95 ; celes
C E L E S
Wednesday | 09:20 pm
Kung hindi mo talaga ako sisiputin, hindi mo na ko makikita habang-buhay.
Napabuntong hininga ako habang binabasa ang chat n'ya.
Ilang beses ko na ba 'tong nabasa?
Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame.
Naghihintay ba talaga s'ya do'n? Totoo kaya ang sinabi n'ya?
Maraming katanungan na nabubuo sa isip ko at gulong-gulo na rin ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil 'di na ako makapag-isip ng matino.
Paano kaya kung nando'n nga s'ya? Tapos hindi ko s'ya sisiputin?
Tototohanin n'ya kaya 'yung sinabi n'yang hindi ko na s'ya makikita habang-buhay?
Paano kung totohanin n'ya nga?
Naiisip ko palang na hindi ko na s'ya makikita, nasasaktan na 'ko.
Pero siguro okay na rin 'yun, kasi 'di naman magiging straight ang bakla diba?
Baka nga pinagti-tripan lang talaga ako no'ng bakla na 'yun eh.
Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
-
10:29 pm
Harvey: CELES!
Harvey: CELES! ALAM KO NA ANG LAHAT! NALAMAN KO ANG KAGAGAHAN NG PINSAN KONG ANNIEMAL!
Harvey: Narinig ko silang nag-uusap ng kaibigan n'ya sa bahay nila!
Harvey: SIYA ANG NAGTAPON NG BULAKLAK AT COOKIES NA BIGAY NI GEORGE!
Harvey: Tapos narinig kong sinabihan ka n'yang tanga dahil naniwala ka daw agad sa sinabi n'ya kahapon.
Harvey: hindi ko alam yung sinabi n'ya sayo pero wag kang maniwala do'n!
Harvey: may balak talaga s'ya dahil may gusto yun kay George!
Harvey: MAGALING TALAGA UMA-ACTING YUNG GAGANG ANNIE NA YUN KAYA WAG KANG MANIWALA DO'N!
Harvey: Wag kang mag-alala, natikman n'ya na ang sabunot ko kanina muahahahaha!
Harvey: HOY CELES! PARANG-AWA!
Harvey: PUNTAHAN MO NA SI GEORGE KUNG AYAW MONG HINDI NA TALAGA S'YA MAKITA FOREVER AND EVER!
Harvey: GO CELES! ISUKO MO NA ANG BATAAN!
Harvey: ESTE PUNTAHAN MO NA S'YA!!
Harvey: Mahal na mahal ka no'n kung alam mo lang.
Harvey: umiyak nga 'yun samin noong mga panahon na iniiwasan mo s'ya.
Harvey: kaya Celes, sana naman bigyan mo ng chance si fafa George.
Harvey: ang laki na nga ng pinagbago n'ya eh kaya wag mong sabihin na hindi pwedeng maging straight ang isang baklush gaya n'ya.
Harvey: HOY CELES!
Harvey: OMAYGAT?! TULOG NA BA U KAYA HINDI KA NAGRE-REPLY O NANGSI-SEEN MANLANG?!
Harvey: NAIWAN MONG NAKA-ONLINE ANG FACEBOOK MO?!
Harvey: OMAYGAT! PAANO NA SI GEORGE KUNG TULOG KA NGA?!
Harvey: HALUGHHHHH?!! BAKA SUMAMA NA NGA SI GEORGE SA ATE N'YA SA PARIS GOSH HUHU 😭
Harvey: CELES!!!! GISING!!!!!
-
Naalimpungatan ako dahil sa sobrang lamig.
Napabalikwas ako ng upo ng ma-realize ko na nakatulog pala ako.
Shit! 11:45 na pala!
Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang messenger ko.
Naiwan ko na naiwan ko palang naka-online ang messenger ko.
Napansin ko naman na tadtad ng chat si Harvey sa akin na pinagtaka ko. Binuskan ko 'to at isa-isang binasa.
Napalaki naman ang mga mata ko sa sinabi n'ya.
Like what the f? Pinaniwala lang pala ako ni Annie kahapon? Akala ko seryoso s'ya.
At s'ya din pala ang nagtapon ng cookies at bulaklak?
Anniemal nga s'ya, napaka-anniemal!
Binasa ko pa ang ibang chat ni Harvey at napapikit nalang ako dahil parang unti-unting nababasag ang puso ko.
Iniyakan n'ya 'ko?
Napatayo ako bigla at tinignan ang orasan.
11:53 pm
Hintayin mo ko George! Please 'wag kang sumama sa Paris!
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto ko.
Tatakas muna ako para sa bebe q.
Nang makalabas ako sa kwarto, maingat akong humakbang at bumaba sa hagdan.
Nang makalabas na 'ko ng tuluyan, napahinga ako ng malalim.
"Success!" mangiyak-ngiyak kong sabi.
Tinignan ko ang daan at hindi naman masyadong nakakatakot dahil may mga poste ng ilaw naman.
Huminga muna ako ng malalim saka tumakbo na papunta sa park na malapit sa school.
Medyo malapit naman 'yun dito kaya okay lang na takbuhin ko.
Bebe q, nand'yan na 'ko.
Saglit pa ay huminto na 'ko sa pagtakbo dahil nandito na 'ko sa park.
Hingal na hingal ako habang ang mga kamay ko ay nasa tuhod ko.
Napa-dashi run run pa 'ko ng 'di oras!
Nang makabawi na 'ko ay tinignan ko ang buong paligid pero maski anino n'ya, wala akong nakita. Wala ring mga tao dito sa park.
"Nasa'n ka na?! Huli na ba ako?!" malakas kong sabi kahit wala naman akong kausap.
"Hindi na ba kita makikita habang buhay?" sarkastika akong tumawa.
"Bakit ba kasi nagpabebe pa 'ko?" napahinga ako ng malalim at kasabay nito ang pagpikit ko ng mariin.
"Huli na ba para sabihin ko sa'yong mahal na mahal kita at gusto na kitang pakasalan agad-agad?" napaupo ako sa damuhan at napaiyak.
"Bebe ko naman eh! Bakit ang bilis mong sumuko?"
"Ine-echos mo lang ba ako huh?"
"Ang sakit George, ang sakit grabe." napahagulgol nalang ako ng iyak at binunot ang mga damo
"Ito nanaman, ito nanaman ang leche kong luha."
"Anong drama 'yan? May paupo-upo ka pa d'yan sa damuhan." nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.
Pinunasan ko agad ang luha ko saka tumayo at hinarap s'ya.
"George?"
"Ako nga." nakangiti n'yang sabi.
"Ka-kanina ka pa ba d'yan?"
"Oo." nakangisi n'yang sabi.
Napaface-palm ako ng 'di oras.
"Ni-record ko nga eh."
"Bwiset!"
"Bumili lang ako ng pagkain sa 7/11 dahil 'di ko na talaga kayang tiisin ang gutom ko."
"Saka balak kong mag-extend ng isang oras pa at baka dumating ka."
"At ito na nga, nandito ka na nga." ngiting-ngiti n'yang sabi.
"Na-naghintay ka ba talaga sa 'kin?" tanong ko sa kanya at tumango naman s'ya.
"7 hours Celes, 7 hours."
"Si-sige na, uwi na 'ko! Pumunta lang talaga ako dito para sabihin na ayoko na talaga." aalis na sana ako ng bigla n'yang hinawakan ang kamay ko.
"Sa tingin mo ba papakawalan pa kita matapos kong maghintay ng 7 hours?" nakangisi n'yang sabi.
Nasaan na ba talaga ang baklang George? Bakit 'di ko na s'ya makita? That smirk huhu!
"Ah, eh." sabi ko habang nagkakamot ng ulo.
"Wala ka ng kawala, sabi ko naman sa'yo diba?"
"Ang cute mo pala 'pag naka-pantulog ka." nakangiti n'yang sabi.
Napalaki ang mata ko sa sinabi n'ya dahil ngayon ko lang na-realize na naka-short lang pala ako at maluwag na T-shirt.
"'Wag kang magsusuot ng ganyang kaikling shorts lalong-lalo na 'pag may lalaki."
"Dapat ako lang ang makakakita n'yan."
Mas lalo akong nagulat sa sinabi n'ya at agad kong binawi ang kamay ko sa kanya tapos yinakap ko ang sarili ko at lumayo ng kaunti sa kanya.
"Sino ang malibog sa atin ngayon? Ngayon mo sabihin sa 'kin, walangya ka!" naiinis kong sabi.
"Dati ikaw pero ako na ngayon." nakangisi n'yang sabi.
"Uuwi na 'ko! wala may nanalo na eh, masyadong ginalingan." maglalakad na sana ako pero hinawakan n'ya ang braso ko at bigla nalang akong yinakap.
"Alam mo ba na sa simula palang alam ko na ikaw talaga ang may-ari ng account na Kenneth?" sabi n'ya na nagpagulat sa 'kin.
Tumahimik lang ako at pinakinggan pa ang sasabihin n'ya.
"May kung anong nararamdaman na talaga ako sa'yo noon pa man pero 'di ko pa malaman kung ano 'yun."
"Pero ngayon alam ko na."
"Sa pang-siyam na account na ginawa mo, do'n na kitang sinimulang kausapin. Kunyari interesado ako sa pinsan mong gwapo pero sa totoo lang, natutuwa ako sa'yo."
"Naalala mo ba nung kinuha mo ang I.D ko? Galit na galit ako sa'yo sa chat nun' pero deep inside, natatawa nalang ako."
"At naalala mo ba noong uma-absent ka? Nag-alala talaga ako sa'yo dahil pakiramdam ko dinamdam mo talaga ang sinabi ko sa'yo tapos ni-reply-an mo lang ako ng period."
"Tapos no'ng partner kayo ni Darwin sa project at magkikita kayo sa 7/11. Alam mo ba na inis na inis ako ng panahon na 'yun? At alam mo ang nakakatawa? Pumunta ako no'n sa 7/11 at kunyari do'n kami magkikita ni Annie pero wala talaga kaming pinag-usapan ni Annie no'n."
"Talaga?" hindi ko na napigilan magtanong dahil sa mga nakakagulat na sinasabi n'ya sa 'kin.
"Oo, balak ko lang talaga na tignan ang gagawin n'yo ni Darwin pero buti nalang at 'di s'ya sumipot no'n kaya nasolo kita."
"Bwiset ka! Ba't ngayon mo lang sinabi sa 'kin 'yang mga 'yan? Ba't 'di pa noon?!" sigaw ko sa kanya at kumalas sa pagkakayakap n'ya sa 'kin.
"Nasa naguguluhan stage pa kasi ako no'n at hindi ko pa talaga noon makumpirma ang kung anong nararamdaman ko."
"Ngayon alam mo na." natatawa kong sabi.
"Oo, na mahal talaga kita at hindi na kita papakawalan habang-buhay." sabi n'ya at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya.
"Pwede na ba?"
"Baka may panis na laway pala ako. Kakagising ko lang kasi dahil nakatulog ako kakaisip." naiilang kong sabi dahil ang lapit-lapit n'ya na.
"Wala naman at kung meron man, 'di parin ako magdadalawang-isip na gawin 'to." nagulat ako ng bigla n'ya nalang akong halikan pero nakabawi naman ako at sinundan ang halik n'ya at napapikit nalang.
Napakapit ako ng mahigpit sa leeg n'ya dahil nanlalambot na ang binti ko.
S'ya naman ay humigpit ang hawak n'ya sa bewang ko at mas lalong linapit n'ya sa kanya.
Palalim na ng palalim hanggang sa makarinig nalang kami ng flash ng camera kaya napatigil kami at agad kaming napahiwalay sa isa't-isa tapos pareho naming hinabol ang mga hininga namin.
"Putangina!" napamura si George dahil nakita n'ya ang apat na bakla n'yang kaibigan sa likod ng puno.
Si Jasper, Luke, Harvey, at Vincent.
"Naging bakla ka ba talaga George? Ba't ang galing mong humalik? Saan mo natutunan 'yan? Share naman!" sabi ni Vincent.
"Tangina n'yong apat! Isama n'yo na pati mga kapit-bahay n'yo!" inis na inis na sabi ni George.
"Relax lang Fafa! 'Yung halikan session lang naman ang naabutan namin! Malay ba naming may nauna pa kayong ginawa?" sabi ni Harvey.
"Sisipain ko kayo!"
"'Di na virgin ang mata ko inay!" sabi ni Luke kay Jasper.
"Anak, 'wag mo kong pinaglololoko, nanonood ka ng yadong I know!"
"Hindi kaya!"
"Magsilayas na nga kayo dito!" sabi ni George.
"Calm your tits fafa! Pwede naman kayong mag-check-in sa hotel! Parang-awa, 'wag dito sa damuhan!" Harvey
"Sisipain ko na talaga kayo!"
"Oy George, uwi na 'ko at baka nalaman na ng magulang ko na wala ako sa kwarto ko." sabi ko kay George.
Napahinga ng malalim si George at hinimas ang pisngi ko.
"Marami pa kong gustong sabihin sa'yo pero siguro sa ibang araw nalang."
"Maraming gustong sabihin nga ba o maraming gustong gawin?" tanong ni Jasper.
"Tangina mo!" sabi ni George at tumawa nalang ang apat.
"Tayo na ba Celes?" biglang tanong n'ya.
"Manligaw ka pa."
"Ay! So ganon? Nauna pa ang laplapan kesa sa maging mag-on kayo?" natatawang sabi ni Jasper.
"Si baklang George kasi 'di na mapigilan lalong-lalo na ang alaga n'yang anaconda." natatawang sabi rin ni Vincent.
"Speaking of ahas, Celes alam na ba ni George kung sino nagtapon ng cookies at bulaklak?" tanong ni Harvey.
"Sino?" nagtatakang tanong ni George.
"Ang anniemal n'yang pinsan." mataray na sabi ni Luke.
"Siguro kakausapin ko si Annie. Celes, kausapin mo na rin si Darwin. Sabihin mo mamatay na kamo s'ya." sabi ni George kaya hinampas ko nga sa braso.
"Gago!"
"Joke lang!"
"Hatid n'yo na nga ako!"
"Sige babe." sabi n'ya at hinawakan ang kamay ko at hinila na papalayo sa apat.
-
Hello hello! Masyadong mahaba 'tong POV na 'to 😂 Bawing-bawi sa ibang POV's lmao 😂
Epilogue will be posted tomorrow ❤ So ayun lang, advance bye bye sa inyo 😭 Sana makita ko pa kayo sa Magnanakaw ng Gluta | m.yoongi at sa Childhood frenemy | j.jungkook
Sana makasama ko din kayo sa epistolary na ipapa-publish ko soon 💕
So, salamat po talaga kahit bilang sa daliri ko ang mga taong nagvo-vote 💕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top