

"W-what, Zen?" umangal na rin ako.

I could agree that my little Divina was sutil, and I would never disagree with King Dastan if he called Divina our sweet little angel. Ano ba ang problema nitong si Zen?

"Our daughter is not an angel, Claret. She's a vampire with fangs," gigil na sagot ng prinsipe ng nyebe.

I rolled my eyes. "Seriously?"

"I am serious, Dastan. Hindi pa namin susundan si Divina. To hell with that enchantress! Why not you and Queen Leti—" Bago pa sundan ni Zen ang sasabihin niya ay agad ko na siyang siniko.

How could he suggest that? Queen Leticia was still in her recovery stage. She just came back from nowhere after Queen Talisha's disappearance. The only thing I heard about Queen Talisha was her letters to her children, and it was Dastan and Lily who dared to read them.

It was during our dinner, a week after Queen Leticia had returned with the lotus flower. King Dastan announced that Queen Talisha was now at peace and happy.

Mahirap man tanggapin pero siguro matagal na iyong pinagplanuhan ng reyna. Leticia tried to blame herself, but we, ladies of Gazellian, assured her that the Gazellian siblings would never blame her for everything that happened.

Bumuntonghininga si Kamahalan.

Ilang beses nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang magkapatid.

I couldn't blame Zen for his reaction. Dahil sa tuwing sinusumpong si Divina sa pagiging sutil niya laging siya ang napapag-abutan ng bata. Kaya lagi na lang silang nag-aaway at nahahantong sa hindi matapos-tapos na turuan kung sino sa kanila ang totoong sutil.

"Pero komplikadong magbuntis si Lily," katwiran ni Dastan.

"You can ask Kalla?" Pilit ni Zen.

"Hanggang ngayon ay nakararamdam pa rin ng takot si Kalla na magbuntis dahil hindi pa rin niya maiwasang isipin na posibleng lumabas sa kanyang magiging anak ang sumpang puti. She's still in her recovering stage as well. Yes, she's already free from the curse, but the fear is still there."

Nabalot muli ng katahimikan sa pagitan ng magkapatid. Nasisigurado ko na hindi lang kami ni Zen ang kinausap ni Kamahalan tungkol sa bagay na ito. Maybe he already had a conversation with his other siblings, at kami na nga lang ni Zen ang hindi niya nakakausap tungkol dito.

"What about Naha and Evan?"

Kahit si Zen ay saglit na nag-alinlangan nang banggitin niya ang dalawa.

"They're not ready to become a parent, Zen. Naha's still a headache to Evan," tipid akong natawa sa sinabi ni Kamahalan.

Napapailing na si Zen. "I am not ready to have two kids, Dastan! Hindi ka ba napapagod kay Divina? Ikaw ang madalas niyang lapitan," tipid na umiling si Haring Dastan.

He would never get tired of playing with the kids. Lalo na't ngayon na nagsisimula na rin maglakad si Levi.

The whole palace was in the high spirit. Hindi lang dahil sa pagbabalik ng reyna, kundi dahil sa mga makukulit na batang nakukuha ang lahat ng gusto dahil kakampi nila ang hari.

Mariin kong kinagat ang pang ibabang labi ko para pigilan ang aking pagtawa dahil sa lalong pag-asim ng mukha ni Zen. "You can't be serious. Araw-araw sumasakit ang ulo ko sa kanya."

Hindi na sumagot si Haring Dastan, sa halip ay nagsimula na ulit siyang maglagay ng dugo mula sa kristal na bote patungo sa kanyang kopita.

"Papa . . ."

Lahat kami ay napalingon sa sutil na bata na siyang pinag-uusapan namin. Agad gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.

My baby . . .

"I can't sleep."

Mabilis nawala sa tabi ko si Zen at agad niyang binuhat si Divina. That was it. Kahit buong araw silang mag-away mag-ama, sa huli silang dalawa rin ang maghahanap sa isa't isa. Alam kong mas malapit si Divina kay Zen, mas gusto niyang kalaro ang Papa niya at mas gustong katabing matulog.

But my stubborn little vampire would never admit it. Dahil lagi raw siyang sinasabihan ng Papa niyang sutil.

"Dastan, can we talk tomorrow?" tanong ni Zen.

"Of course, but please consider my suggestion," nag-alangan pa si Zen tumango sa hari bago siya lumingon sa akin.

"Claret . . ."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya habang nakayakap sa kanya si Divina. Humalik siya sa ibabaw ng ulo ng anak namin bago saglit naglapat ang aming mga labi.

Tipid na tikhim ni Kamahalan ang siyang kapwa nagpangisi sa amin ni Zen.

"Sleep tight, brother," paalam ni Zen bago namin tuluyang iniwan si Dastan sa loob ng silid.

***

Binuksan ko ang bintana ng silid aklatan. Sinalubong ako ng sariwang hangin, ingay ng mga nagliliparang mga ibon, at maging ang napakagandang hardin na inaalagaan ni Haring Dastan.

Tipid na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang matanawan ko sina Leticia, Dastan, at Leviticus sa ibaba. Buhat ni Kamahalan si Leviticus habang nakaangkla sa isang braso niya si Leticia.

King Dastan and Queen Leticia deserved this peace. Nemetio Spiran deserved their power. Everyone in this world deserved this silence and happiness.

Bagaman hindi ko pa rin masasabing perpekto na ang lahat matapos ipanalo nina Dastan at Leticia ang digmaan, ang lahat ng lahi at emperyong tutol pa rin sa pamumuno ni Dastan ay pinili na lamang manahimik at tumanggap ng pagkatalo. They witnessed how powerful Dastan and Leticia were during that war. Alam nilang wala nang makahihigit pa sa kanilang dalawa sa panahong ito.

Napatingin ako sa asul na kalangitan.

Those goddesses and their world Deesedayah was still a mystery for me. I asked Leticia about those innocent goddesses we freed from the tree of life they called En Aurete. Sinabi niyang hindi lang ang Deesedayah ang mundo ng mga diyosa. There were different types of worlds that we haven't discovered. Isa roon ay ang bagong mundong sasalubong sa mga inosenteng diyosang pinalaya namin.

Hindi na sana mawawala iyong pagtanaw ko sa hardin nang marinig ko ang dahan-dahang pagbubukas ng pintuan ng silid-aklatan. Agad umangat ang isa kong kilay nang makita ko ang likuran nina Divina at Dawn na parang may tinataguan. Kapwa may sakbat na bag ang dalawang prinsesa mula sa mundo ng mga tao na nasisiguro kong galing na naman kay Naha.

"Divina, are you sure that no one is—" bulong ni Dawn na pinatigil din ni Divina na nakasilip pa sa may pintuan.

"Shhh, Dawn! Mama might—"

"What's going on here?"

Halos mapatalon sina Divina at Dawn nang marinig ang boses ko. Nanlalaki ang mga mata ng prinsesa habang pinagmamasdan ako.

Pinagkrus ko ang aking mga braso.

"What are you up to?"

Sabay umiling sina Divina at Dawn sa akin.

Bumuntonghininga na lamang ako. "Just don't do something unnecessary, okay? What's in your bag?"

Pansin ko ang paghawak ni Dawn sa kasuotan ni Divina at ilang beses hinihila iyon.

"Mama! Aunt Naha gave us coloring books again!"

"Oh? Let me see."

Nang hindi gumalaw sina Divina at Dawn naningkit na ang mga mata ko. Akma na sana akong lalapit sa kanilang dalawa nang bahagyang nabuksan ang pintuan.

It's Caleb! The favorite uncle.

"Hello there, Claret," yumuko siya sa dalawang bata na nakasiksik sa pintuan.

"Dusk told me that you were looking for me."

"Yes! Yes! Uncle Caleb, we will teach you how to use crayons!" Nagtalunan sina Divina at Dawn kay Caleb kaya sabay niyang binuhat ang dalawa.

"Why not here? I want to see it too."

Agad bumulong si Divina sa tainga ni Caleb na mas lalong nagpataas ng kilay ko. Pero dahil isang dakilang kunsintidor si Caleb, gumawa siya ng palusot sa akin.

"Maybe later? They will teach me first!"

Aalma pa sana ako pero itinakbo na silang dalawa ni Caleb mula sa akin. Napamasahe na lang ako sa aking noo at dinala ang atensyon sa aklat na sana'y babasahin ko.

Buong akala ko'y marami na akong mababasa sa mga oras na iyon, pero nang sandaling muling mabuksan ang pintuan, iniluwa nito ang isa pang sutil.

"Claret. . ."

Umikot ang mga mata ko at hindi pinansin si Zen.

I thought he'd leave me alone, but he crossed the distance between us, and I just found him behind me, with his hands on my shoulders, and his lips starting to travel on my neck.

"Zen, I'm busy," itutulak ko na sana siya nang hawakan niya ang kamay ko at pinagpatuloy niya ang ginagawa niya.

"Divina's busy right now. She'll not interrupt us," he murmured between his kisses. Napapikit na ako at hinayaan ang sariling magpaanod sa kanyang magagaang halik.

"Did you agree with King Dastan?"

Nang sabihin ko iyon bigla na lang siyang tumigil sa paghalik sa akin. "Of course not!"

Napasandal na ako sa upuan at ngumisi sa kanya. "Are you sure?" Biro ko.

"Claret, we can't have a second child. Divina is already too much to handle, and I don't think you can risk your health again for another pregnancy."

Natawa na ako sa kanya. "What?"

"That's what I told my brother."

"Sa tingin mo ba ay maniniwala si Haring Dastan sa sinabi mo? Divina's already walking and talking! Sobrang sutil na nga. What do you mean by risk my health? I am completely fine."

Zen rolled his eyes. "Whatever."

"W-what?"

He was about to kiss me again to end this conversation when we were interrupted. I was expecting that it was the silly princesses again, but Naha and Evan showed themselves.

They were so occupied that they didn't even notice us. Naha was giggling while Evan was trying to kiss her, too.

Nanatiling nakayuko sa akin si Zen, ngunit ang atensyon namin ay naroon kina Naha at Evan. I thought we'd see more than kissing, but Evan noticed us quickly. He tried to move away from Naha, but his mate was too unbothered. Nanatiling naka-angkla ang mga braso ni Naha sa leeg ni Evan at kaswal kaming nilingon ni Zen.

"Hon, may nauna na sa atin."

"Yes," tipid na sagot ni Evan. Sinubukan niyang tanggalin ang braso ni Naha sa kanya pero hindi nagpatinag si Naha.

"W-we can move. Let's go, Zen."

"Huh? Nauna tayo," sagot ni Zen. Pero ako na mismo ang humawak sa kamay niya at sapilitan siyang hinila sa labas ng silid-aklatan.

When we returned to our room— a place where no one could bother us, I gave Zen his complete permission.

Nakatalikod na akong mabagal na sumampa sa kama habang ang mga mata'y hindi iniiwan ang sa prinsipe ng mga nyebe.

We could always grant King Dastan's wish. Isa pa, I really want to have a little prince too. Leviticus and Dusk were too adorable.

Kusang lumawak ang ngisi ng prinsipe ng nyebe nang makita niya kung paano ako mabagal na humiga sa kama habang unti-unting itinataas ang dalawang kamay upang ipiit niya iyon ng kanyang mga kamay at gawin ang lahat ng kanyang kagustuhan.

Prince Zen climbed our bed through his knees, with one of his hands unbuttoning his white long sleeves. He bared fangs and let his eyes glow in red. When he finally joined me and drowned me with his kisses, with our bodies freely roaming around our huge bed, I accidentally glanced at our side table.

Sa halip na haplos sa likuran ni Zen ang nagawa ko, bigla ko na lang siyang itinulak. Tila biglang namatay ang apoy sa katawan ko. "Get off me, Zen."

"Huh?"

I moved my head away from him when he tried to kiss me again. "My book."

"What's with your book? Don't you think it is not a good time to talk about your—"

"It's missing, Zen. Pull it out."

"No."

Nang humalik muli siya sa akin ay hindi na ako tumugon. Iritadong sinalubong ni Zen ang mga mata ko. "You can find it later."

"Later? You have a very silly daughter, Zen." Hindi ko na kailangan pa nang mahabang paliwanag, nanlaki ang mga mata ni Zen at kusa na siyang humiwalay sa akin.

"What the hell. . ."

Agad na kaming bumangon ni Zen at nagsimula nang magbihis. "We need to find her quickly!" Napamasahe ako sa aking sarili nang maalala sina Divina at Dawn kanina.

It couldn't be . . .

"She's with Caleb," sabi ko habang nagpapantalon si Zen. Ilang beses siyang napasuklay sa kanyang sarili.

"She's safe then. She's with Caleb." Pagkumbinsi niya sa sarili.

Lakad takbo kami ni Zen sa loob ng palasyo sa paghahanap kay Divina, bawat nakakasalubong namin ay sinasabi namin na kailangang mahanap ang mga bata dahil may hawak ang mga itong importanteng bagay.

Tumulong na rin sa paghahanap sina Evan at Naha na inabala ni Zen sa silid-aklatan. Maging sina Kamahalan at Leticia ay alam na rin ang nangyayari, ganoon din sina Finn, Kalla, at maging si Lily.

"Ikatlong silid-aklatan," ani ni Leticia na gumamit na ng kapangyarihan.

Buong Gazellian na yata ang kasunod namin ni Zen patungo sa ikatlong silid-aklatan. Malapit na kami sa silid kaya nagagawa na naming marinig ang usapan nila sa loob.

"Are you sure about this, Divina?" tanong ni Dusk.

"Divina has her practice!" Kumbinsidong sabi ni Dawn.

"Yes, yes! I am like my Mama! I can transport Uncle Caleb to the garden!"

"What if Uncle Caleb will transport to somewhere else?" tanong muli ni Dusk.

"Hmm . . . sabi ni Uncle Caleb he's powerful. He can come back," dagdag ni Dawn.

"Yes. Right, Uncle Caleb?" Ani ni Divina.

Caleb awkwardly laughed. Hindi kumbinsido sa naririnig na usapan ng kanyang mga pamangkin.

"O-of course, I am powerful. I can come back."

"See?"

Mas bumilis na ang pagtakbo namin ni Zen patungo sa silid. Nangangatal pa ang dalawa kong kamay nang aabutin ko na ang pintuan. Ngunit narinig ko na ang kakaibang lengguwahe sa maliit na boses ni Divina na minsan ko lang ginamit noon. Kasabay nang marahas kong pagbukas ng pintuan ay ang pulang liwanag na tumama sa katawan ni Caleb.

Napuno ng usok ang silid dahilan kung bakit inubo kaming lahat.

Nagtalunan sa tuwa sina Divina at Dawn. Ngunit nang sandaling unti-unting maglinaw ang kabuuan ng silid, tuluyan na akong napatulala.

"Uncle Caleb disappeared!" Natutuwa pang tumakbo sina Divina at Dawn sa may bintana para tanawin si Caleb sa hardin.

"I can't feel his presence anymore," usal ni Finn.

Doon na naagaw ang atensyon ng tatlong bata sa amin. Tumakbo na si Dusk sa may bintana para tingnan kung naroon nga si Caleb.

"Where's Uncle Caleb?"

Sabay lumaglag ang mga balikat nina Divine at Dawn, at higit pang namutla nang makita kaming lahat.

"Divina!"

"M-Mama . . ."

"What did you do?"

Lahat kami'y naagaw ang atensyon nang sabay nagliwanag ang kamay ni Leticia. She made a small circle while she's keenly staring at it.

"H-Hindi ko siya mahanap."

"Dawn!" Sigaw rin ni Lily.

Malakas na pag-iyak ng dalawang prinsesa ang umalingawngaw sa loob ng silid.

"Dastan," tawag ni Reyna Leticia kay Haring Dastan.

Ngunit nanatili lang nakatindig si Haring Dastan at hindi nagpapakita ng reaksyon sa nangyari.

Handa na kami ni Lily na pagalitan ang dalawang prinsesa nang tinawag sila ni Dastan. Kapwa kami umalma ni Lily. Hindi kami papayag na hindi mapapagsabihan ang dalawang prinsesa sa ginawa nila.

"Divina!"

"Dawn!"

Ngunit hindi na kami naririnig ng dalawang prinsesa, nagmadali silang nagtungo sa hari at yumakap sa binti nito.

"Did you Uncle Caleb say anything?" he asked in his usual tone.

Humihikbi na sina Divina at Dawn sa kanilang hari.

"Sabi ni Uncle Caleb he's powerful naman daw," sumisinok pa si Divina nang sumagot kay Haring Dastan.

"But that book is forbidden for you! Divina, naman! Come here. King Dastan, we can't tolerate our princesses like this," angil ni Zen.

"It's Caleb's fault. He shouldn't have agreed in the first place. He'll come back. Divina and Dawn will play with Leviticus today," madiing sabi ni Dastan bago niya kami iwan sa loob ng silid kasama ang dalawang pasaway na bata.

Tulala kaming lahat. Tipid na dumaan si Dusk sa gitna namin bago siya humarap at nagkibit-balikat. "I tried to stop them."

Napamasahe na lang ako sa aking noo. Iritableng lumabas ng silid si Lily habang sinasabing may ibabalita na naman siya kay Adam, si Naha na pasipol-sipol na agad sinita ni Evan at inilabas na rin sa silid. Tipid na nagpaalam sina Finn at Kalla.

"Susubukan kong kausapin si Dastan," ani ni Leticia bago kami iwan.

Muling napasalampak sa sahig si Zen habang walang tigil sa pag-iling.

"Susundan mo pa, Claret? Susundan mo pa? Look what happened!"

"Yes! Look at your daughter, Zen!"

"Our daughter, Claret!"

"Fine! Fine, our daughter! Why is King Dastan always like that? He's not even bothered!" Iritadong tanong ko.

Sinalubong ni Zen ang mga mata ko, and answered me with full sarcasm, "Because our daughter is a sweet little angel."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top