HA - CHAPTER 4
Hinihingal na huminto at napayuko si Rissa galing sa pagtakbo.
Ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabunggo sya ng isang lalaki.
Napaupo sya sa sementong sahig dahil sa impact nito.
"Oh God! I'm sorry!" Dinig nyang paghingi ng tawad nito.
Napatingin sya dito.
Papatayo na sana sya kaso naramdaman nya ang sakit sa pang upo nya kaya naman napa igik sya ng mahina.
"Let me help you. Fuck! I'm really really sorry! Hindi ko talaga sinasadya." Anito tsaka sya hinila patayo.
Kaso dahil siguro sa pagkabigla ay napa reklamo sya na masakit.
"Shit! Dahan dahan naman sa paghila! Ang sakit kaya!" Reklamo nya.
Napakagat labi naman ang kaharap.
"I'm sorry." Giit nito.
Inalalayan sya ng lalaki na tumayo dahil sa sakit ng pang upo nya.
"I'm sorry for what happen. Hindi kasi ako tumitingin sa tinatakbuhan ko nabangga tuloy kita." Maririnig mo ang sinseridad sa tinig ng kaharap.
"Let me carry until we reach your house." Pag bobolontaryo nito.
"H-huh?! Teka sandali!" Angal ni Rissa kaso ay hindi na sya nakapalag ng buhatin na sya ng lalaki ng bridal style.
Sa totoo nyan ay mabilis na ang pintig ng puso nya.
Nararamdaman nya din ang init ng palad nito na humaplos sa hita nya. Pakiramdam nya ay ligtas sya sa bisig nito.
Pinakatitigan nya ang lalaki.
Kita nya kung gaano kaganda ang hugis ng panga nito. Yung kulay itim ng mata nito. Yung magulong itim na buhok pero para sakanya ay ang lakas ng dating. Mahabang pilik mata. At makapal na kilay. Lahat ay parang perpekto pag dating sakanya.
"Ahm...Miss saan pala banda ang bahay mo?" Alanganing tanong nito.
Nagising sya mula sa pagkakatulala nito sa lalaki.
"Malapit na dito yon. Mga sampung bahay lang na lalagpasan ay doon na." Sagot nya dito.
"Talaga? Eh magkapit bahay lang pala tayo eh! Katabi ng bahay mo ay ang bahay ko!" Masayang anito.
Gulat naman ang rumehistro sa mukha nito.
"Talaga?" Tanong nya.
Tumango naman ang lalaking may buhat sakanya at tumingin sakanya.
Nagulat pa ito ng makita na nakatitig sya sa lalaki.
Ramdam nya kung gaano kabilis ang tibok ng puso ng lalaki.
"A-ahm...oo. Ngayon ko lang nalaman na magkapit bahay tayo. H-hindi kasi kita gaanong nakikita eh." Iwas sa matang utas nito.
Gusto sana nyang matawa ng makita nyang namula ang lalaki kaso wag nalang nakakahiya naman.
"Ohh. Pasensya na busy kasi sa work." Natatawang sagot nito.
"Work? Ano bang trabaho mo?" Takang tanong nito.
"Secretary sa Ashiela Business Company." Nakangiting sagot nito.
Nakita nya ang gulat sa mukha nito.
"W-wow!" Tanging salita na lumabas sa bibig nito.
Doon lang din napansin ni Rissa na kanina pa pala sya buhat nito.
"Ahm...Mister i don't know. Pwede bang paki baba na ako? Tutal hindi naman na masakit ang pang upo ko eh." Saad nya.
Doon lang din narealize ng lalaki na hindi pa pala sya nakakapag pakilala sa babae.
Binaba sya ng lalaki tsaka inilahad ang kamay.
"My name is Chester Yamazaki. And you are?" Nakangiting pagpapakilla nito.
"Rissa. Rissa Reyes. Nice to meet you and Thank you sa pag buhat sakin." Nakangiting pagpapakilala din nya tsaka tinanggap ang kamay na nakalahad sa harap nya.
"Nice to meet you too and Welcome." Nakangiting saad nito.
Doon lang din nya napansin ang dimples sa magkabilang pisnge nito.
Natetemp tuloy syang pindutin ito.
Napansin ni Chester ang pagkakatitig ni Rissa sa dalawang biloy nya sa pisnge.
Natatawa nalang sya dahil sa reaksyon nito.
Halata kasi ang pagkamangha nito habang nakatitig sa biloy nya.
Hanggang sa magulat nalang sya dahil sa pinindot nga nito ang biloy nya.
Napakurap kurap sya.
"Omygosh! Ang galing!" Tuwang tuwa na ani ng kaharal.
Para syang bata na binigyan ng candy.
Natawa nalang sya sa inasta ng kaharap.
Hindi napigil ni Chester ang pisilin ang pisnge nito.
"Ang cute mo. HAHAHAHA! Para kang batang pinagbigyan sa gustong gawin." Natatawang aniya.
Pinalo naman ni Rissa ang kamay nito.
"Masakit ah!" Reklamo nito.
Napamewang si Chester.
"Alam mo kahit ngayon lang kita nakilala ang gaan ng pakiramdam ko sayo. Ang ganda mo." Puri nya.
Namula naman si Rissa dahil sa sinambit ng kaharap.
Iwinaglit nya sa isipan yon tsaka humarap kay Chester.
"Alam mo. Ako din eh. So...friends?" Saad nya sabay lahad ng kamay.
Nakangiting inabot naman ito ni Chester.
"Friends." Aniya.
Napatitig na naman si Rissa sa biloy nito.
Muli na naman nyang pinindot ang biloy ng lalaki habang may nakapaskil na pagka mangha sa mukha.
"Fuck! Ang lupet!" Anito.
Natatawa nalang si Chester na lumayo kay Rissa.
"Hoy!" Angil ni Rissa.
Napatingin si Chester kay Rissa.
"Diba may pasok ka pa? Anong oras na oh! Tsaka nandito na tayo sa harap ng bahay mo di mo pansin?" Giit nito.
Napatingin naman si Rissa sa harap.
Doon nya napansin na nandito na nga sya sa bahay nito.
Hindi nya alam kung bakit pero nakaramdam sya ng lungkot.
Para kasing ayaw pa nya mahiwalay sa bagong kakilala nya.
"Para kang pinag sakluban ng langit at lupa sa itsura mo ah? Magkapit bahay lang tayo ano ka ba." Saad nito.
Napatingin sya sa lalaki.
"Sinong may sabi sayong nalulungkot ako kasi hindi malalayo ako sayo? Kaya ganito ang itsura ko ay dahil sa babalik na naman ako trabaho ko! Ka stress kaya!" Angil nito.
Napairap nalang sya sa kaharap.
Tumingin naman si Chester sakanya ng natatawa.
"Sus! Ayaw mo pang aminin na dahil sakin kaya ganyan itsura mo. HAHAHAHA!" Natatawang giit nya.
Hinampas nya si Chester sa braso.
"Kahit kakakilala lang natin halatang mapang asar ka na." Bakas ang iritasyon na utas nya.
Tatawa tawa naman si Chester habang sinasangga ang hampas ng kaharap.
"Relax ka lang babe ako lang toh." Natatawang giit nito.
Bumilis naman ang tibok ng puso ni Rissa dahil sa itinawag sakanya ng lalaki. Pakiramdam nya ang umakyat lahat ng dugo nya patungo sa pisnge nya. Namumula sya.
Inirapan nyang muli ang lalaki upang maitago dito ang pamumula nya.
"Ewan ko sayo! Papasok na ako ah? May pasok pa ako sa trabaho eh." Paalam nya.
Ngumiti naman si Chester na humarap sakanya.
"Ok. See you ahmm...later?" Patanong na giit nya.
"HAHAHA! See you later!" Paalam nya tsaka iwinagayway ang kamay habang pumapasok sya sa bahay.
Tumango naman si Chester at gumanti ng kaway habang nakangiting nakatanaw kay Rissa.
Hindi nya maintindihan kung bakit ganoon ang pakikitungo nya sa babae. Hindi naman sya ganoon. Masungit sya at walang pakialam pero pag dating sa babaeng bago palang nya na kakilala ay parang nag ibang tao sya.
Nakuha nya kung paano ngumiti, mang asar, at tumawa kasama ang babae.
Siguro ay may iba kay Rissa na wala sa iba.
At gusto nyang tuklasin kung ano nga ba ang nararamdaman nya tungo sa babae.
Gusto nyang tuklasin kung ano yun kasama sya.
NANG makapasok si Rissa ay napasandal nalang sya sa pintuan atsaka napangiti na para bang may magandang nangyari sa umaga nya.
Patalon talon syang nagtungo sa kusina upang ilagay ang plastic bottle na hawak nya.
Pagkatapos ay nakangiti syang nag tungo sa kanyang silid.
Hindi nya alam kung bakit ganito nalang ang asta nya sa araw na ito.
Siguro para sakanya ay maituturing na maganda ang araw na ito.
Nagsimula na syang kumilos para simulan ang panibagong araw na ito na sana ay sa magandang wakas din matapos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top