Dose

Narration...

"Look-"

"Hi, Mommy."

Lumapit ako sa kanya at hinapit siya sa baiwang para mapatawan ng isang marahang halik. Nanatili ang titig ko sa erpat kong nasa hagdan at nakatanaw sa amin habang nakahalukipkip. Lalong nanlisik ang mata ko nang makitang wala manlang reaction ang mukha niya.

Marahas akong tinulak ni Lilac at tinakip ang likod ng kamay sa kan'yang labi na akala mo ay first kiss niya iyon. Nagkibit balikat ako at inayos ang suot kong puting polo shirt.

Sa totoo lang ay ayaw ko sanang dumalo ng church hangga't may ganitong problema pa ako sa bahay. Nagi-guilty lang ako.

"Tamis." Bulong ko sa kanya at ngumisi.

Hindi maipinta ang mukha niya at sinilip pa talaga niya ang erpat kong nakatayo pa rin sa gilid ng hagdan. Bumuntong hininga ako at hinila na siya paalis doon.

"Don't look at him like that." Inis na bulong ko habang paalis kami. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa baiwang niya. "Ako ang tignan mo, Lilac. Huwag ang uugod-ugod kong tatay."

"Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, gan'yan pa rin ang iniisip mo, Look."

"Well, hindi ako mag-iisip nang ganito kung hindi iyon ang nakikita ko."

Malagkit silang magtapunan ng tingin ni Daddy habang kumakain kami kanina na akala mo ay may mu-munting sikreto silang, silang dalawa lang ang may alam.

Pagkarating namin ng church ay hindi na makangiti si Lilac.

"Siya na ba, 'tol?" Sinalubong kaagad ako ni Brake habang nasa gilid niya si Stella.

Tumawa ako. "Sira. Ikaw pa rin naman." Ngumuso pa ako sa kanya.

Mapagbiro at hindi nagsi-seryoso. Iyan ang tingin nila sa aking lahat dahil iyon naman talaga ako dati. Not until, dumating si Lilac sa buhay ko. Wala naman akong pakielam dati sa mga kabit ng tatay ko, ni-hindi nga siya makasama sa akin dito tuwing inaaya ko siya magsimba.

Pero nang makita ko kung gaano ka-bata si Lilac para sa kan'ya ay roon na ako na-alarma.

"Hi, paano mo nagustuhan si Look? Hindi ka ba niya ginayuma?" Nakalahad pa ang kamay ni Jael habang sinasabi iyon kay Lilac.

Ngumisi ako at binalingan ng tingin si Lilac na kanina pa tahimik at pa-simpleng ngumi-ngiti sa tabi ko.

"Mabait naman iyan si Look, minsan nga lang wala sa sarili. Pagtiisan mo nalang, okay?" Bulong ni She, pero narinig ko rin naman.

"Akala ko ba Brothers and Sisters tayo in Christ!" Banat ko dahil alam kong wala na silang panlaban d'yan.

Mula simula hanggang matapos ay tahimik lang kami. Naramdaman ko ang mahigpit niyang hawak sa akin tuwing napapatingin ako sa kanya.

Pumikit ako at nagdasal.

Lord, p'wede bang akin nalang 'tong babaeng hawak ko ngayon?

Ako nalang kasi, Lilac. Akin ka nalang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top