79 ; celes

C E L E S

10:32 pm

"Saan mo ba ko dadalhin ha?" naiinis na sabi ko habang hila-hila ako ni George. Bigla s'yang napatigil tapos binitawan ang kamay ko.

Napatingin naman ako kung nasa'n kami. Nandito pala kami ngayon sa school garden.

"Kung nanti-trip ka, aalis na 'ko." sabi ko sa kanya at maglalakad na sana ako ng bigla n'ya nanamang hawakan ang kamay ko.

Ano ba George, nanghihina nanaman ako eh.

"Ibinalik na ba sayo ni Harvey si Flynn?"

"Sorry pero hindi ko tinanggap 'yun pati 'yung I.D at photo cards."

"Sa'yo na 'yun Celes, bakit mo ba binabalik?"

"Ayoko ng makakita ng mga bagay na nagpapa-alala sa'yo." sabi ko at hinila ang kamay ko mula sa kanya.

"Pwede bang bumalik na tayo sa dati?" mahina n'yang sabi pero tama lang para marinig ko.

Nagulat ako sa sinabi n'ya pero 'di ako nagpahalata at tumawa nalang ng sarkastika.

"Bumalik sa dati? You mean, babalik tayo sa dati para magawa mo nanaman 'yung mga kasinungalingan mo?"

"Celes, sorry." napapikit s'ya habang sinasabi 'yun.

"Gulong-gulo lang ako ng mga panahon na 'yun kaya kung ano-anong kasinungalingan ang nasabi ko sa'yo."

"Tapos?" naiinis kong sabi pero sa loob-loob ko pakiramdam ko gusto ko na s'yang patawarin.

Ano ba Celes, tama na ang katangahan please lang?

"Naguguluhan ako kasi.."

"Ano?"

Hindi s'ya nagsalita at tumingin lang sa malayo.

"Kung wala ka ng sasabihin aalis na 'ko at baka meron na tayong teacher." tumalikod na 'ko sakanya at nagsimula ng maglakad.

"Nagugulahan ako kasi pakiramdam ko mahal na kita!" napatigil ako sa sinabi n'ya at napapikit.

Ito nanaman ang bwisit kong puso, dumadagundong nanaman.

Dahan-dahan akong napalingon sa kanya.

"Jino-joke time mo ba 'ko?" natatawa kong tanong para itago ang nararamdaman ko.

"Hindi Celes, seryoso ako."

"Wala akong panahon sa kasinungalingan mong bakla ka kaya kung pwede 'wag mo na 'kong hihilahin? Kasi hindi na 'ko magpapauto sa'yo." sabi ko at tumalikod na ulit sa kanya at naglakad na ulit.

Pero nagulat ako sa sunod n'yang ginawa dahil yinakap n'ya 'ko mula sa likod.

"Celes, please."

Napapikit ako at kasabay no'n ang paglabas ng luha ko na kanina pang gusto tumulo.

"Pwede ba George? Tumigil ka na dahil pagod na pagod na 'kong masaktan."

"Mahal kita Celes." seryoso n'yang sabi.

"Imposible." sabi ko habang pilit na kumakalas sa kanya.

"Anong nangyayari dito?" may biglang nagtanong mula sa likod namin. Boses palang alam ko ng si Darwin 'to.

Kumalas sa 'kin si George kaya napalingon na 'ko kay Darwin.

"Celes, George?" nagtatakang tanong ni Darwin sa 'min. Mukhang hindi n'ya kami nakilala kanina tapos wala naman s'ya kanina sa room ng hilahin ako ni George dahil nasa practice s'ya.

Pinunasan ko ang luha ko.

"Teka, naiyak ka ba Celes? Hoy George! Noong Friday ka pa ha? Susuntukin na kita makita mo." naiinis na sabi ni Darwin.

"Pwede ba lubayan mo si Celes? Alam mo namang may gusto sa'yo 'yung tao tapos yayakapin mo? Edi umasa nanaman sa'yo 'yan?" dugtong pa ni Darwin.

"Ikaw ang lumayo kay Celes." seryosong sabi ni George na hindi mo aakalain na bakla s'ya.

"Ngayon nagpapaka-lalaki ka? 'Wag mo 'kong pinaglololoko dahil kahit kailan hindi magiging straight ang kagaya mo."

"Sino nagsabi?" seryoso pa rin si George.

"Ako, kakasabi ko lang diba?" natatawa pero naiinis na sabi ni Darwin.

"Talaga ba? Pero pasensya na dahil mali ka kaya pwede bang layuan mo na si Celes?"

"At bakit ko naman gagawin 'yun?"

"Akin na s'ya." sabi ni George tapos inakbayan ako.

Nagulat ako sa sinabi n'ya bahagyang napanganga.

-

Confirm, fafa na po si George 😊 HUAHAHAHAHA FINALLY!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top