Chapter 10

Chapter 10: Meeting

"Maybe now it's all about our family."

Ilang beses iyon nagpaulit-ulit sa isipan ko. Kreios waited for my answer but all I did was stare at him. Iniisip ko pa lang na sisimulan naming tuklasin ang totoong nangyari sa pamilya namin, nagsisimula na akong kabahan.

We were already fine without knowing more about our family. Tahimik na si Kreios namamahala sa emperyong iniwan ng aming ama, masaya nang magkasama sa kabilang buhay sina lola't lolo. Hindi ba mas mabuting hayaan na lang namin ang lahat?

I also had my own family— a happy family with Divina and Zen. Ngunit paano nga kung tama ang kapatid ko? Paano kung ang puno't dulo nito ay hindi na mula sa pamilya ng mga Gazellian kundi sa aming pamilya na mismo?

"H-how can we even start, Kreios? Walang iniwan sa atin sina lola't lolo."

Huminga ng malalim si Kreios. Naupo na rin siya sa harap ng lamesa, sumandal at napatingala sa kisame. "We can do everything step by step, Claret. Ang mahalaga sa ngayon ay ligtas kayo rito ni Divina."

I glanced at Divina. Naroon sa pagkain ang kanyang atensyon, marahan kong hinaplos ang kanyang ulo. I'd do everything to keep my daughter safe. Kung ang pagtuklas sa totoong nangyari sa aming pamilya ang paraan upang ilayo siya sa kapahamakan ay gagawin ko.

***

Nang sandaling nagtungo kami sa Mudelior ay hindi na muli nagkaroon pa ng kakaibang presensiya at biglaang pagpapakita kay Divina. I spent most of my days reading books, while Divina's starting to mingle with the other noble children. Madalas din siyang hiramin sa akin ni Kreios kapag tapos na siya sa kanyang responsibilidad habang si Zen ay tumutulong sa mga militar ng Mudelior.

Hindi iilang beses na inisip kong bumalik na sa Sartorias dahil sa katahimikan na siyang nararanasan sa Mudelior. It was as if everything that happened few weeks ago was just a false alarm. Hindi rin naman pumapalya si Lily sa pagpapadala ng sulat sa akin upang magbahagi ng balita sa palasyo. I even asked her about the decoy that Finn, Casper and Harper made for us.

I could still remember how uneasy Zen was while we were waiting for the letter about what happened. Kahit si Kreios ay halatang hindi rin mapalagay habang nakatanaw sa bintana kung saan dadaan ang ibon na may dalang sulat.

"It's here!"

Hindi ko na nagawang hintayin pa na tuluyang makalapit ang itim na ibon, nagmamadali akong nagtungo sa bintana at agad kong itinulak iyon para pagbuksan ang ibon. Sumalubong ang napakalakas na hangin ngunit hindi ako nagpatinag habang tanaw ang paparating na ibon. Nang ilaglag nito ang sulat ay agad akong naupo sa aking upuan.

"The window!"

Iritableng tumakbo si Kreois sa may bintana, isinarado niya muna iyon bago nagmadaling lumapit sa akin. Sina Zen at Kreios ay mabilis nagtungo sa likuran ko at dumungaw sa papel na hawak ko. With Zen worried for his siblings and Kreios to his mate. Our eyes moved in unison as we read every word inside the letter, looking for critical news that would shake our peaceful life in Mudelior, but until we reached the last part of the letter all we received was Lily's concern for us, and how nothing happened when Finn, Casper and Harper volunteered to be our decoy.

We sighed in relief. Napasandal na lang ako sa aking upuan at napatayo nang tuwid si Zen habang tanaw ang bintanang dinaanan ng ibon na may tipid na ngiti sa kanyang mga labi.

"How could she have volunteered herself in that dangerous mission?!" Iritableng dumistansya si Kreios mula sa amin, tumalikod at ilang beses nang nagpapabalik-balik. He even pushed his cape backward to place his hands on his waist, looking impatient.

"Ang mahalaga ay ligtas siya, Kreios." sagot ko.

"And she's a Gazellian. You can never stop her once she decides on her decision," dagdag ni Zen.

Hindi na nagsalita pa si Kreios nang sabihin iyon ni Zen at iniwan niya na kami matapos mabasa ang laman ng sulat. Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang humanga kina Kreios at Harper, ngayong kilala na nila ang isa't isa at nasisiguro kong nagawa nang kagatin ang isa't isa, sa paanong paraan pa nila nagagawang mamuhay nang magkahiwalay?

Their patience for each other was truly unbelievable. Hindi ba sila nauuhaw sa isa't isa? I suddenly had an urge to ask my own brother. Ngunit kahit ang mga babae sa Parsua Sartorias ay iginagalang si Harper sa usaping iyon. The princess lived in the castle of Parsua Sartorias as if she hadn't found her mate. Mukhang sa paraang ito'y kaiba si Harper sa kanyang mga kapatid. She could control her thirst.

***

Nagpatuloy ang kapayapaan sa Mudelior at Parsua. Panay ang palitan namin ng sulat ni Lily o kaya ni Reyna Leticia.

"How about Uncle Caleb? I missed him." Iyon ang madalas ko nang naririnig kay Divina nitong nakaraang araw.

"Don't worry, I will ask King Dastan about him." Kung hindi si Haring Dastan ang isinasagot ko sa bata ay si Reyna Leticia.

Madalas na rin kaming magkasama ni Divina sa loob ng aklatan. Dahil maraming ipinabaong aklat sa kanya si Naha, hindi na siya nauubusan ng libangan kung walang batang maharlika ang bumibisita sa kanya.

Minsan ay bigla na lang nagpapakita si Kreois. With his typical suit, different from a usual king, the only thing that he used to retain was his cape, and he had this habit of pushing it behind his back as if I could see a dramatic actor who was about to enter a battle.

Kahit si Divina ay napapatitig kay Kreios sa tuwing lalabas ito ng silid at ginagawa iyon. Tulad ngayon, naupo na si Divina mula sa kanyang pagkakadapa habang tanaw ang kalalabas niya lang na tiyuhin na nagtungo lang dito para humalik sa ibabaw ng kanyang noo.

"Mama, why Uncle Kreios always like that?"

Tumayo na si Divina at ginaya niya ang paglalakad ni Kreios hanggang sa pintuan. She pushed her little gown dramatically as if there was a sudden wind that would make it move like what Kreios's cape did.

I laughed. "I don't know."

Tumakbo na sa akin si Divina at nagpakalong sa akin. She buried her face in my stomach. "Uncle is so handsome and funny sometimes."

"Well, he thinks he looked cool with that cape."

"Of course! He looks cool! It's just that his cape has magic! It moves when he turns back." Mas lalo akong natawa.

"Hinahawi niya lang iyon."

Dahil madalas kaming magkasama ni Divina sa Mudelior, bihira na lang sila magtalo ni Zen. Sa pagtatagal namin sa emperyong ito, alam kong mas nagkakapalagayan na ng loob sina Zen at Kreios.

Buong akala ko ay magtutuloy-tuloy ang katahimikan nang muli akong makatanggap ng liham mula kay Lily. This time, she gave us information about the situation of Parsua Sartorias that they tried to keep us.

Hindi ko pa man napapangalahati ang pagbabasa ng sulat ay ipinatawag ko na sina Zen at Kreios. Humahangos ang dalawa sa silid-aklatan at malalaki ang hakbang nila patungo sa akin. I opened the letter and allowed them to read the content. Mabuti na lang at ngayo'y mga batang maharlikang kalaro si Divina at hindi niya maririnig ang pag-uusap naming tatlo.

The letter had good news and bad news.

The good news was the return of Caleb together with his mate from a world named Fevia Attero, but the bad news, Iris and Rosh were left behind in that foreign world. They were trapped together with the unexpected news— another Gazellian.

It was also stated that it wasn't Divina's fault when Caleb was sent into the other world because everything was part of Caleb's prophecy to discover another world.

May sulat din si Leticia sa amin at humihingi ng tawad dahil hinayaan daw nilang sisihin ni Divina ang kanyang sarili pero habang binabasa iyon, hindi ko man lang naisip magalit sa hari't reyna, dahil kahit sabihin pa rin nila na nakasulat na iyon sa tadhana ni Caleb, hindi pa rin maaalis ang katotohanang sinubukan ni Divina na gamitin ang libro na hindi naman angkop sa kanya. It was still good for my daughter that what she knew that what she did was a mistake.

Ang higit na naapektuhan ng sulat ay si Zen. "There's another Gazellian . . ."

Masyadong mahaba ang naging sulat nina Leticia at Lily sa pangyayari sa Sartorias na binalak nilang itago sa amin dahil sa sarili naming suliranin, ngunit napagdesisyunan na rin nilang lahat na sabihin sa amin.

Sa huling parte ng sulat ay ipinaalam sa amin ni Leticia na magkakaroon sila ng komunikasyon mula sa mundo ng Fevia Attero.

"How are they going to rescue them?" tanong ni Kreios.

Umiling na ako sa tanong ng kapatid ko. Mahaba man ang ibinigay na sulat nina Leticia at Lily, napakarami pa ring katanungan na nabubuo sa isipan namin.

"Should I return? Should I help them?"

Napahilamos na sa kanyang sarili si Zen. Ilang beses siyang nagpabalik-balik ng paglalakad. Ito ang bagay na siyang ikinatatakot ni Zen na mangyari. Ang magkaroon ng suliranin ang kanyang mga kapatid na wala siya. Hindi na niya gusto pang muling maulit ang nangyari kay Lily. He was not there when Lily was about get beheaded.

Tumayo na ako at agad niyakap si Zen. He buried his face on my neck as his arms around me tightened. "You can go. Kreios and I can protect Divina."

"Go. I am here." Ulit ni Kreios.

Inihiwalay ko si Zen sa akin at tipid akong ngumiti sa kanya. "It's okay."

Huminga siya ng malalim at umiling sa harapan ko. "Before anything else, it should be you, and our daughter, Divina. Alam kong maiintindihan ni Dastan ang sitwasyon ko."

I wanted to tell him that right now, maybe King Dastan was regretting that he gave him the news. Alam kong kilalang-kilala ng hari ang sarili niyang kapatid.

"We can always communicate with them. Don't worry."

Matapos naming makatanggap ng liham mula kina Reyna Leticia at Lily, mas madalas na kaming nag-aabang sa bintana dahil sa ipinadalang ibon ni Kreios. Hanggang sa dumating na ang oras kung saan sinubukan na ngang magkaroon ng komunikasyon ni Reyna Leticia sa Fevia Attero.

With our request to witness the current situation we used the marbled pillar with a shallow basin on top, the water on it would reflect the happenings in Parsua Sartorias with Leticia's power.

Ngunit hindi katulad ng mga taga Parsua Sartorias na nagawa nilang ipakita ang sarili at makipag-usap kina Rosh at Iris na ngayon ay maliit na bula na lamang, at ang mga nilalang sa Fevia Attero, ang tanging nagagawa na lang namin ay makinig at manuod sa kanilang usapan.

"We need someone who will enter your uncle's world, King Dastan. You see, someone here is not cooperative," sabi ni Rosh.

"I will go. This time, allow me to lead this mission, King Dastan." Sabi ni Harper.

"No!" Sabay na sabi nina Zen at Kreios.

"What is wrong with your sister? How can she lead that mission? Ano ba ang pinaggagawa niyan?" Iritableng tanong ni Kreios.

"Dastan will not approve for sure—" Ngunit hindi na natapos ni Zen ang sasabihin niya nang sumagot na si Haring Dastan. "Yes. You can have this mission, Harper."

Hindi na nakatagal pa sa panunuod si Kreios dahil umalis na siya sa tabi ko, nagtungo na siya sa kanina kong lamesa at nagsimula na siyang magsulat ng liham sa napakabilis niyang kamay.

Nanatili pa rin kaming nanunuod at nakikinig ni Zen sa plano ng mga kapatid niya, ngunit nang muling nagsalita si Harper, bigla nang tumayo si Kreios, bumagsak iyong panulat niya at mabilis siyang dumungaw sa pinapanuod namin na may nanliliit na mga mata.

"Alright. I am fine with it. Basta wala akong kasamang kapatid. I can ask Tobias to come with me and if the other leaders need a voice of male authority, I can always introduce Tobias as a king of Parsua Deltora," masiglang sagot ni Harper.

Umawang na ang bibig ni Kreios at itinuturo na niya ang prinsesa sa harapan ni Zen. "She is literally cheating on me with that long hair!"

Umiiling na lang Zen sa harapan ni Kreios. When he turned to look at me to ask help, I just shrugged my shoulders. Sa totoo lang ay wala sa magkakapatid na Gazellian ang nais makialam sa komplikadong relasyon nila ni Harper.

"Huh? Aren't you aware that King Tobias is a king? He needs to stay inside his kingdom," sagot ni Caleb.

"He should have reminded her that she is already mated! Not him being a king!" Komento ni Kreios.

"Why don't you just go to Parsua Sartorias?" tanong ni Zen.

"Who else stays inside his kingdom? Kings do their journeys as well, right, King Dastan?"

"It's your choice, Harper. Just don't expect me to send a letter to Tobias."

Mas lalong suminghap si Kreios. "Why can't they remind her?"

"It's fine! He never says no to me. I can send a letter for him after this."

Hindi na muli nanuod si Kreios at malalaki ang hakbang niyang binalikan ang kanyang ginagawang sulat kanina. "That woman's aware that I am watching her! She's literally a vile Gazellian! Pretending to be innocent . . ."

Naningkit ang mga mata ni Zen sa kapatid ko. "Is he aware that he's talking about my sister?"

Hinawakan ko na lang ang braso ni Zen. Hindi na siya nagsalita pa at muli niyang pinanuod ang mga kapatid niya, partikular na ang bago niyang kinikilalang Gazellian.

"It must be too tough for him. I am glad they found him," mahinang sabi ni Zen.

Kung si Zen ay siyang nakatungo at pinagmamasdan ang mga kapatid, ako naman ay nakatitig sa kanya. Because the ice prince I knew before did everything to isolate himself even from his family, but now I could clearly witness how he started to melt that ice willingly.

I couldn't help but smile. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top