90 ; celes

C E L E S

Tuesday | 3:09 pm

Naglalakad ako mag-isa palabas ng school. Absent si Maxy ngayon kaya wala akong kasabay.

Habang naglalakad ay may biglang humawak sa braso ko kaya napatigil ako.

Napapikit ako saglit at dahan-dahan s'yang nilingon.

Medyo nagulat ako sa dahil iba pala ang humawak sa 'kin, akala ko si George.

Agad naman akong nakabawi at hinarap s'ya.

“Anong kailangan mo Annie?” —mal, Anniemal.

Echos! Si Anniemal— este Annie ang partner dati ni George sa project. S'ya 'yung babaeng linalandi ng pasimple si George.

“Mag-usap tayo.” sabi n'ya.

“Kung tungkol 'yan kay George, wala akong panahon dahil sayong-sayo na s'ya.”

Narinig ko kasi sila ng mga alalay n'ya habang nag-uusap sila sa restroom last week.

Narinig ko na hindi ko daw deserve na habul-habulin ni George.

“Seryoso ang sasabihin ko.” sabi n'ya tapos hinila n'ya ko sa braso at pinaupo sa bench.

“Ano ba 'yun?”

“Tungkol kay George.”

“Wow, seryoso nga.” sarkastika kong sabi.

“Pero sorry, wala akong panahon d'yan kaya aalis na 'ko.” dugtong ko pa at tatayo na sana ako ng pigilan n'ya ko.

“Sure akong pinagti-tripan lang ni George.” napatigil ako sa sinabi n'ya at tinignan nalang s'ya ng seryoso.

“Sigurado akong balak ka lang n'yang gawing tanga.”

“Paano mo nasabi 'yan?”

“Celes, kahit kelan hindi magiging straight ang isang bakla, my goodness!” napatahimik nalang ako sa sinasabi n'ya.

“Celes, alam kong tinatarayan kita pero sinasabi ko lang ang maaaring mangyari.” seryoso n'yang sabi. Tumango ako sa sinabi n'ya.

“Celes, nasaktan ka na. Gusto mo bang masaktan ulit?” tanong n'ya kaya agad akong umiling.

“'Yun naman pala eh. Kaya habang maaga pa, lumayo ka na sa kanya.”

“Mag move on ka na.” sabi n'ya pa.

Kahit naiinis ako dito kay Annie, may part sa 'kin gusto kong maniwala sa sinasabi n'ya.

Totoo naman kasi lahat ng sinasabi n'ya.

Saan ka nakakita ng isang bakla na inaaway-away ka tapos biglang isang araw mahal ka na daw?

Isang kalokohan!

Hinawakan ni Annie ang kamay ko.

“Maniwala ka sana sa 'kin.” tumango ako sa kanya.

“Talaga? Naniniwala ka?”

“Oo”

“So, let's be friends? Hindi mo deserve ang isang bakla.”

“O-okay” malungkot na sabi ko.

Huminga ako ng malalim at tumayo na.

“Ingat ka Celes.” sabi n'ya at tumayo na din at naglakad sa ibang direksyon.

Handa na talaga kitang kalimutan George.

Kahit kailan ay hindi magiging straight ang isang bakla.

“Celes!” napalingon ako sa tumawag sa 'kin.

“Anong kailangan mo Harvey?”

“Nakita ko kayong nag-usap ng gaga kong pinsan.” iiling-iling n'yang sabi.

“Anong sinabi n'ya? Inaway ka ba ng gaga na 'yun?”

“Hindi.”

“Eh anong sinabi n'ya? Baka inuuto ka lang no'n. Tutuktukan ko talaga 'yun ng matauhan.”

“Don't worry, 'di n'ya naman ako inuuto.”

“Sure ka?”

“Oo”

“Okay, sabi mo eh.”

“Sige na, uuwi na 'ko.”

“Sige, ingat ka Celes!” tinanguan ko s'ya at tumalikod na 'ko.

“Si George hinahanap ka pala!” sigaw n'ya habang naglalakad na 'ko.

“Sabihin mo 'wag n'ya na kamo akong hanapin.” sigaw ko pabalik at kumaway sa kanya patalikod.

Wala kasi si George kanina sa last subject dahil may pinagawa sa kanya.

Sinusundan n'ya kasi ako tuwing dismissal na kaya hinahanap n'ya 'ko.

Siguro kung ako pa 'yung dating Celes, patuloy akong magpapakatanga.

Pero iba na kasi ngayon, natuto na 'ko sa katangahan ko.

5 parts nalang at malapit ng matapos 'to 😃 Thank you sa pagsuporta dito sa HBQ guys ❤ Kahit konti lang kayo mahar na mahar ko parin kayo dahil kayo ang nagbigay sa 'kin ng power para matapos ko 'to, thank you talaga ❤

PS: Sana suportahan n'yo din ang ibang Chat my heart series 💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top