Wakas
Keanu Sherwood
● active now
Keanu Sherwood:
Hi, friend! :D
Keanu Sherwood set your nickname to Friendzoned 🎃
Friendzoned 🎃:
Trip mo talaga ako!
Ano nanaman, FRIEND?
Keanu Sherwood:
Wala. Haha. Labas tayo?
Friendzoned 🎃:
Ayako nga! Aasa nanaman
ako! Paasa ka pa naman.
Keanu Sherwood:
Hindi na. Haha.
Friendzoned 🎃:
Anong hindi na?
Hindi na tayo lalabas o
hindi mo na ako papaasahin?
You set his nickname to
Paasa 🐷
Paasa 🐷:
Ang gwapo ko namang
baboy! Hahahahaha.
Friendzoned 🎃:
Ewan ko sa'yo!
Iniiwasan kaya kita.
Paasa 🐷:
Wow. Wala akong idea
kung bakit ayaw mo
akong kasama. Hindi ko
alam kung iniiwasan mo
ako o hindi. Wow. Nice.
Friendzoned 🎃:
Sarcastic ka nanaman!
Paasa 🐷:
Tara. Labas na.
Friendzoned 🎃:
Masakit puso ko. Hindi ko
kayang bumangon.
Paasa 🐷:
Baka gusto mong
buhatin pa kita?
Friendzoned 🎃:
Hindi ko sasabihin na
gusto ko 'yon pero 'yon
talaga gusto ko hihi.
Paasa 🐷:
Ewan ko sa'yo haha.
May sasabihin pa sana
ako.
Frienzoned 🎃:
Sabihin mo nalang dito!
Paasa 🐷:
Sige.
Friendzoned 🎃:
Bah. Madaling kausap,
ah? Naks.
Paasa 🐷:
Magbabago na ako.
Friendzoned 🎃:
Ha? So, paki ko sana?
Paasa 🐷:
Hindi kita lolokohin.
Friendzoned 🎃:
.....
Paasa 🐷:
I like me better when
I'm with you~ 🎧
Friendzoned 🎃:
Ayan ka nanaman.
Dinadaan mo nanaman sa
kanta -.-
Paasa 🐷:
Mahirap para sa'kin 'to!
Friendzoned 🎃:
E, 'di 'wag mong gawin.
Paasa 🐷:
Pero gusto ko.
Friendzoned 🎃:
Ang gulo mo. Ano ba kasi
'yon?!
Paasa 🐷:
I like you nga!
Nakakahiya 🙈
Friendzoned 🎃:
Sus. Alam ko naman.
Pabebe ka lang talaga. Haha.
Paasa 🐷:
So?
Friendzoned 🎃:
So? S'yempre, choosy pa
ba ako!? Alam mo naman
na sagot sa tanong mo.
Hahaha.
Paasa 🐷:
Yiee hahaha.
:*
Frienzoned 🎃:
Aba, may pahalik na si
mayor. Juskupu.
Paasa 🐷 set his nickname to
Jael's ♥️
Frienzoned 🎃 set her nickname to
Kean's ♥️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top